Feeling lucky ako to have another chance na makipag-chikahan sa isa na namang blogger. This time, isa rin siyang gaya kong baguhan sa world of blogging.
Pasilip muna...
Agaw-pansin ang kanyang sipag sa pagbibigay ng mga komento at reaksyon sa halos lahat ng blogs na kapwa namin sinusubaybayan. Lutang na lutang din ang kanyang ingay sa lahat ng social networking sites na salungat sa kanyang uber silent ala dead child image once ma-meet and greet siya in person.
Tulad ng inyong lingkod, bahagi rin siya ng PBO(Pinoy Bloggers Outreach) na magdaraos ng Bazaar For A Cause this February 14 kaya sa mga may butihing puso, mangyari po lamang na kayo ay magmadali at mag-donate na ng inyong mga preloved items dahil ang proceeds nito ay para sa next outreach project on March. Muli tayong magbibigay ngiti sa mga batang salat sa kalinga ng mga tunay na magulang. See? Busilak ang adhikain.
Let's All Support
Blog Site: http://pinoybloggersoutreach.blogspot.com/
FB Fan Page: http://www.facebook.com/PinoyBloggersOutreach
Twitter Account: @iHeartPBO
WHATTARYOUW8NG4?!? Support na! Please contact us through cepsdee@me.com for more questions. Ngayon na! Pleeeaaaassseeee...
You may also contact the same e-mail address to get the PBO's badge which you may add on your page.
=== o 0 o ===
Going back sa ating main topic for today, sana tulad ko, ma-in-love din kayo sa husay, talento, kindness, hotness, yummyness at 'single-ness' ng isa sa mga bloggers na walang taglay na asim at tunay na kay tamis lang talaga. 'Yun na! No further introduction needed.
(Drum roll)
Ipinakikilala...
The man behind 'To Infinity and Beyond! Pangkalawakan!'...
Age: 21
Sex: Male
Location: Calamba, Laguna
Civil Status: Single
FB E-mail Address: pao.kun.1@facebook.com
Twitter Account: twitter.com/jppaopaul
The kwentuhan mode is on...
Kumustakanaman?
Sa ngayon masasabi kong nasa maayos naman akong kalagayan. Pero tamad pa rin. Ewan ko ba, nag-aalala nga ako sa kinabukasan ko e. Pero alam kong di ako papabayaan ni God.
Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed?
Kinabahan. Inaalala ko kasi ang blog mo. Baka langawin! Hahaha!
Why Pao Kun?
Pao tawag sa'kin ng mga malalapit kong kaibigan. "-Kun" naman ay isang honorific sa Japanese. Mahilig kasi ako sa anime. Feeling anime din ako e. ( -kun is used at the end of boys' names to express familiarity or endearment.)
What’s with the blog name, “Infinity and Beyond! Pangkalawakan!”?
Nag-iisip talaga ako ng blog name na under sa category na “anything under the sun”, e the day before ko gawin ang blog ko, napanood ko ang Toy Story 3 (for the nth time), “to infinity and beyond” yung paborito kong line ni Buzz, naisip kong pasok s'ya sa random na category. So ayun! Dinagdagan ko lang ng “pangkalawakan” para malaman ng mga readers ko (na hindi ko sure kung meron man dati) na tagalog and wacky ang entries ko.
When did you start blogging?
November 16, 2012 dito sa blogger/blogspot. Dati meron din akong entries sa friendster blog. Pero blogging ba yun? Hindi ko alam kung matatawag kong blogger ang sarili ko noong mga panahong 'yun.
Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging?
Wala, natripan ko lang. Parang ang cool kasi 'pag nakikita ko sa mga movies. Inggitero kasi ako. Noong mga araw na 'yan e tambay lang ako sa bahay kaya free na free ako mag-blog.
Ano ang iyong most favorite post so far? Why?
“Shooting Star” & “Time’s Up”. Mahilig kasi ako sa sad stories. Besides, these are based from my own stories. Mejo may dagdag nalang pagdating sa “Time’s Up”.
What are the challenges bilang isang bagitong blogger?
Madami. Parang may stages nga ang challenges e.
