Saludo kay Master: Interview with the Man Behind Wickedmouth




Kumapit at magbigay pugay...


                                           My Photo

Words can't express ang drama ko ngayon dahil super overwhelming ang pakiramdam na makapanayam ang aking idol sa larangan ng blogging. 

I am a fan. For real!

Walang araw na hindi ko nadadalaw ang www.wickedmouth.com to check for his new posts at walang halong biro, malapit na ako ma-promote from being an avid fan to stalker. I uberly love his works!

Let me share what he had to share during the one-on-one interview:

Senyor Iskwater: Kelan ka nag-start sa world of blogging?
Noong 2007, patapos na ang sem nun. Siguro naghahanap lang ako ng bagong hobby. Mahilig na akong magsulat, bata pa lang ako. Pero nothing serious. I used to have an open journal na madalas buklatin ng mga friends ko. In a way, that was my first blog. Pero yung totoong blog, malapit na akong grumaduate ng college nun.

Senyor Iskwater: Sino ang nag-inspire sa iyo to do blogging?
Yung isang kaklase kong Internet addict, may ipinakita syang blog sa akin. Eh sobrang tawa ako ng tawa dun sa blog. Tapos naisip ko, kung nagawa nya, baka magawa ko rin. Hindi naman sa ginaya ko sya o ang style nya. I found my own way of writing rin. Yung komportable ako. Yung pati ako, kapag binasa ko, natatawa ako.

Senyor Iskwater: Bakit WICKEDMOUTH?
Favorite adjective ko kasi ang wicked. Naghahanap ako ng pwedeng idugtong. Eh since yung blog ko eh mga stuff na sinasabi ko rin in real life, mga nasty words coming out of my mouth, yun na.

Senyor Iskwater: Ano ang 'yong blogging style?
Basta ayoko lang ng seryoso at boring. Gusto ko conversational lang at mabilis ang flow. Gusto ko yung natural na nakakatawa, yung hindi kailangang pilitin. Kung naachieve ko yun, masaya na ako. Kung yun ang tingin ng mga tao na style ko, matutuwa ako. Kung anong gusto kong mabasa, yun rin lang ang sinusulat ko. Kailangan matuwa muna ako, bago ang iba.

Senyor Iskwater: Anu-ano ang mga preparations na meron ka sa paggawa ng post?
Usually kapag nakahanap na ako ng theme o topic ng isang post, halimbawa “bad cases of diarrhea”, magbibigay ako ng at least three examples/stories in a single post. So kung dalawa pa lang ang naiisip ko, inonote ko muna yun sa phone ko. Mahaba-habang reminiscing ng past events ang ginagawa ko para may maidagdag sa storya. Kapag kumpleto na, saka ko na idadraft. Pagka-draft, maraming beses kong ine-edit. So mga ilang linggo pa bago ko tuluyang mapost.

Senyor Iskwater: What’s your most favorite post?
Hindi ako makapili ng isa lang, pero meron akong paboritong series, yung “Strange Women” (Teresa, Katrina and Kathy). Bawat post sa series na yun eh tungkol sa isang kilala kong babae na baliw, weird or simply remarkable at hindi malilimutan, usually in a negative way.

Senyor Iskwater: What makes you 'iba' sa ibang bloggers?
May mga napapansin akong bloggers na kuntento na sa pagdescribe ng kung ano ang ginawa nila noong weekend, o kaya mag-repost ng Youtube vid. Ako hindi ako makuntento sa ganun, gusto ko eh maisip nung magbabasa ng post ko na nag-effort talaga ako. Eh magkukuwento ako ng uneventful weekend ko, paano kung yung reader ko mas masaya pa ang weekend nya keysa sa akin, di ba nakakahiya naman yun. Lakas ng loob ko magpost ng events eh naggrocery lang naman ako. O kaya magpopost ng “Randoms”. I have nothing against bloggers like that. Gusto ko lang talaga dapat meron laging theme, topic o kwento. Mas masaya kung may twist sa dulo. Malamang nakapagsulat na ako noon ng walang katuturang post, pero mas madalas ang mga post ko eh yung pinag-isipan ko rin naman kahit papano. Para sa akin mas mabuti nang magpost nang madalang, basta may effort, keysa magpost nang madalas, pero walang sustansya.


