Ano ang Tagalog ng Scarf?

Masaya ang daigdig ng pagsusulat dahil sa samu't saring mga pagsubok na kinakaharap. 

Nariyan ang marami kang naiisip ngunit hindi nakikisama ang panitik at mga pahina. May mga pagkakataon namang labis mong minahal ang isang post subalit walang nakakabasa o hindi kaya'y walang nakaka-appreciate. 

For a newbie like me, kering-keri pa naman pero ako ay natatakot na mapabilang sa biglaang pagsasara ng ilang mga blogsites. Afraid! Nakakatakot sapagkat mahal na mahal ko ang pagsusulat. Paano kung wala ng bumasa ng aking mga future great works of art? As if...

Kaya bago man ako mawala sa daigdig ng blogosphere, sana man lang ay may mahita akong mga bagay na magpapaalala na minsan sa buhay-iskwater kong ito, ay nakibahagi at nakiuso rin ako sa mundong ang karamihan ay mga sosyal....

Kaya.... (drum roll) segue na!

Heto na... Bilang tugon sa malawakan patimpalak na inilunsad ng isa sa mga kaibigang bloggers na si Hi! I am LiLi ng http://lildivine.blogspot.com, ang pahinang ito ay nilikha upang maipalam sa buong universe ang kanyang mga uber ganda at pangmayamang gawa.

Kung nais malaman ang ilan sa mga ito, sugurin na ang kanyang FB page sa https://www.facebook.com/iheartJune22.

Jofcors, you know the routine, paki-Like na agad-agad!!! Dali....

Isa sa da best niyang gawang kamay na obra ay ito:

Scarf Kung Scarf

Bilang isang kapos, hindi ko talaga afford ang mga ganitong mga cool items. Hanggang tingin lang. Since ginawin ang mga taong tulad ko, ang scarf ay isang malaking tulong kontra pulmonya 'pag nagawi sa Baguio o Tagaytay. Hindi hamak na 100 levels higher ito sa free Jacket ni Kuya Willie Revillame ng Wil Time Big Time.

Gusto ko nito... My 1st memorabilia if ever... Help me get one!

Bet ko ang Green na Askal with a PussyCat design...

Again, visit and like on FB:


Sa ganitong paraan nawa'y matupad ang aking munting hiling ngayon 2013. 
Ang magkaroon ng Scarf na Sosyal.


26 (na) komento:

  1. Naawa ako sayo sana ikaw nalang ang manalo. dyuk!
    Good luck sa atin!

    Cool nga nung scraf na yun ni Ms. Lili :)

    Happy New Year eto naba ang year end post mo? parang hindi pa yata. :P

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. paawa talaga dapat ang peg...hehe

      wala akong year end post...I just started blogging publicly this month eh...next year na lang...

      Happy New Year din sa iyo!

      Burahin
    2. Bakit ang life mo ba nagsimula lang this month. haha. dyuk! Year end post di naman para sa blog mo lang kundi bilang ikaw din. ahihi :P Gawa kana Senyor I. :)

      Burahin
    3. kasi naman namimilit ka eeeehhhh....

      nailahad ko na ang buod ng aking life on one of my posts... distorted lang... i just hate talking about myself...hihihihi....

      ayaw ko ng maiyak...


      emo....

      Burahin
  2. ewan ko pero parang may emosyon sa post na ito hehehe na parang nakaka emote hahaha

    pero tuloy tuloy lang sa pagsusulat.... kaya mo yan...

    at sana matupad mo ang wish mo na yan...

    Happy Happy New year! Ikaw na ang taga iskwater na nangarap magkaroon ng scarf hehehe


    TumugonBurahin
  3. Thank you, Senyor for blogging about this giveaway. Good luck! :)

    TumugonBurahin
  4. Happy 2013 po sa inyo Senyor Skwater :)

    Sa pagkakaalam ko, ang tagalog ng Scarf ay Bandana or Panali?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. pumasok din sa isip ko kahapon yang alampay ahaha!

      Alampay is Shawl or shoulder kerchief ata sa english *nose bleed* nako sa english ahaha!

      Burahin
  5. Happy New Year Senyor! Sana manalo ka sa contest ni Lili, (pero syempre mas wish kong manalo ako hihi)

    Eto pala ang aking pic greet sayo for New Year! :)

    http://i1305.photobucket.com/albums/s545/zai13th/z-2_zpsc1d6569b.jpg

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nakakatuwa naman ang iyong pagbati... dapat talaga may duming taglay ang rusty gate? very iskwater noh?

      salamat sa iyo...

      happy new year... patuloy kong sasakyan ang iyong mga trip... pwamiz!

      Burahin
  6. BALABAL yata ang tagalog ng scarf. Basta may sinusulat ka, babasahin ko. Tingin ko magtatagal ka pa sa blogosphere senyor. Kita kits sa 2013. Maganda un fox na scarf ah. Parang mozilla firefox. lol. Happy New Year!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. BALABAL? parang bastos naman...hehe...

      kakatats naman ang iyong mensahe... ako ay natutuwa dahil sa mainit na pagsalubong ninyo, nagiging madali ang lahat...

      happy new year sa iyo...

      Burahin
    2. Ang Balabal is mantle or overcoat ata sa english :P

      Burahin
    3. Tama yung alampay. Mali yung balabal. Tama ka Pao.

      Burahin
  7. hayaan mo parekoy, tutulungan ka naming makamit mo ang green askal at pussycat design na yan. at siempre sa ex kong katipunera na sassy, irerecommend ko din sa kanya tong page na to.

    maligayang bagong taon parekoy at ingat sa pagpapaputok.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Salamat Bro... Thanx for the add sa FB... ikaw ang first from blogosphere friends... at ikaw pa lang....

      parang may tunog bitterness ang pagbanggit mo ng ex mo na si Sassy....

      hindi ba?

      Burahin
  8. tungkol dun sda title, wala atang direct translation sa tagalog ang scarf dahil ito ay isang bagay na gawa/ ideyang banyaga. pero pwede na siguro ang bandana. he he

    TumugonBurahin
  9. hooong cute nung fox na scarf
    nice wish luck parekoy!

    TumugonBurahin
  10. di pa rin ako kumportable magsuot ng scarf. pero wore one pero para sa picture lang. liked how it turned out. siguro kapag sobrang lamig will contemplate on donning one on.

    dun lang sa una mong topic, worry not. sulat lang ng sulat, gaya nga ng sabi ni nora aunor sa acceptance speech niya sa MMFF..

    TumugonBurahin
  11. Tama yata si Anthony.. Balabal ang tagalog ng scarf. Naririnig ko kasi dati lola ko sinasabi sakin magsuot ng balabal kasi malamig.. Un lang. Lol.

    Goodbye post ba toh? May drama effect? Hahahahahapppy new year!! Boom!

    TumugonBurahin
  12. Wala na, talo na kami, ikaw ba naman magsulat ng makabagbag-damdaming post about sa blog giveaway ni Lili eh! Hahaha.. I pray you win, natuwa kasi ako sayo kaya magparaya na lang ako, hehe.. Happy New Year!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sana nga matuwa siya at magbigay ng more than one scarf... ano ba plural nito? scarves? hala d ako sure...

      Burahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...