Ang mga sumusunod ay ang mga posibleng reaksyon 'pag nalaman mong ikaw ay isang true-blooded adopted o ampon:
1. Tulala
Walang maprosesong emotion... Dead air... Difficulty of breathing...
Dapat takbo agad sa ref at kuha ng isang basong tubig bago mag-isip ng talak sa mga kinagisnang magulang.
2. Dedma
Kung ipinagtapat sa iyo ang katotohanan habang nagsasalo-salo sa hapag-kainan, ang una mong response, "I know right... pass the rice please!".
Ito ay sa kadahilanang matagal mo ng alam at ayaw mo lang ng confrontation. Obvious naman kasi dahil perfect ang iyong features na uber layo at wala talagang resemblance sa mga kinilalang parents. Pwede ring 40 years plus ang age difference mo sa kanila at obvious na nag-join ka sa family picture noong sila ay surrender na sa pag-try na makabuo ng tunay nilang baby.
3. Dramatic
Nang malamang mong hindi ka tunay na kadugo - matatahimik, sasandal sa pader, dadausdos kagaya ng arte ni Lorna T., walang kurap, tutulo ang luha sa left eye then right naman at sabay sabi ng, "Hindiiiii....! Hindi 'yan totoo..!" (Sabay walk-out). Ang ganitong pagtanggap ay bunga ng pagiging clueless sa katotohanan at super unexpected ang breaking news na sampid ka lang. Usually, marami pang pwedeng maging dramatic moments ang kasunod after ng single-frame act na ito.
4. Rebeldeng Crazy
Persona Non Grata ang immediate response. Magagalit ka. Maglalayas, magpapakalayo-layo, magbibisyo, mag-aasawa ng maaga, magdo-droga, sisirain ang buhay at iisiping katapusan na ng lahat dahil hindi mo talaga matanggap ang katotohanang iniwan ka lang ng iyong tunay na ina sa gate ng bahay-ampunan. Magagalit ka sa mundo.
5. Move-on agad agad!
Dahil maayos naman ang kasalukuyang buhay, dedma sa bitterness at walang uber nega na reaction. Hiling mo na sana mas nalaman mo ng mas maaga pero keri na rin at na-realize mo quickly na lucky ka dahil napalaki ka ng maayos.
6. Thank you Ladies and Gentlemen
May connection sa previous item pero sa ganitong response, OA as in OA ang iyong pasasalamat sa mga kinalakihang magulang dahil kahit kailan naman ay hindi mo naramdamang itinuring kang iba. More more embrace sa kanila with tears of joy followed by a long "Thank You" speech. It will end by saying, "Tatanawin kong isang napakalaking utang na loob ang lahat at hindi ako matatapos sa aking pasasalamat habang ako ay nabuhuhay...". After this moment, favorite song mo na ang 'Thanks to You' na usually ay graduation song. OA diba?
7. Search to the fullest operation
Naramdaman mong hindi ka makukumpleto bilang tao kung hindi mo makikilala ang iyong mga biological parents kung kaya't gagawin mo ang lahat mahanap lang sila. Babalikan mo ang nakaraan, magha-hire ng researchers, mag-a-advertise sa TV, sa radyo, dyaryo at online para lang matagpuan ang iyong tunay na mga magulang. You will not stop kahit pa tumagal ng lifetime.
8. Suicide
Sa sobrang hindi mo talaga natanggap at dahil masyado kang caught off guard dahil nalaman mo lang through wrong send na text message sa iyo ng nanay mo na dapat ay para sa tatay mo saying, "Kailan ba natin ipagtatapat sa kanya na Ampon lang siya?". Hindi ka na nakapag-isip ng maayos at tinapos mo na ang lahat. Naglaslas ka ng pulso, uminom ng muriatic acid at nagbigti para sure talagang dedz ka. Mali ito pero late na nang ma-realize mo dahil successful ang iyong pagpapakamatay. Ouch lang!
Ano pa ba? Naku, wala na akong maisip and I think okay na muna ang Magnificent 8 reactions sa ngayon.
May I call my mother muna ako after this para i-confirm kung ako ba ay adopted o hindi then kung positive na hindi pala nila ako tunay na anak, I'll try to update you kung may iba pang reactions based on my real experience. Ganun.
But I don't think I'm ampon...
Nasa dugo ko nananalaytay ang lahing Iskwater which I got from my isang kahig, isang tukang mga magulang.
Sure ako rito. Ikaw ba?
