HEART VS BRAIN

An FB friend once told this through his timeline:
"If ever your mind and your heart get into a fight, always go with your heart."

Disagree ako sa kaisipang ito bilang tao (wow!) hindi dahil pagod na akong magmahal. Hindi rin dahil sa sanay na akong mag-isa. Pwede bang dahil tulad ng ilan, ako ay minsang nasaktan, bumangon at natuto lang? Ew. Corny!


Nangalap ako ng opinyon sa ilang mga kaibigan. Halina't alamin kung ano ang kanilang mas pipiliin sa pagkakataong magtunggali ang Isip at ang Utak.

PUSO... Dahil doon ako mas nagiging masaya.

Mula kay Marge of Coffeehan:
Kung tunay ka nang nagmahal, alam mo na sagot dito. It's the heart. There is always a choice, pero kung meron akong natutunan, yun eh 'pag nagmahal ka, hindi talaga masyadong gumagana ang utak. It's like the heart has a mind of its own. I've always believed that love is not blind, it actually sees everything, kahit yung pinakapangit dun sa tao. Pero dahil mahal mo, tatanggapin mo lang lahat, magtitiis ka, 'wag lang siya mawala sayo. Pathetic? Maybe, pero sa ganitong paraan mo lang pwedeng sabihin na may tao kang minahal nang higit sa sarili mo. Kung kaya mong isakripisyo ang lahat para sa kanya. And that my darling, hindi uubra, kapag nangibabaw ang utak.

UTAK. Kasi nga, kaya nilagay ng Diyos na mas mataas ang utak kaysa sa puso. Kapag pinairal mo ang puso, pwedeng makasakit ka hindi lang ng isa kundi ng madami pa. Madalas selfish ang puso, kaya dapat kumukunsulta sa utak. Mas mainam pa rin ang dikta ng isipan kaysa dikta ng puso. I, thank you!



Parang wala sa choices 'yung sagot ko. Sa panahon ngayon libog na lang ata ang pinapairal. Lol. Pero for me, utak pa rin. Nakasalalay ang future mo sa taong pipiliin mong makasama habambuhay. Yung mahal mo ngayon, pwedeng bukas hindi na.

Mula kay Iya_khin of When She Cries:
Utak... dahil 'pag nagmahal ka ng totoo, hindi puso ang ginagamit mo kundi utak! Bakit? Kasi you decided to love that person in spite of the imperfection. oh ha! Next lang ang puso... Kasi kung nagdecide na si utak tsaka mo na mararamdaman yung nilalaman ng puso mo.Basta, ganun yun!

Mula kay Bino ng Damuhan:
UTAK. Dahil di pwedeng magisip kung puso ang gagamitin. Ganunpaman, di rin kailangang balewalain ang sinasabi mg puso

BRAIN. It was put on top meant to use it more over heart. Though both must be balance depending on a situation, the brain should still rule over. Mistakes come when u use the heart.


PUSO. Why? Gusto ko lang. Marami kasi pwedeng paggamitan ang utak ko, sayang kung lagi ko gagamitin. Puso nalang.

Ako siguro puso. Kasi 'pag sinunod ang utak, all will make sense to you but won't necessarily matter. 
'Pag puso, although not all will make sense, everything that you'll ever do will matter. These moments are memories that can never be recreated, even with perfect logic.

Mula kay Genskie of Genskie's Written Voices:
Ang hirap naman... Pero sa totoo lang practical akong tao, may pagka-masochist din ako kaya kahit mahirap sa damdamin pipiliin ko ang utak ( bwahahaha) Sa panahon ngayon madami ng nagdusa ng matindi kasi puso ang ginamit. Okay na yung minsanang dusa tapos move on agad kesa yung panay panay. Medyo bias kasi ung puso eh. Dahil emotion ang naghahari tinatanggap natin kahit mali. Madami ng munomentong ipinagawa sa mga martir, congested na ang Manila at wala ng lugar para sa karagdagang monumento. Wala na rin magke-care kung tanga ka kaya maging matalino.... Utak muna ang paganahin.


Ideally, dapat kapwa sila'y magkaakibat sa anumang bagay. 

Technically, utak dahil ito ang sentro ng kontrol sa ating katawan. Emotionally, lalo na pag-umiibig, puso ang nararapat. 



Pero kung ako ma'y papipiliin sa isang di konkretong tanong tulad nito, mas matimbang sakin ang utak. Hindi man nito kayang kontrolin lahat ng parte ng ating katawan (lalo na yaong kusang gumagalaw), ito pa rin ang wari'y tagapatnugot ng ating buhay. Utak ang nagsisilbing gabay natin tungo sa direksyong ating tatahakin. Hinulma tayo ng itaas na may malayang kalooban, tanging katangiang lamang natin sa mga hayop, upang turuan tayong timbangin ang mas nakakabuti sa atin sa ngayon at bukas. 

