On my first 'full blast' month
sa world of blogging, I had an interview with Master Glentot of WickedMouth.
Maagang wake up call iyon sa
aking seriousness to continue blogging.
Nakaramdam ako ng hiya dahil
napagtanto kong hindi biro ang i-maintain ang isang site at dahil na rin sa
respeto sa tulad niyang alagad na sa blogsphere, naisip kong huwag ko na lamang
gambalian ang mundong ito kung wala naman akong balak na alagaan at
pangatawanan.
Ilang sandali akong naging emo. Ang totoo, na-guilty rin sa Quantity over Quality issue na kanyang nabanggit...
But after I got good responses
from people on that interview and I had it as one of the most read posts, dedma
na sa akin ang seriousness issue.
Bakit pa? My goal is to
express and to have an outlet na pwede kong hingahan ng lahat ng asim ko sa
buhay. Kung magkaka-followers at steady readers, bonus na lang. Ganun!
And one thing, I started to know
a lot of people who turned out to be my new friends now. Ano pa ang iaarte ko?
Tuloy ang blogging!
Let me count the reasons...
1. Nakilala ko ang ubod
ng sweet and emo/bitter girl na si Lala of Captured Realities na halos laging first
commentor sa lahat ng mababaw kong posts.
2. Ang kasing bitter
ni Lala na si Anthony of Free To Play. He celebrated New Year's eve at his Ex' house
(may current BF si Ex). Awts! talaga ang drama at as expected,
ikina-ampalaya niya ang mga tagpong nasaksihan.
3. Nasaksihan din ang
kakulitan ng masayahing batang si Paolo of To Infity and Beyond!... So naive at hindi alam ang
salitang 'balur'!
4. Natarayan sa ilang
posts ni Chikletz of In The Name of Chikletz na ngayon ay wala
dito sa 'Pinas at isang maestra sa ibang bansa. May deal kami to have honest
feedback on our posts pero wala pa yata akong nakakukuhang honest feedback from
her.
5. Napuri at napaniwala ni Axl of AXL Powerhouse Production Inc na hindi talaga ako sure kung totoo o echos lang.
6. Nahiya sa sobrang ganda at haba na mga comments from Mr. Tripster of Tripster Guy na sa tuwing nariyan ay nahihiya talaga ako.
7. Marami pang ibang bloggers ang aking nakadaupang palad at hindi sapat ang aking mga pahina upang sila'y pasalamatan sa mainit na pagtanggap at sa walang sawang pagsakay sa aking ka-iskwateran.
At siyempre...
Nakilala ko rin ang pinakagwapong
blogger sa buong universe na si Archieviner of Chateau De Archieviner.
Deserve niya ang perfect introduction pero tila hindi kaya ng imperfect powers ko. Ganito na lang...
Siya ay kasalukuyang nasa New
Caledonia. Kahit nasa malayo siyang lugar, ganun naman siya kalapit sa puso ko.
BOOM! Siyempre dyuk 'to. Bilib lang talaga ako sa mga taong
tulad niyang kayang gumawa ng paraan upang panlabanan ang 'homesickness' sa
ibang bayan.
Sa mga nakakakilala sa kanya,
para siyang male version ni Curacha na walang pahinga dahil 24/7 yata siyang online upang
makipagbalitaktakan on any topics under the sun, makipagpalitan ng mga
makukulit na insights, magbahagi ng mga pilyong dyuks na wholesome at marami
pang iba.
Saludo ako sa kanyang style in
terms of dealing with his co-bloggers and I heard na dahil ubod siya ng yaman
ngayon, afford na afford talaga niya ang magpaandar. Broom...broom... Kumusta naman ang Xmas party na sagot niya ang pa-laffs?
Sa ngayon pa lang ay nais ko ng
siyang pasalamatan dahil sa kanyang pagpayag na ma-interbyu nang minsan
puntahan ko siya sa kanyang kastilyo sa NC.
I'd like to take this
moment to share the short conversation I had with him. Dahil dito, mas nalaman kong maliban sa certified ang kanyang kakulitan, siya ang benchmark ng salitang 'chill'... Why?
Let's find out...
Here's the Man...
Archieviner of Chateau De Archieviner
Full Name: Archieviner
Age: 25
Sex: Y, sexY dyuk! Male
Location: New Caledonia
Civil Status: Single for Christ
FB E-mail Address: archieviner@gmail.com
Twitter Account: @archieviner
Bakit Château de Archieviner?
