FlipTop Battle: Erap Vs. Gloria



Sa isang tumpukan ng mga usisero't usisera ay matutunghayan ang isang tunggalian sa pagitan ng dalawang dating Pangulo.

Anygma: Pssssssst! Tumahimik! Sa kaliwa, Presidenteng napatalsik, mag-ingay para kay Erap! Magpakilala!

(hiyawan ng madla)
Erap: 
Ako si Joseph Ejercito Estrada,
Kilalang Hari ng masa;
Isang simpatiko at Adonis,
Ikaw Gloria sa'kin ay panis!

Posisyon ko, ninakaw mo,
Kumpare ko, tinalo mo!
Sa labang 'to, wala kang binatbat,
Tulad ng height mong 'di sapat!

(applause)
Anygma: Sa Kanan, mag-ingay para kay Former President GMA! Magpakilala!

(applause ulit)
GMA: 
Gloria Arroyo ang aking pangalan,
Dangal ng sangkababaihan;
May maayos na buhay at edukasyon,
'Di tulad ni Erap na sugal ang bokasyon.

Wala kang utak puro lang talak,
Tumahimik ka kung ayaw ng sapak;
Maliit man ako ngunit matinik din,
Walang kumayang ako'y patalsikin.

(palakpakan ng audience)
Anygma: Round 1. Isang minuto, bawat panig. Erap, simulan!

Erap: 
'Wag mong ipagmalaki, iyong edukasyon,
Hindi mo naman nagamit, tiyak 'yon!
Puro ka kurakot, mandaraya ng eleksyon.
Hindi mo deserve, iyong posisyon!

Istilo ko pa ang ginaya mo,
Nang mademanda, pa-ospital kuno;
Tingnan mo ngayon, iyong sinapit,
Sa lahat ng gusot ikaw ay sabit!

Umamin ka na kasi, abnormal ka!
Magnanakaw ka! Mandaraya pa!
Pagdusahan mo doon sa kulungan.
Para kwits at walang lamangan!

Pinakulong mo ko't pinalaya rin,
Makakarma ka! Ika'y sinungaling!
'Wag kang magmalinis at mangsisi,
Mukha kang tanga sa "Hello Garci"!

(tilian ng mga tao)
Anygma: Time! GMA, isang minuto, your turn!

GMA: 
Hoy! Erap! 'Wag kang hangal!
Alam ng mga taong wala kang Dangal!
Sikat ka lang kaya ka nanalo,
Pero ang utak, wala ka nito!

Sa'yong sinasabi ikaw ay mag-ingat!
Ikaw ang unang naging Corrupt!
Ginaya lang kita pero bopol ka!
Sa game na ito, ikaw ang tanga!

Mga trabaho mo ay walang linis,
Mga ebidensiya 'di mo winalis.
Sa ex-BFF mong si Gov. Chavit,
Nang s'ya kumanta, ikaw ay dawit.

Inggit ka lang sa term kong siyam na taon,
Ikaw, wala pang tatlo nang paalisin at itapon!
Makulong man ako't kahit saan nandoon,
OK lang may limpak namang ipon. Belat!

Round 2???

Itutuloy...


16 (na) komento:

  1. Karma karma lang talaga yan... hindi naman ako erap follower but between the two mas may pag galang ako kay erap. sobra kasing power tripper yung bansot. but anyway wala akong gustong pulitiko. i sooo hate them!

    TumugonBurahin
  2. Nice one Senyor! I really love this post! Alam mo naman, politics kasi is my ultimate porn. Reading this was such an orgasmic experience. Hahaha! So now you’re writing political stuff na din? Ingat ka, baka ma salvage na niyan sa mga political iskwater stories mo. Hehehehe!

    In fairness kay President Arroyo, the only reason why the Philippines enjoyed a 7.1% GDP in 2012 is because of the economic reforms which GMA implemented. 2013 will be very crucial for PNoy kasi dito na niya dapat i-assess ang lahat ng mga nasimulan na reforms ni Arroyo. This is when he makes it or breaks it.

    Nakakatuwang isipin na ginawa lahat ng mga “illustrados”, ang mga intellectual elite, othe political dynasties, and the wealthy opportunists, na ipabagsak si Estrada. They say that everything was done for the sake of a better government and democracy. The truth is, they can’t stand seeing the seat of power being farted on by some idiotic macho.

    Erap was nothing but the real representation of the situation of the Philippines- the reality that the masa is the real face of the Philippines and not the sugar barons, not the sophisticated bankers in Makati, not the hailed academicians, or the highly regarded writers and journalists of broadsheets which are never read by THE REAL PEOPLE OF THE PHILIPPINES.

    In some ways, these elites had it right- Erap was driving the economy into the deepest abyss of crisis. But instead of creating a dynamic opposition to challenge Estrada’s policies through parliamentary debates and legal means, they resorted to create the Second People Power- a movement primarily backed not by the people, but by some rich people, students who are the so-called ‘scholars’ of the people, and those English-speaking brown monkeys.

