Pluma sa Libro ng Buhay


Bulag man ako minsan sa katotoohanan, hindi ang kaisipang likha ng aking mga kamay gamit ang pluma.

Sa mundo ng pagsusulat, ako ay malaya. Dito, kaya kong simulan ang lahat patungo sa katapusang ako lang ang may batid.

"Wala kang mararating. Mahirap ka lang. Hanggang dyan ka na lang." sigaw ng mga mapanghusgang tingin ng lipunan sa tulad kong lumaki sa looban.

Hindi biro ang malubak na daang aking tinahak. Pinilit kong panlabanan ang lahat ng panlilibak mula sa mga tauhang sinubok ang aking tatag sa pagharap ng hamon ng buhay. May panaghoy man sa mga sugat ng pagkakadapa, binangon naman ako ng sanlaksang pag-asa upang gawing gabay ang liwanag na mula sa munting lampara. Liwanag na nagturo at nagpatibay sa akin para ipagpatuloy ang nasimulang paglalakbay. Sinulat ang lahat ng ito ng mapagmatyag kong diwa gamit ang panitik ng karanasan. Sumidhi ang aking pagnanais na marating ang wakas ng isang nobela ng aking buhay na puno ng madidilim at mapapait na mga kabanata.

"Anak, mag-aral kang mabuti. 'Yan lang ang aming pamanang hindi mananakaw sa'yo. 'Yan lang ang ating pag-asa upang umangat sa buhay." gasgas ngunit halinhinang saad ng aking mga magulang mula noong ako'y musmos pa lamang hanggang sa makarating sa kolehiyo.

Natapos ko ang kursong Medisina bunga ng dugo't pawis na pagpupunyagi ng aking mga magulang upang matugunan ang aking mga pangangailangan sa pag-aaral. Tulad nila, nais ko rin ang magkaroon ng unang doktor sa pamilya. Nagbunga naman ang lahat at sa unang pagkakataon ay nailathala sa peryodiko ang aking pangalan nang pumasa sa pamosong pagsusulit para maging ganap na Manggagamot. Hindi matawaran ang naguumapaw na ligayang naidulot ng balitang ito sa aking angkan. Naging susi ito sa ginhawang inaasam ngunit hindi pa rin nagpaalam ang ilan pang pagsubok. Naging saksi ang mga tinta ng aking panitik sa bawat pagsisikap, kabiguan at tagumpay. Tuluyan kong inilapat ang mga titik na kukumpleto sa aking sariling kasaysayan. 

"Mahal kita ngunit paalam. Naging masaya akong naging bahagi ka ng aking buhay pero hanggang dito na lang. Hindi ko kayang makipagtunggali at maging hadlang sa iyong mga pangarap." nangangatal na wika ni Isabel habang gumagapang na parang alupihan ang mga luha sa kanyang dalawang pisngi.

Si Isabel ang nagturo sa akin upang maging ganap na makata. Ang kanyang matamis na ngiti ang inspirasyon ng ilang saknong ng aking mga tula. Tila ako'y isang sorbetes na natunaw sa una niyang titig. Siya ang una kong pag-ibig at gaya ng isang awit na may magandang himig, may wakas. Binagsakan ng langit at lupa ang aking pakiramdam sa kanyang pamamaalam ngunit nangibabaw ang aking pagiging barako.  Tanging hagulgol sa ilang mga pahina ang aking naging sandigan upang ibuhos ang milyong butil ng panaghoy mula sa puso kong labis na nasaktan.

"Diyos ka ba? Ano ang karapatan mo para tapusin ang buhay ko? Hindi 'yan totoo!" bulalas ng isang babaeng una kong pasyente nang malaman niyang may ilang buwan na lamang ang nalalabi sa kanyang buhay dahil sa malubhang karamdaman.