What if you're ampon?!?
ay dausdos peg siguro ako pag nalaman ko! ikaw?
TumugonBurahinhindi nga? dramatic ka pala eh...
Burahinhaha sabay gagawa ka ng eksena, yung tipong ipagtatatapon mo yung mga gamit sa bahay. magbabasag ng vase at mga plato hahaha!
Burahinbaka suicide....kakapagod mag-isip ng maayos na reaction pag ganyan...lol
TumugonBurahin1. Tama, yan ang most initial reactions ng mga nasa kalagayang ganyan...especially yung mga nasa right age na nang malaman ang true family identity nila. May sense of maturity na ang isang ampon kung di niya idadaan sa pagwawala or pagtatalak ang kanyang natuklasan.
TumugonBurahin2. Hahaha! wala na akong masabi dito..kung tatawa nalang ako..hahahaha --na tongue-tied na ako hahaha..
3. Di yan maiiwasang mag-drama ang isang ampon kung sa ganong sitwasyon niya malaman...kaya dapat intindihin lang siya habang pina process and dina-digest niya sa isip niya ang mga nalaman niya...tamang support lang muna.
4. Eto naman ang reaksiyon ng mga immature...dapat nga pasalamat siya kasi inampon pa siya kesa naman nagpakalat kalat siya sa lansangan hahahaha.
5. Smart move ang paraang eto..siyempre baka well-off ang nakapag ampon at well treated and loved. hehehe
6. Natural lang din na posible at pwedeng mang yari eto lalo na doon sa mga emotional na tao. Baka mag prepare pa nga ng thank you speech or mag video recording pa..hahahaha yung tipong last words lols hahahaha
7. Ginagawa eto madalas ng may pera...hahaha..pwede ring gawin ng mga middle class lang pero lalapit sa mga radio station or sa mga programang ang advocacy ay ang reunions with real parents ..hehehe
8. Immaturity na ang mga moves na ganito. Or ang parents na nag ampon sa kanya ang di rin siya pinalaki out of love kaya posibleng gawin niya eto..hahahaha
Ayan na Senyor, masipag na talaga akong mag comment sa blog post mo hehehehe!
awww... kaka-tats naman... speechless...
Burahinhahahahaha..sa sobrang speechless muntik na ring maging write less? hahahahahaha...ang onti ng tugon mo hahahahaha....tugon talaga noh..hahahaha
Burahineh you expounded kasi sa lahat ng items..kung tutugon ako, parang nag post ulit ako ng new entry...lol...ayaprec8it!!!
BurahinAwww..tankyousowmuch!
Burahinnaks! Hindi na ako nagiisang Golden Boy Commentator. hahaha!
Burahinhahahaha....may karamay ka na Mr. Tripster. At salamat din sa pag follow ng blog ko. I'll have time to check out your blogs too.
Burahinnatawa naman ako sa dramatic scene na yan.... akala ko Nora Aunor... si LT pala na style hehehehe
TumugonBurahinMahirap talagang tanggapin na ampon ka... lalo na kung di mo inaasahan....
sobra... pero mas kawawa yung mga nasa orphanage... just had the BPO yesterday and it was heart warming...
BurahinOy BPO ka dyan? :P
Burahinat akoy bonggang natawa sa BPO na yan, talagang si kamahalan react kagad! hahahaah ayosin teh kasi lagi kang nagmamadali ha! ikaw ha!! ichika na yan! hahaha
BurahinSorry naman sa creative spelling...lol
BurahinMahirap sabihin na ampon lang ako ng magulang ko dahil kahawig na kahawig ko sila, at kaugali ko pa ang hysterical kong nanay. But there was a moment in my life na naisip ko na sana may dumating sa pintuan ng bahay, isang mestizo, at magsasabing 'ikaw ang nawawalang kadugo ng mga Elizalde/Soriano/Tuazon/Ayala/Zobel/Nakpil/Rockeffeler/Kennedy/Marcos/Cojuanco/Laurel (isa man sa mga pamilyang yan).' Siyempre ako yung brown version. Hahahaha!
TumugonBurahinIt's really hard to put oneself in the shoes of an adopted individual. May kilala ako na nalaman niya na ampon siya, tapos naging option niya ang Number 4. In the end bumalik din siya sa poder ng foster mother niya. Hindi niya carry ang tumayo on his own two feet.
