Ingat Ka Kaibigan

Sa 'sang tasang kape, doon nagsimula,
Hindi naitago ang labis na tuwa,
Kung noo'y wala kahit sa hinuha,
Palagay na loob sa iyo'y nakuha.

Napunta sa kwentuhang walang tulugan,
Nagkakilala sa isang mahabang usapan;
Kasabay ng tagay at masarap na pulutan,
Mga tawa at lungkot kapwa naramdaman.

Pinagsaluhan ang ilang munting gusot,
Tampo sa iba, muntik maging poot;
Mabuti na lamang at hindi masalimuot,
Nadaan sa payo, lahat ay nalimot.

Dumaan ang araw mas nakilalang lubos,
Nabatid ang dating nadaanang unos;
Pinigil ang luhang muntik nang bumuhos,
Tapik sa balikat ang tanging yapos.

Ilan pang samahan ang pinagsaluhan,
Saksi ang iba pang bagong kaibigan;
Sa saya't kulitan tayo'y nagpalitan,
Hindi inakala takdang katapusan.

Maikling samahan man ating pinagdaanan,
Mawala ka man ay palaging nariyan;
Lumayo ka man at mangibang-bayan,
Nandito kami na pwedeng balikan.

Huwag nang malungkot o magdalamhati,
Ilagay sa bagahe ang mga pabaong  ngiti;
Maging buwan o taon man bago umuwi,
Ayos lang basta... may pasalubong muli.

--- o O o ---












33 komento:

  1. Para kay daddy jay! Bon voyage!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Maraming salamat Ginoong Bino! It was an honor meeting you in person - a blogger that I never thought I'll be brushing shoulders with. Luckily, we both did and it was a blast! Until we meet again!

      Burahin
  2. Di man ako maiyak ng tahasang may nakikitang mga luha sa aking mga mata, nagtagumpay ka naman na paiyakin ang aking puso- iba't ibang klaseng pag iyak at malaking bahagi ng iyak na iyon ay iyak ng pasasalamat. Saksi ka sa halos lahat ng napagdaanan ko sa pinakamakulay kong bakasyong ito.

    Sa isang banda, nabigatan ako sa naging karanasan ko sa pag uwi kong ito dahil sa mga di inaasahang "trivial glitches" na aking nasuungan na di ko naman sinadya at ginusto. Ngunit, datapwa't subalit nariyan ka upang umagapay sa muntik ko nang matalong emosyon. Nariyan ka para ipaalala sa akin na okey lang ang lahat.

    Ikaw ang may pinakamaraming alam sa mga nangyari at sa'yo rin ako dagliang sumasamo kung kinakailangan kong ihingi ng payo ang mga bagay-bagay. Noon pa ma'y di ko na maitago ang paghanga ko sa iyong mga obra. Nasambit ko na minsan na isa kang malalim na tao. At siguro I'm just blessed with a gift of recognizing someone who possesses wit more than what they project outwardly. Like what I have told you even before, you're not just a Senyor from the Iskwater - but you're the Senyor more fitting to be in a palace.

    I am deeply touched by this post. I never thought nor imagine you'll make this one for me. Neither had I dreamt of receiving a simple poem with deeper meaning. Some may have misunderstood me, but YOU, you never fail to understand me because YOU know me better than anyone else. We breathe the same wave length in terms of how we view things, in terms of how we associate ourselves with situation or with people around us.

    I marvel and laugh at the thought when you're always trying to subject me into fun which I do appreciate because you knew me better. You knew that when you throw your classic and spot on jokes it is not something aimed to defile me but to just make me laugh.

    It was one hell of a ride and that ride is worth remembering!

    Maraming salamat Senyor! I truly appreciated you and admired you even more!!!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. swak sa banga, sinilip ko si Senyor, di ko makita face, ayaw humarap, i think crying lady pa din...hahaha... It was nice meeting you Daddy Jay, di man ako kasama sa mga anak-anakan mo dito, naki-Daddy Jay na din ako :D wala lang...haha..

      Hanggang sa muli po!

      Burahin
    2. Salamat. Anybody can call me Daddy Jay, free naman ako..parang freebie lang...hahaha! Nice meeting you and exchanging words too.

