Kung Iniisip Mo


Kung iniisip mong ikaw ay tanga, 'Wag kang mag-alala. 
Mas marami d'yan in denial pa. At least ikaw, may clue na.

Kung iniisip mong hindi ka maganda, okay lang 'yan!
Labas ka ng bahay at makikita mong mas angat ka.

Kung iniisip mong napakasama ng ugali mo, 'di yan!
'Wag ka lang maging kriminal at manapak ng karapatan ng iba.

Kung iniisip mong wala ka pang nararating sa buhay, gising!
Don't expect things to be different if you keep doing the same.

Kung iniisip mong walang nagmamahal sa'yo, mali ka!
Meron pero hindi mo lang nakikita kasi nga tanga ka.

Kung iniisip mong malas ka dahil mahirap ka, mali ka na naman!
Kung matagal ka ng salat pero nga-nga ka lang, 'yan, malas ka nga.

Kung iniisip mong magpakamatay dahil sa bigat ng problema, 'WAG!
Ikain at itulog mo 'yan. Magdasal nang makita ang kaliwanagan.

Kung iniisip mong sobrang galing mo at daig mo ang lahat, Ows?
Hinay-hinay at may tinatawag na 'humility'. Ikaw na ang perfect.

Kung iniisip mong hindi mo kaya at takot ka, baka nga.
You'll never know unless you try. Playing safe?

Kung iniisip mong mahina at bobo ka, maling-mali ka talaga.
Ang tunay na mangmang, hindi maiisip ang mga iniisip mo.



36 (na) komento:

  1. "Kung iniisip mong mahina at bobo ka, maling-mali ka talaga.
    Ang tunay na mangmang, hindi maiisip ang mga iniisip mo." - tamang tama to...

    "Kung iniisip mong malas ka dahil mahirap ka, mali ka na naman!
    Kung matagal ka ng salat pero nga-nga ka lang, 'yan, malas ka nga." Yung iba kasi daming iniisip kulang din sa gawa...
    Aksyon aksyon din

    TumugonBurahin
  2. Winner!

    "Kung iniisip mong ikaw ay tanga, 'Wag kang mag-alala.
    Mas marami d'yan in denial pa. At least ikaw, may clue na."

    TumugonBurahin
  3. Ouch.. iilag muna ako hehe..

    Gusto ko din yung line na yun..
    Kung iniisip mong ikaw ay tanga, 'Wag kang mag-alala.
    Mas marami d'yan in denial pa. At least ikaw, may clue na

    TumugonBurahin
  4. okay ah! Galing nito....

    Kung iniisip mong magpakamatay dahil sa bigat ng problema, 'WAG!
    Ikain at itulog mo 'yan. Magdasal nang makita ang kaliwanagan.

    TumugonBurahin
  5. astig! hehe : )

    atleast ako may clue na ako na tanga ako haha!

    TumugonBurahin
  6. hahaha galing... gising!! gising!! nakahiga ka habang umiikot ang mundong ibabaw...

    "Kung iniisip mong wala ka pang nararating sa buhay, gising!
    Don't expect things to be different if you keep doing the same."

    TumugonBurahin
  7. "Kung iniisip mong walang nagmamahal sa'yo, mali ka!
    Meron pero hindi mo lang nakikita kasi nga tanga ka."

    Lecheng pagmamahal yan. Ang hirap ispelengin! Lol.

    Kampai!

    TumugonBurahin
  8. galing naman neto...pang pa good vibes and trowing away negativity...:) Nakaka miss kayo...hmmmph!


    xx!

    TumugonBurahin
  9. sang-ayon ako sa lahat ng tinuran mo rito, adre.. napakahusay na payo, sakop na nito halos lahat.. :)

    TumugonBurahin
  10. Magaling at may aral na dulot. Marami kasing nagiisip ng hindi tama, na tanga, bobo, mahirap, salat sa pag-ibig, malas, mahirap, atbp. Ang kagandahan, maisip nating salat tayo pero may magagawa tayo dito. Eh kung tanga, may gamot ba diyan? At least yung bobo, puwedeng mag-aral. Sa ngayon, ako ay may takot, pero gagawan ko ng paraan para ako ay makausong ( grabeh napaisip pa ako kung ano yung moving forward sa Tagalog, lol! )

    TumugonBurahin
  11. " Kung iniisip mong magpakamatay dahil sa bigat ng problema, 'WAG!
    Ikain at itulog mo 'yan. Magdasal nang makita ang kaliwanagan."

