Ang ideas na ginamit ay "All Over the Place"...
Kahit gaano kaganda, ka-sexy, ka-talented or ka-brainy ang isang artista, imposible na lahat ng tao ay gusto siya...
Kaya nga kahit 3-time Best Actress na si Angel Locsin sa movie na 'In your Life' with Aga Mulach, may mga tao pa ring hindi siya super like.
Meron namang once lang na-TKO ni Marquez si Pacquiao, kung makaarte eh parang tinanggalan siya ng pag-asa at pangarap ni Manny.
Hayyy... haters will forever exist!
Hindi ito set up na limited sa barangay, municipal or provincial level ha... Not even nationwide lang... Worldwide ito and based on studies, 8 out of 10 people ang may disgusto sa bawat taong makikilala niya sa ibabaw ng Earth.
Jofcorz, imbento lang ang data na ito but seriously when was the last time that we did something without considering what other people might think or say? It always matters to be liked or at least 'yung pleased sila.
"Magugustuhan kaya nila...? Okay kaya sa kanila... ? Baka naman sabihin nila... Grabe naman sila...!'
In the first place, sino ba SILA?
Maciado naman yata sila kung makapang-Bully! Kung ganito ang kalakaran nila at uber cruel sila sa pagbibigay ng tahasan at mapanakit na puna, aba, dapat makilala sila ng lubusan ng mas madali naman silang mapakibagayan at magkaalaman na rin ng kanilang Likes and Dislikes sa buhay...
Sino nga ba kasi SILA?
Ang post na ito ay hindi inspired sa 'Nosi Balasi' song ng Sampaguita dahil maciado namang outdated 'yon... Ito ay bunga ng isang ranting moment sa isang latest na kaganapan sa neighborhood na nagpa-realize sa akin ng kalupitan and at the same time confusing na arte ng mga tao sa aking maliit na mundong ginagalawan.
Obviosly, SILA refers to the society in general and lahat tayo may kanya-kanyang type of society depende sa ating pagkatao, edad, timbang, kasarian at marami pang iba.
Kung hihimayin natin isa-isa ay nakaka-stress sa brain cells ang paghahanap ng mga kasagutan kung bakit choosy at moody ang ating lipunan sa kung ano ang gugustuhin at aayawan nito. Isa lang ang sure, laging hati sa dalawa ang public perception - Positve and Negative. Simple lang.
Mapa-Politics, Entertainment, Religion, Business or Fashion, once na iapak mo ang iyong first footstep sa labas ng iyong house, get ready to be scrutinized ng mga mapangmatyag na eyes, ears, nose and tongue ng mga tao sa ating paligid. Lucky us common people dahil maliit lang ang ating audience unlike famous celebrities na dapat ay may 100 times na courage and strength to face all the bashes - may katotohanan man o wala.
Argh... alam mo 'yung feeling na yes, hindi ka mabuting tao pero hindi ka rin naman ganun kasama to be accussed of something na hindi mo naman ginawa or sinabi at kahit pa ikaw na ang nagsabi at gumawa ng kung anumang hindi nila gusto, Bakit kailangang makialam kung wala namang natatapaakan? May mga tao talagang hindi nila kayang tanggapin na ikaw ay ikaw at sila ay sila. Spell Individual differences?!?
Minsan, mas kasalanan pa ang magpakatotoo...
Mahuhusgahan ka...
Dapat master mo ang art ng pagpapakitang-tao dahil...
May Plastik ang Mundo!
***
bawal na ang plastic sa SM Marikina/Pasig/Makati.. unti unti ng pinag babawal ang mga plastic sa lahat ng SMs...one day at a time...who knows one of these days maubos na sila...
TumugonBurahinMay mga otaw din kasing di ganun ka ready marinig kung ano ang nilalaman ng katotohanan. Thus the new policy...plasticity. Kaya hanggat may umaastang perpekto, dunong dunungan, epal at feeling dyosa...magiging laganap sila.
TumugonBurahinNaku, magalit na magagalit, basta prangkahan tayo! Parang ikaw TL, madami ka hinaing sa mundo, madami ka kuda! Mana lang sayo ahahaha!
TumugonBurahinbwahahaha...adik ka Joy...tnx for visiting nA RIN... basta ang alam ko d aq plastik...
TumugonBurahinLagi ko ngang sinasabi sa kaklase kong laging iniisip ang kung anong sasabihin ng ibang tao
TumugonBurahin"Bayaan mo sila! May sarili kang buhay at huwag mong hayaan na sila ang didikta sa sarili mong kwento...at wakas nito"
my brother is not a PIG !!!!
TumugonBurahinWALANG HIMALA
-Nora Aunor