Ang Inggitera at Insecure na Iskwater

Image courtesy of http://beta.photobucket.com

Kung ikaw ay isang iskwater, deserve na deserve naman siguro na may mga bagay na kinaiinggitan ka. Normal 'yun dahil lumaki kang salat sa yaman. Mahirap maging maging favorite motto ang 'Be satisfied on what you have' habang nakikita mo sa iba ang mga bagay na gusto mo pero wala ka.

Walang duda, ilan sa mga kapwa ko Iskwater ay mga ganap at matatagumpay na ngayong Snatcher, Holdaper, Bukas-Kotse, Carnapper, Budol-budol, Corrupt at kung anu-ano pang klase ng magnanakaw. Inggit ang isa sa mga ugat ng lahat ng 'yan. Bet kasi nilang ma-getlak agad-agad ang mga na pinagkait sa kanila. Atleast, wais at maibilidad sila. Slow clap!!! But I don't wanna be like them ha.

Mabuti na lang at in my case, pinalaki akong mahiyaing iskwater na may conscience at hindi ko bet na maging culprit in any crime. Kahit pa magka-chance na may zero possibility na ma-caught in the act, never in my entire life! Scary kaya ang peg ni Ynez Veneracion sa Selda Katorse. Eh kung ma-gang rape ako nila koya? 'Wag na... Hindi ko keri!

Ok na ako ng ganito... Inggitera at insecure na frog na lang...
Wala namang masama for as as long as I keep it to myself lang and I don't do anything bad to express may kainggitan moments. Mahirap lang talaga maalis sa sistema ko ang matakam sa mga stuff na palagian kong nakikita sa ilan tapos ako nganga lang.

More more enumerate ako to justify ha...

Pera, nasaan ka?

Wala akong pera!
Kung meron man, enough lang para maitawid ang araw-araw na Hunger Games. Ayokong makasanayan ang ganito pero wala akong choice. Minsan walang-wala talaga at mega tiis. May trabaho nga pero madalas ang countdown ng money before payday na 'pag dumating naman, parang dumaan lang din naman dahil sa dami ng bills to pay. Umabot na rin ako na isanla ang ATM sa pautangan para magkaroon ng extra money pero mahirap pala ang balik nun kasi napupunta lang sa tubo ng mga loan sharks ang pinaghirapan ko. Itinigil ko rin.
Haaaaayyyyy... I really want to earn more! How?
Matagal ko na ring iniisip kung paano. Bakit sa iba parang ang dali lang? Kulang ba ako sa diskarte? Paano ba kumita ng easy money sa matino at instant na paraan?

Umi-English to the Fullest!

Bakit 'yung iba, effortless mag-spokening dollar?
Ginagawa nilang mani at popcorn ang perfect grammar nila. Hanep pa sa accent parang Kano talaga. 100% din sila sa usage ng prepositions tapos hindi tensed ang Verb Tenses at sobrang magkakasundo ang Subject-Verb agreement nila. Kahanga-hanga! Bakit ganun sila? Ako hindi.
Iba ba ang English subjects namin sa public elementary at highscool o dahil mas konti sila sa classroom? Kasi kami nun 50 plus talaga bawat section kaya mahirap din matuto. Baka naman dahil sa iba ang books sa private schools.
Ako, best in pilit na matuto para gumaling sa English pero I always end up as, ganun - pilit! Trying hard. 'Pag nag-John Robert Powers kaya ako, gagaling at magiging very good ang accent ko? Ang alam ko lang na abot-kamay ay ang free call center training ng TESDA. Ayaw ko namang mag-change ng career at mag-call center. Gusto ko lang gumaling sa English kasi ang lakas makapangmayaman ang level.

Pormang Fashion Model

Wala pa yatang isang daan ang total ng damit ko sa aking mini aparador with a key na Orocan ang brand pero okay lang. Hindi naman ako maporma at laging safe lang ako manamit habang 'yung iba, sobrang maluho at can afford na mag-ala runway japorms in a daily basis. Marami silang branded items. Ako, 800 pesos lang yata ang pinakamahal na damit at pantalon pa 'yun ha.
Iniisip ko na lang, wala talaga akong hilig na mag-effort sa porma. Wala rin naman ako sa posisyon na kahiligan kasi kahit dati pa, mas uunahin ang mas kailangan before buying new clothes.
Kakainggit pa rin na 'yung iba, they can do shopping anytime, anywhere.

