Ang pagmamahal ay isang sugal.
Kung mas malaki ang taya, malaki ang panalo at malaki rin 'pag natalo. 'Pag wala kang tinira, lagot ka. Uuwi kang luhaan at hindi mo alam kung saan ka pupulutin kinabukasan.
Sa pag-ibig, walang nakakaalam kung ikaw ay llamado o dehado. Kumbaga sa karera, mas mataas ang bigayan kung makikibakas ka sa kabayong mas lamang ang pagkatalo. Kung ito ang gusto mo, nakakabilib ka. Napanlabanan mo ang mga bulong-bulungan ng mga eksperto at sinunod mo ang paniniwalang walang basehan. Gusto mo lang. Kumakapit ka sa pag-asang may napakaliit na posibilid na mabigyang katuparan. 'Pag tumama ka, kikilalanin ka dahil sa lakas ng iyong loob at kung hindi naman, wala kang sisisihin kundi ang sarili.
Ang matagpuan ang 'yong tunay na mamahalin ay gaya ng pagtaya sa ending. Marami kang pagpipilian pero doon ka sa 'yong mapupusuan. Aasa ka sa bawat talbog at ikot ng bolang pagpapasa-pasahan ng iba't-ibang koponan. Maswerte ka kung sa wakas ng laro ay ang mga numero mong alaga ang kalalabasan. Mapapasaiyo ang premyo at kung mamalasin naman, 'wag mag-alala dahil marami pang susunod na laban.
Tulad ng tong-its, ang pag-ibig ay isang malaking pagbabakasakali. May ibibigay sa iyo at gaya ng sa baraha, may makukuha kang bubuo sa'yo habang ang iba ay darating ngunit hindi mo kailangan at itatapon mo. 'Pag kinuha ng iba upang sila naman ang makinabang, iiral ang iyong panghihinayang at pagka-inggit ngunit mabubuhay ang pag-asang may darating pang higit na para sa'yo.
Maihahambing sa sabong ang pagmamahal. May kanya-kanyang manok na aalagaan at patatapangin upang maging handa sa pinakahihintay na laban. Ito ay maihahalintulad sa mga pagsubok sa pag-iibigan. Ang unang sumuko, talo. Kung ang manok mo ang unang bumitiw sa tunggalian, maaari siyang mawala sa'yo ngunit kung kapalaran niya ang maging matatag sa gaano mang kahirap na laban, panalo. Matagal ang inyong pagsasamahan at maaring umabot ng habambuhay.
Ang Cara y Cruz ay walang ipinagkaiba sa mga binuong pagsusuyuan. Ang Cara ay mukha ng pag-ibig na kumakatawan sa mga masasayang mga sandaling pagsasaluhan habang ang Cruz ay ang mga pait na normal na bahagi ng samahan. Sa paghagis ng barya ay ang pag-ikot ng gulong ng buhay pag-ibig. Habang nasa ere ay ang pigil-hiningang paghiling na sa bawat dulo'y makamit sana ang Cara na inaasam. Kung maging Cruz man, sa muling pagtira ay muling katok sa pagkakataon upang ibigay ang ginhawang sana'y nakalaan.
Marami ang may paniniwalang hindi kailanman magdudulot ng kabutihan ang pagkahilig sa sugal. Lantaran mang ipagbawal, walang tigil pa rin ang pagkahumaling ng ilan. Gagawin kahit patago masunod lamang ang hilig.
Sugarol din ang puso kong matagal ng malamlam. Kakitaan man ng sugat ng nakaraan at ituring mang katangahan ang muling pagmamahal dahil sa dalas ng kasawian, patuloy pa rin sa pakikipagsapalaran. Hindi mapapagod... Hindi kahit kailan susuko... Hindi mapipigilan...
Titibok kung kinakailangan kahit walang kasiguraduhan sa kahahantungan.
Patuloy lang ang sugal sa larangan ng pag-ibig. Kahit pa maging paulit-ulit na talunan, itataya pa rin ang lahat sa ngalan ng tamis na inaasahang panalo.
Taya ka na rin.
wag mong itaya buong buhay mo. malalagotan ka. for sure. haha
TumugonBurahinKahit kanino o sa kung anong bagay pa man ihahalintulad ang pag-ibig, isa lang ang masasabi ko. Ang pag ibig ay tunay kung ito ay hindi naghahanap ng kapalit.
TumugonBurahinIt is not love when worldly pleasures are being equated on the same. I still cling to 1Corinthian 13: 4-7 <-- eto para sa akin ang tunay na kahulugan ng pag ibig.
I believe the best way is to just be ourselves and make the best out of everything and that includes love too.
TumugonBurahinGood luck!
Ang pag ibig ay hindi sugal bagkus ito ay isang regalo na hindi isinusugal
TumugonBurahinOh ha!
Love is not based solely on feelings because through time feelings fade away. It is rather a commitment that through rough roads and violent storms lovers must commit to stood by each other.