Samu't saring emosyon ang kalakip ng pagiging isang manggagamot. Tila isang punebre ang mga pagkakataon kung saan ako'y kailangang maghatid ng masamang balita. Dinudurog ang aking didbdib sa tuwing bibigkasin ko ang mga katagang magbibigay tuldok sa buhay ng bawat makakasalamuha kong pasyente sampu ng kanilang mga kaanak. Ito ang pinakamasaklap na bahagi ng aking naging propesyon. Hindi ko kailanman makakasanayan ang paghahatid ng balitang kikitil sa mga taong tanging pag-asa ang sandalan. Pag-asang sa akin nakaatang ngunit winawaglit sa tuwing mananaig sa laban ang ahas na kamatayan. Ito marahil ang nagtulak sa akin upang bahagyang lumihis ang landas at mapunta sa mundo ng pagtuturo. Naging guro sa isang tanyag na unibersidad na ang mga mag-aaral ay may matayog na adhikaing maging isang doktor na tulad ko. Pisara, aklat at panulat ang muling gumalaw sa mga talatang dumaloy sa bahaging ito ng aking buhay.

"Ligtas ang iyong anak. Lalaki. Ang masamang balita, dahil sa komplikasyon, hindi namin naagapan at nasawi sa panganganak ang iyong asawa. Nakikiramay kami..." sambit ng isang doktor na nagdala ng nakakabiglang pahayag tungkol sa isang trahedyang aking sinapit.

Tulala at nabitiwan ko ang kamera na sana'y magiging saksi sa inakala kong magiging pinakamasayang sandali namin ng aking asawang si Marissa. Sinundan ng nakabibinging katahimikan. Wala sa hinuha na sa pagsilang ng aming panganay ay ang wakas ng kanyang buhay. Siya ang naging katuwang ko sa lahat ng plano sa pagtaguyod ng isang simpleng pamilya. Sa bagong buhay na ibinigay ng Maykapal ay kapalit ang buhay ng aking maybahay. Paano ako babangon? Paano ko sisimulang maging bagong ama sa gitna ng pagluluksa? Nabatid ko ang mga kasagutan nang unang masilayan at mayapos ang aking anak. Hindi man niya lubos na batid ang pangungulila sa ina, may kung ano sa kanyang mga munting tingin at kapit sa aking mga daliri ang naghatid sa akin ng mensahe ng tiwala at pagmamahal. Labis man ang aking dalamhati ay paiyak kong nasabi sa aking sarili, "Ligtas ka anak...". Umagos ang luha sa ilang pahina ng aking kwento ngunit nagpatibay ito sa aking marubdob na pagnanais na tuluyang paikutin ang gulong ng buhay para sa aking anak.

"Maraming salamat sa lahat 'tay. Ngayong tatahakin ko ang bagong buhay sa piling ng aking asawa, bitbit ko ang mga ginintuang aral buhat sa 'yo. Maraming salamat." nakayakap na bulong ng aking anak sa araw ng kanyang kasal.

Napagtapos ko ang aking kaisa-isang anak at naging arkitekto. Matapos ang limang taon, siya ay nakipagtaling puso at bumuo ng kanyang sariling pamilya. Naging matagumpay ako sa larangan ng pagpapalaki sa kanya bilang isang mabuting tao sa kabila ng kanyang kawalan ng kalinga ng isang ina. Kilalang-kilala ko siya mula ulo hanggang paa maging sa kasingit-singitan ng kanyang kuyukot kaya't batid kong sigurado siya at paninindigan ang desisyong tahakin ang bagong yugto ng kanyang buhay. Baon niya ang mga mabubuting kaisipan at asal na inukit ko sa kanyang pagkatao. Sa kanyang pagbaybay sa bagong mga pagsubok at realidad ng buhay, muli akong magsisilbing gabay at hindi matatapos ang aking nasimulang gampanin sa kanya bilang isang ilaw at haligi ng tahanang pinagmulan. Mula sa kanyang pasasalamat ay bagong hamon sa aking patuloy na pagsusulat ng istoryang iinog sa wakas na tanging ako pa rin ang may alam.

"Halika at tumuloy sa paraisong himlayan. Maupo ka't ating pag-usapan ang naging buod ng iyong pamamalagi at paglalakbay sa aking malawak na tupahan." maamong tinig mula sa Diyos na hawak ang aking kamay patungo sa isang maulap na lamesa. Nasa ibabaw nito'y isang aklat na Kanyang dali-daliang binuksan matapos ang aming pagkakaupo.

