Walang Pasko


I decided just now not to celebrate Christmas.


Ituturing ko na lamang itong isa sa mga pangkaraniwang araw na darating at lilipas lang…

Bakit?

Walang reason. Hindi dahil sa bet kong magpaka-party pooper or magpaka-Bad Vibes ngayong yuletide season. Wala lang talaga akong enough reasons to be merry. So, why celebrate?

Hindi naman pwedeng ipaubaya ko sa December 25 ang mga napagdaanan ko ngayong year na ito. Hindi pwede ‘yun! Hindi pwedeng ganun-ganun lang…

Dapat nga tularan ako ng lahat… I-assess muna ang mga bagay-bagay at magpasya kung dapat mag-go with the flow sa Christmas spirit. ‘Wag basta-bastang makiuso lang!

Ask yourself. Do I have enough reasons to push the boat out this Christmas?  Ako, WALA!

Unang dagok ng taong ito, 1st quarter, I lost my job. I was with that ****ing company for 5 years tapos isang Friday after shift, the super unexpected news came, we were all retrenched! I didn’t see it coming. Argh… It took me weeks to move on emotionally and mentally. Financially hindi naman masyado.

Naka-getlak ako ng separation pay pero hindi kayang bayaran ng kahit magkanong halaga ang all out imbyerna na naramdaman ko. Alam mo ‘yung feeling na matapos mong magtrabaho ng maayos at maging da best in terms of attendance, attitude, performance at best in friendship na rin, eh bigla na lang non grata ang kabayaran?  

Ikalawang pasakit,  aside from I was unemployed for 46 days. Bago matapos ang 2nd quarter,hindi yata clear ang prayer ko dahil I specifically asked for a job pero luvlyf ang dumating. Hindi naman sa ang arte ko at choosy pa sa blessings pero  jofcors, sana man lang naihanda ko ang aking katawan at kaluluwa dahil tila yata na-shock ang aking pusong bato sa muling pagtibok at hindi rin kinaya, 3 weeks lang ang itinagal. Pinagpakasasaan lang ang aking hot at delicious na katawan.

I was in my worst!

Jobless and broken hearted. HUWAW talaga!!! Kinan**t ako ng malas diba? Hindi pa man ako nakaka-move-on sa usaping trabaho, isyung pusuan naman.

More?

Pagdating ng 3rd quarter ay ang pagbungad ng pangatlong hagupit. Kasabay ng aking pag-alis sa world of unemployment, naging bahagi naman ako ng isang management team na pinamumunuan ng isang Manager na ubod ng tanga! My first time. Isa siyang babaeng hindi biniyayaan ng tangkad at ng talino. Habang focus at dibdiban ang aking pagtatrabaho, siya lang ang Manager na nag-o-offer na umabsent naman ako. Ganyan siya mag-welcome ng bagong empleyado. Heto pa, wala akong natutunan sa kanya at buti na lamang self-starter ako at nalampasan ko naman ang hamon na alamin ang mga bagay-bagay sa bago kong opisina. Sa ngayon ay na-bonggal na si tontang Manager as expected at  swak sa sakto naman ang pumalit sa kanya.

Hindi pa rito natatapos ang kamalasang dala ng 3rd quarter. Napa-trouble si utol at nakulong. Bilang ako ang ulirang breadwinner ng pamilya, I had to pay 35K para sa piyansa upang hindi tuluyang mahantong sa bilibid ang life story niya.

Siya ang kapatid kong mas matandang ‘di hamak ngunit mistulang ginawa niyang libangan ang pagpapabigat. College gradweyt pero never nag-work. Immune na ako sa sistema niyang patapon pero sana wala ng financial casualty, diba?

Ngayong 4th quarter ang final salvo. Huling hirit na ng sumpang dala ng 2012. Not to mention few minor challenges na hindi ko na nabanggit, ang napagdaanan ko ngayong November na yata ang pinakamabigat at life changing talaga. Itong isang ‘to ang naghimok sa akin na huwag ng ipagdiwang ang pinakamahalagang araw ng taon.

Sa aking akala, strong and well versed na ako sa pagharap ng struggles sa buhay dahil na rin sa dami ng aking mga napagdaanan at nalampasan hindi lang this year kundi since birth.
Mali na naman ako! Hindi ako perfectly trained na maging matapang.

November 23, I lost my Dad unexpectedly. In-english ko na para hindi mas hard ang delivery at sosyal pakinggan. As usual, dapat ako ang strongest sa pamilya dahil dapat kong i-keri ang lahat ng bigat para kay Mother at sa aking brother na rin.

Hindi ko na nagawang magluksa to the fullest. Baka until now, hindi pa napo-proseso ng  aking mga brain cells  ang lahat dahil right after bereavement leave eh balik trabaho ulit.

Trabaho… Trabaho… Trabaho lang ng trabaho… Kailangan kasi eh.

Pwede akong husgahan dahil wala naman talaga akong puso sa mga oras na ito. Ni hindi ako gumamit ng puso sa pagsulat nito. Feel free to judge me.

Nakakarindi lang makarnig na Christmas greetings from people knowing what I am going through. 

Kaya, walang Pasko!

Pero I am okay. I will be and I should be. After all, buhay ko ‘to…

Do I make sense not to celebrate Christmas this year?

May next year pa naman.

Disclaimer: I wrote this on December 3, 2006 noong hindi pa uso ang blogging. Nakita ko lamang sa aking lumang Journal and I decided to transfer it here Verbatim. Sa ngayon, Merry ang aking Christmas pero 'wag na lang kayong maingay!