      Crying lady ang peg niyan..umiiyak yan kaya nagtatago hahahaha. Seriously, nakakatats naman kasi etong si Senyor eh..may post pang ganito...di ko napaghandaan buti nalang di ako iyakin talaga hahaha..napigilan ko pa hehehe

      Burahin
  3. "Nandito kami na pwedeng balikan."
    Nandito lang kaming mga kaibigan mong Freeman (laging nagpapalibre)

    Galing mong tumula sir. Pwede na! haha
    may follow buton na pala ako. as you asked. na realize ko na maganda pala magkaroon nun. hahhaa

    TumugonBurahin
  4. "hmmmmm..." :D


    Kala ko para sa emo sa twitter.

    TumugonBurahin
  5. Ayos ang tulang mula sa puso at narecognize ng pinagtungkulan ng tula na para sa kanya yung tula ay malaking bonus :-)

    TumugonBurahin
  6. thoughtful piece of poetry para sa isang kaibigan.. galing.. im sure magugustuhan ito nung pinatutungkulan mo

    TumugonBurahin
  7. Ang sweet naman ng going away gift mo sa friend mo, a poem. Bon voyage to your friend.

    TumugonBurahin
  8. Very touching letter to a friend. Until next time again.
    Thumbs up ako sa pagsulat mo.
    Have a happy day senyor:)

    TumugonBurahin
  9. Na miss ko bigla mga barkada ko...
    ang ganda ng tula tagos sa puso :)

    TumugonBurahin
  10. Para sa mga bumibihaye:)
    Isa kang magandang na manunulat:)

    TumugonBurahin
  11. We'll miss you DAdi JAy. I'm grateful to meet someone like you.

    TumugonBurahin
  12. Akala ko pa naman love letter nung una..ang galing ng farewell gift, simple pero tagos sa puso!

    TumugonBurahin
  13. We'll going to miss you Daddy Jay! Bon Voyage!

    Ganda ng tula mo Senyor :)

    TumugonBurahin
  14. Daddy jay hanggang sa muling pagkikita . Magiingat ka :)

    TumugonBurahin
  15. dad jay salamat po sa time, effort and sa infectious laugh...
    see you soon daddy!
    ingat po palagi..
    *bear hugs*

    TumugonBurahin
  16. wow naman my poem pa para kay pareng jay!
    hays kakalungkot at aalis uli si pareng jay
    kahit isang bes lang kayo nameet sobrang malapit na kayo
    sakin!
    ingat na lnag parang jay gang sa huli mong pagbabalik!
    salamat sa isang pakakaibigang nabuo satin
    malayo ka man mananatili at uusbong pa

    TumugonBurahin
  17. ag ganda ng pagkakagawa pudeng lapatan ng isang melody tas isali sa susunod na himig handog....

    ingat sir jay! salamat sa samahan,kwentuhan!!

    TumugonBurahin
  18. Nakaka-inspire gumawa muli ng tula!
    Thumbs up Senyor!
    Isang magandang pabaon para sa isang kaibigan!

    TumugonBurahin
  19. Swak na swak ang pagkakalapat ng mga salita... may hagod ng lungkot ang bawat kataga... which is seldom na mangyari sa mga post mo. Kung baga sa Pictures, laging "wacky" ang inihahain mo sa mga readers! But this time, may kurot sa puso! Pero hindi pa rin 100% na nawala ang istilong kinasanayan namin... sa huling talata ako ay natuwa... ikaw ay umaasa sa pasalubong muli.

    Bon Voyage! Hanggang sa muling pagkikita bro Jay!

    TumugonBurahin
  20. wahhhh.. napapatula ka senyor ha.. ganyan ba pag may pinaghuhugutan.. haaayyyy.. ingat daddy jay!! kita kita nalang sa ibang bansa.. una si arvchie tapos ikaw.. sino na susunod.. =(

    TumugonBurahin
  21. galing tlga ni senyor sa wikang filipino. sa isang banda, daddy jay good luck. sana magkita tayo pagbalik ko, mo, natin. :) ano daw?

    TumugonBurahin
  22. Ang astig nito. I love people who wrote their friends poems

    TumugonBurahin
  23. ikaw na! papalatag ko na ang red carpet ng rcbc para sayo! pak!

    TumugonBurahin
  24. dun sa first part iba ang naisip ko kung sino hihi.. para kay daddy jay pala.. gawa ka rin ng tula for me ang sweet eh hehehe...

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...