Sa pagtatapos ng dapit-hapon ng aking buhay ay ang dilim ng pamamaalam. Sandamakmak na kalungkutan man sa aking mga iniwan, inasahan ko ang kamatayang lahat naman ay dito patungo. Sa aking huling hininga ay nagbalik ang lahat ng alaala. Ginunita ang bawat pait at tamis ng mahabang biyaheng aking tinahak. Mula sa mga personalidad na aking nakasalumuha at sa mga karanasang sumubok sa aking pagkatao, nailahad lahat ng aking panulat na naging puta sa aking kaisipan at damdamin. Animo'y kahapon lamang naganap ang iba't ibang naitalang mga pangyayari. Sa pagpikit ng mga mata ay ang aking kauna-unahang pagsuko sa laban. Ito ay dahil sa paniniwalang tanging Siya lang ang may kakayahang magbigay ng makabuluhang katapusan.

Ito ang libro ng aking buhay. Naisulat ang ilang bahagi. Putol at walang wakas dahil isang malaking pagkakamali ang isiping nasa aking mga kamay ang karapat-dapat at pinaka-akmang katapusan.

Sa dambana ng aking Diyos na siyang tagapaghusga, pupunan Niya ang huling pahina gamit ang habambuhay kong hawak na pluma.

WAKAS


Ito ang aking lahok para sa BAGSIK NG PANITIK 2013 ng Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy.




66 (na) komento:

  1. Mga Tugon

    1. OMG!! This is certainly a shocking and a genuine Testimony i have ever
      seen..I visited a forum here on the internet on the 20TH OF JUNE 2014,
      after my husband separated me and my marriage of 8 years was broken down
      and i was totally inconsolable and without hope because i have tried all
      means to get my husband back after much pleading and did everything
      possible to make sure that he comes back, but nothing worked out for me....
      And i saw a marvelous testimony with this email dress

      AKHERETEMPLE@GMAIL.COM

      of this powerful and great spell caster called
      Dr Akhere on the forum.. And i saw how Dr Akhere reunited a family and
      brought the Husband of a woman back to her in just 24 hours..I never
      believed it, because i never heard nor learnt anything about magic before..
      Not a soul would have been able to influence me about magical spells, not
      until Dr Akhere did it for me and restored my marriage of 8 years back to me
      and brought my spouse back to me in the same 24 hours just as i read on the
      internet..i was truly astonished and shocked when my husband came to my
      house and knelt down begging for forgiveness and for me to accept him
      back.. I am really short of expressions, and i don't know how much to
      convey my appreciation to you Dr Akhere you are certainly a God sent to me
      and my entire life and family.. he did his work just as he guaranteed me in
      24 hours and it yielded an optimistic result to me and i was able to get my
      Husband back. right now my Husband has falling so much in love with me and
      my kids like never before. This spell casting isn't brain washing but he
      opened up his eyes to see how much i love and wanted him, i really don't
      know how best to be grateful to you Dr Akhere for bringing happiness into
      my life and family, and now i am a joyful woman once again.. here is his
      Email: AKHERETEMPLE@GMAIL.COM

      Burahin
    2. Life is good when you have your love ones around you, I am

      saying this because when i had issues with my lover i

      never seen life as a good thing but thanks to DR.AKHERE ,

      for helping me to cast a spell that brought my lover back

      to me within the space of 48hours. My husband left me for

      another woman after 4YEARS of marriage,but DR.AKHERE help

      me cast a spell that brought him back to me within

      48hours. I am not going to tell you more details about

      myself rather i will only advise those who are having

      issues in there relationship or marriages to contact

      DR.AKHERE TEMPLE through these details via;
      (AKHERETEMPLE@gmail.com)

      Burahin
  2. Huwaw, ikaw ba ito Senyor? ang ganda. Kuwento ng paghihirap, sakripisyo, hinagpis at tagumpay. Naintriga ako kina Isabel at Marissa hehe, Ang kayang relasyon nila sayo sa totoong buhay? Mahusay mong naisulat ang lahok mong it.

    Goodluck sa entry mong ito :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha nagkaron ng showbiz naman dito. habang nagbabasa ako dito naiisip ko na ang entry ko kaso nahihirapan ako sa tagalog bahala na. lol

      Burahin
  3. goodluck senyor. pahapyap lang ang aking pagbasa dito kasi gumagawa din ako ng entry. goodluck sting lahat :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ang busy niyo na sa mga entry niyo haha luging lugi ako kasi struggle na struggle ako sa mga tagalog terms hahaha good luck sa inyo makikigoodluck at congratulate ako sa inyo nito kapag di ko mabuo ang aking kwento hahahaha