Château is a French language kung san Pranses ang lengwahe ng bansang kinaroroonan ko. Ibig sabihin ay Castle. Archieviner ay pinagsamang Arvin na aking 1st name + achiever, as always define myself. In English “Castle of Archeiviner or Archieviner’s Castle” Ang Castle ay isang pangarap para sakin. Marami kasi akong pangarap at ang buhay ko ay isang Fairy Tale. LOL
Kelan ka nagsimula sa daigdig ng Blogging?
Kung nagsimula sa daigdig ng blogging ay matagal na. Noong 2010 pa. Pero ang CDA o Chateau de Archieviner ay noong Agust 2012 lang nagbukas. Masasabi ko ding blogger na ako nung nagbukas lang ang CDA.
Ano ang iyong naisipan at tinahak ang world of blogosphere?
Nung unang blog ko. In-invite lang ako ni Axl ng Axl Powerhouse Production Inc. Friend ko sya sa labas ng blogsphere. Naawa ako sa kanya kaya para magka-follower sya nag-blog ako. Dyuk! Iniwan ko ang mundo ng blogsphere dahil sa tinatamad na akong magsulat at puro kaemuhan lang naman ang isinusulat ko. 'Di ko ramdam na blogger ako nyun. Gumawa lang ng blog para masabing blogger.
Pero ne’tong nangibang-bansa ako, naalala ko si Bino ng Damuhan nung una ko syang nakaEB o sa BBM yata. Nasabi ko sa kanya na magOFW na'ko. Ang sagot n'ya “ Magiging OFW Blogger na ako” parang ganun 'yun 'di ko lang maalala exact sentence n'ya. Kaya nung nandito nako sa NC at nakaramdam ng kahomesickan kinontak ko sya at nagtanong kung papaano magkaroon ng sariling domain para sa blog. Kaya yun na. Dahil sa homesick lang ako kaya nagbalik loob.
Utang ko kay Axl at Bino kung bakit ako nasa blogsphere ngayon.
Ano ang iyong writing style?
Manggaya. Dyuk! Inggitero din ako e. lol Yung una ay madrama ang mga post ko. Puro personal na kaemuhan ang isinusulat ko. Pinilit ko pang mag-english nyun na mali-mali naman ang grammar. Ngayon, mas feel ko mag sulat ng medyo may “dyuk” para di maboring ang mga readers ko. Mukhang marami naman ding natutuwa kaya dun na umiikot ang style ko. Madyuk man ako pero wholesome parin.
Dumating na ba ang pagkakataong nais mong iwanan at talikdan ang pagsusulat? Bakit? Bakit hindi?
Oo dumating na. Nakwento ko na sa naunang tanong mo. Bumalik din ako. Sagutin ko nalang kung bakit. Iyun, para kasing papel na hinahangin-hangin ang mga isinulat ko noon. Kung ano-ano nalang. Di ko maikategorya kung anong blogger ako. Di rin strong ang reason ko kung bakit ba ako nagbablog. Ngayon mas may direction na kumpara noon. Bukod sa Personal blogger, OFW blogger din, soon sana ay maging photo blogger. Abangan. lol
Sino ang iyong most favorite blogger? At Why? (Isa lang at walang kaibi-kaibigan!)
Si Bino ng Damuhan idol ko yan sa pagiging makata at nobelista kahit suplado yan. Dyuk!
Si Glentot ng wikedmouth idol ko sa pagpapatawa.
Si Akoni ng akolandia sa kalikutan ng isip.
Si Sir Mots, benta sakin ang mga drawing post nya.
Si Will ng Me like Arts sa kapayatan pero ang taba ng utak. Dyuk!
Si Anton ng Pusangkalye sa pagiging travel blogger.
Marami pa kaya lang yung iba di ko na nakikita sa blogsphere.
(Dedma lang sa instructions!?!)
Ano ang iyong mga batayan upang masabing ang isang post ay worth reading?
Kapag mahaba? Dyuk! Hindi basehan ang mahabang post ah. Worth reading siguro kapag alam mong may aral ang iyong post. Kapag inspirasyon. Kapag nagbibigay ng saya. Kapag hindi nagskip read ang iyong readers. Dyuk! Malalaman mo lang yan sa comment ng iyong readers din. Maraming akong basehan ilan lamang yan. Pero di ko sinasabing tama ang batayan ko.
