Ayaw ko sa Girls



What do I hate about girls?
Let me count the ways...

1. Emo All the Time
Bakit ba ang mga babae ay uber ang drama sa buhay? Nakakapikon lang. Kahit teleserye, pelikula, kanta o kahit song na walang kinalaman sa buhay nila, basta may perfectly sad musical score, lagi na lang teary eyes. Kadalasan wala pa sa lugar. Nandiyan 'yung pwede namang chill lang ang mood, sisirain at magpapaka-emo at babanat, "I am really happy you're here...". So, ano ang inaasahan nilang response? As always, siyempre contagious ang ganitong mood at ang lahat ay magpapaka- soap opera na, ma- compliment lang ang kaartehang wagas na ito. Again, dapat chill lang at once a year lang ang buhos ng emosyon!

2. Ke-aarte For Life
Halos lahat ng girls ay naka-subscribe sa UnliPampam. Mga papampam... Mga Papilit... Pa-demure... Pa-sweet... Lahat ng pag-iinarte sa lahat ng aspeto ng buhay nasa kanila na. Ang tagal mag-CR. Ano meron? Wala namang okasyon, naka-make-up. Adik sa shoes. Adik sa bags. Adik sa mga damit. Kahit anung estado sa buhay, uunahin pa ang kakikayan bago ang mga bagay na mas importante. Ganyan sila. Hindi nakakatuwa. Kahit sa pagsasalita, laging prolong ang mga words nila gaya ng, "Hiiiiiiiiii! Helloooooooo! Kumustaaaaaaahhhh! Eeeeeeehhhhh!" ( sabay hawi ng hair). Ang arte. 
Ewan ko ba sa kanila!

3. Daldalerang mga Palaka
Palibhasa dalawa bibig, walang kapantay ang tabil ng kanilang mga bunganga. Kahit walang hingahan. Kaya nila ang 1,034 words per minute. Kahit nasaang lugar. Office. FX. Mall. School. Basta pinagsama ang mga babaeng 'yan, walang katapusan ang mga kuda nila sa buhay. May habol pang mahabang text message 'pag naghiwalay. Argh. 

4. Claiming sa Equality
Haaaaayyy... Lagi na lang sinasabi ng mga Eva na dapat pantay-pantay ang pagtingin sa mga kalalakihan sa mga kababaihan. Kesyo kaya na nilang gawin ang mga kayang gawin ng mga lalaki. Pero 'pag nasa bus or any public place, 'pag ang lalaki hindi nagbigay ng upuan sa babae, hindi gentleman. Akala ko ba dapat equal? 'Wag humingi ng special treatment. May women's rights pang nalalaman. Kayo lang ba may mga karapatan? May Human Rights na nga, may ibang set pa para sa inyo? Sino ngayon ang unfair?

5. Pabago-bago ng Isip
Hindi na iba ang ganitong katangian ng mga babae. sa sobrang dami nilang sinasabi, wala silang isang salita. Hindi alam kung ano talaga ang gusto. Kahit sa hairstyle, hindi sure kung ano gusto. Sa isusuot, papalit-palit. Sa manicure, laging iba rin. Magulo lang. Magagalit tapos maya-maya, masaya na ulit. Para silang masarap na kape - mahirap timplahin.

6. Maraming Alam
Magandang katangian ang pagkakaroon ng wide range of knowledge lalo na kung mga trivial information or anything na kakapulutan ng aral. Pero walang kinalaman dito ang tinutukoy kong katangian ng mga kababaihan sa pagkakaroon ng maraming nalalaman. Naturally, ang mga babae ay mahilig mag-interpret ng mga kilos o kung hindi naman ay ang pagbibigay ng iba pang kahulugan sa mga sinasabi. Ayaw nila ng literal. Ang nakakairita, 'pag nakapag-conclude na sila, they stick to it kahit walang ebidensiya. May tinatawag pa silang women's intuition. May ganun. Mahilig silang gumawa ng sarili nilang multo na sila lang talaga ang natatakot. Andami lang alam, diba?