      Burahin
  4. Husay mo senyor! Pa-burger ka pag nanalo ha. :D

    Good luck sayo! :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. buy one take one na burger para mas mura hindi mapapamahal si senyor hahaha

      Burahin
  5. hindi ko alam pano ko ito makonek sa entry mo teh pero naaalala ko lang ang sabi ng pinsan ko na "worried ako kasi kahit nurse na ako parang tingin sa akin ng pamilya ko eh talunan pa rin ako" at biglang sumagi sa isip ko na kailangan bang matapos ka ng maaga like it should be at the age of 21 para masabi mong successful ka sa buhay? ang tanging nasabi ko lang sa kanya bilang nakakatanda na pinsan ay hindi porque na natapos ka ng 21 years old eh successful ka na kasi madalas yong nahuli sa pagaaral at madaming pinagdaanan sa buhay ay sila yong may mas tapang at sumugal sa kanilang sarili para harapin ang ano mang darating unos sa kanilang buhay.

    lahat ng propesyon ay masabi kong hindi talaga perpekto, hindi porque na doctor ka, arkitekto ka ay exempted ka sa mga problema minsan nga lalo na itong doktor ay mas may matindi pa silang pinagdadaanan kaysa isang normal na propesyon. may kilala kasi akong doktor na lagi niyang tinatanong noon kung bakit sa lahat ang naging specialization niya ay yong sa mga cancer tapos years after nagkaron siya ng cancer. every page sa ating buhay ay malamang makokonek iyan sa susunod na page or chapter ng ating buhay.

    may pinaghuhugutan ka ba nito teh? hehehe miss u teh!! hope to see u soon.

    ang longest comment ay dapat may award hahahahaha

    TumugonBurahin
  6. Hangganda! galing mo Senyor! Gusto ko yung paraan mo ng pagkakasulat at pag gamit ng mga metaphors. :) Thums up!

    Nalungkot ako para kay Marissa. :(

    TumugonBurahin
  7. Ito ang kwento ng buhay... ang ganda!...
    pumapalakpak ako ng palihim habang binabasa ang bawat titik at letra..
    Good luck sa iyo!

    TumugonBurahin
  8. A journey through life... magaling ang pagkakasaad ng kwento... malinis.

    Alhtough sa part na makapagtapos ng Medisina ang isang taga looban? It will take a lot of sacrifices financially... buwis buhay ang kursong ito para sa mga average ang income sa family. I'm amazed that people can actually do that.

    Good luck sa entry!

    TumugonBurahin
  9. kakabilib naman kayong mga sumali sa pa-contest ni Bino, ang gagaling nyo humabi ng kwento! ang mga salita ay nagamit ng akma, medyo naguluhan lang ako sa puta, parang di ko masyado na-gets pero magaling, ang ganda ng pagkakagawa. Good luck dito sa entry mo Senyor. :)

    TumugonBurahin
  10. sa ilang pasada ko ng pagbabasa dito sa blog mo nitong mga nakaraan, tapos pagkabasa ko nito, medyo nanibago ako sa istilo mo dito, adre.. pero anu't anuman, bilang isang mambabasa, ang masasabi ko lang eh na-entertain ako.. hehehe

    sa tingin ko (kahit hindi ko pa nababasa yung iba pang kalahok sa patimpalak na nilahukan mo), may ilalaban 'to para sa anumang pinakamataas na karangalan.. mag-dilang-anghel o demonyo man ako, good luck pa rin sa entry mo na 'to..

    ipagpatuloy!

    TumugonBurahin
  11. Bakit kaya nabasa mga mata ko at tumagos sa puso ko ang storyna to? Siguro naka relate ako sa maraming parte ng story and the characters. For me, it is an awesome story. Good luck.

    TumugonBurahin
  12. OMG! Was so absorbed with the story. Galing ng narration senyor. Akala ko jowk lng lahat sinusulat mo.

    Sana kahit me mga trials ganito pa din. Fulfilled ang life at readyng ready to face kamatayn

    TumugonBurahin
  13. Magaling! Thumbs up!

    TumugonBurahin
  14. Nosebleed naman. Kailangan kong mag re-read dahil sa lalim. Good luck at napakaganda ng pagkakasulat ng iyong kuwento.