Isa pang difference ko from other bloggers, I value my reader’s comments and opinions. Binabasa ko lahat, minsan hindi ko na sinasagot pero lagi kong inaabangan ang reaksyon nila. Yun ang sukatan ko ng success ng isang post ko, kapag maraming natuwa at nagcomment. Ewan ko sa iba kung anong sukatan nila. Basta ako, yun na yun.

Senyor Iskwater: What are the greatest challenges have you faced that almost made you quit blogging?
Sobrang naging busy ako at one point. I have a full-time job, tapos kumuha ako ng sideline. That took a lot of my time and energy, na halos hindi na ako nakakatulog. May point rin na nagkaroon ako ng quarter life crisis (siguro) or dinapuan lang ng matinding depression, na ginusto kong magpahinga muna sa blogging dahil alam ko na kapag malungkot ako, lalabas yun sa sinusulat ko, at kung pipilitin kong maging masaya ang ipopost ko, lolokohin ko lang ang sarili ko. One time nagpaalam na ako sa blog, nagpost ako saying na I’m taking a break. Tapos that time na-nominate ako sa Philippine Blog Awards, sa Humor Category. Kaya ginanahan ako uli, lalo nung mabasa ko yung mga comments sa website nila na sumusuporta sa akin. In the end hindi ako nanalo but it was an eye-opener, na may mga natutuwang tao sa blog ko, na handa akong iboto kahit hindi botohan yung labanan. So hindi na ako nag-hiatus.

Senyor Iskwater: Sino ang 'yong Top 3 favorite bloggers?
Sa mga “celebrity” bloggers ako titingin, yung mga blogs na araw-araw kong binubuksan: Jessica Zafra’s blog, number one yan sa list ko. Tapos kay Professional Heckler, sya ang laging nananalo sa Philippine Blog Awards Humor Category. At pangatlo, hindi dapat ako pipili sa mga friends ko kasi baka may magtampo, pero paborito ko si http://motsmots.blogspot.com/ Just visit his blog and you’ll know why.

Senyor Iskwater: Paano mo msasabi na ang isang post is worth reading?
Kapag na-achieve nito any of the following: nakapag-educate, nakapagpatawa, nakapagtanggal ng boredom, nakapag-touch ng damdamin, or simply nakapag-palipas ng oras na hindi mo namalayan. Kapag ang isang post ay pinipilit mo na lang basahin, hindi sya worth reading para sa iyo, baka hindi ikaw ang target audience nung sumulat.

Senyor Iskwater: What pointers can you give to neophytes?
Find your expertise. Find a purpose. Find an audience. Once you have all three, you’ll feel like you’re doing something important. Alam mong may naghihintay ng post mo, alam mong may regular na nagbabasa ng mga sinulat mo, alam mong hindi masasayang ang pinaghirapan mong isulat dahil meron at least one person sa mundo na makaka-appreciate. Enough na yun to go on writing. Kapag wala kang expertise, kapag walang topic sa mundo na kaya mong isulat, baka hindi ka dapat nagboblog. Kung wala kang purpose, bakit ka pa magboblog? At kung wala kang audience, darating ang panahon na tatamarin ka na. Kung nagsusulat ka pero ayaw mo ipabasa sa iba, sa Word ka dapat nagtype, hindi mo dapat yan pinublish.

Senyor Iskwater: Ano ang makakapagpahinto sa'yo sa pagba-blog?
A new form of outlet siguro. Kapag laos na ang blogging. Kapag kaya ko nang mag video blog. The playground will change but I will always find a way to express myself.

