Father & Son Story: Long Distance Call

Maayos niyang itinupi ang aking uniporme at inilagay sa aking mumunting sisidlan. Noong araw na iyon ay maaga ang aking pasok sa restawrang aking pinapasukan bilang waiter. Kung kinailangan kong magising ng maaga, mas minabuti niyang mas agahan ang pagbangon upang ihanda ang aking almusal, gamit pampaligo at pati mga isusuot. 

Hindi niya pangkaraniwang ginagawa ang mga bagay na iyon kung kaya't ako ay nakadama ng munting pagkagulat. 

Bago ako tuluyang mamaalam, tinungo ko siya sa kanyang kinauupuan habang nagbabasa ng dyaryo upang iabot ang dalawangdaang pisong bahagi ng aking unang sweldo. Sa una'y pagtataka ngunit agad itong nasundan ng pabulong na pasasalamat mula sa kanya. Agad kong napansin ang mga nangilid na luha sa kanyang mga mata ngunit pinilit kong daglian na lamang lumayo't nilisan ang aming bahay upang pumasok sa trabaho. Inisip kong hindi maganda ang mala-teleseryeng eksena bilang pambungad sa araw.

"Mag-ingat ka..." kanyang habilin habang binabaybay ko ang maputik na labas ng aming bakuran bunga ng katitila pa lamang na malakas na ulan. 

WAKAS

Tunay na maikli, payak at walang special ingredients ang inilahad na kwento ngunit isa sa pinaka-memorable moments ko sa aking ama. 

Habang nagtitimpla ng kape kaninang umaga, na-miss ko siya. Hanggang ngayon habang sinusulat ko 'to, actually. Magkalayo na kasi kami ng tirahan ngayon at medyo matagal na rin nang huli ko siyang bisitahin. Busy kasi sa work.

Pareho kaming mahilig sa kape. Siya black coffee at ako naman with sugar and cream. Kung magkasama kami ngayon, panigurado mag-aagawan kaming dalawa ng dyaryo habang humihigop ng tig-isang tasa ng kape. Mahilig din kasi siya sa mga balita lalo na 'pag tungkol sa pulitika. Ang sarap nga makipagbalitaktakan sa kanya kahit lagi namang salungat ang aming mga political views. Hiindi ko alam kung sadyang laging kontra ang aming mga pananaw sa pulitika o baka gusto lang niyang makipaghamunan sa talas ng isip.

Maliban pa  rito, marami pa kaming pinagkakasunduang mga hilig. Kung may score board nga lang sa pagitan namin ng kapatid ko, mas mananalo ako kung larangan ng similarities kay Papa.

Sa pagkain, pareho kami ng mga paborito gaya ng siopao, lechon manok, hamburger at ginisang monggo. Pareho rin naming gusto ang pagpapalamig ng kanin bago kumain at dapat ice cold ang water.

Sa sense of humor, pareho kaming bangkero at magkasinlakas ang boses namin. Lagi kaming napagkakamalang magkaaway o may kaaway kahit na normal o simpleng kwentuhan lang.

Hindi gaya ng kapatid ko, pareho kami ni Papa na malihim pagdating sa prolema. Mas gusto naming sinasarili lang para hindi na mabigatan ang iba. 

People person din kaming dalawa. 'Pag nagsisimba tuwing Linggo, paramihan kami ng masasalubong na kakilala at kabatian. Walang manalo sa'min!

Sa mga palabas sa telebisyon, swak na swak ang pagkahumaling namin pareho sa documentaries o any tv program na related sa news and current affairs.

Sa kanya ko rin namana ang talas ng memorya. Pareho kaming mahilig magbasa ng libro.

Namana ko rin sa kanya ang madalas na pangangati ng paa o pagiging lakwatsero. Pati allergy sa nuts, hindi nakawala at naipasa rin niya sa'kin. Height, shoe size, mannerism at pagsasalita, it's a tie kami. Sa kanya rin galing ang Edward na second name ko kasi Eduardo pangalan niya.

Nakakatuwa at sobrang marami kaming pagkakapareho.
Kaya nga madalas sabihin ng mga kamag-anak at mga kapitbahay namin sa tuwing nakikita nila 'ko, I always remind them of my father daw. 

Nakaka-flatter... Nakaka-proud kasi childhood dream ko na maging tulad niya...

Sayang lang kasi wala na siya...

Ngayon ang kanyang 7th Death Anniversary. 

Sana pwede ang Long Distance Call to heaven...

I love you, Pa! Miss you!

57 komento:

  1. naiintindihan ko ang kagustuhan mo na magkaroon ng long distance call from heaven, dahil maging ako yan din sana ang gusto ko, gusto ko na rin makausap si mama miss ko na din sya... bukas dadalawin din namin si sya sa condo para sa post valentines date.

    TumugonBurahin
  2. Naiyak naman po ako eh nasa labas ako ng bahay at kasalukuyang kumakain ng lunch. Masuwerte ka sa iyong tatay at masuwerte siyang ikaw ay kanyang naging anak .