Readers – hindi natin alam kung may readers ba tayo. Maguumpisa tayo sa dalawa hanggang tatlo lang. Kaya parang nakakatamad mag-blog. Pero kailangan ipagpatuloy lang natin, 'wag tayong susuko.
Followers – Kapag may readers na tayo, followers naman ang hahanapin natin at syempre, sino pa ba ang unang mag f-follow satin kundi ang sarili natin (o ako lang talaga ang ganyan?). Sa una, mag mamaasim pa tayo mag-follow ng iba, iniisip kasi nating mas magaling naman tayo kaysa kanila, dapat sila ang unang mag-follow sa’tin. Pero kung hahayaan natin ang ganyang mindset, wala tayong mararating sa mundo ng blogging. “Learn how to walk before you run.” “Even a king bows down in adoration to the Lord”.
Readers – hindi natin alam kung may readers ba tayo. Maguumpisa tayo sa dalawa hanggang tatlo lang. Kaya parang nakakatamad mag-blog. Pero kailangan ipagpatuloy lang natin, 'wag tayong susuko.
Followers – Kapag may readers na tayo, followers naman ang hahanapin natin at syempre, sino pa ba ang unang mag f-follow satin kundi ang sarili natin (o ako lang talaga ang ganyan?). Sa una, mag mamaasim pa tayo mag-follow ng iba, iniisip kasi nating mas magaling naman tayo kaysa kanila, dapat sila ang unang mag-follow sa’tin. Pero kung hahayaan natin ang ganyang mindset, wala tayong mararating sa mundo ng blogging. “Learn how to walk before you run.” “Even a king bows down in adoration to the Lord”.
Habang tumatagal ang blog natin, tumataas din ang ating demands. Nandyan 'yung maghahanap at mag-e-expect tayo ng comments. Pero dapat tandaan natin na 'yung iba ay 'comment-kuno' lang, o 'may masabi lang' and at the end of the day, malalaman nating hindi lamang sa dami ng comments at followers masusukat ang tagumpay ng isang blog. Basta ang mahalaga, mag-enjoy ang sinumang mambabasa natin at maipahatid natin sa kanila ang nais nating maipahiwatig. Another challenge to overcome ay 'yung inferiority feeling dahil hindi natin maiwasang i-compare ang blog natin sa ibang mga magagaling at mahuhusay na bloggers.
What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger?Niche ba.
Hmm. None in particular. Actually, hindi ko alam kung may position or title ba ang pagiging blogger. Pero gusto ko talagang maging informative blogger who can inspire others through words. Although, I am happy the way I am now as a blogger, looking forward to strive more and become better.
Who are your Top 3 favorite bloggers? Why?
1. Glent0tt of Wickedmouth. Hanga ako sa paraan ng pagkakasulat ni Glentot of Wickedmouth. 'Yung mga entries nya ang tipong hindi liable to suffer from skip reading, masustansya, malaman at napakalinaw ng pagkakaayos.
2. Moises of Bagotilyo. Matalino sya, may sense, napakalawak ng imahinasyon. Ang galing n'ya magsulat at sa kabila ng napakadaming positive feedback sa kanya, nakatapak pa rin ang mga paa sa lupa.
3. Mr. Overthinker Palaboy ng …afterthoughts. Ang isa sa pinakapaborito kong malayang blogista. Very sensible or rational 'yung mga entries nya. Matututo ka talaga sa mga experiences n'ya sa buhay.
Ano ang iyong pinaka-unforgetable experience as a blogger?
When for once in my life I have found myself exists for a cause. Ang mapabilang at maging parte sa kauna-unahang event ng Pinoy Bloggers Outreach. Hindi ko akalain na darating 'yung time na makakatulong at makapagpasaya ako ng mga bata, it all started from blogging.
Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano?
Sa contents wala pa naman. Sa layout naman, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong baguhin. Sa tingin nyo? Parang ang sikip kasi.
Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry?
Since random ang blog ko, emotion and mood lang ang kailangang i-prepare sa pagsusulat. Although as much as possible, iniiwasan kong same genre ang magkasunod na entries. Kung malungkot yung una, dapat masaya naman sa pangalawa. Iniiwasan ko din ang sunod sunod na self-centered entries.
