Picture This

Upang maibsan ang sabaw moment at makaraos ng isang post, pinilit kong maging isang keen observer ngayong araw na ito. Pinagmasdan ang ilang mga personalidad sa aking paligid. 

Heto sila...


Sa Yosihan

May babaeng mid 30s ang naka-floral dress hanggang tuhod na angat ang tingkad ng kulay asul. Pinatungan ito ng suot niyang pink na bolero. Suot niya sa paa ang 5-inch shining gold stiletto shoes with matching black fishnet stockings. 

Assessment: Walang pakialaman at basagan ng trip sa ubod ng taas na confidence level na dala ni ate. Damang-dama niya ang gandang hindi man kita sa salamin, keri pa rin. Hindi niya kinaganda ang suot niya subalit mukha naman siyang mapagkakatiwalaan at hindi gagawa ng masama. Mukha siyang mabait.

Sa Elevator
Isang babaeng kaputian ngunit hindi katangkaran at may labis na katabaang higit pa kay Ate Shawie ang naka-brown leather jacket na may fur ang collar. Pagpasok ng elevator, hinubad niya ang jacket at nasilayan ang kanyang tube na orange and white ang horizontal stripes. Naka-mini skirt siyang kulay itim pairing it with knee- high black boots.

Assessment: Batid ko ang ibig niyang iparating na maaring maging rakista si Jollibee. Maliban dito, ramdam kong nakakaluwag-luwag siya sa buhay dahil mukhang mamahalin ang kanyang mga gamit na hindi basta-basta mabibili kung saan-saan dahil sa 'di pangkarinawang laki. Masipag at masinop siyang empleyado.

Sa Abangan ng FX
Isang ubod ng payat na lalakeng may lagpas balikat na buhok ang naka-violet na fitted longsleeves with black vest on top habang naka-metal wash pants na hanggang ankle with matching black bulldog shoes. Sockless si kuya. 

Assessment: Hindi man siya masyadong updated sa latest fashion trend, mukha naman siyang mabuting tao at sobrang gaan ng awra ng kanyang mukha. Isa siyang cool na repapips.

Hindi ako mapanlait na tao pero naghuhumiyaw ang porma ng mga taong nakasalamuha ko ngayong araw. Anong mayroon sa araw na ito?

Maituturing ba akong mapanghusgang tao dahil pinintasan ko ang kanilang mga hitsura?

Masama bang maging mapagmasid kahit na hindi ko namang tahasang sinabi sa kanila ang aking opinyon?

Should I feel guilty? 

Sino ang tunay na adik? Sila ba o Ako?

34 (na) komento:

  1. hahaha... hindi ko rin alam kung ano meron sa araw na ito. mapanghusga kaagad? hindi ba pwede out of nowhere shockness muna? lol don't feel guilty. Iba society ngayon.

    TumugonBurahin
  2. na-promote ka na? from iskwater to adik? hehe... ok lang naman yang mga porma nila ah. sabi mo nga, walang basagan...hindi ka mapang-husga, observant ka lang at naglalahad ng opinion, unsolicited nga lang... basta walang na-aagrabyado, kanya-kanyang trip :P

    TumugonBurahin
  3. haha well inevitable naman na mapansin natin mga outfit ng maga tao sa paligid natin
    dem ko na experience na ganyan at nasasabi ko sa sarili ko anung nasa isip mo at sinuot mo yan?
    pero kung ako titignan ko mga suot ko dati mahihiya talaga ko haha

    hmm anu naman kaya assessment mo saken senyor

    TumugonBurahin
  4. rakistang Jollibee. hahaha natawa ako. ganun talaga we have diferent ways to express ourselves.

    TumugonBurahin
  5. haha natuwa ako dun sa pwedeng maging rakista si jollibee.. hanaga ako sa'yo daming pakulo sa blog mo.. imposible yatang mawalan ka tol ^_^

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. TAMA. :D

      About sa huling tanong mo Senyor, adik ka! :P

      Burahin
  6. ikaw syempre. di ko naman sila kilala eh. hehehe. pero marami talaga yang klaseng tao dito sa mundo. nakaka bored na ngang pag masdan sila araw araw

    TumugonBurahin
  7. opinyon mo lang naman yan. di mo naman sinabi ng malakasan sa kanila. so okay lang

    TumugonBurahin
  8. hehehe di ko rin alam kung sino ang tunay na adik hehehe

    lahat tayo may kalayaan... lalo na kung opinion lang naman....

