Iskwater Holidays


Mapalad ang mga kapuspalad sa mga panahong tulad ng pasko at bagong taon dahil sila ang may mga pinakapayak at least complicated thoughts on how to perfectly celebrate the season. 

It's all about asking from others lang ang style at maitatawid na ng bongga ang Pasko at ang Bagong Taon.

Maliban sa over pouring blessings courtesy of sympathy gifts from nakakaluwag-luwag family and friends, silang mga less fortunates ang primary beneficiaries ng mga charities and generous strangers.

Ang Christmas season ang perfect time to make buraot without judgement in return dahil sharing and giving ang tunay na diwa nito.

Hanggang kelan? 

Walang kasiguraduhan.  Basta ang sure, peak season talaga ang December para sa mga salat at gipit na kinalimutan na ang mga pangarap na umahon at makawala sa kanilang buhay sa looban. Silang nasanay na sa 'isang kahig, isang tuka' workout. 

Habang ang ilan ay guilty sa pagkasira ng kanilang diet dahil sa series of sumptuous meals during the yuletide, ang mga habag naman ay on their happiest dahil uber madalang sa everyday life ang multiple ulam sa isang chibugan with matching desserts and colored drinks. 

Sila ba ay nakakaawa?

Hindi. Kahit itanong pa sa kanila. Iba ang nakasanayan. Wala silang idea about ranting dahil hindi pa nila nagamit ang salitang ito in a sentence. Hindi naman sa satisfied na sila sa ganitong set up pero unlike middle class, upper middle class at super duper upper class, they do not complain a lot sa sitwasyon nila sa buhay. Wala silang maraming problema dahil kalam lang ng sikmura ang pangunahing pangangailangan nila. 'Pag may lafang, solb na!

Wala man silang pagmamay-ari na gaya ng ilan, lamang naman sila sa chillax moments dahil sobrang gaan talaga ang take nila sa life. Kung sila ang tatanungin kung okay sila, pati kahulugan ng pagiging okay ay payak lamang for them. They do not have too much worries. Wala silang pakiaalam sa Sin Tax o RH Bill. Again, hapag lang nila ang main concern nila.

Ang tanging yaman na mayroon sila ay Pag-asa.

Simple lang naman, ang mga maralita ay patuloy na umaasang ang hirap na mayroon sila ay mapawi sa pamamagitan ng dasal at himala. They are not into organizing and planning so sakto lang kung ano ang nasa kasalukuyan. 

Silang may motto na 'Bahala na si Batman...'.

Nakakainngit sila noh? 

Nakakainggit kami...

***

36 (na) komento:

  1. "Hindi. Kahit itanong pa sa kanila. Iba ang nakasanayan. Wala silang idea about ranting dahil hindi pa nila nagamit ang salitang ito in a sentence. Hindi naman sa satisfied na sila sa ganitong set up pero unlike middle class, upper middle class at super duper upper class, they do not complain a lot sa sitwasyon nila sa buhay. Wala silang maraming problema dahil kalam lang ng sikmura ang pangunahing pangangailangan nila. 'Pag may lafang, solb na!"

    Tama. Saktong sakto Swak na swak. Swabe ang hagod. HAHAH!
    Kung tutuusin, sa isang banda, mas mainam ang buhay ng mga nasa lower class na hindi nag rereklamo at ipinagpapasalamat nalamang kung ano ang meron sila. :))

    TumugonBurahin
  2. Kaya napapansin mo, ang daming mayayaman jan na parang hindi pa din kuntento kung anu ang meron sila ngayon. Life is really simple, but we insist on making it complicated.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama ka fiel... tama rin ako...mas mahirap mas magaan...let's promote poverty! yey...

      Burahin
  3. ikaw lang ang kilala kong iskwater na nagba-blog. susyal..

    TumugonBurahin
  4. well ang kagandahan ng pagiging mahirap eeh kahit anung ibato sayo ng buhay or kahit sang platong pancit lang pag sasaluhan nu
    eh madali mong maapreciate at mas makabuluhan dahil morethan anything else mas pinahahalagahan ng mahihirap ung pagiging buo ng pamilya sa gantong mga panahon

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. i agree... hugot na hugot lang? kapitbahay ba kita sa looban?

      Burahin
  5. Oo nga kawawa naman tayo. Bago mag Pasko medyo mayaman pa ako e, ngayon dukha na akong muli. Pero okay lang yan, basta may lafang at fruit salad, okay na. Bahala na si Batman!

    TumugonBurahin
  6. Ikaw ang sosyal ng iskwater. dyuk!

    Ganyan talaga tayong mahihirap. Pero bilib ako sa iba na tulad ko na laking mahirap kaya ngayon ay nagsusumikap.

    Cheers!



    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naku parang hirap ka pang sabihing ikaw ay former mahirap now turned mayaman... so humble...

      Burahin
    2. Uy di naman ako mayaman pa. soon. dyuk! Email sent pala :)

      Burahin
    3. 1st sign ng isang mayaman - denial...

      wala pang umamin...

      Burahin
  7. Ang nakakaingit is yung petiks mode.. yung wala ka masyado iniisip..

    TumugonBurahin
  8. Napadaan at napa-tumbling lang naman. Sabi ng Mother sa orphanage, tuwing Pasko daw umaapaw ang biyaya pero for the rest of the year, kulang na kulang. Sana araw araw Pasko.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sana nga...pero pwede namang everyday ang christmas spirit

      Burahin
  9. Ang "kakuntentuhan" ang nag-iba sa kanila mula sa super-duper-upper-to-the-heaven-class na mga shit na iyan. Kuntento sa punto na hindi hanggad ang labis. Sapat lang. Awa siguro sa ilan na walang-wala talaga. Alam mo 'yon. Sila ang dapat bigyan. Kaso ang pagbibigay ay naiisip lamang ng iilan. At ang pag-asa, uso yan ulit ngayong papasok na bagong taon. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kaya nga minsan sobrang nakakatulala yung mga sobra sobrang gumastos... dapat talaga magshare tayo...

      Burahin
  10. i super agree with this. hahaha.. kung marami ang pera marami rin pinproblema. hahaha

    TumugonBurahin
  11. parang naranasan ko na un -- un bang pag asa na lang ang yaman ko

    di ko na alam kung ano pa sasabihin ko hehehe

    ^__^

    TumugonBurahin
  12. Di kasiguraduhan ang kasiyahan sa pera. buti tayo wala masyado iniisip :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama...mas nais natin ang mas limpak-limpak ngunit mas masaya pa rin ang may yaman sa pag-asa...

      Burahin
  13. Ang ganda ng pagkasulat nito, may sense pero nakakatawa parin :D i enjoyed reading it,very nice :D

    http://steph-g.blogspot.com

    TumugonBurahin
  14. "Ang tanging yaman na mayroon sila ay Pag-asa."

    Gondo nito pre! :)

    TumugonBurahin
  15. sabi nga nila "don't settle for less" tama din nmn diba?
    pro db slow clap din nmn if "less drama" ang peg..
    nakakainggit?..aha!
    because they didn't ask or expect for more..sapat lang..pwede na! :)

    minsan mapapa slow clap ka talaga..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat sa iyong pagdaan aliping saigilid... catchy name ha... parang pareho tayo nh pinagdadaanang kahirapan...lol

      Burahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...