Matalino't tuso ang utak ng tao kaya lahat ng nais nito ay tiyak na masusunod lalo na may pagpapahalaga parin sa sarili. At kung pag-ibig man ang pag-uusapan, utak ang siyang magtuturo ng kung ano ang dapat at mabuti sayo, hindi yaong mkakabuti sa taong espesyal sayo kesa sa sarili mo. #

Ang puso, pahamak. Kapag puro puso lang ang susundin mo at hindi ka mag-iisip, before you know it, nakagawa ka na ng bagay na pagsisihan mo. Ang paggamit ng utak ay pagiging praktikal, at daig ng praktikal ang mapusok. 


The mind knows reasons which the heart can never feel, and the heart will never understand the reasons of the mind. 

Scientifically speaking we love with our brain and not with the heart. Therefore, we should always consider what the brain thinks.

Biblically speaking, there's a reason why the head was placed above all else, because it has to govern over everything. Accroding to scriptures our will is seated in the mind and that our will can rule over our emotions. In fact, we can read in many passages that we must be self-controlled because we CAN control our emotions.


But such rationalization deprives life of romanticism and God is not a party-pooper or a basag trip kind of deity.

I believe that one must be wise enough to balance the mind and the heart. Such matters are really difficult to approach.

But there's one way that will be helpful in deciding certain matters. Above all else my brothers, EAT. Eat before you love and eat before you analyze, because nothing is done or decided upon smoothly with an empty stomach. Bow. Mwah mwah!

--- o 0 o ---

So far, leading ang Brain over Heart.
Ikaw, ano ang mas gagamitin mo?

61 komento:

  1. You can get a glimpse of someone's psyche through their choice and reasoning.

    Tingin ko, walang tamang sagot sa tanong na ito. Lahat tayo may kanya-kanyang approach sa pag-ibig, or kung anumang shit na kailangang gamitan ng utak o puso. You just have to respect the choice of others. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. May nagsabi bang ang post na ito ay naghahanap ng tamang sagot? hehehe

      Burahin
  2. "the heart has a mind of its own".- Marge

    nadali ni kagandahang Marge. wala ng makakataob dito sa sagot na'to.

    TumugonBurahin
  3. Naku parang usapang san nagsimula ang tao, mahabang habang debate alin ang sundin at mas tama..siguro nga depende sa approach and depende sa sitwasyon.

    TumugonBurahin
  4. hindi naman talaga dapat mamili dahil hindi maaaring mawala ang isa. Pero para sa akin, mas dapat mangibabaw ang puso. May mga kaligayahang hindi kayang maramdaman ng utak. Napakaraming bagay na nagbibigay saya sa atin dahil masaya lang, hindi dahil logical, hindi dahil praktikal, hindi dahil mas naaayon sa sasabihin ng utak. Kapag sa bawat desisyon at sa pag-ibig ay utak lang pinagana mo, hindi ka magiging masaya. Bakit? Dahil ang utak ay pipiliin lagi ang safe, ung hindi ka masasaktan, ung hindi mo kailangan sumugal. Saan ka makakarating kung hindi ka susugal? Ano ang mahahanap mo kung hindi ka makikipagsapalaran? Ang pagsugal sa pag-ibig ang pinakamasayang maipanalo. Bakit? Hindi natin alam gaya ng hindi natin alam kung ano ba talaga ang depinisyon nito. Hindi kayang ipaliwanag ng utak ang pag-ibig dahil ito ay lenggwahe ng puso. Paano kung matalo? Hindi nakakahinayang. Dahil alam mong sa bawat pagkatalo, may ipinunla kang pagtitiwala at nangarap ka ng masayang relasyon. Walang regrets dahil di ka nag-hold back. Ang nagtitira lagi para sa sarili nila ang nanghihinayang kapag nabigo. Bakit? Dahil hindi nila nilahat. Partly, kasalanan nila bakit d nagwork. Ang laging paggamit ng utak ay indikasyon na hindi mo na nais pang masaktan ulit. Pero hindi ka magiging masaya kung hindi mo isusugal na maaari ka rin masaktan. Pain and Love co-exist. You won't find love if you're not brave enough to face pain. World Peace! I thank you. Bow. LOL

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hyyyy... ah basta brain pa rin... maraming sumaya sa sugal pero walang yumaman... hehehe

      Burahin
  5. I go with the heart.. kasi kahit anong mighty ni brain pag tumigil sa pag tibok si heart dead na si brain... Ang puso kasi natin ang pinaka core eh.
    May nabasa ako sa FB na pwede ko rin e connect the dot.. sabi The King only bows to his Queen.. parang si brain ay King at si Heart ang Queen. check mate hehehe ito'y akin lang namang pananaw.

