Chicken Soup Kontra Sabaw



Kumain ang nagugutom... Magpahinga ang napapagod... Matulog ang inaantok...

Eh kung sinasabaw? Kailangan bang magpahigop???
(Sabaw - nga-nga; walang maisip; walang masulat; _______________; blank)

Ang post na ito ay para sa mga bloggers na nasa gitna ng sabaw moments. Please feel free to add motivational thoughts and living testimonials kung paano nalampasan at napaglabanan ang stage na ito.

Ang mga susmusunod ay ilan sa mga kasagutan sa Sabaw Moments:

1. The Rest
Hindi requirement ang specific number of posts sa isang linggo o buwan. Kung walang maisip na next entry, 'wag ma-depress at 'wag pilitin ang sarili. Pwede ring magpahinga. Kung walang matinong maisulat, manahimik. Be in hiatus. Mag-reflect at 'pag handa na, 'yan ang perfect time to continuously share your thoughts. Sana talaga worth it at may sustansya ang susunod na lathalain matapos ang matagal na pananahimik dahil kung hindi, mas ideal ang tuluyang pananahimik. 

2. The Recharge
Ang kabayo sa kalesa, kahit ilang palo ng kutsero, kung pagod at gutom, hindi mapipilit na tahakin ang pupuntahan. 'Wag magsulat kung walang laman ang isip, puso at pati sikmura. Patok ang posts na ginagamitan ng puso at isip dahil nakakabusog sa diwa ng mga mambabasa kaya kailangang magpahinga at bago tunguin ang muling pagsusulat, recharge through reading or watching something current and relevant. 'Yung may KWENTA at hindi puro KWELA (please lang).

3. The Admission
Tanggapin ang katotohanang ang pagka-blanco ay likas na pinagdadaanan. 'Wag lang gawing libangan nang hindi mauwi sa walang lunas na katangahan. Mainam ang pagiging sabaw na may consciousness kaysa sabaw pero in denial. Kaya palasak ang mga walang kapararakang babasahin ay dahil sa huli. The moment na malaman mong ikaw ay nasa estado ng kawalan, agad aminin sa sarili upang malaman ang mga dapat gawin moving forward.

3. The Signs
Alamin ang mga signos ng kawalan. Ang ilan sa mga ito ay ang pagdami ng mga entries sa iyong 'drafts'. It only means na hirap kang makatapos ng akda o hindi kaya'y ayaw pumirma ng iyong butihing utak sa pagbibigay ng makabuluhang wakas sa iyong mga prospective posts. Isa pa, ang madalas na kawalan ng ideas kung ano ang bagong temang nais palawigin at isalaysay ay isa sa mga signs. Marami pa. Be conscious sa mga ito upang maiwasan ang mga sabaw posts.

4. The Shift
Muling pasadahan ang mga published posts at ang nature ng mga ito. Sa next post, subukang tahakin ang ilang temang malapit sa puso at abot-kaya ng utak. Kung hindi talaga kaya, subukin ang iyong sarili to explore other possibilities beyond comfort zone at malay mo, maka-jackpot ka at 'yan ang maging kasagutan upang mapawi ang writer's block kuno. 

5. The Hop
Iwaksi muna ang pagiging blogger at maging isang bonafide blog hopper. Maliban sa instant connection sa mga kapwa bloggers, tiyak na may mapupulot na aral sa akda ng iba. Isabuhay ang 'It's not all about you..." principle at palawakin ang iyong network sa pamamagitan ng pagbisita at pagbabasa ng blogs ng iba. Isabuhay at isapuso ang mga butil ng kaalaman mula sa iba. Kung wala kang makitang sustansya sa posts nila, be thankful, you're not alone. Learn from them by not being like them!

6. The Repost
Kaysa magbahagi ng mga walang laman at walang kakwenta-kwentang mga posts, muling bisitahin at balikan ang mga best selling posts at i-repost upang maibahagi sa mga new followers/readers ang mga proven and tested havey na banat. Nakatipid na ng energy, staying alive pa rin ang iyong status sa blogosphere at naiwasan mo pa ang pag-share ng mga waley na hirit na bunga ng iyong pananabaw (sabaw term!?!).