    TumugonBurahin
  9. hahaha, ayos lang manlait. wag mo lang sabihin sa harap nila. dapat naka talikod cla para d magka kamao ang mukha mo. hehhee

    TumugonBurahin
  10. Actually, it is an asset:) I wish I can be more obsevant sa mga tao sa paligid ko. minsan nakakasalubong ko na kilala ko, di ko pa nakikita, kasi ang isip ko naglalakbay sa blog world. hi hi. Dyuk

    TumugonBurahin
  11. Hindi daw mapanlait.. Wag mo ng i-deny. Chos! Hobby din kaya namin ang mang-okray ng mga taong may mga out of this world na fashion sense. Ansaya kaya, haha! Kaya I always go for the simpleng look, para less chances of ansha, haha

    TumugonBurahin
  12. Hahaha i,aw na kapatid ang keen observer ano kaya sasabihin mo sakin kapag ako ang inoobserbahan mo, isang hindi katangkaran na babae na nagmumukha ng ina at may eyebags pa:)

    TumugonBurahin
  13. sa panahon ngayon, mas okay ang observant. di naman sa mapanghusga, pero madalas, mas ok na magkamali kang inakala mong masama yung tao tapos mabuti pala siya kesa sa binalewala mo pero masama pala talaga siyang tao. pag mukhang holdaper nga ang sumakay sa jeep, at kilos holdaper, bumababa na ko agad. 80% of the time, tama ako (suerte ako sa mga holdaper na nakakasabay sa jeep at bus. pati mandurukot). :D

    TumugonBurahin
  14. minsan pag nasa gitna ka ng mga japorms na tulad ng mga nabanggit mo, pakiramdam mo, underdressed ka.. hehehe

    TumugonBurahin
  15. natawa nmn ako sa underdressed feeling...hehe

    TumugonBurahin
  16. Shet, ang keen mong observer! Nyaha, pwede kang sayantis nito, lol. Ganitong ganito ako manlait sa mga nakikita kong personalidad or nasasalubong ko, syempre sa isip ko lang naman yun, :D Pero aliw ako kay ateng elevator na may fur ang collar :D

    TumugonBurahin
  17. di naman masama ang iyong mga ginawa,,, ika nga nila bawat tao may karapat sa kanyang mga opinyon....

    TumugonBurahin
  18. SAKTO LANG ANG IYONG PAGMAMATYAG.
    SA TINGIN KO'Y, HINDI MO NA KAILANGANG BANGGITIN NANG BANGGITIN ANG "SABAW" WORD NA YAN. LOL!
    IF YOU GOT NO POST FOR SOME TIME, WE'LL ASSUME YOU'RE BUSY WITH MORE ESSENTIAL THINGS. NO NEED TO JUSTIFY OR SHOW YOUR WEAKNESS TO THE READERS.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sir, pinapagalitan mo ba ako? hehehe... salamat sa iyong pagdaan...

      Burahin
    2. ramdam ko ang pagsigaw niya senyor! haha!

      Burahin
  19. Walang basagan ng trip kasi. hehehe.. Sana may pictures sila. hehee

    TumugonBurahin
  20. hahahaha.. Walang basagan ng trip kasi. hehehehe.. Pero sana may picture sila. hehehe

    TumugonBurahin
  21. hahaha di ba masyadong uchosera ka ata sa ginawa mo.. hahaha anyways trip mo yan.. hahaha

    TumugonBurahin
  22. ehh trip mo yan na mag observe ng suot ng ibang tao kaya wala naman amsama dun

    TumugonBurahin
  23. Mapanglait ka ako kaya un lalakeng long hair! charot hahahaha

    TumugonBurahin
  24. Hehehe rockerz na si jollibee.
    super observant hahahah kung nalalaman lang nila anginiisip mo heheh malamang hindi ka na nila palalabasin
    ng buhay sa elevator hehehhe

    TumugonBurahin
  25. di talaga maiiwasan mapansin mga ganyang tao pero dahil tahimik mo lang naman silang inobserbahan, ala akong nakikitang mali. magiging mali lang yun sa opinyon ko kung pinamukha mo sa kanila, eh dahil hindi mo naman ginawa yun, keri lang yan. sabi mo nga, kanya-kanyang trip lang yan, yun ang trip nila at yan ang trip mo, alang pakialaman. :)

    TumugonBurahin
  26. Sino nga ba ang tunay na mapanglait? haha
    I guess honest assessment lang naman iyon. Di mo naman sinabi sa harap nila. Naging curious ka lang sa kanila. Ganyan di ako minsan, observer. Pero nakikita ko din naman ang iba pang mensahe sa kanilang mga mukha, kilos at salita. Sabagay, to each his own talaga. Di talaga natin nalalaman ang saloobin ng bawat isa!

    TumugonBurahin
  27. trip nila yung maging outstanding, trip mo rin ang mag observe, sabi nga nila, walang basagan ng trip! :)

    TumugonBurahin
  28. Sabi mo nga, walang basagan ng trip. Kanya kanyang statement lang yan.

    Kampai!

    TumugonBurahin
  29. uu yan ka eh! mapanglait ka talaga bwahaha! pero nakakatawa talaga yung mga suot nila naiimagine ko lalo na yung rakistang jollibee LOL!

    TumugonBurahin
  30. kulang pa ang panlalait mo.senyor.. more! more! more! hahaha..

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...