The Buwis- Buhay Boys of Looban

Ang inyong matutunghayan ay ang mga Buwis-Buhay Boys sa looban. 


Labis na paghanga nang sila'y masaksihan dahil sa kabila ng modernong pagbibihis ng ating henerasyon, may ilang simpleng libangang Pinoy pa rin ang maaaring magbigay saya sa mga mura nilang katawan at kaisipan. 

Wala man kakayanan ang kanilang mga magulang na makabili ng mga mamahaling laruan, sino ang makapagsasabing hindi nila alam ang tunay na kahulugan ng kaligayahan?



Nakakatuwa... Nakaka-antig... Nakakawala ng pagod...

Ang pinakamatamis at pinakatapat na pasasalamat na nakuha mula sa kanila ay hindi maaring ihambing sa kahit anumang gantimpala. 

Ganun.

Long Live the Buwis-Buhay Boys of Looban!!!

***


53 komento:

  1. meron pang ganyan sa mga probinsya. sa modernong panahon natin ngayon lalo na sa city bihira ng makita ang mga batang ganyan na naglalaro kasi madalas hawak na ay cp, psp, ipad etc. alam na alam na nga rin nga mga 3 yrs pano gamitin ang touch screen lol ganyan! pero mas masarap silang tingnan dahil simpleng buhay lang ang pamumuhay na meron sila.

    at saan ka naman napadpad teh at ito ang post mo ngayon hehehe nakialam talaga hahaha epal! lol good morning!!!

    TumugonBurahin
  2. as always...1st honor ka na naman... ano ka ba, sa labas lang bahay namin yang mga batang yan...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tang ina ganon ba? sang province ka ba!? hahaha jowk! kasi naman wala na akong nakikitang mga batang ganyan dito na tumatambling sa coconut tree na nakatihaya na yan hahaha nawala na ang tradisyonal na patentero, piko, taguan etc. wala na akong nakita dito sa province namin lol ano ba talaga ang ibig sabihin sa senyor iskwater? is it what i see, what i get ba yan teh?

      Burahin
    2. ewan ko sayo madam... d ko alam sinasabai mo jan...lol

      Burahin
  3. Minsan ang kaligayahan ay nakikita sa simpleng bagay :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama naman...sa simpleng bagay...sa simpleng lugar...at sa simpleng awra...alam na!

      Burahin
  4. hindi ako lumaki sa mga larong kalye tulad ng mga patintero etc. Pero naglalaro ako ng basketbol, basta pag shoot dyan ako magaling hehe tnt! mga bata ngayon puros facebook at crossfire ang nilalaro.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hayaan mo ang mga kabataan ngayon... they are FREE TO PLAY... walang basagan ng trip nila.... okay?

      Burahin
    2. tntnt! (tawa ng tawa ng tawa)

      Burahin
  5. I am very proud to say na naabutan at naranasan ko ang ganyang mga pambatang laro noon. I'm not saying that I'm old already, pero still masaya ako at naging bahagi ng aking buhay bata ang mga ganyang bagay noon. Yung pagtumbling tumbling sa damuhan or sa bukid sa mga dayami, luksong baka, agawang base, patintenro, paglalaro ng holen, teks, tanching - gamit ang pamatong bato, tumbang preso, larong goma, aakyat sa puno at magyu-yugyog ng salagubang, mangunguha ng gagamba at marami pang iba. Sigh, ang sarap nung mga childhood memories ko noon.

    Ngayon tanungin mo ang mga bata tungkol jan, madalang na ang nakakaalam sa kanila nyan. Lagi kasi nakaharap sa mga computer at cp nila.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ako rin naabutan ko ang mga larong iyan pero hindi ako magaling...

      Burahin
  6. Namiss ko tuloy ang aking kabataan. HAHAH!

    Although hindi naman buwis buhay ang laro namin. Simple lang! Patintero, luksong baka, taguan.