7. The Contest
Wagi at makatawag pansin ang ilang mga malikhaing bloggers na may mga pakulo o pakontes. Aside from it is one way of giving back to the readers, effective na paraan din ito  kung walang maisip na bagong topic na nais at kayang talakayin bilang next post. To maintain traffic, launch an online contest for everyone. Ikaw na bahala sa mechanics and for sure, madali lang mag-isip ng concept ng isang game. It's easier than coming up with a sensible post.

8. The End
Kung umay na umay o sawang-sawa na sa kalakaran sa blogging world at wala ng kakaiba o masustansyang kaisipan ang kayang maibahagi, mas naising mamaalam kaysa maging timawa at laughing stock ng iba dahil sa bonggang-bonggang kasabawan. Walang pumilit sa'yo na pasukin ang mundong ito kaya't wala ring mamimilit na manatili ka rito. Kung hindi ka na masaya at pilit na pilit ang iyong kamay, katawan at utak, you better try doing something else. Something more productive. 

Malungkot naman kung sa goodbye mauuwi ang pagiging sabaw. 

Sana 'wag naman. 
Sana 'wag magpapatalo dahil ang kasabawan  ay ___________.

Please fill in the blank. Best answer will get a prize. 
Movie tickets for 2. Seriously.

Game?






42 komento:

  1. the shift - madalas ko tong gawin. di ako nagfofocus lagi sa kwento. minsan tula, minsan porno joke!

    Sana 'wag naman.
    Sana 'wag magpapatalo dahil ang kasabawan ay maaaring matuloy sa katamaran

    TumugonBurahin
  2. dahil ang kasabawan ay pangbulalo lamang...

    nagugutom ako nung binasa ko 'to eh... hehe!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha... katuwa naman...nais kong i-follow ang iyong blog... ano ba?

      Burahin
  3. ang kasabawan ay weder-weder lamang....

    TumugonBurahin
  4. tama, marami kang matututunan kung gagala saglit at babasahin ang gawa ng iba.. madalas sabawin yung mga blogger na hindi naman talaga reader, pacomment comment lang haha..

    sana 'wag naman. sana 'wag magpapatalo dahil ang kasabawan ay senyales lamang upang mas laliman pa ang higop para maabot ang mga bagong ideya at sutansiyang hinahanap para sa utak. .

    TumugonBurahin
  5. Sana 'wag naman.
    Sana 'wag magpapatalo dahil ang kasabawan ay magdudulot ng kalungkutan na hahantong sa pamamaalam.

    TumugonBurahin
  6. Hala! I think most of my postings are sabaw. Hindi na kasi mainit at baka nga mauwi sa pamamaalam.

    The Hop. I should do this more often but sometimes some bloggers naman kasi ay hindi namamansin. :(

    By the way, anong klaseng sabaw ba ang nakaha-in? It looks like mud. Is that black bean cream soup?

    TumugonBurahin
  7. Sapul na sapul ako dito ah hehe kadalasan kasi or sige na nga lahat ng post ko ay puro personal, wala manlang matututunan hehehe. Madalas kasing nasasabaw ang lola mo kya kung ano ano nalng pino post:)
    Datapwat! Para sa akin ang pagiging masabaw ay tanda ng magiging masarap.
    Bakit? Kasi nandun na lahat ng lasa eh, asim tamis anghang alat ay halo halo na:)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naku i enjoy making tambay sa blog mo kasi I love updates about jamboy and hubby... basta about sa family maganda... akala mo lang walang lessons pero marami kaya...

      Burahin
  8. Nice tips:)
    Pero by the way ay iba iba ang passion ng tao. Kanya kanya ang gusto ng topic. Importante talaga na ang sinusulat ay nangagaling sa puso, but pano kung la may interest ng nasa puso ng isang blogger? Dyuk:)
    So good luck to us bloggers:)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. basta galing sa puso madam, wagi yan... kahit walang makabasa at walang magkagusto basta mailabas lang, accomplishment na sa atin yun...

      Burahin
  9. Paano kung tamad din mag-blog hop?

    Stop na lang muna kung wala talagang maisulat......

    dahil ang kasabawan ay parang problema malalagpasan mo din.

    TumugonBurahin
  10. dalagang dadaan talaga ang bawat blogista sa ganitong stage.. hehehe ang maging sabaw.. at wala na nang maisip...