    TumugonBurahin
  15. nice senyor hirap talaga ng trabaho ng doctor
    napaka laking tungkulin at napakabigat ng mga tagpong
    isinaad mo dito

    ganda ng yong paraan ng pagsulat
    saka nagutuhan ko talaga ung mga
    lines nya sa ending

    ung story ko dapat bad ending yun ee pero sabi ko
    dapat maging positive kaya sa diyos din nag tapos ang
    aking akda

    TumugonBurahin
  16. holy scottland!! galing ni senyor. sana eh kaya ko rin patalasin ng ganire ang pagpapahayag ko :(( pengeng talent senyor! ^_^


    maiksi lang pero nandito na lahat ng hahanapin mo sa isang maikling kwento. goodluck tol. ^_^

    TumugonBurahin
  17. salamat sa paglahok senyor :)

    TumugonBurahin
  18. babasahin ko to pag may oras na. pasintabi senyor. at good luck sa patimpalak nato!

    TumugonBurahin
  19. Ito ang isa sa mga gusto kong style ng pagsusulat, matalinghaga at may pagka makata. Nakakabilib ka Senyor, versatile na versatile kana talaga, may angking talento sa pagsulat sa larangan ng panitikan! Ipagpatuloy mo lang!

    TumugonBurahin
  20. Gustong-gusto ko talaga ang part ni Isabel :)

    TumugonBurahin
  21. unang part pa lang binabasa ko parang ayoko na ituloy kasi dumudugo na ilong ko hehe.. ang lalim...pangarap ko ring maging doktor dati eh..hehe wala lang..

    ang lungkot naman namatay agad si marissa at in fairness di na nagasawa ulet ang bida at ibinuhos na lang ang atensyon sa anak.. mahusay! goodluck sa entry mo :)

    TumugonBurahin
  22. Each paragraph represents varying weights of emotion. As I read along, I just can’t help but reflect in my own life.

    And this part really bugged me down when out of the blue I can’t hold back my tears running down my cheeks though I really was trying hard not to create a crying sound as it was unholy hours already.

    "Halika at tumuloy sa paraisong himlayan. Maupo ka't ating pag-usapan ang naging buod ng iyong pamamalagi at paglalakbay sa aking malawak na tupahan." maamong tinig mula sa Diyos na hawak ang aking kamay patungo sa isang maulap na lamesa. Nasa ibabaw nito'y isang aklat na Kanyang dali-daliang binuksan matapos ang aming pagkakaupo.

    There were parts of the story that I myself had gone through – one of the reasons why I was so touched by it.

    The story, though presented in series of unfortunate events, still captures one’s heart and pinched from the deepest part of one’s heart. Yet in the end, it's a story of triumph, of rising above all challenges.

    It’s very real, can happen in anyone’s life and had happened to yours.

    For me, if I were to judge it basing on the entries I have read so far, this is my winning entry. I mean it – not because you’re a good friend now and I just want to flatter you but because – your entry is real-life based and is very moving.

    TumugonBurahin
  23. WOW... it's too heavy daddy... grabe... Ambigat ng iyong mga tinuran. I've waited for you to comment on this. This is my first time to write something based on my actual life encounters and I think, you have biases kasi you know me personally na... Kaka-flatter ang 'yong reaction... Parang winner na ako because of your real juicy comment... hehehe

    TumugonBurahin
  24. Okay lang ba sir kung mapamura ako...

    taena, napakaganda ng likhang ito. Panalo, sobrang sarap basahin, may tagos sa puso ang bawat linyang ginamit at ang kabuuan, tumimo sa aking isip..

    napakagaling sir. ito ang tinatawag ng Bagsik ng Panitik :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat naman sa napakatamis na komento... napamura ka pa ha... intenes... hehe... salamat naman sa iyong pagdaan...

      Burahin
  25. Kahit alam kong fiction ito dahil kilala kita in person alam kong may pinaghuhugutan ka sa emosyon na nilagay mo habang sinusulat mo to. Ang emotional lang at heartfelt. Paserious nang paserious kaya I'm sure nahirapan kang gamitin yung ibang words in a way na hindi masisira yung seriousness. OK naman kasi hindi naman nagmukhang out of place yung mga words. Good luck.