TumugonBurahinanong akala mo sa pag-ibig?! Casino Filipino?! Piz :)
TumugonBurahinGayun pa man, dahil hindi natin alam kung anong ating magiging kinabukasan, hindi natin maiwasang sumuong sa tawag ng pag-ibig at namnamin ang ligayang dala nito sa kasalukuyan at isipin na ganun na lang tlga forever!
Dahil to sa PBB Teens eh! Matitigan lang, inlove na, sumugal na!
gusto ko yung cara cruz ^_^ tuloy tuloy lang ang pagtaya sa sugal ng pag-ibig..
TumugonBurahinwag na lang makipagsugal kung takot kang matalo?
TumugonBurahinor magsugal ka pero dapat laging win-win ang ganap!
laruin mo yung sugal na alam mong kaya mong ipanalo.... although walang thrill pero mas malakas din naman kasi ang impact pag talunan ang peg mo...
Senyor may jueteng ka ba jan? pompyang 27 nga senyor....
lols
*bearhugs*
Ang pag ibig ay isang himala, say ko lang hehehe.
TumugonBurahinang pag ibig nga naman...
TumugonBurahinang daming ipagkakahulugan..rosaryo...bulaklak...sugal..
Kahit ano pa yan.. masarap pa din ang umibig...
haha siyan tunay!
TumugonBurahinmay pinag huhugutan ang post neto ahh
nice ung mga comparison ng love sa sugal akmang akma ee
ganun naman talaga ang love walang kasuguruhan pero
nakakaadik haha
ikaw na! bongga! have faith with love...hayaan mo ipapa flash ko ang number mo sa electronic billboard sa ayala para di ka naman masyadong maghintay...lol
TumugonBurahinalala ko...this has been my line to my close friends na lagi in relationship at mayamaya waley na.."walang sasaya sa pag ibig pag di pa ako masaya! hahaha!
kung matalo. ipon muna ulit ng pangtaya, tipong recovery mode. kapag oks na rakenrol na ulit haha!
TumugonBurahinnice post. pers taym sa blog mo.
Sabi nila kahit ang taong matalino, pagdating sa pag-ibig, nabobobo. Kaya di siguro maiiwasang magmahal ng wagas at hindi na magtira para sa sarili. - wala lang, masabi lang! ;)
TumugonBurahinAlam mo na ang komento ko dito!
wow now ko lang narining yang comparison ng love sa tong-its ah but indeed nabigyan ng hustisya..magaling Senyor! sugal lang ng sugal ganyan talaga ang love eh..hindi ka rin mananalo kung hindi ka susugal...
TumugonBurahinTama ka jan Senyor. Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan diba? Pero sa pag try or pagsuong mo sa buhay pag-ibig ay dapat din na maingant ka. Huwag mong ibigay ang lahat. Magtira ka din ng para sa sarili mo. Gamitin din ang utak huwag lang ang Puso.
TumugonBurahinHeypi Balentayms!
wow! gandang comparison. pero okay lang matalo. kung pag ibig ay sugal, okay lang nag eenjoy naman ako habang nagsusugal eh. wag nalng isipin di mananalo kasi doble talo na kung sa bandang huli talo na at di kapa nag enjoy.
TumugonBurahinang lalim... gusto ko yung parteng "Cara Y Cruz"...
TumugonBurahinGaling!
TumugonBurahinPero nakakapagod din minsan ang sumugal sa pag-ibig e. O baka siguro mali lang ang pagtaya ng tao sa pag-ibig. Kasi minsan at madalas, mauuwi lang sa hiwalayan at masasaktan ka.
Pero sabi nga, hold on, let go, and move on.....kung wala na talaga, let go and move on. Sugal ulit hanggang sa manalo. :)
Tumaya ako at hindi ako nagsisisi ! Khit walang kasiguraduhan buong tapang akong naniwala at khit itoy isang himala! Sa tulong kay God ndi nauwe ito sa pagkabigo eto masaya ako! Kaya tataya p din ako!
TumugonBurahinmasyadong talo ako kung titingnan ko ang pag-ibig bilang sugal. mas gusto kong tingnan ang pagmamahal sa ibang tao bilang pag-aayos ng kwelyo matapos ang mahabahabang paglalagay. :)
TumugonBurahinbasta love and love :P
TumugonBurahinmatagal n kong pumusta ..
TumugonBurahinnasa poker table ako naka bet ng all-in :p
ang kyut ng analogy ng sugal at pag-ibig . galing :)
Ayoko tumaya.. sayang eh.. lol..
TumugonBurahinHay...wag na nga muna isipin ang love at di naman ako magaling sa sugal eh
tuturuan kita June... hehehe
Burahinbasta magtira lang ng pamasahe pauwi..saka malay mo manalo! pabalato..hehehe..feb ibig..:))
TumugonBurahinano ang gusto mong balato? hehehe
Burahinsa ngayon, ayokong sumugal sa pag-ibig, lagi akong talo eh.
TumugonBurahinsino bang hindi? ako rin naman... taya lang ng taya... ang walang taya, walang tama...
Burahinlove nga naman.. tsk!
TumugonBurahin