    And yes, I was one of those pseudo-conyo English-speaking brown monkeys. Sa simula naman din kasi hindi ako maka-Erap. Gusto ko noon maging presidente si late Senator Raul Roco. Anyway nakalipas na yun.

    Ang nakakalungkot eh sa pag-persecute natin ng isang gambling lord, ipinalit kalng natin ang Reyna ng Fraud with his Swine of a Consort and her shameless filthy ugly child Mikey (pucha lumabas pa ang mokong sa isang film, hamak na mas gwapo pa ako dun!).

    But there’s one thing talaga na hindi natin puedeng i-deny Gloria was really a very hard working woman, smart and she did well to salvage our economy in the direst moment of the world’s economic crisis.

    Oo marami pa din mahihirap at hikahos, at malayo pa ang daan na dapat tahakin. But we have to give credit to whom credit is due, but that doesn’t mean that we have to forgive her. Well, as true Christians, being a predominantly Catholic nation, we CAN forgive her. But as true Christians we need to uphold the course of law and justice, and she has to pay for what she did, the way Erap paid for his assholic ways.

    Yun nga lang eh, mukhang hindi magbibigay ng presidential pardon si PNoy.

    By the way, I was an Arroyo supporter until she ran again in the presidential race in 2004 (?). Magmula noon eh hindi na ako naging supporter niya. Nakakahiyang aminin pero that was only in the past.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Magaling talaga si Gloria, ang kaso lang, ang gung gung niyang asawa na si First Gentleman, parang baboy na hayok sa pera.

      Love is blind talaga! Di ko talaga maisip kung bakit nakipag balikan sa GMA kay Mikey.

      Burahin
  3. Oh my... we have the same political views since Erap's ousting... grabe... magandang kapihan 'to pag nagkita tayo in person... I used to like GMA... I voted for Roco too... I like Erap nitong huli na lang rin... hyyyy...

    Maraming salamat sa comment mong sobrang seryoso habang ang post ko naman ay isang pahapyaw na pansin sa ating pulitika...

    Kaka-tats ka laging mag-comment Mr. Tripster Guy!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. korek to. lahat ng to.

      actually isali mo na rin ang term simula kay cory at fidel. si cory talaga ang unang una nakasira ng economy ng pinas. heller, tapos etong si fidel naman ang best in utang sa mga ibang bansa (palibhasa engineer siya kaya best in infrastructure utang. ie, skyway.)

      ok sa sana si GMA totoo yan. kasi infairness ok ang economic help niya. kaso malaki rin kasi ang involvement nung asawa niyang atty at mga walang kwentang advisers.

      hindi naman kasi natin pwede sisihin ang presidente agad agad sa lahat ng nangyayari kasi may mga ibang tao rin ang namumuno ng ibat ibang sangay.

      maloloka ang presidente kung nag micromanage siya.

      lahat naman sila one way or another naging corrupt.

      Burahin
  4. Ikaw nalang kaya ang tumakbo?:)
    Swak na swak ka eh hehehe

    TumugonBurahin
  5. Although di ko interesado sa politics, nag enjoy akong magbasa:)

    TumugonBurahin
  6. bongga ng fliptop battle te! mas bongga to kung vblog, ikaw at si deo ang gaganap! talakan galore, bongga! :)

    TumugonBurahin
  7. ayus ito ah, parang naririnig ko talaga ang boses ni erap at ni gma, haha.

    bilib ako sa'yo, ang sipag mong sumulat marami na kong nababasang random at sabaw na ideya ng mga blogger pero ikaw tatlong blog entry sa isang linggo. galing!

    -bumibisita lang sa mansyon ng iskwater

    TumugonBurahin
  8. hahha. sana si pinoy nalang yung moderator.

    TumugonBurahin
  9. haha lupit.. nagkaaminan pang parehas silang corrupt hha.. nasa panig ako ni erap, pero pinamumukhang hampas lupa siya ni ginang..

    TumugonBurahin
  10. Genius :p

    naiimagine kong sinasabi nga ni gloria at erap with actions ang fliptop. hahaha

    TumugonBurahin
  11. grabe kahaba ang comment ni mr. tripster!

    anyway at nagamit mo ditoo ang kahiligan mo sa fliptop ahh
    at may sense naman talaga pinagsasabi nila
    pareho lang ang pandak at ang bondat na yan
    kurakot
    si erap wa ko mxado alam dyan haha
    si gloria kung ginamit nya lang talino nya para sa ikakabuti natin
    ok na sana kaso sa kakurakutan idinaan aha

    TumugonBurahin
  12. hahaha ang cool-it!

    Smart ka talaga Senyor, ginawa mong interesting at makamasa ang political issues ng dalawang nag uumpugang ito hahaha, thumbs up!

    part 2 pasok!

    TumugonBurahin
  13. Ilabas na ang part 2:) Binasa ko ulit! hahah naiimagine ko talaga sila sa arena! lol

    TumugonBurahin
  14. wahaha! ano nga kaya kung mag-fliptop sila for real.. box office yun for sure..galing nito senyor may talent ka pala sa fliptop eh.. i-showcase mo yan samen next time we meet!

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...