Top 10 BFF Qualities


Kung back to scratch ang drama at papipiliin ako ng isang bagong BFF, ang mga qualities na gugustuhin ko ay:

1. Mabilis ang Pick-Up
Mas mabilis ang usapan kung hindi siya slow. Marami pang maaaring ma-cover na conversation at walang hadlang na paulit-ulit na paliwanagan. Mahirap kung ang sinasabi mo ay tungkol sa Trinoma habang ang mga responses na nakukuha sa kanya ay pang-Ali Mall. Hindi match!

2. Kaladkarin
Siya'yung kayang bitiwan ang lahat ng ginagawa at hindi tumatanggi sa anumang lakad na nais puntahan. Patunay na bet na bet niya ang mga trip mo at willing siyang sakyan ang kahit anong gimik na hilig mo. Compatible lang!

3. Hindi Pabigat at Buraot
Nakakairita na minsan ay more invite ka sa isang tropa at sasabihin agad na, "Treat mo?" o kaya ay, "Naku, wala akong pera, libre mo 'ko ha?"
Hindi namang kailangang mayaman at okay lang din namang magpalibre pero 'pag everytime na lang, ano 'to? Gamitan? Firends with benefits? 'Wag ganun!

4. Average Looking
'Pag masyadong perfect ang looks, nakakasapaw at 'pag masyado namang hindi biniyayaan ng hitsura, mukhang alalay. Hindi naman sa discriminating ako pero mas magaan sa loob 'pag presentable ang kasama. 

5. Single
Since wala akong balak mag-asawa, mas okay kung ang aking partner in crime/bestest friend ay isa ring single at galit sa buhay engaged. Just like me, dapat siya ay hindi relationship material dahil nakakapagod lang at magastos ang attached plus the fact na nakakairita lang ang makinig sa mga relationsip problems.

6. Karakter na Mapanlait
Dapat hindi lang siya sunod-sunuran sa akin at hindi lang din sakay ng sakay sa kung ano ang gusto ko. Ayaw ko rin ng boring at oo lang ng oo lagi sa lahat ng sasabihin ko. Ang kailangan ay interactive at kaya niyang mag-assert ng sariling opinyon. Isang taong kaya rin akong laitin at pahiyain para quits lang. Ayoko ng nagpapakawawa especially sa akin. So dapat sabay kaming nanlalait sa iba. 'Yung hindi pa-righteous!

7. Hindi Clingy
Kaibigan ang gusto ko at hindi asawa so dapat hindi lagi buntot ng buntot. 
Get a life! Dapat marunong makiramdam kung kailan siya kailangan at kung kailan e-exit sa picture at magpalamig lang muna sa ibang lugar. I hate bonggang attachment so dapat may space once in a while at hindi lang sa friendship namin iikot ang buhay niya. Ganun din ako so dapat ganun din siya. Pantay lang!

8. Walang Masyadong Drama sa Katawan
Chill lang dapat at may timing kung kailan pwede mag-emote. Maging sensitive kung willing ba akong makinig o hindi. Test the waters first bago humirit ng mga  lines na pang-MMK. But for sure dapat laging chill, happiness at tawanan lang! Fun fun fun!

9. Matakaw at Gala
Best in food trip ako at lakwatsero so dapat ganun din siya. Pwede rin namang hindi masiba para marami akong makain courtesy of leftovers niya. Ayos 'yon! Pero dapat unstoppable ang pagkahumaling niya sa mga gala dahil hindi ako homebuddy so dapat iba't-ibang lugar ang aming ma-explore together.

10. Inggitero at Pakialamero
Gaya kong hobby ang mainggit sa kung ano ang meron ang iba, dapat ganun din siya. Doon kasi ako kumukuha ng motivation to strive hard and be 'more' as a person. Dapat ganun din siya. Madaling mainggit pero hindi naman masamang tao na gagawa ng bad vices para ma-fulfill ang inggit sa katawan. Hindi ganun. Inggit with moderation and discipline. Ganyan.
Isa pa, dapat pakialamero rin dahil gusto ko ang pinakikialaman ako para ma-challenge din ako kung tama pa ang mga ginagawa ko. Kahit pa sobra siyang makialam, okay lang. Ganun!