    Kahit nung HS na kame, naglalaro pa rin kame ng taguan, yun nga lang, pag gabi lang! Usong spot ang mga bakanteng bahay! :) HAHAH!

    At naalala ko kahit nung college, nag lalaro din kame sa loob ng room, luksong baka naman! HAHAHAH! Wearing our uniform, during breaktime. LOL batang bata ano? HAHAH!



    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. totoo? kahit college na? mapaglaro pa rin? isip-bata?

      ahh kaya...

      Burahin
  7. marami pang ganyang mga bata at lalong marami pa sa kanila ang tumatangkilik sa mga larong gusto mong ihayag sa post na 'to.. mas marami ang benepisyo pagdating sa pagpapayabong ng sosyolohikal, emosyonal, at pisikal na aspeto na kailangan ng mga bata.. hindi katulad ng mga batang mas hiyang sa maghapong nakatutok sa dota.. hehehehe

    TumugonBurahin
  8. Mas amaza ako sa mga batang ganito kesa sa mga nagfefacebook at naglalaro na ng counter strike sa ganitong edad. :D

    TumugonBurahin
  9. Mas maganda pa yang mga larong ganyan na physical kaysa sa mga computer games na nauuso ngayon [nagsalita ang isang hayok sa computers. lol]. Mas nadedevelop kasi yung boung katawan nila physically and mentally.

    TumugonBurahin
  10. Ako natatakot habang pinapanood ko ang pagsalto ng mga buwis buhay boys! haha. Masakit yun pag nagkami. Nakakatuwa yung mga batang kumakain.

    Ikaw ba ang boses naming mahihirap?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. safe yan kasi ung binabagsakan nila is lumang comforte na maraming dayami sa ilalim...

      Burahin
  11. ika nga nila kahit simple bagay lang ito mas masaya at mas productive.....

    TumugonBurahin
  12. simpleng saya, simpleng buhay...naranasan ko din yan
    pero minsan (madalas) delikado ang ganyan mga laro...
    kailangan pa rin ng guidance ng mga parents nila!

    TumugonBurahin
  13. namiss ko tuloy ang ganyang laro. :D

    TumugonBurahin
  14. Isa sa mga afternoon specials na itinuturo ko sa mga mag-aaral kong apat na taong gulang eh mga larong pambata, Pinoy man or Thai, sa paniniwalang mas mahalaga ito para maranasan ng mga bata ang maglaro, kasama ang kanilang mga kaibigan. Isa sa mga ito ang patintero.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nakakamiz ang mga iyon... nakakatuwa naman na nagagawa mong ibahagi sa kanila ang mga larong atin...

      Burahin
  15. Oh I miss my childhood. Ang hirap sa America kasi kailangan magset-up ng playdate para may kalaro ang mga anak. Di tulad sa atin na minsan kalaro ko pa gigising sa akin. Hehehehe.

    TumugonBurahin
  16. well kaya masasabi nating ung mga panahon na di pa uso ang computer games ee mas masaya dahil dyan
    nakaka tuwa sila kaso kakatakoy mga ginagawa,
    nice ang post mo na to parekoy

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naku safe naman siguro dahil maraming dayami sa ilalim ng sapin...

      Burahin
  17. na touched naman ako. Katuwa sila:) Thanks for sharing this!

    TumugonBurahin
  18. naku madam...pareho tayo ng naramdaman...

    TumugonBurahin
  19. kakatuwa naman.... bilib ako sa mga batang kahit walang laruan eh nagagawang mag enjoy...

    nakasaksi na rin ako ng ganyan... o marami sa lugar namin.... nakakatuwa talaga....

    Thanks sa pag share nito...

    ikaw ba ang kumuha ang video? Magkano talent fee nila hehehe ^___^

    Galing ^^ naantig ako kasi dami kong naalala... lalo na ung mga bata sa lugar namin noon...