    TumugonBurahin
  26. Senyor mejo may pagkakahawig ang pag atake natin sa theme. parang nangopya ako sayo. hehe

    pero...

    mas malawak ang panitik mo , mas malalim , mas magaling at masasabi kong mas mabagsik.


    aabangan ko to sa top 10.

    seryoso ako :)

    TumugonBurahin
  27. wow... congrats Senyor.... ^___^ galing ng pagkakasulat mo ^^

    TumugonBurahin
  28. congrats senyor! 4th place wow, galing!

    TumugonBurahin
  29. Nais kong sabihin sa mundo tungkol sa isang mahusay na tao na tinatawag na Dr.Agbazara ng AGBAZARA templo para sa pagdadala ng kagalakan sa aking kasal pagkatapos 2years ng diborsiyo mula sa aking asawa at ang aking 4kids, mayroon i hindi lahat ng bagay upang dalhin ang mga ito pabalik sa aking buhay dahil mahal ko ang mga ito nang sa gayon magkano kaya ipinakilala sa isang kaibigan sa akin sa isang spell caster noong nakaraang buwan na ginawa bawat bagay espiritwal at dalhin ang mga ito pabalik sa loob ng 48hours, ngayon kami ay sama-sama at masaya kahit na higit pa kaysa sa kung saan kami dati. Maaari kang makipag-ugnay sa ito mahusay na spell caster upang malutas ang iyong sariling mga problema sa pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng email tulad ng i ginawa sa: (agbazara@gmail.com) O tumawag sa 2348104102662

    BARBARA mula sa USA

    TumugonBurahin
  30. My ay Jennifer, ito ay isang patotoong hindi ko malilimutan ang aking buong buhay

    Ito ay mahirap na paniwalaan, ang aking kasal ay halos nasira down pagkatapos ng 9 na taon ng kasal. Magandang araw sa lahat. Ang pangalan ko ay Mrs. Jennifer Paul, ako ay may asawa para sa magandang 9 na taon at walang anak, halos ako ay nagbibigay ng pag-asa hanggang sa nakita ko ang isang sumangguni ng isang patotoo sa kung paano nakatulong PA OBA isang tao upang magsama-samang muli ang kanyang nasira kasal.

    Ako ay nagpasya na bisitahin PA OBA sa website www.obastarpell.webs.com at sinulat ko siya sa Email: obastarpell@gmail.com, at ipinaliwanag ang aking mga problema sa kanya, at sinabi niya sa akin ang ilang mga bagay na maaaring gawin, at ngayon hulaan kung ano ? Ako ay may hawak na isang ulat sa doktor ng 2 buwan ng pagbubuntis pagsubok. Sa lalong madaling panahon ay dapat kong dalhin ang aking baby.


    Kung mayroon kang anumang mga problema suntok at kailangan mo ng isang mabilis na solusyon sa iyong problema, makipag-ugnayan lamang sa akin sa aking email obastarspell@gmail.com o bisitahin www.obastarspell.webs.com para sa karagdagang impormasyon.

    (1) Kung gusto mong bumalik sa iyong ex.
    (2) Kung ikaw ay laging may masamang panaginip
    (3) na gusto mong i-promote sa iyong opisina.
    (4) na gusto mong babae / lalake na tumakbo pagkatapos mong
    (5) Kung nais mo ang isang bata.
    (6) na gusto mong maging mayaman.
    (7) na gusto mong bono sa iyong asawa / asawa sa iyong sarili magpakailanman.
    (8) Kung kailangan mo ng pinansiyal na tulong.
    (9) Herbal care
    (10) Tulong nagdadala ng mga tao sa labas ng bilangguan
    (11) Kung gusto mong manalo kaso sa hukuman ng batas.
    (12) Kung gusto mong magsimula ng iyong kurso ng pamilya.

    Maraming salamat PA OBA ako ay palaging mananatiling nagpapasalamat sa inyo, at ako ay palaging pinatototohanan ang iyong magandang trabaho sa lahat ng tao sa mundo.

    TumugonBurahin
  31. My aJ MARY, ito ay isang patotoong hindi ko malilimutan ang aking buong buhay

    Ito ay mahirap na paniwalaan, ang aking kasal ay halos nasira down pagkatapos ng 9 na taon ng kasal. Magandang araw sa lahat. Ang pangalan ko aJ Mrs. MARY JOHN, ako ay may asawa para sa magandang 9 na taon at walang anak, halos ako ay nagbibigay ng pag-asa hanggang sa nakita ko ang isang sumangguni ng isang patotoo sa kung paano nakatulong DR AKHERE isang tao upang magsama-samang muli ang kanyang nasira kasal.