Sampu lang naman pala ang nasa aking listahan ng isang Perfect BFF.

Sa palagay ko lang, lahat yata ng aking nabanggit ay hindi taglay ng aking mga friends na nasa paligid ko ngayon... Makapagpalit nga... Joke!

Masaya naman ako sa company nila at half of may life ko na silang kasama.

Magulo lang? Ah, basta... 

49 (na) komento:

  1. ahahaha natawa ako dito pero mas nakakalurx ang number 4 medeym..

    TumugonBurahin
  2. Bagsak ako sa No. 4. Gwapo kasi ako e. dyuk!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ok thanks bye! bleeehhh... nyahahaha

      Burahin
    2. araw araw na lang tayo nireremind ni archieviner na gwapo siya... hindi naman tayo sumasalungat... bakit paulit ulit?

      Burahin
    3. Dapat na tayong magsalita! Ipaglaban ang katotohanan! Lol.

      Burahin
    4. Pinag sabihan ko na yang anak kong si Archieviner na tigilan na niya ang pagiging "Narcisistic" niya hahahaha

      Burahin
  3. 1. ako din. mas attracted ako sumabay sa mga taong kasabayan ko mag-isip.
    2. totoo. okay kasama yung madaling yayain.
    3. so far, wala akong kaibigan na ganyan. haha.
    4. wala akong problema sa perfect look. wala din ako problema kung pangit. haha. okay sa akin ang presentable. at minsan ay gusgusin, okay rin lang. basta hindi araw araw gusgusin :)
    5. okay lang ako sa mga may asawa o kaya may gf. basta pag boys night out, boys night out talaga. okay din ako sa lakad na kasama ang mga gf at asawa ng mga kaibigan ko. cowboy ladies naman silang lahat.
    6. ang tawag ko diyan ay pantayong pananaw. okay ang mga taong may opinyon at paninindigan. okay sa akin na hindi kami mag-agree sa lahat ng bagay
    7. okay lang ang clingy. basta hindi possessive :P
    8. agree. no further explanations needed.
    9. haha. ganyan din ako :)
    10. ayan ang hindi ako agree. hehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. itemized talaga? heheehe... sayang akala ko ikaw na ang pwede kong maging baong BFF... bwahahaa

      Burahin
    2. mas madali kasi mag organize ng thoughts kapag itemized :P

      oo nga, sayang. di ako pakialamero e. haha XD

      Burahin
    3. 1. Masaya magkaroon ng mga taong mabilis mag-isip, pero mas masaya pag merong buffering** paminsan-minsan, yung RDS (RDS- rate determining step; sa Chem ito yung particular step sa isang reaction na siyang dahilan kung bakit matagal ang reaction.) Share lang.
      2. Ganito ako, pero di ako nagyayaya. Dahil pag ako ang promotor, di natutuloy.
      3. Hindi kaibigan ang tawag sa ganun.
      4. Panalo 'to. Pero di ako namimili ng kaibigan. Ako ang pinipili nila. XD
      5. I lost bestfriends nung nagkasyota na sila. Ganun talaga siguro ang lagay talaga.
      6. Oks lang to, basta hindi sumobra. Pumapantayong pananaw si Sir. Sa Hist ko ata natutunan ang pananaw na yan, pero nakalimutan koi din kinalaunan.
      7. Okay lang din sakin ang clingy, basta hindi controller. At hindi siya alagain.
      8. Onga.
      9. No comment.
      10. O_o


      Burahin
    4. 1. on second thought, oo nga. masarap din magkaroon ng mga kaibigang RDS. sige, agree ako diyan ser olivr.
      2. may mga kaibigan akong tulad mo ser olivr. at cool pa rin ang tingin ko sa kanila kahit drawing ang mga get together events nila. haha
      3. okay lang naman maging ampunan o scholarship program paminsan-minsan. pero kung ginawa niya ng main character trait yun, haha, hindi na nga kaibigan ang tawag dun :P
      4. well said ser olivr.
      5. hindi nawala ang relasyon bilang matalkin na magkaibigan. yung fellowship lang ang nabawasan dahil sa syota :)
      6. sa teatro ko natutunan ang kataga ser olivr
      7. agree.
      8. :)
      9. bakit no comment?
      10. hahaha gusto ko reaction ni ser olivr.