Ano ang itinuturing mong pinakamagandang katha by far?
Yung mga OFW post ko. Karanasan ko kasi yung ibang isang bagong bayani. lol
Ano ang mga preparations na iyong ginagawa before writing and publishing your work?
Kumain at matulog. lol. Oo, minsan kasi ang hirap magsulat ng gutom at puyat. Kaya sa halip na mag-sulat ako itinutulog ko nalang para kinabukasan fresh na ang body este ang mind ko. Babasahin ko rin ng paulit-ulit bago ko ipublish. May sakit kasi ako na minsan ay kulang kulang sa salita at letra. Minsan wala naman talagang preperasyon. Bigla nalang ako mapapasulat na parang kaya ko nang gumawa ng isang libro ng Physic. Dyuk!
What is it that you hate most about blogging if there's any?
Wala pa naman.Yung makareceived ng nega comment ay normal lang. Patunay lang na hindi talaga lahat ay mapiplease mo.
Ano ang most unforgettable comment na iyong natanggap mula sa iyong mga works of art?
Unforgetable comment ba? Madami yung mga comment sa post ko na “Top 10 na Gusto Kong Itanong sa mga Bloggers”. Unforgetable dahil tinandaan ko talaga. Nahihiya rin ako sa twing binabasa ko ‘to sobrang napaka newbie ko lang. haha. Thankful ako sa lahat ng nagcomment dun. Masasabi kong nagkaroon ako ng breakthrough sa blogging after kong isulat yun.
What will make you quit blogging?
Hindi ko pa alam e. Kapag nadedz na siguro ako. Dyuk!
Ano ang iyong mga pointers na maaring ibahagi sa mga bagito at nais i-explore ang blogsphere?
Tanong na tanong eto sa hotseat ni Bino ng Damuhan ah. lol Masasabi kong bagito parin ako sa blogosperyo kaya ang sasabihin ko nalang ay basahin nyo yung mga comments sa post ko na “Top 10 na Gusto Kong Itanong sa mga Bloggers”. Haha nagpromote pako. Pero iyun talaga ang nakatulong sakin e. Magbasa rin ng mga likha ng ibang bloggers. Marami kang matutunan. Ang aral ay hindi lang nakukuha sayo. May aral din na natutunan sa iba. Kaya wag kang magskip read lalo kung likha ng batikang bloggers ang binabasa mo. Sikapin mo ding magreply sa mga comments sa mga blog mo para balikan ng readers ang blog na binasa nya. Ako ay natututo lang din sa iba at hindi ko kinakahiya yun. XP
Ano ang iyong mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin?
Hello po. Yun lang. dyuk!
Sa mga readers ko. Mahal ko po kayong lahat. lol Salamat. Actually nahihiya ako sa mga readers ko. Sila ang dapat na nandito. Bakit ba kasi ako ang ininvite mo. Dyuk! Haha. Maraming salamat at pinadama nyo sakin kahit hindi ipakita na totoo talaga akong gwapo. Dyuk! Hahahaha.
Sa mga prospective readers ko naman. See you soon. Ifollow mo ko sa GCF, Like mo FB fan page ko at sa twitter na rin. lol
What else can we expect from you and your blogsite?
Expect nyong mas gagwapo ako. Dyuk! Actually ayokong mag expect sila sakin. Kung ano man ang naisulat ko ay iyun na yun. Ayoko silang paasahin. ahihi
How do you want to be remembered as a blogger?
Isang poging blogger. Iyun talaga e. Wala nang iba. Dyuk!
Gusto kong maalala lang nila ako na isang blogger na maraming pangarap. Fiction lang talaga ako. dyuk. Wala talaga akong gusto kung papano nila ako maalala. Siguro kung ano yung maalala nila sakin ay gusto ko narin J
Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater?
Iskwater. Parang Isa Kang Water. Oo nag-tutubig-tubig ka. Syempre year of the water snake kaya ngayon. Seriously hindi pa kasi kita ganun kakilala kaya wala pa akong sariling definition para sayo? Ikaw ba yan? lol
Iskwater ka ba? Bakit? Bakit hindi?
Hindi e, kasi si Archieviner ako. Dyuk!
Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!)