Senyor Iskwater: Ano ang most fulfilling thing about blogging?
Ang corny, pero the fact that I gained so many friends dahil sa pagboblog, yun ang most fulfilling. I have people who I’m meeting for the first time, tapos sasabihin nila, dahil sa mga sinulat ko, parang kilalang-kilala na nila ako. Ganun din naman ako sa kanila, kapag nabasa ko yung blog bago ko makilala, at kapag nakakapalitan ng comments, nagiging instantly close, lalo kapag gustong-gusto ko yung mga naisulat nya. I have met OFWs na isinasama ako sa get together pag umuuwi sila sa Pilipinas. I have experienced seeing my picture sa Facebook, stolen shot, na-tag ng isang reader na hindi ko naman kilala, parang na-paparazzi lang. I have heard my name being called out sa mall or kahit sa kalsada, namukhaan lang nila ako dahil sa blog ko. I have once attended a gig, and when the featured band ended their set, lumapit sa akin yung isa sa mga singers to congratulate me on my blog, at lagi daw syang nagbabasa. Nafa-flatter ako sa ganito. Kasi pakiramdam ko I made something remarkable, enough para bigyan nila ako ng atensyon at pasalamatan sa sinulat ko.

These are just little things, nothing compared sa kasikatan ng mga talagang celebrity bloggers, but I’m happy na through my blog, which is just a silly outlet, may mga nakikilala akong mga tao, some of them turn out to be friends for keeps.

                                            


Mixed emotions lang ako until now... Speechless...
Bilang ako'y newbie sa daigdig ng blogosphere, I feel so lucky to have Master Glentot as my virtual mentor and inspiration. 'Yun lang...

Please always visit ang kanyang mga exciting na katha sa:

41 komento:

  1. very well said from the wickedmouth of Glenntot! Maski ako suber elibs kay idol. He maybe the one who pushed me to write, kasi nakaka inspire yung blog nya eh. I 2nd to what Glenntot said about , "worth reading blogs/posts" there maybe times na trip mo na mag skip reading dahil dika maka relate pero pag fan ka talga...kahit anong maisulat nya, babasahin at babasahin mo talaga.

    TumugonBurahin
  2. Nadadalaw ko din blog ni Glentot. At sobrang nakakaaliw na nakakalimutan kong mag leave ng comments haha (guilty)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Salamat sa pagbisita Mar Unplog... excited na ako sa Sumaguing Cave adventure mo...

      Burahin
  3. Ngayon ko lang sya nakilala dahil sa entry mong ito. At nagpapasalamat ako dahil dito. HAHAHA! :D

    Ang galing nya, kahit may konting points of a "lil bit" arrogance sa ibang sagot nya sa interview mo e carryng carry nya naman and am taking it from a veteran! ;) Mahusay sya.

    And syempre, credits din sayo! :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. he was the one who inspired me to blog... sobra respeto ka kay Master Glentot... tnx for visiting...

      Burahin
  4. Hindi ko makita ang follow button mo. So ilalagay nalang muna kita sa blogrolls ko... :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. bagito ako eh...pasasaan ba at makikilala ko rin 'yang si follow button...

      Burahin
  5. hindi ko rin maiwasang hindi i-check ang site ni ser Glentot! Ninubuod ng interview na ito ang buhay ng mga nagbloblog! Mabuhay ka ser Glen at sa gumawa nito!

    TumugonBurahin
  6. Salamat sa pagbisita Nong.... matagal ko na rin siya kakilala ngunit marami pa rin akong natutunan during the interview...

    TumugonBurahin
  7. Im a fan too! gusto ko rin sana syang interviewhin kaya lang hiya ako eh..hehe.. he's also one of my idols in blogging..katulad ng sabi ko sa aking anniversary post isa ang blog ni glentot sa mga nagpapasaya saken..salamat sa pag-share ng interview na to senyor iskwater..ang dami kong nalaman at natutunan.. im a follwer now :)

    to glentot of wickedmouth..lagi mo kong napapatawa kahit sa mga tweets mo..sana everyday kang may post at sana ma-meet din kita in person :)

    "kailangan matuwa muna ako bago ang iba" -superlike!

