Letter from the Heart Owner

(Piktyur Mula Rito)

Dear Heart,

Kumusta naman ang lagay mo?

Mukha yatang ginawa mo ng bisyo ang pagtahimik. Okay ka lang ba? Ako, okay lang ba 'ko?

Napaka-inconsiderate mo! February 14 na. Valentine's Day na naman pero heto tayo, nga-nga pa rin.

May problema ba?

Dati, pinaglista mo ko ng mga qualities na bet mo pero you ended up falling sa maling tao. So, ano napala mo? 'Wag ka kasing tanga. Hindi kaya dahil dun eh medyo nagka-phobia ka?

Baka naman nakinig ka lang kay utak kaya hanggang ngayon ay  in hiatus ka. Hindi na healthy 'yan. May pinagdadaanan ka ba? Bitter? Let's move-on.

Tumaas na ba standards mo? Umayos ka naman. 'Wag kang choosy kung hindi ka naman yummy. I'm telling you, pwede na ang 'Pwede na!'. Laman tyan din yan.

Gusto mo bang tumanda mag-isa? Kung 'yan ang choice mo, 'wag mo naman ako idamay. Pagod na akong mag-isa kaya please lang, 'wag kang masyadong maarte.

'Pag ako na-bad trip ng tuluyan, I will eat everything fatty and oily. Gagawin kong popcorn ang butter ng magkabara ka. Tutal, wala ka na rin naman silbi for quite some time, so magsama-sama na tayo sa alanganin. Ano, ganyan ba gusto mo? Takot ka, noh?

Tsk... Hindi ko na rin alam kung ano gagawin sa'yo. 
Sa ngayon, kung mayroon tayong common denominator - pareho tayong SABAW!


Don't get me wrong. Hindi naman ako galit sa'yo. Dapat nga ay united tayo sa isang adhikaing pareho naman tayong makikinabang. Ganito na lang, labas tayo minsan at mag-usap tayo ng masinsinan. Planuhin natin ang mga bagay-bagay. Okay?

Salamat na rin at kahit papaano ay functioning ka to do the basic stuff. Sana lang malaman ko kung kelan ka titibok ng wagas. Hindi lang literally kundi figuratively. Ganyan.

Don't be a loser. 'Wag kang loner!



Nagmamahal,

Heart Owner

27 komento:

  1. Hahaha....sabaw din si Heart mo? hahaha..tamang inaalat ba? bitter bitteran pa rin..haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Dito ang gusto kong part - "Don't get me wrong. Hindi naman ako galit sa'yo. Dapat nga ay united tayo sa isang adhikaing pareho naman tayong makikinabang. Ganito na lang, labas tayo minsan at mag-usap tayo ng masinsinan. Planuhin natin ang mga bagay-bagay. Okay?" - tamang tama, isama mo ako baka may maitutulong ako sa inyong dalawa ni Heart mo. Tapos sabayan natin ng ating fave na Gilbeys Ice - sarap kasi ng moment na inumaga tayo sa condo namin at ang gaganda ng mga napag usapan natin.

      I felt privileged to have known you more. Katulad ng dati ko pang iniisip sa'yo "there's more of you than just knowing you in the blogging world". And I was right...so right indeed that the Senyor is a deep person and tackles life in his own ways - which I think a very remarkable approach. Proud to have known you!!!!

      Burahin
    2. The pleasure is mine daddy... Words can't explain how grateful I am to have known PBOers like you... Cheers to longer journey of friendship!!!

      Burahin
  2. hehe galing! may panakot pa sa puso haha.. sino nga ba naman ang gustong umedad magisa?.. sayang ang oras, sulitin at sunggaban ang oportunidad.. wag na mamili ng trabaho.. ah este wag na maging choosy, mawawala rin ang kagandahang looks.. ^_^

    TumugonBurahin
  3. Hey dear I really like your blog! What about following each other? Also on bloglovin, facebook and even lookbook if you want...just let me know :3 <3



    JOIN my GIVEAWAY :)

    NEW POST UP!

    TumugonBurahin
  4. Astronaut mode si Heart- time and space muna daw.

    hanggang sa dumating ang panahong handa ka na para sa mga sumusunod:
    mag-eEmo sa saliw ng Mr. DJ, at mapapasayaw sa kantang Stupid Cupid then titibok na ang puso mo at biglang mapapaawit ng Kapag Tumibok ang Puso at bigla kang sisigaw ng I-Dawn Zulueta Mo ko!

