Iskwater Simbol



Dahil dugong Iskwater, kailan ko lamang nalaman ang kahulugan ng status symbol. 

Biro mo, ito pala 'yung pagkakaroon ng ilang mga bagay o pag-aari na pwedeng i-connect sa iyong pagiging 'may sinasabi' o high class sa lipunan.

Kaya naman pala ganun na lang ang pagkapatay-gutom ng ilan makasabay lang sa uso. Gusto nilang maipamukhang sila na... Sila na ang mayaman at sosyal.

Ang mga susmusunod ay pinaghalong mga makabago at walang kupas na Status Symbol:

  1. Kape-kape sa Mamahaling Coffee Shop
  2. Spokening Dollar with Rising Intonation Twang
  3. Lumaki sa Aircon
  4. Membership sa Uber Popular Gym
  5. Malling sa mga Sikat na Malls na hindi penetrated ng Masa 
  6. Having Expensive Gadgets - Apple Brands pataas
  7. Photography as a hobby with DSLR
  8. More Watch ng Broadway Musical from time to time
  9. Updated sa Hollywood, International Sports and Politics
  10. Signature Clothes & Bags
  11. Keri ang Shopping Anytime
  12. Collection of something Expensive like anything Vintage
  13. Able to see Concerts ng mga sikat at international artists
  14. Mabakal na ngiti Courtesy of Teeth Braces
  15. Afford ang Cosmetic Surgery
  16. Maya't-mayang Travel
  17. 6 Figures ang Monthly Salary
  18. Mamahaling Jewelry
  19. Owning a Car
  20. Condo Living
Naku ang sakit naman sa fallopian tube ng listahang ito. Kailangan kong manalo ng Jackpot sa Lotto ng walang kahati, maging Grand Winner ng isang Reality Search o Singing Contest para ma-achieve ang lahat. Hindi ako anak-mayaman o tagapagmana ng hacienda.

Kung ito ang sukatan, this only means na bagsak ako sa exam on Status Symbol dahil ako ay isang pangkaraniwan at praktikal na nilalang lamang. Hindi matipid at hindi rin magastos pero alam ang difference between luho at necessity.

For as long as I have the three basics (Shelter, Food and Clothing), okay na ako.

After this post, hindi ko pa rin lubos na gamay ang kalakaran tungkol sa Status Symbol.
I therefore conclude na walang puwang sa ganito ang mga taga-looban kahit pa kami ay magpaandar ng wagas. 

Sa isang bagay ako sigurado - sa Iskwater Symbolssss.



36 (na) komento:

  1. haha well swerte nila at nararanasan nila ang ginhawa pero mas swerte tato dahil pibatatag tayo ng kahirapan

    TumugonBurahin
  2. pasok ba sa status symbol ang marunong magtambol?


    wala yata akong status symbol... sabagay ayos na ang kayang mamuhay sa looban ^_^

    TumugonBurahin
  3. swerte naman kung mararanasan yan.... ako ung basic lang nakakamtam ko hehehe

    TumugonBurahin
  4. tungunung status symbol yan. *w/ feelings*

    TumugonBurahin
  5. I'll begin my comment with a quote from Bill Gates: "If you were born poor, it is not a mistake, but if you die poor, it is indeed a mistake" Yes, and yes B.G. is absolutely correct in his statement.

    Sabi nga we are created equal. It just so happened that those who were born with golden spoon in their mouth under our contemporaries are those people whom ancestors have worked hard to achieve a status in life. And our ancestors maybe didn't make use of their time wisely to gain what should be gained, to achieve what should be achieved - that causes his/her generation to remain poor.

    Most of what you have written as your measure of a status symbol I can achieve and have achieved. But that doesn't mean I can be lined up to the "elites" as society labeled them. Status symbol per see is a norm dictated by our society. Certain standards are being blindly immerse into our society to create division. If one person is comparably higher than you in terms of monetary value or educational attainment that doesn't mean you're less of a person or your eloquence is behind par from them.

