Bakit Hindi Na Dapat Ipagdiwang and Valentine's?

Aksaya sa Oras
Kung talagang nagmamahalan, pwede namang iparamdam oras-oras o minu-minuto. Anung kalokohan ang meron sa February 14? National pabebe day lang 'to sa mga couple's na nagpapanggap na mahal pa ang isa't-isa pero ang totoo, nagkakaumayan na rin! At para sa mga nagsisimula pa lang, hindi naman tayo sure kung magtatagal kayo. Lilipas din 'yan! Oh, sige kayo na may lovelife!

Hindi Praktikal
Third world country tayo diba? Pambili na lang ng bigas eh ipambibili pa ng bulaklak, stuff toys o kung anu-ano pa! Tapos magrereklamong malaki ang witholding tax eh hindi rin naman consistent sa pagtitipid! Dapat talaga wala nang Valentine's Day! Earth Hour na lang o kaya National Ampalaya Day! Ganern!

Walang Forever
Lahat may katapusan so bakit pa uumpisahan? Bakit pa papatagalin kung wala namang kasiguruhan? 'Wag niyo kong artihan! Hindi kayo Diyos para i-confirm na may forever. Hangga't hindi sure at wala namang proof, 'wag mag-assume! Pramis, wala talagang poreber! 

Ang love kung totoo at puro, hindi na dapat bigyan pa ng specific day in a year para i-celebrate. way of life na dapat 'yan!

I love you all!

11 komento:

  1. Big issue sa 'yo ang Feb 14?! Hahaha. Easyhan mo lang. Basta masaya sila. Minsang pabonggels lang naman sa isang taon. Ang Aldub nga weeksary pa e. LOL

    TumugonBurahin
  2. Big issue sa 'yo ang Feb 14?! Hahaha. Easyhan mo lang. Basta masaya sila. Minsang pabonggels lang naman sa isang taon. Ang Aldub nga weeksary pa e. LOL

    TumugonBurahin
  3. Oy! Nag-update ka na pala? Magwelcome back na naman ako ulit!

    Welcome back, Senyor.

    I don't like candies, stuff toys, and flowers. Happy na ako sa notes lalong lalo na kung hindi sa Feb 14 pinapadala.

    TumugonBurahin
  4. Valentines day is overhyped. I swear :) People are taking advantage of this day by letting them spend a lot of money.

    TumugonBurahin
  5. Agree ako sa issue ng pagiging praktikal. Sa oras at poreber , hayaan na... Balato na Lang sa mga May lovelife hahaha

    TumugonBurahin
  6. Hello!

    We are Blogs Ng Pinoy, an online directory of blogs made by Pinoys worldwide. You registered with us before but somehow failed to link us back (or we can't seem to find our link anymore) here in your blog site. In this regard, we're writing to inform you that a new and simpler link badge is now available at BNP. You may use it to link us to your website/blog.

    (NOTE: Linking BNP was a requirement when you first registered with us, failure to do so may result to your blog being removed from the listings. If you've already linked BNP, please do inform us through our CONTACT US page.

    Best Regards,
    BNP
    blogsngpinoy.com

    TumugonBurahin
  7. I, King of Ampalayas, decree to erase Valentine's Day in the face of the earth and institute February 14 as my coronation day, Ruler of the Ampalayas. hahaha!

    TumugonBurahin
  8. hahaha nai-celebrate ko sya ng 13 kaya agree ako sa ideya na huwag itaon sa 14 haha

    TumugonBurahin
  9. hihi. i read this post very late pero nabasa ko siya with feelings :P

    Kamusta po :D

    Myxilog

    TumugonBurahin
  10. Valentines is all about a celebration and appreciating yourself. This day is not only about between two lovers or about your love ones, family and friends. This is the time about #loveyourself =)

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...