He Was not Careful With My Heart

Nakakapikon na hapon...

When I checked my twitter account I saw a tweet from a random friend about my favorite teleserye sa umaga... Ang sabi niya, "Mga Katulong lang ang nakaka-appreciate ng 'Be Careful with My Heart'!"

Grabeeehh... Nakaka-hurt ng sobra... Iba 'yung feeling... Nakakaiyak... OA naman sa nakakaiyak...Nakakairita!

Gusto kong hiramin ang patola powers ni Ate Shawie at patulan ang hanash niyang iyon ngunit mas ninais ko na lang na i-block siya to all my social networking accounts. As in sa lahat... Dalawa lang naman...

'Pag may opportunity pepersonalin ko talaga siya...

People would think I am over reacting now but NO! Sweet pa ako nito...Ang nakakinis lang eh kung kelan I got used to super happy moments courtesy of Maya Dela Rosa, eh sa ganitong level ng pagka-fan ko pa na-e-encounter ang mga taong walang konsiderasyon sa emotion ng isang avid na tagahanga...

Unang-una, eh ano naman kung bet na bet ng mga ate kong kasambahay ang "Be Careful with My Heart"? May problema ba? What's wrong with being Jootulong? Judgemental ka...wag ganun...

Iba talaga ang tone ni koya sa tweet niya eh... Nanghahamon... Siguro inggit lang siya just like 2 other interns kasi si Maya close na kay Kathrina Ruiz na Manager ng Time Airways at Trainer ng mga aspiring Stewardess... For them feeling close si Maya... Uber nega lang???

Nakay Koya siguro ang pusong bato at hindi niya dama ang  bawat moral lesson na magegetlak every time you watch the soap... Super happy kaya... Maliban sa consistent na sa pagsasalita si Abbey, mukhang magkakatuluyan na sina Luke and Joey. Kakakilig din ang PBB Teens na away nila Nikki at Nicollo... For sure Kuya hindi mo alam 'to kasi pooper ka lang ng trip ng may trip...

How dare you koya to say na ang 'Be Careful with My Heart' is for Longkatootabells lang? What about me? What about my family? In your heeeaaaad.... Kaka-imber ka!!!

Habang may time sana i-delete mo na ang post mo na super walang pagka-positive! Hindi ka nakakatuwa unlike Sabel and Doris na very very jolly everyday...

Kasing hot ka ba ng driver nila Sir Chief na si Joma to have the right to make alipusta us?


Kaka-bad vibe ka ng araw at para kang si Fred at Teacher Emy sa sama ng ugali...

Sana lang at mututunan mo na lang din ang mga napulot kong aral by religiously supporting this program before Showtime at after Master Chef Pinoy Edition...May rewind ito pag Saturday morning...

Let me count the lessons I learned which I hope haters and detractors would come to realize too:

1. Always be positive - Walang negatibong tao sa show na ito... ang storyline tells about being positive at all time... Na sa kahit ano pang pang pagkakadapa, bangon lang... Tingnan mo si Maya, naloko na ng Illegal Recruiter, push lang sa pag-abot ng pangarap...

2. Laging May Hope - Si Ma'am Alex na bowa ni Sir Chief ay nategi na at picture na lang siya sa story. It brought too much pain and suffering to Lim Family. Kaya nga si Abbey wit bet mag talkies because of that. But wait, after ilang months lang with the help of Maya's effort, gumaling si Abbey at naging happy ang family at nag-out of town pa sila sa Baguio.

Hala, dalawa lang naiisip kong main moral ng story... Maciado bang konti?

Did I say na super kakakilig din sina Maya at Sir Chief? 'Yun un ehhh.... Kahit nanjan pa si Simon na masugid manligaw from province to Manila at may more epal din na Atty. Gie na puro na lang Dinner meeting ang alam... Walang hahadlang sa patuloy na pagtitimpla ni Maya ng kape for Sir Chief...

I am happy that according to PEP.PH ay extended until June 2013... Mabuti naman at hindi sila nagpaapekto sa mga gaya ni Koya na feeling critic pero ang totoo eh libangan lang niya talaga ang magpainit ng ulo at jumepal to the fullest... Get a life... Try after life!

Chill ka lang Koya at kapit-bisig lang kami dito!!!


***

7 komento:

  1. ang masasabi ko lang is maganda nga ang please be careful with my heart, dahil everytime bababa ako ng jeep at pipindot ng elevator more more updatan ang mga utaw about sa progress ng kat-seryeng ito, yes kat serye ( serye na umiikot sa buhay ng isang katulong whahaha) ska pwede ba author wag ka ngang masyadong emosyonal sa opinyon ng isang BCWMH hater. eh sa feeling nya pang katulong yung serye eh... wag ganun... be free to accept the diversed reactions of the audience. SAVEEH!

    TumugonBurahin
  2. Dedma sa comment ni Koya. Ang pretty ng story. Walang kontrabidang nakaka stress. Wholesome pero kilig to the bones.

    TumugonBurahin
  3. hmmm nice post...ikondena ang mga haters..freedom of speech comes with certain responsibilities..ang palabas na ito ay pagbibigay pugay sa ating mga kasambahay na ginagawa ung mga tungkulin nila with so much dedication and hardwork...just what is being shown in the series, they love unconditionally kht ndi nila kamag-anak inaalagaan nila..

    TumugonBurahin
  4. naku ha.. duraan ko sa muka yun lalake na un.. pangalanan na yan.. lolz.. avid fan din akis ng be careful with my heart.. mapa-baby hanggang tanders fave ang be careful with my heart.. baka bitter c kuya.. may niligawan na katulong pro nabasted.. ahahaha.. pro dahil yun opinyon nya wala tyo magagwa don.. wala cya matataba brain cells.. loz..

    TumugonBurahin
  5. Me my self is not a kasambahay.... But I am watching as well... Your friends are entitled to their own opinion so we must respect that,, pero di komo kasambahay ang bida,,, eh para sa mga kasambahay lang ang mga viewers... baka pati mga alta de syodad eh nanonood din nito.... maniniwala pa ako na mga ibang lahi na hindi nakakaintindi ng tagalog ang hindi mapapansin ang palabas kasi hindi sila maka relate... lol

    TumugonBurahin
  6. Hindi ako agree sa opinion ni Kuya na pang-katulong lang ang palabas na ito. Parang ang tono or ibig nyang sabihin eh ang series na ito ay mababa, singbaba ng tingin nya sa mga katulong. Bad yun. Kahit bad ako sa blog ko, never ako nangmata ng trabaho ng ibang tao. Hanapbuhay yun eh.

    TumugonBurahin
  7. ang winner kaya.. hindi ako follower ng series na to but every time i had time to watch it, naappreciate ko ang story at ang personality ni maya... Good vibes all the way!

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...