    In our society, status symbol commonly is equated in quantity of/in life rather than quality of life. It is hard to determine a status symbol by merely basing our opinions to those listed above. Many, in today's world are "pretensious" or the so called "social climbers" just to be in or go with the flow.

    The best thing to get or have or achieve this "status symbol" in our society is for us to work hard, make our life honorable, dedicate a portion of our time in improving our community and detaching ourselves to these oftentimes fleeting worldly things.

    That for me is a real status symbol.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. very well said ladies and gentlemen... nose bleed... no doubt, natalo na naman ng comment na ito ang aking post... slow clap...

      maraming salamat sa magandang kaisipang muli mong naibahagi...

      Burahin
    2. Pwede bang maki-ride na lang ako sa comment ni Jay kahit nagno nose bleed din ako? lol

      Seriously though, your post is somehow true and Jay's comment is something to balance it especially the "pretentious" part :)

      Burahin
  6. status symbol na pala yun, e ordinary lang naman yon for me. chos! ni isa nga walang pasok sa akin haha. pero keri lang, ang mahalaga, masaya at kuntento sa buhay :)

    TumugonBurahin
  7. pangmayaman :)

    TumugonBurahin
  8. Nakakasakit ka naman ng damdamin. :-p

    TumugonBurahin
  9. ay grabe pangmayaman!

    ok na sakin kahit wlang mga luho basta masaya, at nagsusurvive evryday :)

    TumugonBurahin
  10. ako man ay laki din sa hirap kaya I don't know kung ma-achieve ko ang mga yan haha. ni makapag kape nga sa starbucks di ko pa nagagawa. pramis haha!

    agree ako sa iyo senyor, basta may tirahan, pagkain at pananamit ay kuntento na ako. at least kumakain pa din ang pamilya ko ng tatlong beses sa isang araw at kahit papaano ay may kuryente, internet at tubig kami sa bahay. kaya at this point, bawal muna ang magreklamo on my part... pero minsan di ko din maiwasan na maghangad ng higit pa na alam ko naman na di kayang ma-achieve at this point of my life.

    nice post senyor!

    TumugonBurahin
  11. kailangan talaga ang status symbol sa ating buhay? hehehehe parang basic needs lang ang meron ako food shelter clothing!! hahaha bongga sa food lang halata naman sa aking ubrang katawan teh!! hahahaha pero may pangarap din akong maabot ang nasa listahan mo!! hahaha go ng go lang makukuha ang lahat ng yan kapag gustohin natin, sa abilidad mo teh kayang kaya yan!!! maniwala ka lang!!!

    TumugonBurahin
  12. buti na lang pagkakape lang ang afford ko...

    dugong iskwater kasi kaya parang guilty pleasure na ang pagkakape...or reward sa sarili after makapangalakal at magpagpag kung saan-saan?
    :)

    TumugonBurahin
  13. counted pa ang iphone4 na china na nilalako ngayon? na kamukhang-kamukha talaga ng orig? hahaha. at signature clothes and bags pero class A? hehehe. kasama ba sa 6figures ang .00?? hehehe.. 7 figures na yun.

    pang iskwater lang dn ata ako. ni isa wla akong pasok sa banga jan. cellphone ko simpleng text and call lang ang nagagawa.. ang tablet ko ay yung tableta ng gamot.. tablet parin nmn siguro yun.

    TumugonBurahin
  14. ay di po kami ganyan sa looban. salat po kami... salat ng salat sa mga pwede pang pakinabangan at kainin. tyarots! DKT

    TumugonBurahin
  15. naku, i dont need much as long as i have enough..me mga bagay na gusto ko jan maexperience o siguro for the lifetime na din pero iba jan pa arte na lang..auko ng ganung status

    TumugonBurahin
  16. ;-) pwede naman gumawa ng ganitong version sa iskwater diba senyor?

    TumugonBurahin
  17. kape-kape lang ang nagawa ko. lols. feeling mayamans pero iskwater din :D

    TumugonBurahin
  18. kabog!!! iba na to!! talo na nito ang mayayaman....