    Tama. ika nga e lilipas din yan at tatawanan din paglipas ng panahon ang kalokohang naisip at dinaanan. at tama, kailangan din lagi ang dasal. :) nice post

    TumugonBurahin
  12. Kung iniisip mong hindi mo kaya at takot ka, baka nga.
    You'll never know unless you try. Playing safe?

    Iluuurrvetttt!
    Mahirap tlga kasing umalis sa comfort zone :(

    TumugonBurahin
  13. copy,,,, paste.. comment! hahah
    naku tawa much sa list mong to senyor
    makes sense naman lahat ng sinabe mo
    ahaha
    pinaka benta saking ung dulo
    sapul naman ako sa 4th haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. uy d ka na nagka-copy paste ng post with your comment?

      Burahin
  14. isa pa at ibabalibag ko na tong laptop ko. lol!

    TumugonBurahin
  15. hahaha! lakas makapa-konswelo nitong post mo senyor!

    TumugonBurahin
  16. kung iisipin mo na di ko binasa to. nagkakamali ka

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hindi ko naman inisip na hindi mo binasa... miss you... boom!

      Burahin
  17. Ikaw na ang may talent hehehe.
    Kaya nga diko iniisip na tanga ako kasi bka magkatotoo hahaha.

    TumugonBurahin
  18. think positive lang. lahat ng bagay may dahilan, at kung magkakaroon ng positibong outlook sa buhay, tiyak, hindi mo iisipin ang mga bagay na yan

    TumugonBurahin
  19. Pampagising sa natutulog:) awakening thoughts.
    Have a nice day senyor:)

    TumugonBurahin
  20. Hindi ko napigilang magkomento sa husay nito.
    Hindi kailangang rhyming ang bawat dulo para ipahatid ang mensahe.
    Ganda senyor.
    Kung iniisip mong hindi ko binabasa ang mga post mo, 'wag mo na isipin dahil inaabangan ko ito palagi.

    TumugonBurahin
  21. simple pero me tarak ang bawat salitang binibitawan :)

    TumugonBurahin
  22. lakas maka boost ng confidence ng post na to Senyor, aylavet!

    TumugonBurahin
  23. Eto ang pinakagusto ko:

    "Kung iniisip mong wala ka pang nararating sa buhay, gising!
    Don't expect things to be different if you keep doing the same."

    yeah! :D

    TumugonBurahin
  24. buti nalang may clue na ako! hahaha..

    mahina at bobo nga ako. pero hindi ako mali dun. hahaha. may clue lang talaga ako..


    TumugonBurahin
  25. Paano na lang kung iniisip mo ang lahat ng iniisip na nakalista dito na iniisip ng iba? Aba ang dami mong iisipin! Wala ka nang nagawa kundi ang magisip ng mag-isip...

    Pano kong ang ibang tao ang nag-iisip ng kung ano-ano tungkol sayo? Mag-iisip ka rin ba o patutunayan mong mali ang iniisip nila? Pag-iisipan mo ba sila ng masama o mananahimik ka na lang at iisipin na parang walang nangyari?

    May negatibong pag-iisip, ngunit may "healthy rin naman na pagninilay-nilay... wag na lang maging paranoid at wag mag-isip ng kung ano-ano. Ang isipin ay ang makakabuti sa sarili at kapwa. Maraming mga bagay bagay na di na dapat pinagaaksayahan ng matinding pag-iisip...

    Ang daming isip! Ayoko nang mag-isip...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sobrang may tama ka kuya Mar! Pag maganda ang intensyon at malinis, walang dapat ibang isipin... Salamat sa kaliwanagan...

      Burahin
  26. An galing nito senyor, more iniisip lines pa. Naiisip ko rin kung nag-iisip din ba ang mga walang isip? Sinong nagpauso ng katawagang "walang isip?" Nakakapagod magisip ng mag-isip.

    TumugonBurahin
  27. Liked! Lol

    Positibong positibo ang post! Dagdagan mo pa, binabasa ko ito ngayon sa mga kaopisina ko.

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...