    TumugonBurahin
  6. Copy paste ko na lang yung sagot ni Sir Trips! hahahaha

    TumugonBurahin
  7. ako depende sa eksena.

    pagdating sa pag-abot ng pangarap dapat puso ang mas pairalin. dahil naniniwala ako na hindi rin praktikal magstay sa trabahong mataas man ang sahod pero halos kaladkarin mo na ang sarili mo papasok araw-araw. kapag mahal at passionate ka sa gusto mong gawin, eventually magtatagumpay ka rin naman dito kaya dapat ilagay doon ang puso.

    pagdating sa pagmamahal dapat gamitin ang dalawa. hindi pwedeng puro puso lang at lalong hindi pwedeng puro utak lang. ginawa ng diyos yan para magtulungan at magtimbangan ang isa't-isa. hehe

    narealize ko na sa 26 years ko sa mundong ito, madalas puso ang ginagamit ko sa mga malalaking desisyon ko sa buhay. well masaya naman ako at no regrets. hehe pero yun nga e pagdating sa pag-ibig puro utak yata nagamit ko.. ayan nbsb tuloy ako ngayon. tsk!!!! hahaha

    TumugonBurahin
  8. still the brain.

    TumugonBurahin
  9. Yep. Brain pa rin talaga. Paki check lang ha. Most people who say brain ay single tulad ko. Biased ang sagot na yan. ahahaha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. single din naman ako pero puso yung akin ksi yun yung naka assign sami sa pag debate HAHHAHAHHAHA

      Burahin
  10. Gusto ko sanang sabihin ay UTAK, pero pag nasa sitwasyon na, si PUSO na lang ang ume-eksena.

    TumugonBurahin
  11. Utak. Love is just an effect of the secretion of hormones caused by the hypothalamus. Haha. Chos.

    Anyway. Love, at most times, is irrational.

    TumugonBurahin
  12. one year ago, siguradong sigurado akong utak ang isasagot ko. ngayon, puso na. lol

    TumugonBurahin
  13. Senyor, parang gusto kong sagutin ito sa isang blog post.
    Parang hindi kakasya sa comment box yung nasa isip ko.
    :)

    TumugonBurahin
  14. May nabasa ako, di ko lang maalala yung eksaktong salita pero parang ganito ata.

    Pag para daw sa kapakanan ng iba ang gagawin, puso ang gamitin.

    Pero kung para sa sarili ang dedesisyunan, utak naman.

    TumugonBurahin
  15. Dun ako sa utak!!! Tama siya kasi ang tamang relayson ay yung hindi maglalaban ang utak at puso Nagsisimula kasi sa puso pero kung nasa tama e sasang-ayon rin ang utak.

    TumugonBurahin
  16. Neither. You'll know he's the right one that even your kidney yearns for him. :p

    #charot

    TumugonBurahin
  17. brain.. pahamak nga talaga kasi si puso.

    Love is a choice. :)

    TumugonBurahin
  18. UTAK!
    Isipin nyo na lang may "heart transplant" na but wala pang "brain transplant" . He he kayo na lang ang mag connect :)

    TumugonBurahin
  19. Di kasi ako matalino pero pagnagmahal ako, utak ang lagi kong pinapairal, laging dun naman talaga nagsisimula. Yung puso, sumusunod nalang kasi sa kung ano ang nakikita, naoobserbahan at naiisip. Kahit di mo pa nakita yung tao pero may nararamdaman kana, dahil yun sa may isip ka. Kahit yung niloloko kana't harap harapang sinasaktan pero mahal at binabalikan mo pa rin? Utak yun teh. Iniisip mo kasi "Ok lang yun, magbabago naman siguro sya. Tanggap ko sya kung ano man pagkukulang nya. Basta bahala na si Batman, masarap ang bawal... etc". See, lahat sa utak nanggagaling yun, tas si puso nakikiramdam, ayun naiihi kana sa kilig kahit katatapos mo lang umiyak ng sang balde. Mamaya, tetext kana "Sorry babe.." Letsugas, kaw na niloko, kaw pa nagsorry? "Kita tayo bukas" At di nakuntento, haha go yun ang dikta ng utak e kaya go lang din si puson, este puso.

    TumugonBurahin
  20. Di kasi ako matalino pero pagnagmahal ako, utak ang lagi kong pinapairal, laging dun naman talaga nagsisimula. Yung puso, sumusunod nalang kasi sa kung ano ang nakikita, naoobserbahan at naiisip. Kahit di mo pa nakita yung tao pero may nararamdaman kana, dahil yun sa may isip ka. Kahit yung niloloko kana't harap harapang sinasaktan pero mahal at binabalikan mo pa rin? Utak yun teh. Iniisip mo kasi "Ok lang yun, magbabago naman siguro sya. Tanggap ko sya kung ano man pagkukulang nya. Basta bahala na si Batman, masarap ang bawal... etc". See, lahat sa utak nanggagaling yun, tas si puso nakikiramdam, ayun naiihi kana sa kilig kahit katatapos mo lang umiyak ng sang balde. Mamaya, tetext kana "Sorry babe.." Letsugas, kaw na niloko, kaw pa nagsorry? "Kita tayo bukas" At di nakuntento, haha go yun ang dikta ng utak e kaya go lang din si puson, este puso.