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. awww... salamat naman... pasensiya kung naiyak ka, ako rin kasi while writing this eh... so patas lang...hehehe

      Burahin
  3. Hindi mo man siya physically nakikita ngayon, pero tiyak na super proud siya dahil nagkaroon siya ng anak na tulad mo..


    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. oh my... you're here... salamat naman sa iyong pagdaan...

      Burahin
  4. Feel na feel ko ang kwento mo... Parang nakikita ko yung eksenang humihigop kayo ng kape tapos nagbabasa ng dyaryo, pati yung naglalakad kayo galing simbahan at bumabati sa mga kakilala nyo. Halatang halatang mahal na mahal mo ang tatay mo sa kwento pa lang... Sana nga may long distance call sa heaven no?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. oh yes...sana nga meron... ill spend allthe money i have kahit pa magkano yan...hyyy...

      Burahin
  5. naiyak ako sa post mo na to kuya edward T_T galing mo school mate

    TumugonBurahin
  6. I am so deeply saddened with this post, kasi pareho pla tyo ng mga gusto. Kahit magkano nga magbabayad din kami siguro pra lang maka long distance call si father in law sa heaven.
    Kung kumusta na siya, kung sino na ang nagtitina ng kanyang buhok na noon ay gawain ko.
    Ang sad sad tlga promise:(((

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sobra... haaayyy... parang andami nating unfinished business sa kanila noh?

      Burahin
  7. Naimagine ko how close you really with your father, Senyor. I'm also saddened na matagal na pala siyang wala dito. So sorry to hear about it. I'm sure lagi siyang nakabantay sa inyo ng family mo :)

    TumugonBurahin
  8. Kung nababasa lang 'to ng Papa mo tiyak ko proud na proud siya sayo. Puno ng emosyon ang poste na ito, salamat sa pagbabahagi ng isa sa mga kwentong buhay mo.

    TumugonBurahin
  9. Naiayak naman ako dito. Napa sweet naman ng story nyong mag ama. Don't worry, hi is having his coffee with GOd:)

    TumugonBurahin
  10. At bigla ko din naalala ang Papa ko. Mag 1st anniv sa Mayo. :(

    TumugonBurahin
  11. Ay napaiyak ako. Di kasi kami close ng papa ko. Ako pa naman ang super mana sa kanya. Pati pride namana ko.

    Wag ka malungkot senyor for sure masaya si papa mo dahil naalala mo sya

    TumugonBurahin
  12. SKIP READ.. juk!

    Daddy's boy ka pala crunchy.
    Ako indi pero ako pinaka hawig ni papa.
    3 years na din sya wala.. kaya ui know how you feel.
    Miss him so bad. Gusto ko sya ibili ng siopao.. :(
    Miss ko na pag kasama siya kumakain..kami pinaka masiba eh.

    TumugonBurahin
  13. nakakalungkot naman ang post na to senyor
    sasabihin ko pa man din sana want ko sya makilala kasi since
    magkapareho kayo for sure enjoying din syang kasama

    kainggit ang closeness nu kasi kame ng father ko di ko masasabing close talaga
    tho mas maayos na kami naun

    i know masaya siyang makita na naalala mo siya at lage lang syang nandyan at binabantayan ka

    TumugonBurahin
  14. I must say the best post of u to date :) pramis senyor! Si dad mo.proud un sau !!!!

    TumugonBurahin
  15. kakalungkot naman ang gabing 'to, 2 post na binasa ko (Balut and yours) talked about a lost loved one, pero nakakatuwa din malaman na you love (and miss) your father so much. tama sila, sigurado masaya at proud ang papa mo sa 'yo, lalo na dito sa post mo na 'to.

    TumugonBurahin
  16. Dahil sa mga deskripsyon mo sa iyong mahal na ama ay kung ganun para na rin kaming mambabasa nakikisalamuha sa kanya, sapagkat magkatugma kayo sa lahat ng bagay, lamang mo lang hanggang ngayon nakakain mo pa din ang mga paborito nyo, hanggang ngayon nakakapagbasa ka pa rin ng dyaryo at nakakapagkape ng ilang tasang kaya mo. Lamang lang sya dahil ikaw nagsisimba para mapalapit kay Lord, pero sya katabi na nya si Lord...

    Napakaikli ng inyong pinagsaluhang magagandang alaala, parang eksena sa isang pelikulang o teleseryeng pangmasa.. Nakakabitin, nakakalungkot, sa pagkakataong ito'y sana isa nalang pelikula o teleserye ang nangyari na kahit di mo mapanuod, hahagilapin mo sa internet, sa websites sa youtube, papanuurin ng ilang ulit, pwedeng ulit ulitin.. sana ganun nalang ang buhay. Sana pwedeng ulitin ang pangyayari para ang maikling kwento mong ibinahagi ngayon ay may magandang wakas, na kahit sa huling tuldok hindi kami bitin, hindi ka nabitin. Hindi ka sana luluha ngayon, bagkus ay kasamang nakikipagkwentuhan sa kanya ukol sa pulitika at makabuluhang mga bagay... Death anniversary nya pala kahapon, maysakit ka.. pagaling ka ha.. para sa ikabubuti ng kalusugan MO, para din sa KANYA.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. madam... salamat... nakakatouch naman ang comment mo... hyyy... kakasad talaga paginiisip ko si papa...