For you, paano mo masasabing ang isang post ay worth reading?
Bilang isang writer: Kapag may mga good feedback na ramdam mong totoo.
Bilang isang reader: Ang focus ng average na tao ay 3-5 minutes lang, kaya kailangang makuha agad ang attention ng mga reader. Worth reading ang post kapag hindi ito nakakabagot basahin at may impormasyong maaring i-apply sa buhay. Para sa akin, worth reading ang lahat ng inspiring stories gaano man ito kahaba o kaikli.
Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo.
Oo naman. Pero hindi ako nag co-comment (comments na kunwari binasa ko) sa mga entries na nag-skip read ako. Pero 'pag hindi ako nag comment ay hindi ibig sabihin nag-skip read ako ha? Defensive.
Anung comment and hindi mo malilimutan?
Madami. Mga comments na alam kong nakatulong para sa improvement ko bilang isang blogger.
Sino ang pinaka-favorite mong commentator?
Wala namang “pinaka” but I’m delighted everytime Ate Joy, JonDmur and Daddy Jay leave comments in my entries. Same goes with Mr. Overthinker Palaboy at syempre si Mr. Tripster na t-tumbling talaga ang blog na pinag-commentan n'ya. It would be even greater if the other two of my favorite bloggers (...paging Glent0t and Bagotilyo!) will visit my blog, though I do not expect such.
What do you hate most about blogging?
Kapag wala akong maisip na entry. Kapag sabaw. Worse kapag may naisip na akong entry pero hindi ko maipahayag ng maayos. Sa draft ang punta n'yan.
Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging?
To Infinity and Beyond! Hindi, as long as may mga readers ako at naniniwala sa kakayahan ko, hindi ako mawawala sa blogging.
What will make you quit blogging?
Hindi ko pa alam e. Siguro pag dumating 'yung time na hindi ko na na-ba-balance ang time between real world at blog world, and if I were to choose which one to give up, I’d definitely leave blogging.
How do you want to be remembered as a blogger?
A contributor. An artist of my own field.
Mensahe sa'yong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin.
Maraming salamat sa inyo mga readers, skip readers and picture viewers! Maraming salamat sa mga komentong iniiwan n'yo na mas nagpapalakas ng loob ko para magkaroon pa ng susunod na mga entries. Maraming salamat! Gusto ko ring malaman n'yo na tumatanggap din ako ng mga negative reactions sa mga entries ko, kung may nakikita kayong mali o sa tingin n'yo ay hindi maganda. Baguhan pa rin ako hanggang ngayon at alam kong mas marami akong matutunan mula sa inyo. Salamat! :)
Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater?
Iskwater. Technically, sila yung mga nakatira sa mga lugar na hindi dapat tinitirhan ng mga sibilyan. Sanely, sila 'yung mga taong hindi tumitigil sa pagsabay sa agos ng buhay at hindi sumusuko sa kabila ng kagipitan at kawalan ng kasaganaan sa buhay. Colloquially, bansag sa mga ugali ng taong (kahit nakakaangat sa buhay) hindi marunong rumespeto, walang modo at delicadeza.
Iskwater ka ba? Bakit? Why not?
Hindi. Ipinagpapasalamat ko 'yan sa mga magulang ko na nagbigay ng maganda at maayos na buhay sa'kin at sa aking mga kapatid, napalaki naman nila kami ng maayos. Salamat din kay Lord sa lahat ng blessings. S'ya ang provider namin. :)
Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walangpaliwanag...'wag makulit!)