7. Aligagang Worrier
Hindi naman masama ang minsanang pag-aalala para sa hinaharap. Maganda namang napaghahandaan ang bukas. Huwag lang OA. Pwede namang i-enjoy ang present while preparing for tomorrow. Karamihan sa mga babae, laging future ang nasa isip. Nililigawan pa lang, iniisip na kung ano magiging hitsura ng maiging anak kung mapapangasawa ang manliligaw. Nagmamadali? Iisipin agad kung kaya ba silang buhayin. Patay ba sila? Labis ang worries nila kaya ang ending, aligaga. Hindi mapakali. Parang sinisilihan 'pag may kulang sa kung ano ang gusto nila. Again, chill lang.

Pito lang naman pala ang nasa AKING listahan.
Malamang na ang mga ito ay base sa mga karakter ng mga babaeng aking nakadaupangpalad and since hindi naman ito entry sa Wikipedia, hindi sila facts. Hindi rin ako hater ng mga kababaihan dahil I have a mother who I truly love. Awwww...

I can be wrong sa post na ito pero sa mundo ko, hindi man ako laging tama, lagi naman akong may point.

Sana...

50 komento:

  1. agree ako dine sa lahat ng sinabi mo senyor. bakit ganyan ang mga babae? tsk..


    nakakinis yung kapag nagsama na ang mag BFF na babae, kung anu-ano lumalabas sa bibig kahit pa saan yan, sa jeep, tricycle, net shop, etc. akala mo antagal hindi nagkita. tapos 'pag nagkatampuhan na ang mag BFF na yan nganga.. haha..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ayy gumagatong hahaha jowk!! may mga ganong babae talaga uber ang kakikayan na wala na sa lugar ang mga bibig na sarap ng tahiin, pero hindi naman lahat kami ganon hihihihihi

      Burahin
    2. heheh... meron nga ate lala, may mga babae na hindi naman ganyan, simple lang ^__^

      Burahin
  2. laging galit ata lately teh!! hahaha chill naman.

    TumugonBurahin
  3. eh pano na lang pala senyor kung naging Bilat ka?

    naku naku naku.. i'm sure hindi lang 7 ang magagawa mo...
    :)

    TumugonBurahin
  4. hala, hindi ka naman woman hater ng lagay na yan senyor?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. parang nasaktan na siya ng isang gurl! jowk!! wala bang post para sa mga lalaki din? hahaha para fair naman! lol

      Burahin
  5. Ano bang mga klaseng mga babaeng nakakahalubilo mo? Over dramatic? KSP? Walang magawa sa buhay? Idle mind?

    Never met those kind of girls. Kaya, I think you may be wrong.

    Hola, Senyor!

    TumugonBurahin
  6. 1. Minsan nga hindi nakakatuwa. Pero pag nilambing mo tapos nagwagi ka, ansarap sa pakiramdam!

    2. Isa sa mga sumusubok ng pasensya ko pag may kasamang girl na nagsshopping. Ppunta sa isang botique tapos titingin, tapos lilipat, at lilipat, at lilipat but in the end, e dun pa rin sa unang pinuntahan ang bagsak. Matuwa ka pag nagtagal sila sa CR, ibig sabihin, concious sila sa sarili nila pag kasama ka, at least yan ang iniisip ko pag ganyan? HAHAHAH! Pampadagdag sa patience ng paghihintay habang nasa CR sila. LOL

    3. HAHAHAH! Sweet pag nag text sila pag nagkahiwalay na kayo. Tatanungin pag nasab bahay ka na. Nakauwi ka na. tapos eeeeeeehh! HAHAAHH! lande.

    4. Dito ako natawa. kagaya ng tweet ko sayo. Pero ewan ko, nakasanayan ko na mag paupo ng babae sa akin, este mag paupo ng babae sa upuan ko sa bus. Hindi ko alam, pero siguro kasi ganun yung gusto kong treatment sa girl ko pag siya ang nasa kalagayan nung babaeng nakatayo sa bus? Ganyan.

    5. Hmmm, totoo. Pero I think it's cute! :)

    6. Ang ayaw ko lang sa ganto e yung mga miss knows-it-all. Pasok ba yan jan? HAHAH! Ayaw ko din na lagi silang nag dududa o kung ano pa man.