    TumugonBurahin
  19. guilty sa kape. lol. o sige na nga sa ilang mga bagay na nabanggit na din. ilan lang :P iskwater kapag toyo at mantika ay ok na.

    TumugonBurahin
  20. Para kanino ba yung status symbol? Hindi naman mahalaga ang sinasabi ng ibang tao. Kung mayroon eh di masaya, kung wala eh ok lang naman.

    TumugonBurahin
  21. The best things in life are free! Pero medyo natamaan ako sa ilan ng slight. :)

    TumugonBurahin
  22. Ibang klase naman ang kids ko lalo na ang anak kong lalaki. He speaks Bisaya in an American accent. :) Hindi pasok sa #2 mo but the opposite naman.

    Wala kaming DSLR but sobrang dami naman ang vintage cameras namin. Pasok na ba to sa #12?

    Mas may status symbol ba ang seller ng vintage collectibles? LOL

    Sana rin may kasamang driver ang owning a car.

    Hello Senyor!


    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 'Pag seller daw ng vintage, automatic pasok na sa pagka-Sosyal... hehehe

      Even here sa Manila, maraming bisaya na magaling mag-English at sosyal sila pakinggan pag nagtatagalo...

      Maraming salamat sa iyong pagdaan at pag-iwan ng comment...hihihi

      Burahin
  23. 1. Kape-kape sa Mamahaling Coffee Shop
    ** eh pano yan, adik tlaga ko sa kape, bisyo ko na to..haha

    2. Spokening Dollar with Rising Intonation Twang
    ** kelangan kong mag-twang-twang kasi kumikitang kabuhayan ko ang pag spokening dah-ler..

    3. Malling sa mga Sikat na Malls na hindi penetrated ng Masa
    **malapit lang tlga yung iskwater area namin sa pang mayaman na mall eh.

    4. Photography as a hobby with DSLR
    **ayan, pangarap ko na tlga magka-dslr, nung nagkaron na ko, hindi ko naman nagagamit ng bongga...engot pa din ang shots..

    5.More Watch ng Broadway Musical from time to time
    ** salamat sa torrent and super pirated dvds

    6. Signature Clothes & Bags
    ** puro bigay lang.. haha

    6 out of 12! hindi pa pala complete ang social climbing efforts ko *sigh.. haha.. basta lahat ng bagay na nakakapag-pasaya sakin, mas masarap ma-achieve nang pinagsikapan :) pang iskwater man o pang mayaman na status symbol.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Nauuso talaga ang pahabaan ng tugon ha... Salamat naman sa iyo...

      Burahin
  24. Ang pinaka importante ay we are happy kung anong meron tayo and if we want to achieve something we can work hard for it.
    It is not the status symbol that counts, yong pagkatao ang mas mahalaga. At gusto ko ang motto mo, coz you are satisfied with your life. It is not what we have that can make us happy, it is being happy of what we have!
    Awakening post!

    TumugonBurahin
  25. Di ako maka-relate sa mga naka-lista hehe.. (except siguro sa spokening dollar dahil kailangan ko minsan mag-english sa blogging pero wala namang rising intonation twang at madalas nosebleed : )
    Anyway, kung saan tayo masaya, duon tayo. Madalas deadma ko na lang ang mahihilig sa status symbol, ang mahalaga ay kung tunay at wagas kang masaya sa kung ano ang mga biyayang tinatanggap natin : )

    TumugonBurahin
  26. Out of 20, isa lang dyan ang meron ako.. yung number 14.. e kashe my ngipin were so sungki like crazy, you know.. the rest, they're like all luho lang, and i'm like so not maluho.. i am so conyo lungs.. ECHOS!!!!

    TumugonBurahin
  27. eh san tayo magkakape? sa kanto kanto lang ganyan?...

    maya't mayang travel- yan at yan lang ang luho na hindi ko igi-give up hehehe...

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...