Pero bakit nga ba kailangan mag Number 4? Dapat nga ay magpasalamat pa dahil binuhay siya at pinalaki na parang tunay na anak. maliban na lang na binuhay kang parang aliping sagigilid tapos sinasaktan ka pa. Hindi na siguro kailangan magpasalamat sa ganong kalagayan. Para lang baboy na pinalaki para katayin sa huli.
Ngayon kung ako ay mapapalagay sa ganong situation, ano ang masasabi ko sa mga options mo:
1. Matutulala- hindi naman ako bobo. Madalas lang talaga eh napakatanga ko at slow. Kaya matutulala ako tapos hindi agad mag-register yun sa utak ko. Napaka slow ko talaga minsan. Buffering mode ika nga.
2. Dedma- the revelation of being an adopted child wouldn't be a big issue really, lalu na kung na form na ang character at personality mo around the foster family. Parang additional info lang. Pero siguro when it comes to legal issues, like inheritance and the likes, malaking issue yon, especially kung may makukuhang wealth. Kung wala, eh deadmahin na lang. Please pass the toyo....
3. Dramatic- sa pagsusulat lang ako dramatic. Perhaps i'll put an entry in my journal, at dun ako magdadrama ako don na tila ba si Charo Santos ang sinusulatan ko. hahaha!
4. Rebeldeng Crazy
Hindi naman siguro ako magrerebelde. What for? Walang sense! Ang tanga-tanga! Tanga ako in a sense na slow, pero may sense naman ako kahit papaano. But like I said earlier, kung abusado naman ang foster parents, well it should be your first option.
5. Move-on agad agad!
Oo, mas mainam pa na ganito na lang ang gawin. Whatever the circumstance is, life goes on. Ampon ka? Life goes on. Na disown ka? Life goes on. Nanakawan ka? Life goes on. Nabuntis ka? Life goes on. Move on na lang. But I'm not really that kind of guy. Hahaha!
6. Thank you Ladies and Gentlemen
Natawa naman ako sa option na ito. Pero baka nga ganito din ang gagawin ko. I have this peculiar habit of saying things by writing letters. Oo medyo outdated na at napakabaduy, pero yun ang outlet ko eh. Doon ko kayang i-express ang sarili ko. So I might give a three-page Thank You letter. Para lang nung nag try akong mag resign, gumawa ako ng three-page long letter. Ayun, na-terminate ako for good. Hehehe!
7. Search to the fullest operation
Hmm... ewan ko lang. Unless nga na ang lagay ay abusive ang foster parents, no need to search for them. But i think it's in-born sa tao yung maramdaman niya na he belongs to something, to someone else. And knowing one's roots is perhaps one of the many things that make a person complete and confident in life.
8. Suicide
Mag su-suicide ako kung malalaman kong anak ako sa labas ni SEN. TITO SOTTO. Oo, kung siya man ang magulang ko, at matapos siya makatanggap ng Christmas bonus mula kay Enrile, at ipakita sa sambayanang Pilipino na ang lakas ng sikmura niyang i-downplay ang constitutional expertise ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, eh magpapakatiwakal na lang ako. Or better, ako na lang ang papatay sa kanya. hehehehe! Joke! Baka ako makasuhan sa pinas, hindi na ako makauwi niyan. Hahaha!
The original. Competitive kay sir Jay. HAHAHAH!
BurahinHindi talaga nagpatalo. hahahaha. dyuk!
BurahinYun oh! Si Tripster pa rin! XD
BurahinHUWAW... kaka-tats naman... A post within a post ulit... I am happy sa oras na ginugol upang makapagbigay ng tugon sa eme-eme post kong ito... grabe, pag nagkita tayo sir, papakapehen kita...
Burahinaw baka maibuga ko yung kanin kapag sa hapag kainan inamin.. haha 'di kasi sumagi sa isip na ampon pala.. ^_^
TumugonBurahinayos 'to...comedy naman...so you'll just take it as a joke...
Burahinpag ako, siguro dadausdos then may tears sa left eye..... napuwing langs.... move on. hahaha
TumugonBurahinhehehe... dramatic na move on agad?
Burahinkung ako walkout muna,isip isip,dausdos,balik,magthanks,move on ,yun na ! :)
TumugonBurahinwow... daming na-cover ha...
Burahinbiniro ko minsan yung pangalawang anak ko..
TumugonBurahinjhalms: ampon ka lang namin..
hepe: talaga? malamang ampon ka rin kasi magkamukha tayo..
basag ako eh.. hhehe
hahahaha... at least alam mong confident and sure siya... hahaha...and mukhang proud naman yata...