Kapamilya o Kapuso? Kapamilya
Jollibee o McDo? McDo
Boxers or Brief? Boxers
Lights On o Lights Off? Lights on
Nora o Vilma? Vilma
Kiray or Mahal? Kiray
Hinaharap o Behind? Hinaharap
Magandang Tanga o Matalinong Ugly? Magandang hindi matalino
Younger or Older? Younger
Payat o Mataba? Payat
Smoke or Drink? Drink
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? (Ayaw Sagutin. Pa-wholesome)
Mabilisan or Take your Time? Take your Time
To Eat or To Be Eaten? To eat
Madam Auring o AlingDionisia? Aling Dionisia
Maikli o Mahaba? Mahaba
=== o 0 o ===
=== o 0 o ===
I would say na naging smooth naman ang usapan. Medyo nahirapan lang ako sa convincing process dahil he thinks that he doesn't deserve this one-on-one interview session since may gatas pa siya sa labi in terms of blogging. After this, walang dudang may puwang si kaibigang Pao Kun sa blogsphere. Hindi uma-attitude at tunay na good natured person. Bakit ko nasabi? I should know. Malalim na kasi ang foundation ng aming ugnayan. Sana nga ay mas lumalim pa as in DEEPER... Ganyan! Mahal ko na nga siya at sa tingin ko we're soulmates. Sana ma-Dawn Zulueta niya ako! BOOM! Cannot be...
On a more serious note, may sense naman ang mga tinuran ni Kapatid na Pao Kun at kahanga-hanga ang bawat kaisipang kanyang naibahagi hindi lamang sa aking mga pahina kung 'di pati na rin sa kanyang sariling tambayan. May lalim... May laman... May damdaming pinanghuhugutan...
Kung nais siyang makilala ng buong-buo, bisitahin at subaybayan ang blogerong may sustansya ang pagkatao.. Mula ulo hanggang paa. Loob at labas.
Let's all visit Pao Kun's blogsite by clicking this link:
>>>>>To infinity and beyond! Pangkalawakan!<<<<<
"How much funnier life can get. It is very playful. If everything is given, life will have no thrills. Giving you no blast. Boring. You cannot always get what you want. Be thankful for what you have." - Pao Kun
ah! siya pala si the fault in our stars
TumugonBurahinBago ang lahat, hindi po ako nag-skip read. hehehe.
TumugonBurahinMaayos ang interview. Ok din at nagkikita kita pala kayong mga bloggers sa totoong buhay. Dahil sa blogging nagkaroon kayo ng mga tropa sa personal. :)
Very honest ang mga sagot ni Pao-Kun lalo na sa pakiramdam niya sa pagbblog at sa mga views nya patungkol sa ginagawa nya bilang blogger at reader din ng blog ng iba.
Relatively new lang din ako sa pagbblog. Last year lang din nag seryoso kaya in a way, nakaka-relate ako sa mga tinuran nya.
Isa lang hiling ko sa interviewer, pag na dawn zulueta ka ni pao kun, mag post ka ng pic dito. hehehehe. Ayos ang post mo na ito Senyor Iskwater. More power.
ang cute ng mga pics ah hehehe astig ang mga sagot....
TumugonBurahinlike ko ang lines na ito
A contributor. An artist of my own field
Naaliw naman ako.... (ito pala ang unang entry na nabasa ko.... after kong absent sa blog hehehe)
Okay ang mga question... at napapabilib ako sa mga sagot....
Gusto ko na rin sanang itanong kung bakit Pao Kun... ngayon alam ko na kung bakit ganun hehehe
Naaliw naman ako....
tong blog ni pao ang blog nung una kong mabasa eh masasabi ko na may laman at hindi puro kasabawan lamang di katulad ng blog ko. ito ang blog na babasahin at babasahin mo. bihira akong magiwan ng bakas sa mga post nya pero di ibig sabihin ay di ako nagbabasa. naniniwala kasi ako na hindi sa dami ng komento nasusukat ang pagiging magaling sa pagsulat ng isang blogista.
TumugonBurahinnakakaaliw pala sa blog world. Salamat Senyor for introducing me to this :) mas mahilig ako mag-basa kesa magsulat. mas madali ang mag-comment kesa magsulat ng mahaba... hahaha...