      -pilingero lang magreact sa sagot ni ser olivr
      -patawad senyor iskwater

      Burahin
    5. okay lang yan... sige magusap kayo... sama naman kayo sa outreach next time... ang saya...

      Burahin
    6. Pag sumama si ser overthinker, at pag may nag-invite. haha

      Burahin
    7. well we areinviting you na... it's like an hour of just assisting the kids... tentative date ng next activity is on 3rd week of March...

      Burahin
    8. naku ser olivr, mukhang di ako makakasama sa susunod na outreach. yung sinsasabi mong nadatmong problema pagpasok ng taon, ayan sinalubong na rin ako. nasa ngala-ngala ko na ang stress level.

      parang gusto kong biglang manood ng rock concert. ganun.

      Burahin
  4. dapat talaga single para maging kaladkarin hehehe...

    TumugonBurahin
  5. hmmm ang hirap naman maging perfect bff mo ;-) iskwater type lang kasi ako, kay walang standards for friendship. basta bah click tau, prenz na tau ;-D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naku we can be bff pag iskwater ka...pasok un...

      Burahin
    2. weeh! talaga ha! sige nga hmm magpalibre tau. (diko sinabing ikaw lilibre)hahaha

      Burahin
  6. kung makapag jot down ka talaga ng qualities eh ang haba teh!! may standard talaga? hahaha ako alam mo na yan! i can be a friend to anyone willing akong makinig sa lahat lalo na sa kalandian! echos!! hahaha basta kahit ano basta swak ok na yan!! hehe pero feeling ko ang mga magbff ngayon eh halos mga singles din!! hahaha

    nahuli ako kasi gumala pa ako, nagdinner with friends kasi balik sine skwela na rin ako! hahaha

    TumugonBurahin
  7. mahirap makahanap ng perfect bff, buti na lang ako swinerte kahit paano! nakahanap na ako ng partner in galaan at kabaliwan, si Marseng Joanne :)

    sana maging bff tayong lahat mga bloggers, para ang saya saya :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sana nga... late na gising ka pa...

      Burahin
    2. Oh my, I'm so touched kay Zaicy, hehe..

      Burahin
  8. Kakaiba pala ang hanap mo sa isang bff :) sabagay iba iba ng depinisyon ng tao.:)

    TumugonBurahin
  9. Ako bet na bet ko ang hndi buraot, alam mo na marme rin s friends naten ang ganyan, -kulot

    TumugonBurahin
  10. pasok sa banga! pwedeng pwede. kaso maganda ako pano ba yan? charots.
    sheeeeettt pareho tayo wala rin akong balak magasawa! i love it! gusto ko lang lumandi forever. CHAROTS!

    TumugonBurahin
  11. may bhezt ako kaso tipo niya yung pinagbabawal nung #7.


    nakakainis na paminsan.. ska hindi n s'ya single kaya iwas narin ako haha..

    TumugonBurahin
  12. so pag feel nyang magdrama at hindi mo feel makinig, ate charo..eh gudlak na lang sa kanya? lol.

    wala naman sigurong perfect bff..i think if u find at least 5 of those personalities in a person then he/she is a keeper.

    TumugonBurahin
  13. Hindi mo talaga yan mahahanap sa iisang tao, kaya magpalit ka na! Haha

    TumugonBurahin
  14. dami kung tawa bet na bet ko yung number 3 and 4

    TumugonBurahin
  15. haha ayun ako di ako mapili sa kaibigan i mean kahit anu ka pa basta mabait ka ok na
    wa kong standards nanjan na yung mapagkamalan akong beki dahil my mga tropa akong gays haha
    kahit mga basagulero ee katropa haha

    TumugonBurahin
  16. hahaha.. gusto ko ang kaladkarin.. kasi ganun rin ako. hahaha.. ayoko rin sa laging nagpapalibre. ok lang KKB, ok rin sakin magfood trip kahit street foods lang. ang pinaka ayaw ko lang yung Feeling (ok lang yung biro-an na feeling) pero wag yung feeling na feeling talaga at sobrang mayabang or maarte.. Cowboy style lang. :)

    pag Clingy or possessive ang friend baka may HD na yun?? parang ang weird naman pag ganun.

