Jogabelles Sister #2: Leilah's Lollipop


Leilah is 2nd honors in terms of oldness among our 4 Jogabelles Sisters and she happens to be the closest to my heart. As in... She knows me so well.
Siya lamang ang nakakaalam ng aking untold story na hango sa maasim na amoy ng tuyo. Hindi pa ako willing na i-share...

Unang tagpo pa lamang namin ni Leilah, I already saw her naked na. Yes naked from head to toe... Hindi dahil sa isang orgy kami unang nagkita o dahil dati siyang all the way dancer sa isang bar sa Cubao. Hindi naman ganun... Kahit pa madalas na tampulan ng malaswang tingin ng mga kalalakihan ang kanyang katawan dahil sa uber busog niyang hinaharap na munitk ng tumakip sa kanyang mukha, wholesome naman ang pagkatao ni Leilah... Hindi lang talaga maganda ang aming first encounter pero isa ito sa mga nagpatibay ng amin samahan bilang platonic friends... Biruin mo ba naman, unang bista ko pa lamang sa house nila, nag-shower na walang dalang tuwalya at pagkatapos ay dahan-dahang lumabas ng toilet na wala ni kahit anung saplot sa pagaakalang walang tao sa kuwarto... Eh I was there watching National Geographic. 'Yun, libreng boso ako sa nakabilad at pamigay niyang katawan! Umaatikabong hagalpakan ang sumunod na eksena at kapwa naming napatunayan sa isa't-isa ang kawalan ng malisya. More on pandidiri on my side at siyempre kahihiyan on her part... Inisip ko na lang na ang scene na ginawa niya ay isang failed seduction plot sa pagnanais niyang makuha ang aking kahubdan... No No No!

Ang buhay ay magaan at simple lamang para kay Leilah. Gaano man kabigat ang kaharapin niyang mga pagsubok, bilib ako sa kanyang abilidad na harapin ang mga ito sa paraang chill at relax lang. Marahil ay dahil hindi lang talaga strength ni Leilah ang mataimtimang pag-iisip. It's not that she's imbecile or birdheaded... Tanga? Hindi naman... siguro... Pero kung ano pa man, kainggit-inggit ang disposisyon na meron siya sa lahat ng oras...

Sa tahanan ng Jogabelles sisters, si Leilah ang kapitan ng lahat dahil sa ubod na positibo nitong pananaw sa buhay. Kung may mga hindi pagkakaintindihan, siya madalas ang silent referee na hindi man literal na maging tagapamagitan, hindi naman siya bias dahil para sa kanya, habang hndi siya ang nakakanti, sakto lang and keri pa...

Sa larangan ng puso, nga-nga si Leilah... Ito ay dahil sa mga masalimuot niyang karanasan noong siya ay bubot pa lamang. Maaga kasing kumerengkeng itong si Leilah kaya maaga ring nanawa at nadala. Ayon sa kwento niya, madalas siyang sumasali noon sa mga beauty contests at laging Best in Casual Sex ang lagi niyang award na nakukuha.

Minsan nga, isa sa mga Judges ang nag-invite sa kanya sa big event na Lollipop Party at requirement na habang more more dance ay in the mouth ang Lollipop. Hindi naman 1st time ni Leilah ang umattend ng ganitong party ngunit sa pagkakataong iyon, 'yung Judge na nagsama sa kanya ay nagpagawa ng special at napakalaking Lollipop. Sabi ng judge, "Isubo mo, Leilah!!!" Walang nagawa ang kawawang Leilah kung hindi isubo ang napaka-jumbo na Lollipop ni Sir Judge... Wala na siyang chance na sabihing, "'Wag po Sir Judge!!!".

Literally, she almost vomitted ngunit naisip niya agad-agad na kung magsusuka siya, magdudulot ito ng labis na kahihiyan at baka hindi na siya muling maimbitahan. Nag-isip siya ng ibang paraan and since hindi nga siya best in talent sa thinking category, heto ang ginawa niya upang hindi danasin ang labis na embarassment...

She swallowed her own puke! Oh yes... Nilunon niya ang sarili niyang suka and according to her, maasim pala talaga...

Siya ang tinanghal na Star of the Night ng Party na iyon....

Pang-MMK din ang kwentong ito na for sure, ang title ay Lollipop!

Sa pagpapatuloy ng istorya ng Jogabelles sisters, mas lalo pa nating makikilala ang kinang ng bituin ni Leilah...

***

6 (na) komento:

  1. Astig! Mukhang napasubo ng bongga si Leilah.... hahahaha... more!

    TumugonBurahin
  2. Mga Tugon
    1. salamat naman madam gracie sa pagdalaw ng madalas

      Burahin
  3. Mga Tugon
    1. i appreciate your short comments pero sa maraming posts ha...hehehehe

      Burahin
  4. hihi ang kulit :) more pics ni Leilah! hehe

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...