    7. Hmmm, yung mga classmates kong babae ang mga ganto. HAHAHAH! ;) Pag usapan na sa mga future, anak agad. lol



    Senyor, next time yung good qualities naman nila :))))

    Pero alam mo, tingin ko parang mejo napahiwalay to sa theme mo ng pagiging "iskwater". Hindi sya pasok sa kaisipan ng normal na iskwater. Nga ba? parang ganun. Ayun lang. Nalayo lang ng konti sa league ng blog style mo. HAHAHAH!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maramaing salamat sa iyong tugon Mr Tripster Guy... ay Pau Kun pala..

      wow ha... gumaganti ka ng comment ha...may nega na rin sa dulo ha... wala bang babae sa iskwater? ha?

      at bakit parang nasa side ka ng mga babae? mushy ka bro!

      Burahin
    2. kinontra talaga ang post!! hahahaha

      Burahin
    3. HAHAHAH! Hindi naman ganti noh, naisip ko lang. At alam ko namang yan yung mga hinahanap hanap mo sa comment mo. LOL

      HAHAH! oo nga bro! Kaya wag ka na magalit sa kanila bro! HAHAH!

      Burahin
    4. Oyy Lala, mas marami kapang nireplyan kesa kay Senyor. HAHAHAH!

      Burahin
    5. hahaha oo nga feeling blog ko 'to! hahahaha

      Burahin
    6. itext ko sayo username and password...ikaw na mag maintain lala? haha

      Burahin
    7. hahaha kinarir ang pagiging sub-admin! lol alam ko kasing mabombang comment dito kaya dito na ako tumambay! hahaha

      Burahin
    8. for this comment=> i love you Pao! hahaha!

      Burahin
    9. Hahaha, ang mga sagot ni Papa P-ao esp sa number 4 ay for the win.. for the win sa puso ko!! lol

      Burahin
    10. Wow Joanne... Gusto mo talagang masaktan... Ipapabuga ko sayo ang Apoy ng Dragon.... Deo, Attttaaaaaaaak!

      Burahin
  7. Natatawa lang ako sa iyong post. Somehow you are right, pero all those things can be positive. It depends how we see it:) pero kahit girls ay iba iba pa rin kami, just like you boys:) good luck to your lovelife. Pag umibig ka na, mabubulag ka rin sa mga inaayaw mo sa girls:)

    TumugonBurahin
  8. wag ka ng bitter teh! subukan mo rin kasi kaming mahalin..puro ka kasi hate sa mga babae eh... simulan mo saken :P

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama! ikaw na dapat ang magfirst move sis para kay senyor para maging katamis tamis naman tayo!! hahaha

      ako na talaga ang nagrereply sa mga comment hahahahhaha

      Burahin
    2. naku panu na si Mahal nito miss Pinkz? hehehehe..

      Burahin
  9. natawa ko sa may human rights na nga tas may iba pang set para samin. haha! i like!

    as for your complaints.. there are reasons why women are made the way they are.. just like there are reasons why men are made the way they are (that women complain about). which makes it fair.

    :)

    TumugonBurahin
  10. well tama naman ganyan naman talaga mga babae at tayong mga lalaki ang dapat nagaadjust hahaha
    para sakin ok lang to basta wag ung OA na haha
    that makes them unique i guess hahaha

    saka sabi nga ng kanta it's a man's man's world but it would be nothing without a woman or a girl

    TumugonBurahin
  11. wag bitter teh!! chill... maging unsweetend lang.. parang cocoa at pineapple juice ba. =). Napansin mo man to sa most girls na nakahalubilo mo, pero wag mo naman e generalize. Hindi kami lahat ganun!

    Hindi naman lahat ng babae maarte, hindi rin naman lahat kikay, hindi rin lahat emotional, hindi rin lahat madaldal, Mahirap nga talaga kami e-spell.. well most of the time totoo yan. Pero tandaan mo kami lang ang may matres, at may kakayahan magluwa ng tao sa mundo. (konek??) hahaha

    Cool kalang.. relax kalang.. =)

    TumugonBurahin
  12. mukhang may pinaghuhugutan ang bawat salitang naiukit sa pahinang ito... pawang katotohanan...