TumugonBurahinFrom random thoughts to a struggling writer now an artist of his own field.
sana magkaroon ng pinagsanib-pwersang outreach ang grupo niyo tsaka ng BMIM (www.blogmoipasuotmo.tk) balang araw, para sa mga bata.. :)
TumugonBurahinmahusay na interview..
sana nga...same cause nmn so ayus yan
BurahinPara akong nanonood ng isang talk show, magaling ang host at ang guest na si Pao, mahusay talaga yan magsulat lalo na kung umiinglis diko binibitawan hangga't diko matapos basahin. Matalino at genuine! Kudos Senyor dito sa panayam mo, di lang entertaining kundi may aral na nakukuha. Ipagpatuloy!
TumugonBurahinsana mag-guest din ako dito, XD
TumugonBurahinpd yan...ikaw pa...
Burahinang cute cute naman ni Pao! Yun pala pinagmulan ng Kun..akala ko for some reason e short sya for Kuneho lol!
TumugonBurahinpag nagkita kita tayo ulit, pa Dawn Zulueta ka na kay Pao! Sagot ko pag papa ospital! :)
abah! ikaw at ikaw na talaga pao!! ang pagkakaalam ko before this interview eh mahilig ka sa kuneho at pogi ka na sinasabi nila arline at kung hindi lang bata si pao baka hmmm hindi ko na tataposin kasi di ko rin ano ang tamang safe word ang idadadag ko hahaha
TumugonBurahinwell nice to know more about pao2x. im looking forward to meet u all soon SANA!!! getting worried now sa ticket hahahaha miss u teh!!!
Talentado yan si Pao.
TumugonBurahinSi Pao bago palang yan sa blogsphere pero kahanga hanga yan. Makikita mo rin ang determinayon hindi lang sa pagbablog kundi sa sarili din nya. Hangan ako sa galing nyang mag-drawing. Sana nga matupad na yung pinapadrawing ko sa kanyan. ang ano.... dyuk!
Paborito kong post nya yung shooting star! Hnangaan ko sya dun.
Magaling to si Pao. promising blogger yan.
Kudos PaoKunDo. Hope to see u :)
"bakit kelangan ni pao ng local map?world map/world atlas?google map? grinder (lols), compass at women's intuition?"
TumugonBurahinlols
*bearhugs*
bkt?
Burahinwala daw syang sense of direction
BurahinNatakot ako sa mga tanong actually, sinasagot ko din kasi sa isip ko feeling ko ako yung ini interview mo hehehe.
TumugonBurahinNways, wag mong seryosohin ha kasi nakakahiya ng sobra kasi self centered and blog ko puro personal lang talaga hihihi.
Nasaan yung part na "Pao-kun, ikaw na! No , tito Senyor, ikaw na!" Tapos tatawa ka Senyor, ahehehehe... <*tawang tito boy*>
TumugonBurahinBagong blogger pa lang si Pao-kun, alam ko na sa-swak ako sa mga ideya niya kasi nang makita ko palang ang name niyang may "kun" eh alam ko na may alam siya sa Hapong pantawag. Gaya ni Fiel-kun. Sa tuwing napapadaan ako sa "pook-sapot" niya ay pakiramdam kong nakalutang ako sa space, kasama ng mga ideya niyang ninanamnam ko.
Pwede kang host ng isang talkshow Senyor. Ikaw na Tito Senyor.
No Tonio, with your Barbie Suzie, ikaw na!
Burahinuy may special mention pala ako dito :))
BurahinI already explained din sa blog ni kuya mar kung anu ung "kun" sa name namin ni Pao hahaha :)
feeling hapon lang kahit hinde :D
noks. at si pao tlaga na love of your life ung ni feature mo sa blog mo. lhehehe. sana mapa ibig mo pa si pao sayo. hehehe.
TumugonBurahinwow interview portion jejej
TumugonBurahinay sorry, nag skip read ako wahahahah! :P
TumugonBurahinuyyy, naks ha sumisikat na ang "Kun" family nyahahaha :D
ganda ng interview-han portion, nakakaaliw at ang dami kong natutunan sa pagkatao ni Pao. I'm happy na isa ka rin certified Kapamilya hahaha!
haha! ang cute po ng ganitong segments :D
TumugonBurahinMyxilog
isang kudos para kay pao kun!