Kapamilya o Kapuso? Kapamilya dahil sa TFC
Jollibee o McDo? Hoy, bakit tinatanong mo pa’to? Magbasa ka nga ng blog ko. Dyuk! Syempre Dyalibi, lab ko to e :P
Boxers or Brief? Boxer
Lights On o Lights Off? Depende sa kasama. Kung ikaw, lights off nalang. Dyuk!
Nora o Vilma? Walang hiyang tanong to. Kimerald kaya ako. dyuk!
Hinaharap o Behind? Wala akong boobs, kaya pwet nalang. Dyalibi nga e :P
Magandang Tanga o Matalinong Ugly? Ikaw ba ang idedefine dito? Dyuk! Matalinong ugly. Gaganda rin yan.
Younger or Older? Alin ang mas masarap ba ang tanong? Dyuk! Mas younger ako sayo kaya thunderbird ka! lol
Payat o Mataba? Mataba ikaw. Nakita ko DP mo e.
Smoke or Drink? Drink
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? Bastos! Dyuk!
Mabilisan or Take your Time? Bastos take 2
To Eat or To Be Eaten? Depende sa kakain. Kung ikaw, ay nawalan ako nng gana. Dyuk!
Madam Auring o Bella Flores? Bella Flores
Maikli o Mahaba? Ang maikli ay humahaba din.
(Dedma lang ulit sa instructions!?!)
***
Natapos ang aming munting chit chat sa pamamagitan ng very light na inuman ng mamahaling wine.
Gaya ng inaasahan, after few shots, nawala kami sa aming mga sarili at nagpakasasa kami sa aming both hot na katawan.
Sinubukan namin ang iba't-ibang experiments... Nang umaga, nagising kaming walang mga saplot. Tanda pa rin namin ang aming nagawang kasalanan...
Kami ay nagkatitigan at ang kanyang unang nasambit, "First time ko..."
Hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon pero ang totoo flattered naman ako...
Napaluha ako at niyakap ko siya ng mahigpit.
'Yun na!
Oooooppppsss.... Siyempre imbento lang!
Dream lang naman so nilubos ko na.
'Di ko nga afford ang mag-out of town- New Caledonia pa?
Wala pa kaya akong passport...
Je suis parle francais...
Isa pa, malaki ang respeto ko sa kay Archieviner kahit hindi naman halata. Ang gaan niya kausap at nalaman kong sobrang hindi basta-basta ang kanyang pinagdaanan.
Sobrang hahaba ang post na ito kung idadagdag pa ang story of his personal life. Ang alam ko, sa kabila ng alam kong lumbay na meron siya, chill kung chill lang ang mood na alam niya and it's contagious.
Kahit ipagtanong niyo pa...
"I am the masterpiece of my life as God is my Master. I am a dreamer at the same time achiever. I believe that "if you don't have a dream you will never have a dream come true." I'm living my life to its fullest and at the best way I can. I'm keeping my dreams to be real. I exist in this world with significant purpose. I have faith in God. God will help me to fulfill my purpose. I promise to myself to leave this planet with a delightful legacy." - Archieviner
Please Visit:
http://www.archieviner.com/
aliw na aliw ako.... lalo na sa interview portion... parang celebrity lang hehehe
TumugonBurahinHanep! wala na akong masabi pa hehehe
hehehe... salamat naman sa iyong palagiang pagdaan...
TumugonBurahinHuwaw ah nakabalandra na naman ang maalindog kong larawan dito ah. Salamat sa patuloy na pagpromote sa akin LOLjk! Karamihan sa mga nabanggit mong bloggers ay kilala ko online... Si Archieviner naman recent ko lang nabasa ang blog nya at kung tama ang pagkakaalala ko, ang unang comment ko dun eh "ang ganda ng layout" hehe ang ganda kasi ang simple at ang linis.
TumugonBurahinnatawa ako nung binalikan ko ang post nato at nakabalandra ang owsomness mo ser glentot. haha
Burahinnakanaks!! artistahin na si pareng archie!! yihiii.. pero yung totoo, saludo din ako kay pareng archie in many ways. una, i love how he blogs. saktong dyuk-dyuk with enjoyable random emotions. pangalawa, ng dahil sa kanya naging masaya ang pananatili ko sa mundo ng blogosperyo. sa kanya ko natutuhan ang mga pagkomment at pagfollow. (pwera biro. loner ako non) pangatlo, sa kanya ko na natutunan ang pag-aayos ng blog.(dami ba naman kasi nakalagay sa blog nya dba? lol!) at marami pang iba na ayaw ko ng bangitin dahil nakakahiya na rin. pero cutting the crap short, i love pareng archie. *w/ feelings*
TumugonBurahinwow.. Bromance? sali naman ako!!!! salamat sa pagdalaw Cyron... d pa yata kita napa-follow sa twitter...