      Burahin
  17. As usual, naiyak ako... nakakainis... ang aga-aga! haha..

    Dahil sayo, parang hindi rin pala xa nawala. Ang pagiging ikaw ang bumubuhay sa kanyang alaala para sainyong mga taong nagmamahal sa kanya.

    TumugonBurahin
  18. how sweet.. I know proud ang papa mo sayo. :)

    TumugonBurahin
  19. Parang nag coincide ito sa latest post ko ah. If my discovery is positive, baka puedeng makatulong ito sa yo. ;-)

    TumugonBurahin
  20. kahit na nasa kabilang buhay na ang dad mo, i feel na ramdam nia ang pagmamahal mo bilang anak.

    Who knows, magkausap kayo by dreams...

    TumugonBurahin
  21. Awww, we both feel the same about out father....., power hug! Cheers! :)

    TumugonBurahin
  22. nakakainis ka.... kahit paano napaiyak mo ako dito sa munting blogpost mo....... hug hug....... im sure kung asan si dad mo.. hapie siya ngaun....

    TumugonBurahin
  23. Naramdaman ko yung saya sa bawat pagbalik ng nakaraan at lungkot dulot ng pagkalumbay sa kasalukuyan

    TumugonBurahin
  24. Nakakaiyak to Senyor. :'(

    Sana pwede ang Long Distance Call to heaven... Sana nga. :/

    TumugonBurahin
  25. Wala ng hihigit sa pagmamahal ng ama sa kanyang anak, gayundin ang kanyang anak sa kanyang magulang. Tunay ngang hindi matatawaran ang pag-ibig, hitik sa paggalang at liglig sa mga masasayang alaala na binuo ng mga araw na kayo ay magkasama. Lubhang nakakalungkot ang kanyang paglisan, ngunit ang kanyang paglisan ay hindi pa ang katapusan. Patuloy siyang mag-aalaga sa atin, kakalinga, gagabay at magmamahal, kahit kapiling na siya ng Maykapal, sapagkat ang pagmamahal ng isang magulang ay hindi kailan man nagwawakas. :)

    TumugonBurahin
  26. ung ganitong feeling na may namimiss kan'g mahal sa buhay, ramdam na ramdam ko. sa akin naman, kay mama. mama's boy kasi ako at di ako nahihiya dun. naalala ko ung closeness namin nung nabubuhay pa siya. at dahil sa post nito, mas lalo ko siyang namiss.

    TumugonBurahin
  27. Hindi ako naiyak... kasi I have never lost someone I love... siguro when the time comes hindi ko kakayanin, at hindi nyo na rin ako makikita.. I'm like that..

    Pero mukhang alright ka naman..

    TumugonBurahin
  28. I felt really, really sad reading this Senyor..I can't even imagine life without a father, yun pa kayang totoong mawala :( Hugs!

    Though I'm sure he is looking down on you now, super proud of the person you have become :)

    TumugonBurahin
  29. :`(

    Basta, I'll be online lang pagnalulungkot ka na naman.

    TumugonBurahin
  30. nakakatouch naman itong tribute mo kay papa mo.. sa kanya ka pala nagmana.. im sure he misses you too :)

    TumugonBurahin
  31. Mama's boy ako e, pero I still find this very touching. May mga traits din ang Papa ko na nakuha ko. Minsan natatawa na lang ako. :)

    TumugonBurahin
  32. oh my..napaluha naman aq,alam mo mg 3yrs aniv. na dn erpat q, ung time na my misunderstanding kami then ngkaayos kmi nung day na un at oras lng,nawala na xa..

    TumugonBurahin
  33. Hi Selina



    i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.

    You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.



    I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com



































    Kumusta Selina



    ako si Montoya Jazhel mula sa pilipinas, ako ay nasa malaking problema sa aking buhay sa pag-aasawa kaya nabasa ko ang iyong patotoo sa kung paano tulungan si Dr Ikhide na maibalik ang iyong asawa at sinabi kong susubukan ko ito at makipag-ugnay sa Dr Ikhide upang matulungan ako at nangako siyang tulungan ako na malulutas ang aking problema. ngayon masaya ako sa aking buhay dahil ang lahat ng aking mga problema ay tapos na. Salamat sa mahusay na Dr Ikhide para sa tulong at Salamat sa iyo Selina.

    Maabot mo siya sa email na ito: - dr.ikhide@gmail.com at ipinapangako ko na hindi ka niya bibiguin.



    AKO KAYA NAKAKITA …… tandaan dito ay ang kanyang email: - dr.ikhide@gmail.com

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...