    TumugonBurahin
  17. Ang dami ah pero maganda yan,alam mo ang gusto mo sa isang tao. Straight to the point ika nga.

    TumugonBurahin
  18. 1. Pasok ako sa number 1 kasi mabilis naman ako to pick up eh..ng pagkain sa plato....hahaha!
    2. Wala olats ako sa number to....di ko kayang iwan ang ginagawa ko kung ang pupuntahan lang naman natin ay di masyadong productive or kung ano ano lang hahahaha
    3. Ok lang ako sa number 3 kasi ako naman ang tipo na nanglilibre palagi basta may pera, pero pag wala talaga prangka ako para wala dami satsat.
    4. Ako di issue sa akin ang hitsura kasi pantay naman ako tumingin sa tao eh..basta may personality siya at taong tao..panalo na sa akin yun.
    5. Hahaha..parang hater lang ng engaged or couple ah..don't worry may tinatawag namang single blessedness.
    6. Tama naman yung sinabi mo na dapat may sarili siyang opinyon at di yung nagpapa sway lang sa iba or sa'yo pero di naman ako agree doon sa panglalait...uy Senyor masama yan..itigil mo yan..hahaha..Di lang siguro ako mapanglait na tayo. I will talk to you in private to tell you my own assessment with you..hahaha..professional ang dating hahaha.
    7. Naman! di dapat laging magkasama nalang kayo palagi hahaha..you have your own individuality to celebrate din apart from each other.
    8. You can never tell din eh..at di naman laging chill ang buhay or happiness. Minsan may mga pagsubok talaga na medyo off kayo sa isa't isa. Bottom line - RESPECT EACH OTHER'S LITTLE PRIVACY AND SPACE.
    9. Gustong gusto ko yang matakaw at gala..Pero para sa aking ang pagiging gala ko dapat productive. Di rin pwedeng unstoppable kasi sometimes we should know when to stop and chill on the side lang..hahaha
    10. Inggitero to motivate oneself..ayos yan hehehe

    Good luck sa makikita mong BFF possessing these qualities...hehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. napaka juicy naman ng iyong comment... i like... excited na ako sa asessment...

      Burahin
    2. What I mean is I will just talk to you privately instead of manglalait ng talikuran or harapan...being frank in a nice and constructive way ok pa yun..hehehehe..

      Ah gusto mo pala i- assess kita ha..sige padadalhan kita ng mga questionnaires hahahahaha

      Burahin
  19. Fail ako dun sa Mapanlait ah.. ako kasi ang laging nalalait.. pero winner to kapag nagtagpo kayo, isang malaking WAPAK!

    TumugonBurahin
  20. andaming requirements hahaha nakakaaliw ang laitan!

    TumugonBurahin
  21. Ang chill lang ha...super like ko ang peg mo sa paghahanap ng BFF qualities pero hindi ako pasok sa number 5! Pwede na siguro tanggalin un sa qualities na hinahanap mo besides hindi naman lahat ng attached eh madrama ang buhay!

    TumugonBurahin
  22. doggone.. sablay ako sa lahat ng binanggit mo dito adre.. kung ganito lahat ng pamantayan, malamang wala na akong kaibigan.. hahahaha

    TumugonBurahin
  23. Sarili mo yata dini-describe mo dito e, wala naman pala sa mga katangian ng mga matatalik mong kaibigan ang nagtataglay nito. Keri lang yan, the show must go on!

    TumugonBurahin
  24. Pasok ang mga requirements.. Parang ako ata ang perfect bestfriend na hinahanap mo!! Chocnut! Ayoko din ng mga slow kausap at yun wala ng sinabi kundi libre, kalurki. Andami ko tawa sa average looking. In fairness, totoo yun ah. Haggard naman kasi pag kasama mo puro dyosahan ang peg, ending mukha kang aliping sagigilid, hehe.

    TumugonBurahin
  25. love love yung pagiging bully haha! para pag dumadaan kyo halos gumilid ung mga tao wag nyo lang mapansin at malait.. haha!

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...