BurahinI love too pareng Cyron. dyuk! whahaha
Burahinmay ginagawa ka pa lang mga interview sessions. one-on-one with Senyor Iskwater..
TumugonBurahinuna sa lahat.. ang sexy lang ni glentot. lol.
pangalawa, salamat at naging bahagi ako ng bloglife mo at ng entry na 'toh. taray.
pangatlo, dahil sa'yo na introduce ako sa mga ibang bloggers at sa blogs nila. it's always nice to meet new ones..
pangapat, inalis ko ang unang comment ko dahil may typo.
panglima, tapat at honest ang comment na 'toh. boom!
weh? anung honest jan? eh una pa lang MALAKING joke lang... si Glentot sexy??? hehehehe... gudlak talaga...
TumugonBurahinSalamat sa pagdaan... uy kwento ka pa sa mg aposts mo ha...'yung may taray...
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinAng gwapo naman ni Archieviner sino po ba sya? dyuk!
TumugonBurahinHindi ko alam ang icocommnent ko. Na overwhelm yata ako. Thank u Senyor I. Ok na sana kaya lang pag dating sa ending whahaha!
More powers to u Senyor I. Hindi ko na pahahabain pa to dahil madami ko nang nasabi sa interview. Sana ay makita kita pag-uwi at ituloy natin yang pagnanasa mo sakin. dyuk! i lab u dyalibi. lol
Thank u :)
Bakit may binurang comment? Change of heart?
BurahinI really had fun interviewing you.. I enjoyed the process and prep...
Nag-enjoy ako sa pagbabasa ng interview, kakaaliw! Katuwa din yung intro sa iba pang bloggers.. At ang haharot nyo ah, haha..
TumugonBurahinIsa lang violent reaction ko.. bakit sinasabing gwapo si Archieviner??? Kabaliwan yan! Kasinungalingan! Haha..
huy totoo na gwapo siya...ask mo pa yung brother niyang hot din... lol...salamat sa pagdaan joanne
BurahinSumang-ayon ako dito. Tnt! :D
BurahinYung brother nyang hot, agree ako dun! Pero si Archieviner, hindi talaga. Hahaha.. Mag-protesta kami ni Anthony!
BurahinAno to? dyuk!
BurahinMove on na nga kayo. 2013 na. lol
hahaha... bsta alam na natin kung sino pinakagwapo...
Burahinmay new pic pala... kanina parang wala yang mga pics hehehe
TumugonBurahinaliw na aliw talaga ako hehehe
sila na ang gwapo hehehe
oo draft lng dapat knina tapos na-publish...d ko alam na gising ka na pala kaya nakita mo...hehe
BurahinWow! Naaliw ako sa interbyu! :))
TumugonBurahinAy teka. Tengkyu muna senyor sa pagsali mo sa kakulitan ko. Sweet & honest mistake ang hindi ko pagkabasa sa BALER/BALUR mo. Naive agad? HAHAHAH! Pero totoo, naive ako! Makukunsidera kong isa akong simpleton! -_- Grabe ka. HAHAH! At yung pinapagawa mo saking "iskwater sketch" di ko pa nagagawa. Dami pang projects kuno. HAHAH!
Enjoy na enjoy ako sa pag babasa sa interviewhan nyo. Gaganda ng mga tanong, at ang kkulit ng mga sagot ng mahal na hari!
At yung panaginip mo sa huli... benta sakin! HAHAHAH!
More powers sa imperpek pawers mo senyor! :D
haaay naku...kagaya ng sa online friend mo na hinhingian mo ng pangkalawakan na artwork...ganun. ganun din ang ginagawa mo sa akin...pinapaasa at binibigyan ng alibi na busy at maraming projects kuno...hahaha...
Burahinnaive ka naman talaga even without the balur issue...lol
oo na po!-_- HAHAH! Tttry ko talaga ang iskwater na yan!
Burahinnag tutubig tubig ka raw? totoo? Lol!