    Pero, sa tingin ko, in my own opinion, on my side, ganyan talaga ang mga babae kase ganyan lang sila... pagkinuha mo sa kanila ang ganyang mga katangian... hindi na sila magiging sila...innate na kung baga...

    Nevertheless, okay na din to para malaman nila, para malaman naman nila kung ano sila! wahahahahhaha

    TumugonBurahin
  13. Ramdam kita pareng senyor. Tumagos yung aura mo at vibes ng iyong entry sa screen ng computer ko. eto tuloy at nabulabog ang aking mapayapang pagnenet. Yung totoo, marami din akong hindi gusto sa ugali ng mga kababaihan. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila ito para mapansin natin sila o nasa dugo na nila ito.

    1. Emo all the time: overflowing sa emotions. ibang iba kasi ang treatment sa kanila compare sa atin.

    2. Ke-aarte for life: Katulad din ni pareng pao, malaki rin pagsubok sa akin ang samahan si girl sa pagsha-shopping nya. Maswerte ka kung ang girlfriend mo ay may style ng "love at first sight" bibilin lang nya yung isang bagay kung napusuan nya kaagad at move on na kaagad kayo sa next store. Pero malas mo rin kung ang girlfriend mo ay may style din na ganito kaso patapon naman. lahat ng mapusuan bibilhin at ikaw ang taya. May pa-tweetums pang nalalaman para lang bilhan mo sya noon. Hindi ako natutuwa kapag matagal sya sa CR. Dahil yung totoo, kung mahal ka nya, hindi na nya kailangan ng arte sa kanyang sarili para lang mapansin mo sya. Hindi ka naman siguro nainlove dahil lang sa kanyang maskara.

    3. Daldalerang Palaka. Daig pa ang pwet ng manok kung pumugak. kahit wala ng sense yung sinasabi sige halabira pa rin. at kailangan talaga paulet-ulet? At kapag nagtalo kayo, sumuko ka na kaagad dahil yung totoo, hindi ka nya titigilan hanggat hindi sya nanalo sa iyo. pag-bigyan na. oo na lang.

    4.Claiming sa Equality: tungunu.. yung totoo, walang libreng pagkain at walang equality sa mundo. Masyadong assuming sa special treatment as in sobra. MANIGAS ka neneng. Oo totoo na dapat maging gentleman, pero again, walang gentle-gentleman sa tunay na lalaking taga skwater. unless na lilibre mo kami neneng, may special treatment ka nga.

    5. Pabago-bago ng Isip: Yung totoo, ang mga kababaihan talaga ay hindi tumitigil ng kaiisip. They always think shit all the time. wala sa bokabularyo nila ang "thoughtless time". Tulala? ang dami nya iniisip promise.

    6. Maraming Alam: eto talaga yung pinaka ayaw ko sa kababaihan na masyadong smart ass ang dating. Nananahimik ka tapos kung ano-ano ang mga naiisip akala ni neneng may balak ka ng makipaghiwalay sa kanya, may mahal ka ng iba at marami pa na sigurado namang ikakaputok ng butsi mo. BITCH please..

    7. Aligagang Worrier: again, women never stop thingking.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat sa iyong effort na magbigay ng detalyadong tugon... nakaka-tats...

      Burahin
  14. "I can be wrong sa post na ito pero sa mundo ko, hindi man ako laging tama, lagi naman akong may point."

    --dito ako pinaka-agree! :)

    TumugonBurahin
  15. agree ako dun sa equallity shitnis.... may special place pa sila sa LRT... e dapat equal lungs

    TumugonBurahin
  16. Eto lang naman ang hate ko sa kanila..ANG TAGAL MAG SHOPPING! nabili ko na lahat pag balik ko wala pa din nabili? tas "Ay wag na lang kasi last stock na" ay??? hahahahaha.. kundi ka ba naman maasar...

