Paikot-ikot lang ang takbo ng buhay.
Paulit-ulit...
Nakakatanga...
Ang araw sisikat, lulubog muli.
Bukas, ganun na naman.
Uulan, titila.
Sobrang init, lalamig.
Sa pag-iyak, pagtahan.
Isang ngiti, bukas dalamhati.
Bugso ng damdamin, lilipas din.
May simula, may pamamaalam.
Hapag na sagana, nauubos.
Mabubusog... Magugutom...
May katapusan bawat uhaw.
Kalam ng sikmura, malalampasan.
Pagtakbo, may hangganan.
Babalik sa pinanggalingan, malayo man ang napuntahan.
Mga maliksing galaw, may pagkapagod.
Kahit anung kilos, may paghinto.
Kung hindi ngayon, bukas o kaya'y sa makalawa.
Hindi aalis ang pag-asa, hindi titigil umasa.
Sa hindi pagdating, palagiang maghintay.
Kung hindi makita, maglakbay at maghanap.
Ang buhay ba ay maikli o mahaba?
Maraming nangyayari, may gusto pa.
Pasasalamat para sa mga maligaya.
Sa kung ano ang kulang, hiling pa.
Mangyayari at matatapos.
Makakalimot at magiging abala.
May kung anung bagong matitikman.
Masasarapan... mapagsasawaan...
Masasabing may lalim, sa iba ay mababaw.
Mapalad kung sa karamihan, sakto lang.
parang gulong lang yan ng buhay... minsan nasa taas minsan nasa baba..
TumugonBurahinat minsan sakto lang...
Burahinwell yun nga ung ganda ng buhay ng tao,
TumugonBurahinito ung dahilan kung bakit tayo nag papatuloy:)
tama...pero paulit-ulit lang talaga?noh?
BurahinAng masasabi ko lang ay PNY. Pwede Na Yan! Gaya ng sakto lang, PNY din ang buhay ko. Walang bago, wala rin namang luma. Siguro tama ang ilang mga scientist noon na nagsabing may hangganan ang mga bagay. Pero hindi ang kaalaman.
TumugonBurahinang kaalaman... tama walang hangganan... basta ako sakto lang ang aking kaalaman...
BurahinAng ganda naman ng tula mo senyor :) tuloy lng ang laban sa hamon ng buhay. kung madapa, bumangon ka :)
TumugonBurahintapos? madadapa ulit? tapos bangon ulit? paulit ulit noh?
Burahinganyan talaga ang buhay.. tataas bababa...
TumugonBurahinGanda ng tula mo ^^
sana nga stay lang sa sakto mode eh...
Burahinnice poem..naalala ko ang favorite quote ko mula sa isa kong favorite movie - Booba. Sabi nya, ang buhay parang gulong..minsan nasusunog. Nyahaha :)
TumugonBurahinhahahaha...favorite quote ko rin yan...
BurahinGanyan talaga ang buhay pero naniniwala ako na tayo ang pipili kung anong ikot ang gusto natin. Nice poem :)
TumugonBurahinpero minsan kahit anung pili natin, hindi naman nangyayari... so dapat stay positve lang and more waiting in vain ang drama...diba?
Burahinang ganda pude ilagay sa malate literature... ika nga nila ang buhay ay isang roller coaster, masaya.malungkot,makakataon... pero sa bandang huli nasa iyo pa rin ang huling pakiramdam kung anu ang dapat...
TumugonBurahinanung meron sa malate? hehehehe... tama, nasa ating mga kamay ang susi kung ano ba talaga dapat ngunit pag nasa ibaba at feeling malas, ang hirap magpaka positive ng wagas...
BurahinAng galing! Isang napakagandang paglalarawan ng buhay.
TumugonBurahinsalamat naman sa'yo... saan na ang bago mong escapades?
Burahinhats off señor :)
TumugonBurahinsalamat... i hope to read more posts from you...
Burahinsuper galing!...
TumugonBurahinganito ang buhay ng tao :) hindi puro sarap!
dapat sakto lang ang sarap at ganun din ang hirap...
Burahinnice! hindi sa lahat ng oras positive ang nangyayari satin.. may negative rin.. hindi rin naman siguro kasi pwede na all the time masagana at masaya...
TumugonBurahintama ka jan kotz... salamat sa muling pagbisita...
Burahin