Jogabelles Sister #1: Lana's Cymbals


Lovingly yours... Lana

Lana is the the oldest among the siblings - eldest na literally old na, old fashioned Manang pa. Kuwarentahin na siya subalit taglay pa rin niya ang  alindog ng sariwang dalagang kawawalay lamang sa ina.

Speaking of kawawalay lang sa ina, maagang namayapa ang mahal na ina ng ating mga Jogabelles Sisters due to Breast Cancer. Si Lana bilang panganay, ang automatic na naging tagapagtaguyod ng pamilya. Ito ay nang talikdan sila ni father dearest in terms of responsibilities dahil nagpasya itong magbalik-loob sa Jeprox stage at nagsimulang sumipat ng hot girls sa iba't-ibang malls gaya ng SM North Edsa na nagsabuhay naman ng slogan nitong "We've got it all for you..." sapagkat doon natagpuan ni groovy papa ang saleslady na muling nagpatibok sa kanyang puson at pusong nangungulila.

Hindi madaling natanggap ng pamilya ang instant addition ng isang stepmom sa family picture pero para kay Lana, mas inggit ang nanaig sa kanya dahil hindi pa nga siya nakakasungkit o nagpapasungkit sa ni kahit isa, eh more more awra na agad ang tatay nila... Ang inggit na ito ay naging poot na eventually got escalated to dedmatology stage. Mas itinuon na lamang niya ang kanyang oras sa kapakanan at pangangailangan ng tahanang walang haligi at ilaw. Selfless mode is on ang drama ni ate at para sa kapamilya, kinaligtaan niya ang pansariling kaligayahan financially, emotionally, morally and sexually. Jofcors may mga satisfy your own fantasy moments din si Lana three times a week and she strictly adheres to  schedule dahil sa paniniwalang iyon ang sikreto upang mapanatili ang freshness... Itong freshness na ito ang tumatawag sa atensyon ng mga kalalakihan. Marami ang nagtangka, nagtatangka at paniguradong magtatangkang mahagkan ang pinto ng kanyang langit pero sabi nga niya it is her choice to stay as hot single lady dahil wala talaga siyang makitang lalalaki na kayang punan ang kanyang pangungulila. She is well within her right to be choosy rin naman after all. Mala-Diyosa kasi talaga ang ganda at figura ni Lana.

Maiba lang sandali...

Freshly scooped news, as in minutes after Pacquiao's defeat kay Marquez, a little bird with huge dede told me na End of Contract na ang Saleslady na bumihag sa marupok na ama ng Jogabelles Sisters. Ito ay matapos na mag-eskapo at hanggang sa kasalukuyan ay missing in action pa rin. Huli siyang namataang naka-dress na blue with yellow stripes at jofcors on a dark blue eyeshadow at hot pink blush-on. Wow, typical saleslady nga ng SM ang descriptions ha...

Hindi lamang ito ang dalang juicy ng aking source na matabil ang dila. Heto pa...may ka-pikpakboom na si Lana. 

Nakakatuwa naman! 

One time, I had a movie and coffee date with Lana where we had discussion on matters of the heart and for reasons I don't know, I honestly felt the emptiness living in her eyes that time. I wanted to hug her, pamper her and tell her that someone will come one day to take away the loneliness and complete her. I didn't do it dahil ayaw ko namang ma-develop siya sa akin at magkaroon ng malisya ang friendship namin. I simply told myself, great things are surely in store for her since mabuti siyang tao and she truly deserves extreme happiness. Pace lang ang loneliness drama na iyon at tiyak na malalampasan din... Yes! I was positive for her...

Heto pa...

Nadala ako ng aking emosyon at hindi ko agad napansin na hindi pa pala tapos ang juicy na balita about Lana. 

Hala... 

Anooooooo??? Tibambulbee like Tibo ang ka-pikpakbooman niya? Does this mean Tibambulbee din si Lana?

Hindi ko alam kung dapat pa rin akong maging masaya para sa kanya sa kabila ng aking pagkabigla... 

Hindi ko alam kung dapat akong manghinayang dahil hindi mama-maximize at mayu-utilize ang never been touched niyang katawan...

Paano na ang 48 Cap D ni Lana na inasahan kong pagpapakasasaan sana ng mga future babies niya?

Hindi ko alam... 

Isang bagay lang ang sigurado ako. Sobrang nakaka-bad vibe at nakakawala ng pag-asa sa buhay ang pagkatalo ni Manny Pacquiao kay Juan Manual Marquez. TKO ba naman? Bad trip!

For whatever recent update about Lana, my love will always be there at hindi mababawasan no matter what change of preferences she'll have. Pero sana last na muna 'to for this year at next year na 'yung iba kung meron pa... Hayaan na sana muna niyang mag-sink-in sa akin ang madramang isyung pangkasariang ito. Puedeng pang-MMK ang leveling dahil clueless at unexpected talaga. For sure ang winning title nito ay musical instrument na percussion - Cymbals o mas kilala bilang POMPYANG!

Please watch out for the Three other beauties of Jogabelles Sisters....

***

1 komento:

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...