Mahaba pa ang listahan pero ayoko na ring isa-isahin kasi lalo lang din akong masasaktan. Wala akong car. I don't have sexy body. Kulang ako sa sex appeal. I can't travel as much as I want. Hindi ako ubod ng talino. Marami pa...

Tatanggapin ko na lang siguro na world is unfair and unluckily, mas unfair sa side ko. Okay na rin ang mainggit dahil ito rin naman pinanghuhugutan ko ng pag-asa. Kahit forever akong Bitter Ocampo counting things I couldn't have, kahit hindi healthy, itutuloy ko lang na gawing libangan ang pagnasaang mapasa-akin kung ano ang meron ang iba.

Bakit? Eh sa isip ko lang naman ang inggit at insecurity. Wala naman ibang nakakaalam kasi I am good with pretending. Effective naman ang acting skills ko kasi people think I am a content person. Wala silang idea na nuknukan ako ng sa pagka-insekyora at inggitera pero nadadaan ko naman sa pagiging loud at strong personality na drama. Hindi pa naman ako nabibisto at kung hanggang kelan, hindi ko alam.

Malay natin, ma-achieve ko na rin kung ano ang wala akey dahil hardworking and dedicated naman akong tao. Maraming pangarap.

Malay natin destiny ko ang yumaman at hanggang 31 years lang ang sumpa ng kahirapan.

Malay natin...

***

30 komento:

  1. WELCOME TO THE BLOG WORLD. NAPADPAD AKO DITO BECAUSE OF YOUR IDOL, TENTENENENN...KUYA GLEN :))

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tnx tnxx tnx Ester!!! Mas mataas na sa Idol ang tingin ko sa kanya... Mahal ko na siya...hehehe

      Burahin
  2. wititit din sabi ng tirit! iba din ang product ng public skul at proud ako na ako ay produkto ng isang pampublikong paaralan ehehe. pero buti na lang ay isa ka sa mga taga-looban na kahit kain lupa na eh di natetemp na gumawa ng masama. Push to the highest level lang yan. ehehe welcome sa mundo ng blogsphere...

    TumugonBurahin
  3. grabeh! hindi ako huminga sa pagbabasa. parang ang bilis mong magsulat. how much more magsalita. hahaha. you're ranting;D pero super true lahat ng sinabi mo. okay lang ma insecure kesa naman magka baon baon sa utang para lang maka rampa diba. hehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. pasensiya naman kung napahingal kita... ganyan talaga pag maraming frustrations, mabilis huminga... salamat sa iyong muling pagbisita!!!

      Burahin
  4. Hindi naman masama ma inggit..sometimes ma fe-feel din natin yan so that we can strive even harder to get what we wished for...:) keep on blogging by the way....:) Welcome to the BlogosPhere!


    xx!

    TumugonBurahin
  5. Tama! Malay natin. :) Libre naman ang mangarap. Parang yung insecurities mo, ganun din ako. Hahaha. High-five!

    TumugonBurahin
  6. Ramdam na ramdam ko ang drama mo. Laki sa hirap din ito at naranasang magutom noong musmos pa. Nung mag-umpisa akong magtrabaho sa isang malaking consulting firm, office formal ang attire. Eh, jeans nga iisa lang ang meron ako eh. So hangga't hindi dumating ang unang sahod ko, hiram hiram ang peg ko. Mabuti na lang ang nanay ko marami ding kachokaran at naiihiram ako ng damit sa mga anak ng kaibigan nya. Kakahiya pero walang choice. Tapos ang mga katrabaho ko pa noon galing lasalle, ateneo etc. mega kano din ang mga accent pag nagenglish... pero deadma na ako. Basta ako maganda haha chos! Hindi ko na lang intindi kung ano ang wala ako at meron sila... basta kumayod nang kumayod ako hanggang sa gumanda ang trabaho. Amen. ang masasabi ko lang eh tama yang ginagawa mo...magsikap at baka ng hanggang 31 lang ang sumpa ng kahirapan (kahirapan sa pera ha.. kasi I'm sure mayaman ka sa ibang bagay!) :)

    Spanish Pinay

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Maraming salamat Spanish Pinay for visiting... Salamat sa pagpatol sa ranting ko... I'll let you know pag tapos na ang sumpa... hahaha

      Burahin
  7. well given na yun sa ting mga salat,
    pero sa tingin ko magagamit mo yung mga gantong pakiramadam para i push ang sarili para umunlad

    TumugonBurahin
  8. Okay ah. Nako, ako e inggiterong kuneho. :) Andami ko din syempreng gustong makuha at marating. Pero it takes time, and effort, and prayer. Luck na din ata? Basta.

