Mula sa Nagpupumilit na Makatang Hindi In-Love Ngayong Balentayms
Hawak-kamay ninyong salubungin,
Ang araw na ito'y inyong angkinin;
Sa himig ng awit nawa ay punuin,
Ligayang wagas sa puso'y kam'tin.
Daigin ang pasko sa kasiyahan,
Sorpresang regalo ay magpalitan;
Higpit ng yakap na laging asam,
Makamit sana at maramdaman.
Simulan sa kalabit at konting hipuan,
Hanapin ang kiliti kahit saan man;
Ipalaganap ang ngiti at halinghingan,
Matamis na halik iyong abangan.
Ibigay ang lahat pati ang puri,
Basta't sarap ang tanging sukli;
Huwag matakot o magkunwari,
Daanin na lang sa lakas ng tili.
Kung may mabuo, 'wag takbuhan,
Hindi sagot ang magtaguan;
Desisyong ginawa ng 'di pilitan,
Harapin ang bunga ng kapusukan.
Saksi ang mundo kayo'y magsumpaan,
Hanggang sa huli, walang iwanan;
Hirap at sakit inyong pagsaluhan,
Sa mga pagsubok, walang sukuan.
Bagong lakbayin ay muling simulan,
Aral ng kahapon ay panghawakan;
Hindi madali ang mahabang laban,
Gabay sa Taas ang gawing sandalan.
Gusto ko ito, dapat lang na wag takbuhan:)
TumugonBurahin"Ibigay ang lahat pati ang puri,
TumugonBurahinBasta't sarap ang tanging sukli;
Huwag matakot o magkunwari,
Daanin na lang sa lakas ng tili."
solb.. hahaha..
Simulan sa kalabit at konting hipuan,
TumugonBurahinHanapin ang kiliti kahit saan man;
---hehe, tutok ako dito. At tama lang na huwag takbuhan ang responsibilidad! Magkasama sa sarap, dapat magkasama rin sa hirap :D
naaliw ako sa ibang stanza. hehehe.
TumugonBurahintama...dapat panagutan...:) Be responsible ika nga...:)
TumugonBurahinxx!
February 14 ang para sa mga Kasambahay....
TumugonBurahinFebruary 15 para sa mga Kabit...
February 16 para naman sa mga beki...
ahihihi...
haha dapat i post to sa mga pinto ng motels hahaha
TumugonBurahinkung mag bibigayan gawin ng ligtas ng walang pasisihan
hirap kasi pg nakabuo ka nang di inaasahan haha
natawa naman ako sa daanin sa lakas ng tili haha naiimagine ko lng haha
Napakaganda ng komposisyon mong ito.
TumugonBurahinNaipabatid ng tula mo ang bigat ng responsibilidad na hindi dapat natin talikuran. Mahusay. :D
natatawa ako sa pagkakomento mo hehehe.
Burahinhahahaha!
Burahinwow galing naman..sumusulat ka rin pala ng tula..very rare to pang pg-13! ayos ;)
TumugonBurahingusto ko ung tula dahil may lesson pa rin in the end. ung sa dulo eh binanggit na need ng guidance ni Lord, un ang the best talaga
TumugonBurahinmaiksi lang pero malaman ito at motivational haha.. pawang katotohanan ang nilalaman, magandang tula, galing senyor! ^_^
TumugonBurahinganda ng tula ng pagibig!§
TumugonBurahinHappy heart day to you!
Ganda :)
TumugonBurahinokay. all about love. di ako naka feel ng bitterness because of thise post. hahahaha
TumugonBurahinTama walang takbuhan... mahusay ang pag kakagawa..
TumugonBurahinMay rhyme ang ang mga huling salita...
Happy Valentines :)
Makatang makata ang dating. Magaling ka talagang sumulat.
TumugonBurahindapat talaga handa sa responsibility hindi lang sa artihan at pasweet moments when it comes to love. anyways, belated happy vday senyor! :)
TumugonBurahin