    TumugonBurahin
  11. kaya nga nag-isip naman ako ng bago sa page ko... para naman maiba lang :)

    TumugonBurahin
  12. Sana 'wag naman. Sana 'wag magpapatalo dahil ang

    kasabawan ay nakakalunod!

    TumugonBurahin
  13. Sana 'wag naman.
    Sana 'wag magpapatalo dahil ang kasabawan ay pag natinik... malalim....

    Eh Senyor pano naman po yung "sabaw-art" na entry?
    lols....

    *bear hugs*


    TumugonBurahin
  14. (Sabaw - nga-nga; walang maisip; walang masulat; "tuyot"; "tigang"; blank)
    Sana 'wag magpapatalo dahil ang kasabawan ay "nauubos" (?) din sa higop. lol

    hwag magpadala sa kasabawan.. kung gusto magpahinga, hwag pagdiskitahan ang blog, hwag kaagad isara.. kung napagpasiyahan na, siguraduhing i-back up lahat ng posts..

    TumugonBurahin
  15. The Stare. Maghapon nakatitig sa monitor, pinipiga ang kaunting laman na nasa ibabaw ng aking ulo, pero wala. Sabaw na sabaw ako nitong mga nakaraang araw talaga, at The Rest ang ginawa ko. Haha. At mukhang maghi-hiatus nga ako dahil sa ilang mga bagay na dapat unahin at bigyang importansya.

    State of mind na nga ang pagiging sabaw, lahat naman daw dumaan sa pagkaganito.

    Sana 'wag naman.
    Sana 'wag magpapatalo dahil ang kasabawan ay sabaw lang.

    (pati ang sagot e sabaw din) ^_^

    TumugonBurahin
  16. The Hop, The Repost and The Contest

    Salamat dito senyor ha.. seryoso I'll try the repost and contest minsan pero travel related pa din..

    Sana 'wag magpapatalo dahil ang kasabawan ay rason para ilayo ka sakin Senyor pag nag closed na blog ko.. lol... parang ayoko na tuloy i submit.. nyahahaha

    TumugonBurahin
  17. Aray aray aray!....duguan gumugulong at hindi na makabangon...chos!
    Napagdadaanan ata ng halos lahat ng blogger ang sabaw moments.. yung tipong nakaharap ka sa computer...kating kati na ang mga daliri mo sa itatype mo wala naman lumalabas sa utak mo....


    Sana 'wag naman.
    Sana 'wag magpapatalo dahil ang kasabawan ay mauuwi din sa panibagong post na makabuluhan...

    TumugonBurahin
  18. Basta saken the best ang The Rest. Parang ako, laging nagpapahinga. Tamad na tamad lang, hahaha. Bakit nga kaya sabaw yun term?

    Sana 'wag magpapatalo dahil ang kasabawan ay parang love.. hindi nagtatagal! Ay parang mapait ata yun sabaw, hahaha! Charowt!

    TumugonBurahin
  19. relate ako dito.. hindi lang ako sabaw sa blog, sabaw rin ako today sa work. ilang oras nakatitig sa task ko pero hindi naman nagiisip ang utak ko.. ewan ko ba.. nakakasabaw ang araw na to. hahaha.

    Sana 'wag naman.
    Sana 'wag magpapatalo dahil ang kasabawan ay nasaisip lang. =).

    TumugonBurahin
  20. Kadalasan na ang mga inspirasyon ko eh galing sa mga bagay bagay na nasa aking paligid. Kukuhaan ko as potograph then lalagyan ko ng kahulugan. Ang isang bato, maaring blog tungkol sa problema sa buhay. Ang pagihip ng hangin, maaaring pahiwatig ng panahon na dapat may bagong mangyari sa buhay. Ang patak ng ulan, ang mga pighati sa buhay.

    Wag sanang magpapatalo dahil habang may istorya ang ating mga buhay, ang kasabawan ay mapupuno ng laman at magkakalasang muli.