TumugonBurahinhahahaha...pd...hehehe
Burahinpuro kalokohan tlga si arvin kahit sa interview. pero nakaka aliw. hehehe. thanks. :)
TumugonBurahinsobra...parang wala siyang masyadong sineryoso palibhasa kasi ako lang ito...huhuhu
BurahinAyun ang alindog ni Sir Glentot bilang pambungad. :D At nabalandra ang aking pagmumukha sa iyong blog. Haha. Mga ampalaya! Maggisa na tayo, may kasamang itlog.
TumugonBurahinAnak ng, bromance ba 'to? May naganap na sandaling pagkalimot sa sarili. Tnt! Nawala ang paggalang ko kay Archie dahil dito, hehe. Pero, may paghanga talaga ako kay Archie kahit hindi halata, hindi love ah pero isa si Archie sa tingin ko na may paninindigan sa buhay niya.
Aliw itong interbyu na ito. Astig mo senyor! Pwede na kayong tumakbo sa darating na halalan. :D
tama...iboto mo ako ha!
BurahinKahanga-hanga at nakakaaliw ang mga bida ng post na ito, galing ng Q&A nyo at ang paglalahad natawa ako lalo na yung last nalito ako sa nangyaring romansa hahaha. Happy New Year!
TumugonBurahinnalito ka ba? sorry h...kulitlang...
BurahinNahilo ako sa last portion ng interview ahahahaha.
TumugonBurahinsorry naman..hehehe....tnx po sa pagdaan
Burahinno prblem :)
Burahinno wonder teh bakit sa twitter ang ingay mo! habang binabasa ko ang interview mo kay archie dahan2x naman tumutulo ang dugo mo sa tagiliran! hahaha natawa ako ng bonggang bongga! hindi ko lang alam kung anong ginamit na weapon tong archie!! hehehe jowk! gawan na natin ng libro teh itong blog mo! masaya, makatotohan, biro lahat na kaya pweding pwedi na! hahaha
TumugonBurahinmay dugo taagang involved? hahaah
Burahinnabura ko ang comment kasi mali. lol sabi ko kung makapagpose si glentot parang katatapos lang ng photoshoot ng mga model. lol dahil sa post mo na ito, ako ay malalate na sa meeting ko! hahahaha
TumugonBurahinawww.... wag pa-late...bad yan...tsk
BurahinInilagay ko ang sarili ko sa mga tanong mo at wala akong masagot. This is hilarious especially the ending. Parang may bahid ng panghihinayang at panaginip lamang.
TumugonBurahinhahahaha....si archieviner anga nanghinayang at hindi ako...
Burahinhahaha, gulat ako akala ko interview ulit kay sir glentot kasi andun yung pic nia. :D
TumugonBurahinKwelang mga sagot ni archieviner pati din ng mga katanungan mo sa kanya. isama na yung dream. hahah
salamat sa iyong pagdaan...ang kulit tlga niyan ni archieviner... nakakahawa nga...
Burahinganda ng name mo ha..salamat sa muling pagdaan!
kabog!! isa sa mga masasabi ko sa bawat sagot ni arvin!
TumugonBurahinsalamat sa magandang feedback sa akin vin!!!
salamat din kaibigang senyor sa pagsama sa listahan!!
isa din si arvin sa mga makukulit kung commentators noon hanggang sa ngaun!!
salamat idol sa pagdaan! kahit hndi ka nagshare ng almusal mo kanina... gsto ko pa naman ung tinapa...
Burahingeeting to know ang peg ..... pa autograph naman pls!
TumugonBurahintnx sa pagdaan...sana nasagot mo na ung fast talk ko...lol
BurahinTito Boy?
TumugonBurahinwow ha... tito boy ba ang datingan? lol
BurahinSuch a long interview lol
TumugonBurahinunfortunate, I can't read
your language..
Happy New Year btw!
xx
isa sa pinaka nilulook forwaqr kong bloggero yan si pareng arvin
TumugonBurahinat sa tagal ng pag bisita ko sa kanya
naung ko lng nalaman ibig sabihin ng
Chateu haha
well k sa alright to palagi mo bang gagawin na to?
sana nga maging palagian like once a month... in search pa nga ako ng kung sino ang sunod... any suggestions? salamat sa pagdaan
BurahinAko ang pinakagwapo sa buong universe! Dyuk! Haha. Maloko talaga yang si sir Archie este si Arvin! XD
TumugonBurahinNashock lang ako dun sa ending part. Haha.
dream nga lang so sinulit ko na...makaganti lang sa mga makukulit niyang sagot...lol
Burahinnagulat ako ng slight sa bumalandrang picture..akala ko naging kamuka na ni archie si glentot wahahaha!