TumugonBurahinnice ng shot mo parekoy!
kaya pala pao kun haha animaniac ka nu!
hot seat na hot seat ang dating tho mas masaya kung mas madaming kakulitang tanong hahaha
haha soul mate talaga haha adik lang
natuwa ako sa fast talk haha
ang ganda ng message niya very inspiring
Magandang interview ito. Mas nakikilala ang isang blogista kapag na-interview ng iba. Keep it up!
TumugonBurahin"...uber silent ala dead child image..." - Natawa ako dito. so parang patay siya in person? Jowk!
TumugonBurahinYun eh! Si Paotot na pala! XD
Bakit parang may nasesense akong lihim na pagtingin ng interviewer? Haha. Kudos for the interview!
ang saya siguro makipagmeet ng kapwa mo blogger. bahaha. ! :-)
TumugonBurahinbaguhan ba sa blogging? parang hindi naman..parang matagal na syang nagbo-blog dahil sa pagiging mr. congeniality nya (or maharot in other words dyuk!).. maraming laman at may sense ang mga post nya.. crush ko ang talent nya sa Art! sana mahawaan din nya ko ng ganyang talent ;)
TumugonBurahinsi Pao-cute! may pagka-pilyo pero love ko yan.. ingat ka kay Senyor ah.. charot!
Ang masasabi ko lang:
TumugonBurahin1. Ang galing ng mga tanong! Nailabas mo ang totoong Pao-kun bilang isang blogger at isang individual.
2. Ang galing ng mga sagot! Sincere, may sense, may aral, may dating, may angas, astig! Ang dami kong natutunan sa interview na to...
Mas ok kaya kung live interview, naka video? Parang Vlog ni Kulapitot lang?
Unang una, bakit ma-dawn zulueta? What's with her? Hindi ako updated sa mga bagong terms ah! Anyways, sige kayo na ang soulmate! Haha. Bakit nga kaya singleness pa din yan? Haha.
TumugonBurahinFav pala nya toy story, sana nabigyan ko ng copy nun books na binigay ko nun PBO, Toy Story 1 to 3 yun. Pang-souvenir lang, haha.
Ang gwapo ni Papa P dun sa pikpak na may hawak nun colorful nyang artwork no? Hihi. Natuwa ako sa mga sagot ni Pao, honest at direct to the point! At least aminado na nag-skip read, haha. Pero really ayoko din kasi nun may mag-comment tas mahalata mong hindi naman talaga binasa yun post kasi epic fail yun sinabi, lol. Gusto ko yung mga taong sincere. Tulad ni Pao. Chos. Oh senyor, i-alert mo si Papa Glentot para mag-comment kay Pao, nangangarap yung bata e.
Salamat senyor sa pag intetview mo kay pao- kun. Eto yong mga post na gusto ko pa magbasa, pero tapos na. Parang nagbasa ng roman na d mabitiwan ang binabasa. Very interesting ang mga tanong mo at mga sagot ni pao kun.
TumugonBurahinAnd really good to know more of pao kun. Very talented young guy and beautiful inside and out.
Aba napaka interesting na pag uusap naman ang ginawa ninyo...
TumugonBurahinIt's nice to know more about you Pau-kun.
Para sa maraming blogpost! cheers!
Salamat Senyor. :) Patanggal naman ng "...paging" oh! Hahahaha!
TumugonBurahinSalamat po sa lahat ng comments! Nakakahiya pero tunay pong overwhelming and touching ang mga sinabi nyo, maraming salamat po. Lahat binasa ko, at nakakahiya nga e. Gusto ko sana replyan lahat! Blog ko? Hahahaha! Thank you po ulit ng sobra!
God bless you all!
Parang hindi 21y/o ang sumagot sa mga tanong mo Senyor! Ang humble ni Pao. Talented pa!
TumugonBurahinI cant wait 1 year or 2 years from now .
TumugonBurahinano na kayang klaseng blogero 'tong c pao.
Ngayon pa lang hanep na sa passion, nung ganyang edad ako mkipagtextmate lang ng jejemon ang alam ko eh. hahaha
naflattered ako wahhaha. Salamat at special mention ako dito.
ako na ngayon ang may idol sayo :p
Ang cute nya. :)
TumugonBurahin