    TumugonBurahin
  21. Still utak pa rin before ang puso. Dapat isipin mo muna kung ano ang dapat before mo gawin kung ano ang nararapat.

    TumugonBurahin
  22. yes, mahirap talaga pag tumibok ang puso at komontra ang isip, magkakaroon ng imbalance sa katawan mo na maaaring magdulot ng sakit, heart can give you life, joy and happiness but not the mind wag na tayong magpakaipokrita maikli lang ang buhay para sikilin mo ang damdamin mo, pag masaya ang puso mo all goes well.

    TumugonBurahin
  23. Hi Selina



    i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.

    You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.



    I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com



































    Kumusta Selina



    ako si Montoya Jazhel mula sa pilipinas, ako ay nasa malaking problema sa aking buhay sa pag-aasawa kaya nabasa ko ang iyong patotoo sa kung paano tulungan si Dr Ikhide na maibalik ang iyong asawa at sinabi kong susubukan ko ito at makipag-ugnay sa Dr Ikhide upang matulungan ako at nangako siyang tulungan ako na malulutas ang aking problema. ngayon masaya ako sa aking buhay dahil ang lahat ng aking mga problema ay tapos na. Salamat sa mahusay na Dr Ikhide para sa tulong at Salamat sa iyo Selina.

    Maabot mo siya sa email na ito: - dr.ikhide@gmail.com at ipinapangako ko na hindi ka niya bibiguin.



    AKO KAYA NAKAKITA …… tandaan dito ay ang kanyang email: - dr.ikhide@gmail.com

    TumugonBurahin
  24. Uhh para sakin puso, bakit?
    Kasi kapag puso natututo tayong sumugal, merong what if's, kpag nanaig yun ang pinakamasayang part and no regrets. Masasabi mong nagmahal ka talaga. .peace✌✌✌✌

    TumugonBurahin
  25. Para sa akin ay puso sapagkat dito natin nararamdaman lahat ng sakit at masayang ipinapakita ang ating pagmamahalan sa isat isa depende yan sa tao kung minahal ka ng husto hindi ka iniwan o sinaktan pero atleast may nagmamahal pa rin sa atin pamilya at si god kaya nga dapat ipalago natin ang pagmamahalan sa isat isa para maiwasan na natin ang gulo minahal tayo ng Diyos d niya tayo iniwan kahit hindi tayu matalino or walang alam ay natutunan pa rin nating magmahal kahit wala lamang ang ating utak ay may naipapakita pa rin tayung magandang asal sa ating kapwa d bah kung kasi dahil sa puso dito natin nararamdaman at naipapakita ang ating totoong kulay. So puso na kayu dahil dito tayo nagiging masaya kahit man kayo'y nasaktan ay huwag nating kalimutan na may nagmamahal pa rin sa atin okey❤️😁

    TumugonBurahin
  26. para sa akin puso dahil ang puso,
    dhil ngkaroon aqo ng maayos n aswa at mabait na ank dhil sa puso ang ginmit qo.naranasan kong umiibg sa aswa qo na wlang regret at ang bunga ng pagmamahaln nmn ay mga ank nmin,hndi tau mkabuo ng pamilya kung walng puso
    inaalagaan ntin ang ating mga ank or mgulang,kaptid,apo ,dhil sa mahl ntin sila.
    naging msya tau dhil may nag uutos na puso dapat tau magmahal pra tau mkbuo ng msyang pamilya..

    TumugonBurahin
  27. Nagsearch ako kung ano dapat ko gawin sa kalagayan ko ngayon dahil nag alis ako sa probinsya para maghanap ng trabaho dito sa siyudad at nakahanap naman ako. pero ang isip at puso ko nagtatalo. Dahil di ako masaya dito kahit anong gawin ko motivate sa sarili ko di talaga umuubra, kalungkutan pa din ang naghahari. sinasabi ng isip ko kaya ko pero hindi talaga kaya ! para sakin sundin niyo mga puso niyo dahil dun lang tayo magiging masaya. Maiksi lang buhay sundin natin ang sinisigaw ng puso natin . Si Jesus mahal tayo kaya tinubos tayo puso ang nagmamahal hindi ang isipan. Sa pagmamahal mararamdaman ang totoong kasiyahan. Kaya ngayon uuwi na ako samin sa probinsya alam kung mauunawaan nila ako. Ito ay akin pananaw lamang '_'

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...