Bato-bato sa langit, ang tamaan tanga...


Ang post na ito ay inspired by an FB status post and the photo is courtesy of Ms. Diane Mortel...

I officially declare December 8 as National Appreciation Day for Stupid Friends...

Ngayon ang pinaka-swak na pagkakataon upang kilalanin ang natatanging kontribusyon ng mga taong hindi matatawaran ang taglay na KATANGAHAN... 

Nawa'y ang lathalaing ito ay magdulot ng social awareness tungo sa pagkakapantay-pantay na pagtingin ng ating pamahalaan at sambayanan sa bawat Bonakid na nilalang... I also hope and pray that this post will push our legislators to enact law on Anti-Violence and Harassment Against Individuals with Below Average IQ.... Dapat NOW na!

On a more serious note, why not diba? Wala namang duda na well deserved na i-recognized ang presence ng mga kaibigan nating may kakulangan sa sharpness. For them, hindi common ang salitang common sense at kailangan nila ng umaatikabong paliwanag sa term na self explanatory. 

Hindi pangungutya ang kailangan nila. NO! Pang-unawa... Tulong... Pasensiya... 'Yan ang mga basic needs ng mga kapatid nating ang misyon sa buhay ay i-preserve ang kanilang brain cells na forever slightly used...

Aminin na natin... talamak nowadays ang mga taong ganito sa ating paligid... ang dumbness ay isa na ngayong epidemyang mas malala pa sa Dengue or SARS outbreak some years ago. Jofcors wala na tayong choice kung hindi mag-adjust for them.

Stupid people come in different sizes, shapes, genders and smell. If you want to live life safe and sound, it is a must that you are extra-sensitive when dealing with these slow fellaz. Kasi kung hindi, mahahawa ka dahil para silang mga Zombies sa Walking Dead na nangangain ng utak. Mabuti sana kung gagamitin nila, eh hindi rin naman...



Ito ay kathang nagbibigay pugay sa katangahan...

Let me give you some obvious descriptions of Tontaness in various forms.

1st - Booba/GLP

This is our local version of Dumb Blonde. Try to observe some of the people you know na Cap Z ang dudang, most of them - walang sustansiya kausap. Kung meron man, limited topics lang on Fashion, Showbiz or anything about chizmiz. Hindi lang naman sa breast size limited ang qualification (kaya nga Booba *slash GLP  or Ganda Lang ang Puhunan). From the word itself, usually 'pag magaganda, walang laman ang kukote. I don't wanna be  too harsh pero matumal talaga ang mga may mala-artistang face na, super brainy pa. It happens pero 1 in every 3,203 people ang ratio nito. 

2nd - ME-MA Don-Don

Me-Ma is a colloquial term for "May Masabi Lang" and Don Don is short for Dunung-dunungan. These are the dumbfounded pals na in denial pa at taglay nila ang agimat ng kawalang saysay. Sila 'yung mga Shungaerz na parang si Kuya Kim Atienza na kung umarte ay maraming alam pero wala rin namang substance. Most of the time jimbenters  o gawa-gawa lang ang mga hanash nila sa buhay. Dapat mag-ingat sa mga taong ito at sa mga dala nilang information. In conviction sila magbitiw ng mga akakalain mong legit na trivial details pero ang totoo ay fabricated lamang...

3rd - PANI PEOPLE

When I said that stupidity is contagious, I meant it... Pani stands for "Paniwalain". Kumbaga sa kantang 'Bahay-Kubo, sila 'yung next to kundol which is Patola or simply - MAPAGPATOL. Ang pagiging Pani ay isang resulta ng kadalasang pakikipag-usap sa mga Me-Ma Don Don. 'Yan, nakakahawang katangahan talaga. Sila ang mga may scarcity sa stock knowledge kaya kung ano lang ang marinig o mabilisang mabasa, more store na agad ng info sa tiny hypothalamus nila for future use. Madali silang mapaniwala. Gullible lang! 

4th - GERMAN

German represents a foreign language that the brain uses when absorbing information. Sa kung anung kadahilanan na hindi ko maintindihan, may mga friends talaga tayo na super 1 km per hour ang speed ng pick up. Ito 'yung mga friends nating kasama natin usually sa any outdoor events at kapag kinuwentuhan mo ng stories or even jokes, it usually takes them 24 hours (minimum) bago ma-gets at mag-react. May ibang lenguawaheng gamit ang brains nila. One time, I had this friend and after kong mag-joke, silent lang at more changed the topic siya. The day after, I got a text from her saying that the story was superbly funny. Ganun katagal niya naproseso ang punchline ng stroy. Oh yes! One more thing, mapanlinlang sila, it's either no reaction ang drama nila or more change the topic para hindi halatang nga-nga sila. Maraming ganyan, pwamiz!

5th - UBERLY NICE BACKSTABBING BI*CH!

Sa mga taong dalawa ang mukha, I consider them as Tan-G-A as well. Mga feelingera na walang hangganan ang Traitorness. Sila 'yung super angelic in front pero devilish when you're not around. Attitude problem ito so usually sila 'yung walang masyadong permanent friends. Kaya dapat  mag-ingat sa mga new friends na sobrang clingy at assumerang froglets na close kayo. Usually ang victims nila ay ang mga previously enumerated types.

Mahaba pa ang listahan ng Dumbness Kingdom at sa dami ng classifications ng mga species na ito, may cross breed na rin na nagaganap. Malapit na nilang ma-invade ang universe at tuluyang palawak ng palawak na ang nasasakupan nila. 

Dito lang sa Pinas may PartyList sila. Would you believe si Mikey Macapagal Arroyo is in Congress representing the Tricycle Drivers?!? Nakakatanga lang diba? 

Kaya nga look around... The moment you see people around you who belong to the family of Tontaess, hug them.... caress them... pamper them... That means a lot to them... When they ask why, tell 'em we simply care... For real!

Without Stupid People we won't know how good it feels not to be like them!

Happy Appreciation Day!!!

***




6 (na) komento:

  1. hahaha bet ko ang mga Pani People... pag sinabing te ang ganda mo.. nag te tekyo kahit na mukhang takong ang hilatsya ng mukha.

    TumugonBurahin
  2. Haha tama! Sakto ang mga descriptions at may mga kilala akong ganyan. Ang worry ko lang eh kung mga kaibigan ko ang makabasa nito at ako rin ang maisip nila sa mga category na yan LOL. Sana magbigay ka pa ng more examples per category hehehhee.

    TumugonBurahin
  3. sakit naman! pasok sa banga ako sa examples mo. hahaha. homaygas talaga!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hindi ako naniniwalang natamaan ka kasi witty ka kaya sa mga posts mo... I like ung latest re double meaning...hehehehe

      Burahin
  4. San ka dun? hehe, ayaw ko nung 5th Britney Bitch! :D

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...