TumugonBurahinnaalala ko yung tweet mo kaninang "tubigan" lols.. naniniwala akong gwapo si archie DYUK! capslock para malinaw hehe..
seriously naniniwala akong mabait at may ginintuang puso yang si archie hindi yan dyuk! kahit walang pakundangan nya kong lapastanganin minsan eh keri lang napatunayan ko na ganyan sya sa lahat katulad ng paglapastangan nya sayo dito sa interview nya nyahaha!
wala na kong masabi..salamat sa portion mo na ito senyor at kay archie na rin..masaya ako na nakilala ko sya sa blogosphere..naks parang tunay!
Sa totoo lang, busilak naman talaga ang puso niya...at dahil sa ilang post mo on your Xmas party kaya ko siya naisipang i-feature...
BurahinUmaasa ako na sa pag-uwi niya ay makatikim ako ng paandar from him...lol
Artista na si sir Arvin haha, at hindi naman papahuli ang post ni Glentot haha.
TumugonBurahinNaaliw ako sa interbyu haha, hindi talaga marunung sumunod sa instruction si sir Arvin hehe.
sobrang kulit talaga yan! ikina-stress ko this week...lol
Burahinwow may ganito palang interviewhan na nagaganap hehe. kilala ko yan si archie, masipag na komentador yan sa blog ko. i appreciate him as my reader, siguro kasi ofw din ako haha.
TumugonBurahinkulet lang nitong post mo hehe.
naku best kumentador yang si sir archie...
Burahinlibangan niya talagang mangulit!
First time palamg bisita dito. Lagi ko na tin nakikita ang name mo among bloggers frienda and finally eto ko. Pero parang blog ni archie binabasa ko kasi almost all about him. Hi hi. Well? Ok lang naman dahil I like him very much:)
TumugonBurahinAnyway, galing mong mag interview. Talagang lahat ng aspect yata ng life nya natanong mo. I love what archie said in the last part. Thank you for sharing. See you around:)
maraming salamat sa pagbisita madam...
Burahinipagpaumanhin ninyo ang hindi maciadng wholesome na konteksto ng aking mga pahina...
malikot lang din talaga ako...
First time kong napadpad sa squatter's area. I mean sa blog mo (dyuk!, ayan nahawa yata ako sa mga nabasa ko). Actually hindi na bago ang buhay iskwater sa akin (meaning 'poverty' din kami, hehe).
TumugonBurahinAnyway, salamat sa pagdaan sa original blog ko (Life N Canvas) at salamat sa mga info na nabasa ko ukol sa hari (Archie). Yes, madalas na din akong napapadpad sa kaharian. Anyway, I do hope palagi din akong makakapagliwaliw sa iskwater's place kahit na nag-iisip na akong mag-iba ng career, hehe... Pero God will make a way para makapagpatuloy ako sa pag-susurf at makapag-iwan man lang ng komento...
Ric of Life N Canvas / Kartun Netbuk
maraming salamat din sa pagdaan mo...
Burahinteka! puro GWAPO words lang ang natatandaan kong gustong isagot ni archieviner.
TumugonBurahinnakakaaliw naman basahin yung interview portion. parang nanunuod lang ako ng yung kay Boy Abunda. lol
TumugonBurahinWala nang mas guguwapo pa kay Archie hehehe, prinsipeng prinsipe ang peg dyuk:)
TumugonBurahinNakakaaliw magbasa kahit mahaba ang post mo:)
napangiti naman ako sa mga sagot ni sir arvin!
TumugonBurahinmay q and a din pala dito katulad sa damuhan dot com.
bago dito sa lungga.Ipagpatuloy!:)
maraming salamat sa iyong pagdalaw ginoo...
Burahinha ha ha panalo! lalo na yung "dream" part lol.
TumugonBurahinAng lakas lang ng halakhak ko dito..entertaining eto...at si Mr. Dyuk ah ester Arvin ay isang dakilang joker hahahahaha
TumugonBurahin