    TumugonBurahin
  20. Dito sa lugar ng asawa ko, psp, tv, ipad at computer lng ang libangan ng anak ko, pero i make sure na once in a while inuuwi namin siya sa kinalakihan kong lugar sa amin.
    Dun nakikipaghabilan siya sa mga maliliit na anak ng pinsan ko, mga pamangkin ko. Namimingwit sila ng isda sa fish pond, umaakyat ng mga maliliit na puno.
    Minsan pa nga kung panahon ng mga bettle, dinadala nmin siya sa malapit na source of water tu.ad ng ilog pra manguha ng salagubang.
    Experience talaga.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. mabuti naman at nararanasan din ng mga anak mo ang mga childhood experiences na sobrang saya...

      Burahin
  21. i see myself on them ... very much ganyan ang peg ko nung bata ako .. sobrang salat din sa buhay pero masaya kmi sa simpleng bagay at simpleng katuwaan sa paglalaro ... well, well masarap yung fries ba un n kinakaen nila? ansaya nila tingnan

    TumugonBurahin
  22. Talking about the first video - I used to do that during my childhood but in a different setting. I mean gamit namin ang dayami ng palay at doon kami magta-tumbling na kung tawagin ay "salto". Joy comes from within us. If you're naturally a happy person, you don't need to have those expensive gadgets and fancy things. I grew up playing with improvised (or gawa gawa lang na laruan) and we were the happiest then.

    Kaya, when my wife and I talked about how we will raise our first born Caleb, I told her I want him to experience the outdoor activity more than just locking to his room and playing gadgets. I want him to experience life while communing with nature. For me that's the essence of a happy childhoood. You get in touch with the best of nature.

    It won't matter to me kahit masugatan pa siya or what kasi part yon ng growing up. And playing outdoors within the confines of your village or somewhere else is the best experience a child can have.

    Wow! Pang Mr. World ang comment ko hahahahaha! But I mean it :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. aside from that ang bata na laging nadadapa sa labas ng bahay, nakakain ng alikabok, naglalaro sa madudumi (minsan) yon ang mga bata na hindi masakitin kasi they get to know sa mga germs hahaha lol totoo yon... kasi we have a friend na yong anak niya, pinapaligoan ng mineral water yong wilkins pala yon. at yong mga bata na nakikita mo palaging nasa daan, swerte lang kung nagkakasakit ang mga yon. mas mataas ang resistensya ng bata na naglalaro sa labas ng bahay.

      oo dapat ganon dadi jay, kasi nawala na rin ang tradisyonal na laro ng mga bata, iba na ang mga bata ngayon, 3 years old pa lang, alam na ang gadget!!

      mr. universe na yan dadi!! hahaha

      Burahin
    2. nagkulang ang aking sinabi hahaha

      yong bata na naliligo palagi ng wilkins, laging nasa hospital. at ang bata nasa kalye or naglalaro sa labas ng bahay, wala lang deadma ang mga sakit! hehehee

      Burahin
    3. eto ung sinasabi kong post within a post sa haba...bwahahaha

      Burahin
  23. Very well said Contestant Number 1.... There you have it ladies and gentlemen....

    Kidding aside, maganda ang iyong tinuran at napakaswerte ni Baby Caleb to have you.

    Yan ha... dapat updated kami sa mga new experiences ni Baby ha...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Paki abangan ang new blog ko entitled "The Perks Of A Young Dad" coming soon to theater near you...ah este..coming soon pala sa blogosphere..may inaayos lang ako na style. In there, I will talk about my boy and being a first time dad. All the experiences I will have in rearing and raising Damien Caleb will be shared there..hehehehe

      Burahin
  24. pagkatapos kong panoorin ang videos, pwede ko nang sabihin na dati miyembro ako ng buwis-buhay girls ng looban.

    ganyan kami nun maglaro. laro ng mga lalake. lol. mas masaya. mas adventurous. mas dangerous. puro mas. haha!

    TumugonBurahin
  25. ito ang ibang klaseng ligaya na hindi mabibili...

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...