    Ako ay nagpasya na bisitahin DR AKHERE sa Email: akheretemple@gmail.com, at ipinaliwanag ang aking mga problema sa kanya, at sinabi niya sa akin ang ilang mga bagay na maaaring gawin, at ngayon hulaan kung ano ? Ako ay may hawak na isang ulat sa doktor ng 2 buwan ng pagbubuntis pagsubok. Sa lalong madaling panahon ay dapat kong dalhin ang aking baby.


    Kung mayroon kang anumang mga problema suntok at kailangan mo ng isang mabilis na solusyon sa iyong problema, makipag-ugnayan lamang sa akin sa aking email akheretemple@gmail.com

    (1) Kung gusto mong bumalik sa iyong ex.
    (2) Kung ikaw ay laging may masamang panaginip
    (3) na gusto mong i-promote sa iyong opisina.
    (4) na gusto mong babae / lalake na tumakbo pagkatapos mong
    (5) Kung nais mo ang isang bata.
    (6) na gusto mong maging mayaman.
    (7) na gusto mong bono sa iyong asawa / asawa sa iyong sarili magpakailanman.
    (8) Kung kailangan mo ng pinansiyal na tulong.
    (9) Herbal care
    (10) Tulong nagdadala ng mga tao sa labas ng bilangguan
    (11) Kung gusto mong manalo kaso sa hukuman ng batas.
    (12) Kung gusto mong magsimula ng iyong kurso ng pamilya.

    Maraming salamat DR AKHERE ako ay palaging mananatiling nagpapasalamat sa inyo, at ako ay palaging pinatototohanan ang iyong magandang trabaho sa lahat ng tao sa mundo.

    TumugonBurahin
  32. My aJ MARY, ito ay isang patotoong hindi ko malilimutan ang aking buong buhay

    Ito ay mahirap na paniwalaan, ang aking kasal ay halos nasira down pagkatapos ng 9 na taon ng kasal. Magandang araw sa lahat. Ang pangalan ko aJ Mrs. MARY JOHN, ako ay may asawa para sa magandang 9 na taon at walang anak, halos ako ay nagbibigay ng pag-asa hanggang sa nakita ko ang isang sumangguni ng isang patotoo sa kung paano nakatulong DR AKHERE isang tao upang magsama-samang muli ang kanyang nasira kasal.

    Ako ay nagpasya na bisitahin DR AKHERE sa Email: akheretemple@gmail.com, at ipinaliwanag ang aking mga problema sa kanya, at sinabi niya sa akin ang ilang mga bagay na maaaring gawin, at ngayon hulaan kung ano ? Ako ay may hawak na isang ulat sa doktor ng 2 buwan ng pagbubuntis pagsubok. Sa lalong madaling panahon ay dapat kong dalhin ang aking baby.


    Kung mayroon kang anumang mga problema suntok at kailangan mo ng isang mabilis na solusyon sa iyong problema, makipag-ugnayan lamang sa akin sa aking email akheretemple@gmail.com

    (1) Kung gusto mong bumalik sa iyong ex.
    (2) Kung ikaw ay laging may masamang panaginip
    (3) na gusto mong i-promote sa iyong opisina.
    (4) na gusto mong babae / lalake na tumakbo pagkatapos mong
    (5) Kung nais mo ang isang bata.
    (6) na gusto mong maging mayaman.
    (7) na gusto mong bono sa iyong asawa / asawa sa iyong sarili magpakailanman.
    (8) Kung kailangan mo ng pinansiyal na tulong.
    (9) Herbal care
    (10) Tulong nagdadala ng mga tao sa labas ng bilangguan
    (11) Kung gusto mong manalo kaso sa hukuman ng batas.
    (12) Kung gusto mong magsimula ng iyong kurso ng pamilya.