    TumugonBurahin
  5. 'Wag kang choosy kung hindi ka naman yummy. I'm telling you, pwede na ang 'Pwede na!'. Laman tyan din yan.- hahahaha, pede tong pang twitter update! :D

    baka gusto ni heart na mag moments ng matagal.... :p

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. well nakakapikon na siya... antagal na...OA na

      Burahin
  6. Natawa ako sa wag choosy kung dika naman yummy, kalokang linya yan pero tama nga naman:)
    Darating din siya wag mag- alala, ang pag ibig daw kusang dumarating at hinid hinahanap, gasgas nalinya no nakakabagot maghintay:)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Machaga naman ako... kaya ko pang maghintay kay the right one :))

      Burahin
  7. di pa siguro nahahanap ni heart ang kanyang better half. siguro dahil naniniwala siyang ang love ay kusang dumadating...pero kung dumating.. nganga lol

    TumugonBurahin
  8. Ay healthy ito, tamang kinakausap si puso, wag laging si utak. Ganyan-ganyan din ako dati nung nagcollege ako tas bet ko ng magka-bf, kaya paglipat ko ng school at nagshift ng ibang course, wow dun nagkaroon ng twist ang lablayp ko hehe. As I said it's a healthy way na kakausapin mo ang heart mo ( parang si utak at si heart lang na nag-uusap ipagpalagay na natin :D ) kasi dun mo mas maiintindihan kung ano ang kulang na dapat punan, kung ano ang mali na dapat koreksyunan. Alog-alog este antay-antay lang tsaka maganda yang lumalabas, wag ng loner ok? Kaya ni heart yan, nandyan naman si brain, magkaramay yan. Cheer up na.

    TumugonBurahin
  9. you had me at "Pwede Na"!!!
    at ang phobia talagang very infectious yan.. parang lason... kakalat sa buong system mo... magiging manhid ka.... hanggang sa hindi mo na alam kung tumitibok at kung titibok pa nga ba si Heart Owner para kay The One....
    :)

    *bearhugs*

    TumugonBurahin
  10. Iba ang dala ng malamig na.simoy ng hangin ng enero at nagbabantang single awareness day ng buwan nato.

    TumugonBurahin
  11. talagang nganga hehehe

    tama nga pag di ka yummy wag maging choosy hehehe.....

    TumugonBurahin
  12. ahaha dame ko tawa dito senyor lalo na sa pag kain ng fatty foods as torture sa heart at sa lines mo na to
    Tumaas na ba standards mo? Umayos ka naman. 'Wag kang choosy kung hindi ka naman yummy. I'm telling you, pwede na ang 'Pwede na!'. Laman tyan din yan.

    haha well puso nga naman minsan mali kuing pumili
    minsan nandyan na di pa din nagreresponse
    minsan naman sobrang paly it safe
    at minsan parang ginayuma

    well ganun naman siguro talaga ang puso napaka unpredictable
    pero isa lang ang masasabi ko wala nang sasaya pa sa magmahal

    yaan mo nandyan na si pao senpai

    TumugonBurahin
  13. Totoo naman, Minsan masarap mag monologue para kunwari napaprocess ng utak mo at mag materialize yung mga bagay na iniisip mo. Matumal talaga ngayon ang lablayp. Cheers kung isa ka sa mga daang libong biktima ng pagibig na parang talaba, patay na pero nakakapit pa.

    Tama yan iinum na yan. :D

    TumugonBurahin
  14. Tama si Heart Owner. "The person does not have to be the right one. What about the OK one?", iyan ang sabi ni Montel Williams noon.

    TumugonBurahin
  15. hahahahahah....

    eto sagot ng puso mo

    Puso: on drugs ka ba? Bakit ako tinatanong mo? Di mo tanungin si mata baka nabubulagan lang... oh di naman kaya si paa baka tinatamad lang... biyahe biyahe minsan para naman iba ang masisilayan... naghihintay lang ako ng pagkakataon kaso yung ibang parts ng katawa mo ayaw sumabay.. kill joy lang.

    :)

    TumugonBurahin
  16. Ilang Feb 14 na ba ang nagdaan na single ako. Hindi ko na mabilang.

    TumugonBurahin
  17. sabi ko naman sau eh...darating din yun..pray ka lang..wag mo masyadong sisihin oh i-pressure si heart..hindi yan natuturuan :)

    TumugonBurahin
  18. kawawa naman si heart... ganyan talaga pagnasaktan ng wagas. tsk tsk tsk. (parang nakakarelate? hahaha)

    TumugonBurahin
  19. REALITY IS MIND AND HEART OFTEN CONTRADICT EACH OTHER. THUS, THE CONVERSATION :)

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...