    TumugonBurahin
  8. Idol talaga yang si Glentot. Ganda ng posts niya.

    Natuwa naman ako sa dami ng posts mo for December. :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Naku na-adik kasi ako magsulat ngayong Decemeber.... kaya nga na-hurt ako sa sinabi ni Maser Glentot about quality over quantity eh... tnx for visiting...

      Burahin
  9. ang kyot kyot naman ni Glentot! Salamat sa interview mo Senyor at nakilala ko sya lalo :)


    Naa-aliw ako sa word na Tumugon - ilang beses ko pa binasa bago ko na gets #slowlanghehe

    TumugonBurahin
  10. Idol ko rin yan si ser glentot. :) huwaw may interview sya sayo.

    TumugonBurahin
  11. Fan niya rin ako! Wow! Ang swerte bro nakausap mo siya! XD

    TumugonBurahin
  12. Ayan na pala, di ka nag sasabi! HAHAH! May follow button ka na! :D Followed!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hindi ko talaga sinabi para ma-check kung babalik ka...hehehe

      Burahin
  13. natuwa ako sa interview mo kay idol glentot. im a fan of him. at based sa huling post nya, officemate pala kayo. kaya siguro madali mo syang nahatak sa interview. hindi man niya aminin, naniniwala akong isa syang blog personality. :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haaaay naku sobrang humble nga niya... low profile lang... sabi ko nga sa kanya baka false humility pero hindi naman daw... salamat sa pagbisita...

      Burahin
  14. Feeling ko andaming naghintay ng interview na ito.Salamat for sahring and welcome to nthe blosgosphere. :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. dami kong tnx sa iyong pagbisita zazil! tnx din sa pag welcome...

      Burahin
  15. konti na lang ang mga blogger na ganyan. bilib rin ako kay wickedmouth kasi consistent siya sa pagsusulat niya. apir!

    TumugonBurahin
  16. bakla po ba si glentot

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sa pagkakaalam ko hindi... isyu ba if ever? eh ikaw? hehehe

      Burahin
  17. in fairview hindi ko iniexpect na may seryosong side pala si glentot.. hahaha. pero gusto ko yung mga sulat nya. dati ng nagsisimula palang akong magsubscribe sa blog nya parang buong araw ata akong wlang ginawa kundi magbasa at tumawa. hehehe.

    TumugonBurahin
  18. ang pinakagusto ko sa mga blog nya ay yung tungkol sa CDR Kinga. Lolers! CDR King na Bangus. wahahaha

    TumugonBurahin
  19. Ito talaga ang unang-unang binasa ko. Magaling talaga ang dwendeng yan. Ako ang number one fan nya kahit inaaway nya me. bwahihihihi

    Sulat pa ng sulat! :-D

    TumugonBurahin
  20. Wow! ito yung unang post na nabasa ko sa blog mo at yes hindi ka nagiisa sa pagiidolize sa kanya..wehehe

    in fairness ang serious ng bansot!

    TumugonBurahin
  21. Nabasa ko na ito noong nakaraang buwan pero binasa ko ulit. Nanghinayang kasi talaga ako noong BMIM eh, gusto kong makipagkamay sa kanya at magpagawa ng fansign para sa misis kong masugid na tagasubaybay ng mga isinusulat ni Glen kaso naunahan ako ng hiya. Sa susunod na lamang. Idol talaga 'to kahit kailan.

    TumugonBurahin
  22. Ikaw na tlga glentot! pero seriously sa real life ang tahimik mo noh....lol

    TumugonBurahin
  23. astig! pwede ko ba iprint tong interview mo kay sir glentot? :) saludo din ako sayo sir iskwater.

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...