38 komento:

  1. Awwww.. Merry Christmas. :D Glad to hear the tides have changed na. :)

    Ako naman, kinamumuhian ko pa rin ang pasko, amongst others. :-p

    TumugonBurahin
  2. Bakit naman???? wag wag wag... ang sabi ng bigas... Dapat merry and good vibes lang sa paskong darating..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. I'm a bit of a buzz killer. Na-bully kasi ako 'nung bata pa ako kaya lumaking bitter. LOL.

      Kidding aside, I love Christmas... presents. :D Unfortunately, we really don't have time to celebrate Christmas this year. We're in the process of moving (to a new country) kasi.

      Burahin
    2. ahhhhh... that's good... naku big adjustments yan... good thing you have blogging as your outlet

      Burahin
  3. wag ganun... dapat iwasan ang asim sa pagtatapos ng taon... There maybe struggles you've faced , chances you took , sometimes it even knocks you down, but no dont go breakin... you gotta be strong , just keep on pushing on. Hulaan mo kung anong song yan!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ay uu nga sobrang liit naman kasi.. im glad to hear na merry na ang xmas mo... at di ko na need pa ituloy ang kanta ni Miley

      Burahin
  4. Hey deary... it may sound a bit of a cliche already but as they say...

    What doesnt kill you makes you stronger.

    Kape... kape... pagbalik ko?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naku dnt ask me for a coffee baka mapasubo ka....coffee addict here...tnx for visiting...

      Burahin
  5. Kung ang sinasabing pasko eh yung sinasabing kapanganakan ni Jesukristo, aba eh useless nga na icelebrate yan, san ka naman nakakita nang birthday celebration na wala ang celebrator aber? . . . Oi, condolences! Di ko alam na namatay ang Father mo! Keri mo yan, kaw pa ba? Pero baks, kung kailangang maging weak minsan, wag pilitin ang sarili na masyado magtibay tibayan, you need to let it out minsan! Kaya mo yan! Dadamayan ka daw ni Nelson! =)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. disclaimer: ito ay para sa nararamdaman ni Christian Dee nuong December 3, 2006.

      Burahin
    2. wow...may disclaimer ka pang nalalaman jan!

      Burahin
  6. Parang feeling ko dapat may disclaimer din yung disclaimer mo sir!

    TumugonBurahin
  7. eh di wag mong icelebrate! who cares care bear...basta wag mong kalimutan gift namin..hehe! Merry Christmas TL!

    TumugonBurahin
  8. for me mejo mabigat ..dec 25 nadeads dad ko.. pero nka move on na..

    gusto ko yun line mo na..

    "Dapat nga tularan ako ng lahat… I-assess muna ang mga bagay-bagay at magpasya kung dapat mag-go with the flow sa Christmas spirit. ‘Wag basta-bastang makiuso lang!"

    tama naman.. kung super yaman mo na ok lng dba... disrespect sa iba sori.. but still reality pa din mangingibabaw... merry xmas mr. dee.. ahahahahah

    TumugonBurahin
  9. Buti nalang e nabasa ko ang disclaimer (after reading one of your replies here). So was your Christmas back then po kuya?

    Pero buti ngayon merry na! :D

    TumugonBurahin
  10. muntikan na ako magpost nang mabasa ko ung disclaimer. anlaki brad! ehehe.

    but yeah, glad you changed your perspective. for me Christmas din kasi is a time to celebrate those good things that are still here despite those that aren't already. :)

    how did the turnaround come about pala?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. i just made myself busy bro... tapos yun... God did not allow me to be down for so long... salamat sa pagdalaw JM...

      Burahin
    2. e mabuti naman sana kung ang mga nangyari sa iyo e nawala bolpen mo, o kaya nagkabutas ung damit mo, o kaya nawalan ka ng limang piso. mabigat din naman kasi ung mga nangyari sau. kaya normal na reaction lang un. buti na lang di ka nagtagal sa ganung phase..

      Burahin
    3. losing an immediate family member is a lifetime grief naman talaga... but life has to move no matter what... haaayyyyyy.... good thing I never had regret coz I had a great time with my Dad before he left us...

      Burahin
  11. Ayun, may disclaimer sa huli :D Tama senyor, spend Christmas na may ngiti at good vibes!

    TumugonBurahin
  12. ramdam ko ang bitterness ng sinulat mo ito.. pero wag masyado maging bitter.. dapat unsweetened lang. :) sabi nga nila hnd ka nmn bibigyan ng problem na hindi mo kaya. good to know you never gave up. cheers to that! at merry christmas narin! tandaan. wag magpaputok this christmas and new year! masama daw yun. hehehe.

    TumugonBurahin
  13. ibang level ang sigh of relief ko ng mabasa ang disclaimer. Buti this was a long time ago and I'm sure you're in a much better state now. Tuloy ang Christmas, wag lang matuloy ang end of the world chenes na yan! :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama... merry xmas ZaiZai... natatakot na ako....what if totoo ang end of the world tomorrow?

      Burahin
  14. okay lang yan. cheer up!

    happy new year na lang parekoi!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Huwaw ha... I appreciate naman the sympathy from you... sounds sincere and super concerned...hmnf

      Burahin
  15. solb lang 'yan adre.. kahit hindi naimbento ang pasko, buhay mo pa rin 'yan.. hehehe

    TumugonBurahin
  16. lakas ng charantia at papaitan sa pait! pero naiintindihan kita. sige na nga wala nang pasko. hahaha.

    pero infur ha, strong ka pa rin. masigabong palakpakan sayo. pag nagkapera ako papatayo akong rebulto mo.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. you don't checkthe labels when you buy milk noh? Try.... it pays off...

      Burahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...