BurahinHAHAH! Wow senyor, kagabi lang backbone lang ang nabanggit mo sakin. Ngayon ayan na, with flesh and blood na ang post mo! With nervous and digestive system pa HAHAH!
TumugonBurahinNatawa ko sa reaksyon sa GIF. Yung tatlo sila na nagulat or nagalit or natakot? Basta parang may morbid na nakita. HAHAH!
Kung ako malalaman kong ampon ako, siguro dun ako sa 5. Matagal ko nang napag isipan yan, at nagtataka sa mga palabas sa tv at mga cartoons (anime or cartoon talaga) na kapag nalaman ng bida na ampon sila e galit na galit sila sa mundo, sa nanay, tatay, pamilya o kung kanino pa mang mapagbabalingan ng galit. Bakit ba? E dapat thankful sila, kasi inampon sila, pinalaki sila ng maayos, nakakakain ng mahigit 3x a day, may damit na nagpprovide sa kanila at iba pa, nakatanggap ng pagmamahal na mula sa parang tunay na pamilya, which is totally no blood related sayo. Diba? Jan palang, super blessed ka na.
Dun ako sa 5 with speech. HAHAH! Sasamahan ko pa ng background music na "the show". HAHAHAH!
LOL natawa din ako sa GIF
BurahinMahilig ka talaga sa background music para mas dramatic effect... noh?
BurahinAmpon ako, alright then... let's just enjoy the show mom, dad, Ganyan!
BurahinInisip ko na din yan kaya nga tinignan ko birth cert ko. Reaksyon ko siguro eh, alam ko na nuon pa at hahanapin ko mga tunay kong magulang at itatanong kung bakit ako ipinaampon.
TumugonBurahinkailangan pa bang malaman kung bakit? In the first place wala namang valid na reason para gawin iyon sa anak... so wala sila sa matinong pag-iisip for sure...
BurahinAng dami kung tawa sa dausdos effect! hahaha
TumugonBurahinBunga ba ito ng naganap na event natin kahapon sa bahay ampunan? Ikaw na ang mabilis mag-isip!
Salamat uli Senyor! (unli ang thank u haha)
Asus... kami nga ang dapat magpasalamat sa iyo Daddy Mar... wow.. may Daddy?
Burahinhehehe...
after taray pa yan ha nyahahaha.
TumugonBurahinanu raw?
Burahinhahaha naisip ko din yan dati. Pano nga if im ampon. Siguro I'll be all TV Patrol Drama with matching hagulgol at maglulupasay sa sahig tapos go look na sa tunay na magulang. baka kasi filthy rich e, sayang naman ang pera kung di mapapakinabangan. haha
TumugonBurahinwow... kung filthy rich sila for sure sila pa ang hahanap sa iyo...
Burahinahaha ewan ko baka pang telebabad plus primetime bida reaction ko hahaha
TumugonBurahintas layas epek at hanapi ang tunay na magulang haha
ganun siguro haha
pero im pretty much sure naman na anak ako ng ina ko!
mabuti naman at sure ka na anak ka ng ina mo...
Burahinako rin naman... pareho tayo...dapat dramatic ang approach...
anyare? inspire from the last PBO event ba? hahaha kung ako ang nasa posisyon na yun malamang sa alamang ay dedma lang, syempre kahit papano naging mabuting magulang naman sila eh...
TumugonBurahintama yan Bro... sige ipagtatapat ko na...ampon ka lang talaga! lol
BurahinHaahahaha.. kakatwa yung GIF. parang horror lang.
TumugonBurahinKung ampon ka man at mayaman ang nag-ampon sayo anung inaarte arte? Dapat nga blessed ka pa.. hihirit na lang ako ng, "DAd, lets go out and buy an Iphone5"..
Uhmm Senyor, sequel ba to ng outreach natin in relations sa mga bata? hahaha
yes sequel ito... wala akong maisip na matino at makabagbag damdaming post eh... sa inyo na yung ganun!
BurahinGrabe yung no. 8 ah. parang end of world na. lol
TumugonBurahinPalagay ko nga ampon ako kasi parang kulay asul ang dugo ko. Dugong bughaw. Isa talaga akong maharlika. dyuk!
wag naman number 8... pero knowing you, joke lang naman yan eh...
Burahinkung ako ampon at dumating ang time ng revelation...dedma lang... ktnxbye lang ang drama at close sa pinto ng room ko... it wont be a big deal kasi i believe that my parents raised me well... ee may not have all the things that we want in this world but they managed to provide all the unconditional love they could give.and thats enough...