    TumugonBurahin
  21. maganda ang pagkakahabi ng bawat salita at may laman ang yong akda...
    ... hahaha
    oh sige copy...... paste... edit.. comment hahhaa

    sapul na sapul ako sa post mo na to kasi balak ko talgang magpahinga ng pagpopost haha
    at mag ipon ng mga entry haha matapos ang conversation natin last day mas naging conscious ako haha though plano na talagang iimprove ung witting style ko actually yuing last po ko ee ung unang trial ko haha,

    anyway maganda naman at may sense mga advise mo prone sa blogger ang sabaw moments dame makakarelate dito hahaha
    ako pinaka nakarelate ako sa shifting haha yun ung goal ng blog shift ko eeh



    Sana 'wag naman.
    Sana 'wag magpapatalo dahil ang kasabawan ay CANCER sating mga blog


    TumugonBurahin
  22. masarap ang sabaw, lalo na kung mainit at umuusok-usok pa, the best! ;P

    kung talaga sabaw/tamad, pahinga lang, wag lang hahabaan ang pahinga at baka ang sabaw na yan ay maiga at mawala na ng tuluyan. ;)

    TumugonBurahin
  23. NICE POST.
    BUT WE DON'T BLOG TO GET JUDGED,
    OR BE CORRECTED :)

    WE DO BLOG TO EXPRESS WHATEVER IS INSIDE OUR HEAD.
    BLOG OUT OF LOVE. IN THE ABSENCE OF PASSION, DO THE STEPS MENTIONED IN THIS ENTRY. TAKE YOUR TIME.
    OR TRY OTHER STUFF TO DO,ASIDE FROM BLOGGING :)

    SANA 'WAG NAMAN.
    SANA 'WAG MAGPAPATALO DAHIL ANG KASABAWAN AY NAKAKA-STROKE!

    (GUSTO MO BANG HINDI NA MASUNDAN ANG LAST POST MO,
    DAHIL NA-STROKE KA NA.
    NA DAHILAN NG PAGTIGIL NG DALOY
    NG KAHUSAYAN AT KATINUAN MULA SA UTAK AT PUSO MO
    TUNGO SA'MING TAGA-SUBAYBAY MO.)

    TumugonBurahin
  24. Ito ang entry na hindi sabaw ngunit ako yata ay nawiwili sa the REST. i have entries in my draft and i am still thinking if i'll post them

    TumugonBurahin
  25. Amen sa lahat. Been there and still there. LOL
    Sabaw moments ako ngayon, pero post pa rin. Walang maisip but magpost ng photo. ;)

    TumugonBurahin
  26. may pa-contest pala ang "sabaw" post..teka abot pa ba ko? sa no.1 lang ako lagi ang The Rest or another term tamad much hehehe.. wala namang pilitan ang mag-post dahil wala namang quota ang blogger.com kaya relax lang :)

    ang sabaw ay malinaw! ayan mai-rhyme lang :P

    TumugonBurahin
  27. THE-REST-MODE kc walang internet sa bahay ;(




    TumugonBurahin
  28. The Signs. hahaha..XD sa dami ng mga thoughts kong sabaw naiipon na lang lahat sila sa drafts. lol pero yung iba naman na nasa drafts ko ay parang 'to take notes' lang o'reminders'

    Sana 'wag naman.
    Sana 'wag magpapatalo dahil ang kasabawan ay nakakabobo

    TumugonBurahin
  29. "Learn from them by not being like them!" like na like 'to. :D

    Bilang buwan na akong sabaw sapul na sapul ako dito. hahhaha

    Sana 'wag naman.
    Sana 'wag magpapatalo dahil ang kasabawan ay parang gutom. Lilipas din :p

    TumugonBurahin
  30. Minsan pag sabaw aq, nadadaan sa pagkakape at nakakapagsulat nman ako, pag ayaw, hiatus n lang muna ult hehe


    Sana 'wag naman.
    Sana 'wag magpapatalo dahil ang kasabawan ay normal lamang,

    Mema lang hehe. :))

    TumugonBurahin
  31. The winning comment is....

    Sana 'wag magpapatalo dahil ang kasabawan ay parang gutom. Lilipas din :p

    CONGRATULATIONS Bagotilyo!!!

    E-mail me upang malaman ang instructions on how to claim your 2 movie tickets... 'Pag hindi mo ito nabasa until March 01, 2013... expired! bwahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tweet mo na lang pala ako pag nalaman mo na!

      Burahin
    2. ay si bagotilyo ang nanalo..mukang hindi pa nya alam..malapit na mag-march 1! ipapaalam ko para saken yung isang ticket bwahaha!

      Burahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...