Sabi Nila...



Sabi nila, wala akong labis na ganda.
Maitim, may katabaan at hindi matangkad.
Walang maraming tagahanga.
Hindi raw pansinin ng madla.

Sabi nila, hindi kaya ng utak ko.
Mapurol at makitid daw ako.
Walang alam at hindi magaling,
Panigarado ang labis na hinaing.

Sabi nila, wala akong mararating.
Tanging sa pangarap lang ang lahat.
Walang magandang bukas na hinaharap.
Ipinanganak na hanggang sa huli'y mahirap.

Sabi nila, walang may kaya na ako'y mahalin.
Wala ni kahit sino ay aaangkin.
Anumang pilit ang aking gawin,
Hindi mabibigyan ng konting pansin.

Sabi nila, madamot sa akin ang kapalaran,
Walang swerte at puno ng kamalasan.
Ito ang guhit ng aking tadhana,
Lahat ng dilim ay naglipana.

Sabi nila, kailangan ko talagang makinig sa sabi nila.
Ako, na nasa kanilang mundong kinagagalawan.
Hangad ay maging bahagi ng kanilang kalakaran.
Silang malupit at mapanghusgang lipunan.

***






19 (na) komento:

  1. Ang ganda ng tulang ito Senyor. Walang karapatan ang ibang tao na husgahan ang kanilang kapwa. Hindi naman sila ang nagpapakain at nagbabayad ng mga bills nyo sa bahay kaya dapat learn the art of dedma haha.

    Basta alam mo sa sarili mo na wala kang sinasaktang tao sa ginagawa mo, move on lang! Walang makakahadlang sa iyong mga mithiin sa buhay basta masipag ka at laging positibo sa buhay.

    Happy 2013!

    TumugonBurahin
  2. Sa sabi nila ay wala akong pakialam,
    Sa husga at lait ay wala silang pakundagan,
    Tanging ang Diyos ang sa akiy huhusga,
    Sa harapan niya ako ay napakaganda.

    TumugonBurahin
  3. Ang sabi ko naman sakanila:

    ahhh... Okay. Buhay ko to, pake mo? HAHAH!

    sungit e noh?

    At naalala ko tuloy ang kanta ng Goo Goo Dolls na may lyrics na:

    "They can't tell me who to be
    Cause I'm not what they see
    Yeah, the world is still sleepin while I keep on dreaming for me
    And their words are just whispers and lies thatI'll never believe"

    wala lang, maikonek lang. ^_^ Im still here ang title.

    TumugonBurahin
  4. nagustuhan ko ang tulang ito... ramdam ko ung nais ipahiwatig... pero marami talagang mapaghusga ngayon..

    lahat na lang napapansin nila...

    TumugonBurahin
  5. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  6. kay dami talangang taong ganyan sa'ting lipunan
    mga matang mapanghusga at walang pakundangan
    sati'y walang dulot kundi pasakit at kalungkutan
    ang pansinin sila'y walang patutunguhang kabutihan

    sa halip na sila ay iyong paniwalaan
    bat di kami ang yong pagtuunan
    mga taong nainiwala sa yong kakayahan
    at nakikita ang tunay mong kahalagahan

    haha subok lng!

    TumugonBurahin
  7. At kahit ano pang sabihin nila,
    Isasara ko lang ang aking tenga.
    Wala sa salita, maging sa panghuhusga,
    Kung ano ako at kung ano ang aking kaya.

    :)

    TumugonBurahin
  8. Ngunit sila'y nagkamali
    sa lahat ng kanilang sinabi.
    Tanging panghuhusga lamang ang lahat,
    'pagkat ako ngayo'y isa nang alamat!

    haha, subok-subok din

    maganda ang naisulat mong tula! :)

    TumugonBurahin
  9. True eto dyuk! haha. Ikaw ba eto. Napakamakata mo ah.

    Wag basta basta maniniwala sa mga sabi nila. Humanap ka muna ng batayan bago mo sila paniwalaan. Well, na sa iyong sarili mo yan kung maniniwala ka. Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo tulad nito <------- lol #epic

    TumugonBurahin
  10. Naantig ang puso ko at sadyang nakarelate ako dahil ako rin ay hinuhusgahan ng lipunan!

    TumugonBurahin
  11. Huwag makinig sa sabi nila! sapagkat hanaggang salita lamang sila!, may sarili kang buhay at walang kahit sinong pwedeng magdikta sayo!

    Isang mahusay na tula.

    TumugonBurahin
  12. ganyan talaga, kapag nakinig ka sa kanila wala rin mangyayari syo. May mga taong bitter lang talaga kaya walang magawa kundi husgahan ang kapwa..

    TumugonBurahin
  13. baka nasobrahan ka lang sa pakikinig sa "kanila".. subukan mo lang munaeng mas pagtuunan ng pansin ang sarili kesa sa mga sinasabi nila.. try lang naman.. hehe

    TumugonBurahin
  14. Meh. If we would stop giving a fuck about what others think of us, the world would be a better place. I used to listen "sa kanila" din, but after reaching a certain age, I stopped caring. Happy new year. :)

    TumugonBurahin
  15. I say that you are wonderfully made by God and the best is yet to come. Show them that they are wrong. Believe in yourself.
    Andito ako sa kinakalagyan ko ngayon because na challenged ako sa mga taong nag looked down sa akin. And God is always there for those who put their trust in him.

    TumugonBurahin
  16. Wag kang padadala sa "sabi nila" kasi sabi lang nila yun. Ikaw pa rin ang gumagawa ng sarili mong desisyon at aksiyon at anumang ang kahihinatnan ng mga iyon ay tanging ikaw ang nakakaalam kasi ikaw ang bida sa sarili mong pelikula ng buhay. Ang mga sabi nila ay mga building blocks of hindrances lang yan na kaya mong buwagin kung may determinasyon at paninindigan ka lang sa sarili mo.

    Sabi nga ni Merida sa animated movie na "Brave" ay ganito -- "There are those who say fate is something beyond our command, that destiny is not our own. But I know better! Our fate lives within us-- you only have to be brave enough to see it."

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...