TumugonBurahinmamaya na akong magkoment ng bongga kapag nakauwi na ako ng bahay. nasa skol pa amfutek! hahaha nasa comp lab ako buti naman hindi block ang blogspot dito. si sir naman ayon panay ang ym2x show me boobies ata ang gawa. gusto ko lang chumika at slight nagpaparamdam na kahit ubod ako ng busy this time, naalala ko pa rin ang malandi kong kaibigan!! hahaha namiss kita teh!!! hope makapag blog hop na ako later at mabasa ko itong ampon2x churbah-ek-eklaboh!!!
TumugonBurahinLALA - gaya ni chikletz, gayahin ko na rin, tamad akong mag log in! hahahaha
ikaw ha... dapat focus sa studies... hmnf! d bale na walang comment from you basta cool school ka lang jan...
Burahinhmmm. ako siguro sasabihin ko "ah, talaga? I see."
TumugonBurahinyun lang. no big deal. hehehehe
no big deal talaga? hehehe
Burahinsalamat kotz sa iyong pagtambay...
isang napaka-mabilis na pag move on, tapos kanta ng thank you and dapat kinabukasan parang wlang nangyari... hahaha...
TumugonBurahintama rin ang ganyang reaction... salamat sa iyong pagdaan...
BurahinKung naging mabuti silang magulang, dedma lang at magpasalamat ng marami. Pero kung pinapahirapan buhay ko, magiging rebeldeng crazy ako.
TumugonBurahinay... wag naman rebel...bad yun
BurahinAt first, I read the title as, "What if you're tampon?". Nyarrrks!
TumugonBurahinHahahaha... tampon talaga? matagal mo na kasi sigurong hindi nagamit at narinig ang salitang ampon...
Burahinlakas makabaliw ng sagot ko, pero go ako sa 7. search to the fullest operation! malay mo may mga super hot kuya at pinsan at kamaganak kami di ba? e di ang saya saya!
TumugonBurahinlokang loka ako sa gif te! parang nakakita lang ng kung ano hahahaha!
hahaha... iba talaga intensyon? at sobrang positive lang sa breaking news on ampon issue? clap clap clap!
BurahinNung bata ako naniwala akong ampon lang ako, habang binu-bully ako ng mga kapatid at mga kalaro ko, nakangiti lang sila mama (ay si aling Tasya pala, joke lang) Ayun tulala tas iiyak then mag-iimpake tsaka lalayas kunyare. Nung napansin kong walang may pumigil at sumunod sa akin, bumalik akong warak ang aking pagkatao :(
TumugonBurahindepende kasi to sa naging experience mo growing up at ang pakikitungo ng adoptive parents mo sayo? pero ako, siguro deadma lang. kasi naman, in a way naman siguro may idea ka na rin na different ka? at dahil tamad ako, hindi ko na hahanapin ang mga totoong magulang? ewan ko rin.
TumugonBurahinpero definitely hindi suicide ang option ko. pwedeng any of the above ng suicide. hahaha.
Lol, eto yung humor na gusto ko kapag nakakapanuod ng mga aminan na "ampon ka lang" sa mga pelikula. Sana ibalik ang mga sitcom sa tv.
TumugonBurahinHahaha, fav ko yun iyak, sandal sa pader at dausdos na peg! Katawa to. Pero really, hindi ko ma-gets kung bakit sa movies e ang OA ng mga eksena pag nalaman ng kung sino man na ampon lang sila, siguro hindi ako maka-relate dahil tunay akong anak, ipina-dna test ko na sina mama para sure, charot!
TumugonBurahinperfect drama scene siguro to:
TumugonBurahinafter mo malaman, echi tulala yung peg mo, tapos slomo kang papasok sa kwarto, kumakatok sila sa pinto pero tinakpan mo lang ng unan yung pez mo habang super cry ka na.. makakatulog ka sa pagod kaka-iyak.
pagkagising mo, sisilipin sa kwarto ang mga sleeping pekeng parents tpos biglang ngingiti at kukuha ng yellow pad, na-realize mo kasi na you're super lucky and super rich at the same time (kasi yung umampon sayo e mayamang couple tapos baog yung babae wiz magkabonakiz).. at habang nagsusulat ng thank you letter sa parents e pinipilit mong matuluan ng luha yung yellow pad (adik lang)
after nun feeling mo pang MMK na yung life story mo.. anu ba yun??