    At totoo yan, lakas makayaman ng pagiging ingleserong frog. HAHAH!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha... ang hirap naman...time, effort, prayer ang luck? wala bang shortcut?

      Burahin
  9. Minsan may naidudulot din ang inggit na mabuti ito ay ang mamomotivate ka na magsikap para sa ganoon makuha mo yung mga bagay na ikala mong pinagkait sayo. Maaring maraming bagay ang kinaiiinggitan mo pero meron at merong isa o maraming bagay na taglay mo na kinaiinggitan naman ng iba--tulad ng galing mo sa pagsusulat (hindi lahat nakakaya iyan!)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. awwww.... kaka-touch naman... pa-touch din...hehehe... salamat sa muling pagdalaw...

      Burahin
  10. gusto ko ang paraan mo ng pagkukwento... masarap basahin, lasang apol... basta apol...

    napunta ako dito mula sa blog no sir glentot :)

    magandang araw :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat naman sa iyong pagbisita... lasang apol talaga? paano kaya ma-achieve ang lasang mangga?

      Burahin
  11. I'm in love with your blog. Totoo... hindi feeling celebrity or feeling privileged.

    Pag yumaman ka, huwag kang makakalimot ha? :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. HAHAHAHA... sana nga yumaman ako at sa aking pagyaman, pay weekly get totogether ang mga favorite bloggers ko... you'll be there...

      Burahin
  12. natahimik ako for a while. i know how it feels, i can feel it, ive heard it and its reality. maganda ang blog mo, sinasabi mo ano ang totoo sa paligid mo, at hindi ka nag-iisa doon, marami pa, isipin mo nalang muna ngayon, maganda dahil may trabaho ka kahit habol ng habol ka sa babayarin mo, kaysa yong mga tao nasa daan, na ang buhay nila ay halos nasa daan na, humihingi, walang matutulogan. minsan kapag dumating sa buhay natin ang ganitong pagkakataon, tingnan natin ang iba, kung may problema ka, may mas malaking problema pa sila, hindi lang nakikita, hindi lang natin nararamdaman, i appreciate you for being so humble about yourself, hindi lahat ng pagkakataon ay nasa baba tayo, walang gulong na square tandaan yan, laging bilog dahil ito ay iikot, basta everything we did in our life is a matter of choice, a freedom of choice, isang araw darating din ang para sayo, kung ano ka ngayon, pineprepare ka lang sa future. it happened to me and i stand on that. merry christmas!!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. awwww.... ganda naman ng comment... narinig ko na rin yang gulong na line na yan...at gaya ng ibang gulong na hindi lang nasa taas o nasa ilalim, minsan nasusunog sila.... maraming salamat sa iyong pagdalaw...

      Burahin
  13. inggit ako sa mga naiingit sakin. chos! kasi meron akong wala sila ang ang wala ako na meron sila ay ang inggit nila. chos!(part 2) LOL!
    Welcome sa mundo ng kawalangyaan. joke. ahhaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ikaw bulingit ha...ang wala ka ay ang laki...height....hehehe

      Burahin
  14. actually di lang tyong mga salat ang marunong maingit... marunong din maiingit ang mga sagana...alam mo bkit ko alam ,wala lang hahaha.pero in reality wala nman taong di marunong maingit. salat man yan o sagana. hangat wala ka pang fulfillment sa buhay ... di mawawala un kadikit mo n yan. hehehe

    TumugonBurahin
  15. Pag naINGIT hiramin nlng yan tapos ibalik pag sawa kna atleast naranasan sa buhay ang bagay na wala ka! "gawain ng mga kemedorang frog"! hehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. mukhang based on your own experience yan ha... may pinanghuhugutan?

      Burahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...