    Maraming salamat DR AKHERE ako ay palaging mananatiling nagpapasalamat sa inyo, at ako ay palaging pinatototohanan ang iyong magandang trabaho sa lahat ng tao sa mundo

    TumugonBurahin

  33. OMG!! This is certainly a shocking and a genuine Testimony i have ever
    seen..I visited a forum here on the internet on the 20TH OF JUNE 2014,
    after my husband separated me and my marriage of 8 years was broken down
    and i was totally inconsolable and without hope because i have tried all
    means to get my husband back after much pleading and did everything
    possible to make sure that he comes back, but nothing worked out for me....
    And i saw a marvelous testimony with this email dress

    AKHERETEMPLE@GMAIL.COM

    of this powerful and great spell caster called
    Dr Akhere on the forum.. And i saw how Dr Akhere reunited a family and
    brought the Husband of a woman back to her in just 24 hours..I never
    believed it, because i never heard nor learnt anything about magic before..
    Not a soul would have been able to influence me about magical spells, not
    until Dr Akhere did it for me and restored my marriage of 8 years back to me
    and brought my spouse back to me in the same 24 hours just as i read on the
    internet..i was truly astonished and shocked when my husband came to my
    house and knelt down begging for forgiveness and for me to accept him
    back.. I am really short of expressions, and i don't know how much to
    convey my appreciation to you Dr Akhere you are certainly a God sent to me
    and my entire life and family.. he did his work just as he guaranteed me in
    24 hours and it yielded an optimistic result to me and i was able to get my
    Husband back. right now my Husband has falling so much in love with me and
    my kids like never before. This spell casting isn't brain washing but he
    opened up his eyes to see how much i love and wanted him, i really don't
    know how best to be grateful to you Dr Akhere for bringing happiness into
    my life and family, and now i am a joyful woman once again.. here is his
    Email: AKHERETEMPLE@GMAIL.COM

    TumugonBurahin
  34. God bless Dr.Edion for his marvelous work in my life, I was separate with my husband for the pass 3 year now and I wasn't satisfied i needed to get my husband back because the life of loneliness was so terrible for me and my 2 kids I searched about some possible spell caster that can bring back lover and i then come across Dr. Edion i saw a comment about Dr.Edion,how he bring lovers together with his spell caster I contacted him and he guided me. I asked for solutions, he started the remedy for my spell he ask for some information which i sent to him and also told some few things to do, after 48 hours my husband call me and start bagging me for forgiveness for all that happens i am so happy right now that we are back again as one family. If you are in the same situation right now and you don't know what to do or where to go, you can contact Dr. Edion today on ediontempl@gmail.com he can help you out of that you situation.

    TumugonBurahin
  35. Life is good when you have your love ones around you, I am

    saying this because when i had issues with my lover i

    never seen life as a good thing but thanks to DR.AKHERE ,

    for helping me to cast a spell that brought my lover back

    to me within the space of 48hours. My husband left me for

    another woman after 4YEARS of marriage,but DR.AKHERE help

    me cast a spell that brought him back to me within

    48hours. I am not going to tell you more details about

    myself rather i will only advise those who are having

    issues in there relationship or marriages to contact

    DR.AKHERE TEMPLE through these details via;
    (AKHERETEMPLE@gmail.com)

    TumugonBurahin
  36. Hi Selina



    i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.

    You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.



    I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com



































    Kumusta Selina



    ako si Montoya Jazhel mula sa pilipinas, ako ay nasa malaking problema sa aking buhay sa pag-aasawa kaya nabasa ko ang iyong patotoo sa kung paano tulungan si Dr Ikhide na maibalik ang iyong asawa at sinabi kong susubukan ko ito at makipag-ugnay sa Dr Ikhide upang matulungan ako at nangako siyang tulungan ako na malulutas ang aking problema. ngayon masaya ako sa aking buhay dahil ang lahat ng aking mga problema ay tapos na. Salamat sa mahusay na Dr Ikhide para sa tulong at Salamat sa iyo Selina.

    Maabot mo siya sa email na ito: - dr.ikhide@gmail.com at ipinapangako ko na hindi ka niya bibiguin.



    AKO KAYA NAKAKITA …… tandaan dito ay ang kanyang email: - dr.ikhide@gmail.com

    TumugonBurahin
  37. Kumusta lahat dito, ako si Susan Dimaano. Nais ko lang na samahan mo ako na magsabi ng isang malaking pasasalamat sa Pa Oba sa pagtulong sa akin upang maibalik sa akin ang aking kasosyo. Hoy mga kaibigan, maaari mong i-email sa kanya sa obastarspell@gmail.com o whatsapp / viber +2348144745851 at maaaring makahanap ka ng tulong sa iyong pagmamahal at iyong mga problema sa dating.

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...