Rent a J9 Telemarketer



Ito ay usapang bodega...

Have you heard about J9? Hindi ito isang Mafia o uri ng bigas. Ito ay isang kumpanya na warehouse inspired ang motif. Unang footstep mo pa lang sa kanilang panulukan, alintana mo na ang pagbabalik sa dekada na ang modernization ay isa pa lamang rare element sa city... De kahon ang mga tila wooden trailer vans na mga slid na nagsisilbing office ng bawat department.



If you were to have your application invite to be part of this organization, hindi ka na magdadalawang isip... Baka nga hindi ka na mag-isip at all... NO na agad-agad! Kaka-yikes... Dirty ang place... Uber dirty... How did I know? I worked there...



Believe it ir not, Yes. I was once part of this organization...



Since I am a certified squatter, ciempre malapit sa puso ko ang pagka-depress ng lugar. Sa tulad kong lumaking gipit na gipit at nagdarahop, may kung anung lukso ng dugo sa tuwing makakakita ako ng isang magulo at nanggigitatang lugar. That was the feeling I had when I first saw J9.



Ang J9 ay isang hindi kilalang call center na pinamumugaran ng iba't-ibang klaseng empleyado. From top management people down to the rank-in-file employees, masasabi namang hindi sila basta-basta... Jofcorz, ang kayanin at sikmurain lang na maging bahagi ng isang physically messy company is already a clear sign na ikaw ay may kakaibang persona... It means that you are patient, strong and determined to have a job.



Initially I really thought that call center hub ang J9 ng mga taong masabaw  ang utak at hindi matanggap sa ibang mas matitinong call centers... That's also why I joined the company. Thinking na I am more superior than most of the people so it would be a piece of cake na lang for me to train them. (OO, Naging Trainer nila ako na eventually slash HR. Ganun naman kasi 'pag hindi gaano ka-big time na BPO, multi-tasking talaga dapat para masulit ang pinapasuweldong hindi na rin naman nalalayo sa industry standard.)



Pero of my 2-year stint, my first impressions didn't last and I was wrong to think na eme-eme lang at hilaw in general ang quality ng tao sa J9. Though most agents were first timers sa outbound call center set-up, hindi naman matatawaran ang nag-uumapaw nilang passion  and dedication to learn the business.



Marami akong unforgettable personalities, moments and experiences with J9 na worth sharing naman.  Kakamiz nga sila eh.



How can I forget 'yung awesomeness ng Leader of the Gang ng kumpanya na si Ms. Janine. Grabeehh... She's a living proof na totoo na may "small but terrible" na tao... She so0 petite pero 'wag ka, antayin mong bumuga ng apoy at manginginig ang tuhod mo kahit 5'9" and145 lbs and stats mo. Ako yata 'yun... You can't argue with her kasi lagi siyang tama. I attempted to counterargue sa ibang points niya not just once but many times. Never akong nanalo!



Exact opposite naman ni Karla si Ms. Janine in terms of logic and substance... Si Karla ay isa sa mga kasama ko sa HRD na ubod ng kupal... I can't find a way to sugar coat it... Bad memories lang ang majority na ibinigay niya -as in! Hindi ko na rin bet na i-explain pa since sure naman ako na walang natuwa sa kanya sa J9. Kung meron man, not more than 5. Sure ako dito.



Mabuti pa si Lily na ka-back to back niya, good natured, masipag at forever sweet lang... May pagka-chizmoza lang...



Temporarily, I handled a Team too sa J9 and I had the chance to work with the best people of the Company... Si Shandy aka Kulot na nagpahiram ng friendster account niya so I could stalk 'ung dati kong crush.... She's now with the kabuhayan showcase... Si Reyn na pinakamaganda sa balat ng lupa... Makinis, walang bahid at walang pintas... Artistahin kumbaga...She's a happy mother. And jofcorz si Andi Igorota na that time ay bagong salta sa ciudad... Now she has spread her wings flying high.... Ma-awra pa rin.... Si Gemmalyn kaya buhay pa? nakakamiz sila...



I also met genuine people sa J9 like TL Jamir... Hindi siya beki pero favorite niyang magpatugtog ng Mariah Carey songs... Jamir has full of sense at alam niya ang meaning ng real chill and joy while working and delivering results at the same time. Sa team niya galing ang Tres Marias ng J9 - sila Fifi, Miles and Ali... They are the beautiful women of J9 trapped in men's body! Si Fifi ang pinaka-pretty at serious sa work na hindi tulad ng kapatid niyang si Claire na OA sa pagkapasaway ngunit gaya niya, brainy rin naman si Claire. Wala lang focus. Si Miles ang pinakapa-sweet at soft spoken habang si Ali ang pinakamalapit sa akin... Parehong dugong iskwater ang nanalaytay sa amin. Loud siya pero laging havey just like Pey Benita na female version niya. Disaster pag pinagsama ang dumi ng bunganga at pagiisip ng dalawa. Idagdag pa ang ingay ng gasul turned human na si Leilah. Hayyy... kakamiz sila.



Kumusta na kaya si Darling na pretty TL? I heard she got separated with her hubby na part din ng J9. What about Fram na uber sexy and pretty sa plus size division? Okay pa kaya siya? Si Rosa kaya ng Finance na I heard preggy na sponsored by isa sa mga katabaang old tenants ng J9, happy ba naman siya? Si Solen na inugat na sa seven sulok ng Lapanday, kelan siya mag-aalsa balutan? Si Ma'am Eva Lyn ng AM shift? Ngayong 85 years old na siya, kelan niya planong mag-retire?



Haaaayyyyyst... This is a sign that I miss J9.... No matter how I make lait the company, it won't change the fact that it became a part of me na rin... No regrets but lessons... Sana lang talaga may get together na makaka-join ako!



***

16 (na) komento:

  1. Kakamiss kahit nakakainis... lol
    Marami rin ako natutunan sa buhay bodega lol. Buhay bodega na somehow e nagcontribute to my life to become a trainer sa current company ko... I miss the peeps na mga nakasama ko sa g9... My good and eps lol... kamusta na ba sila dun ngaun? Sana may reunion... hehe -Jollibee
    L

    TumugonBurahin
  2. nakakaaliw nmn toh...cguro ikaw ung baklang mukang tomboy sa HR noh??

    TumugonBurahin
  3. beauty in HD tumpak! sya nga yun... dahil till now sya rin ang bklang mukhang tomboy sa Aisle ng owfisinang ito!

    TumugonBurahin
  4. Mukhang ang totoong namiss mo eh yung mga tao more than yung company na messy LOL

    TumugonBurahin
  5. masaya pa rin nman kahit konti na lang kami..pero syempre ikaw naging trainer ko at nagpasok saken kya gusto ko pa rin magthank you,i really appreciate it tlaga..madami n rin kami natutunan..miss na rin namin kayo..

    TumugonBurahin
  6. ...mare ang hirap namang hulaan! hahahaha..prang gusto ko parin magbilang ng seven na sulok ng lapanday.

    TumugonBurahin
  7. ..assuming lang....ceps?

    TumugonBurahin
  8. eto ba yung malapit sa dangwa?

    TumugonBurahin
  9. ignore ko na nga yung bodega, napasarap ako sa kwento mo e :D

    TumugonBurahin
  10. ceps, namiss narin kita... :) been a while..

    TumugonBurahin
  11. Ceps musta...

    TumugonBurahin
  12. Oemgeee....ceps!!! Pucha kbt kelan k tlg..ibuh odn kung bumanat...nkakamiss....

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...