    TumugonBurahin
  17. friend, wag kang ganyan! babae tayo, wag kang taksil sa sarili nating gender! chos!

    pero sa totoo lang, reading through all this made me realize na babae nga ako, pasok sa akin lahat e..tsk tsk..

    TumugonBurahin
  18. I will go against the flow here. Hmmm..remember that we mirror each other. So whatever attitude or qualities that you hate about other person (whether a boy or a girl) is an exact representation of yourself too. If you hate these qualities, it is because these qualities are present in you too..hehehe.. like what I said we mirror each other..hehehehe..peace Senyor.

    TumugonBurahin
  19. Wow! May galit nga.. nag-manifest ba ang galit mo dito dahil sa paglalandi ko kay Pao kanina? Joke lang naman yun e, sige sayo na, hahaha.. May point ka oo pero..

    1. Emo all the Time. Hindi naman all the time no? Nasa lugar naman. And I believe (pang Ms. U to) na ang emo ek ek na yan ay hindi gender based. May mga lalaki jan (nagpaparinig) na laging emo no. At meron din akong kilala na beki na mas matindi pa mag-emo kesa sa babae. Che!
    2. Ke-aarte For Life. Agree. Hindi lang sa uunahin pa kakikayan kesa sa mas importanteng bagay?? Importante nga e di mas una yun. At FYI, ang kakiyan ko ay natutunan ko sa isang beki.
    3. Daldalerang mga Palaka. Excuse me, mas madaldal ka saken.
    4. Claiming sa Equality. Ang Women's Rights law naman ay nagawa dahil na din sa discrimination at pang-aabuso na karaniwan e babae ang biktima. Hindi yun special treatment. It was enacted out of need.
    5. Pabago-bago ng Isip. Ok. Sorry naman.
    6. Maraming Alam. Ay ako humahanap ng ebidensiya bago mag-conclude.
    7. Aligagang Worrier. Patay. Nag-worry tuloy ako bigla... Echos! Hindi ko kailangan ng bubuhay saken dahil kaya kong buhayin sarili ko. Ang gusto ko lang naman e yung makakasama habang buhay.. di ba Pao? Chocnut.

    :D

    TumugonBurahin
  20. ganyan talaga mga babae....


    kaya swerte na sila kung may isang lalaki na tatanggapin sila kahit ganyan siya hehehe

    kahit maarte o ma emote....

    pero minsan may lalaking emotero hehehehe

    TumugonBurahin
  21. Nung past life mo babae ka ahihihi

    TumugonBurahin
  22. ikaw pala si christian dun sa post ni jun. :) ayos tong post na to. halatang love na love mo ung mga girls. :0

    TumugonBurahin
  23. 1. Emo All the Time --hindi ko rin maintindihan bakit kaylangan dapat madrama. Baka gusto nilang sinusuyo sila or nilalambing din palagi. Aba, ang mga lalaki din ay nangangailangan ng paglalambing.

    2. Ke-aarte For Life --salamat naman at ang mga nakakasalamuha ko ay hindi ganun ka-arte pero inis din ako sa mga maarte na babae.

    3. Daldalerang mga Palaka --dalawa ang bibig, tatlo ang butas. *.*

    4. Claiming sa Equality --ah patol ako dito. madalas na ang pagsasabi na pantay na ang estado ng babae at lalaki w/c is hindi naman sa ibang aspeto. magkaiba silang nilikha at iba ang papel na ginagampanan dito sa mundo.

    5. Pabago-bago ng Isip --nasa hormones at genes na yata ito ng lahat ng kilala kong babae, thou may ilan na hindi naman ay karamihan ay pabago-bago ng isip nga. yun kasi ang minsang nakaka-inis, lalo sa relasyon. pero nakukuha naman sa mabuting usapan. :)))

    6. Maraming Alam --wala pa akong na-encounter na ganito pero kung meron man, aba pwede na siyang pamalit sa google.

    7. Aligagang Worrier --minsan ganito ako, naiisip ko palagi ang future pero hindi ako babae.

    TumugonBurahin
  24. Maraming alam -agree ako na marami kameng alam,pero yun reading between the lines, fill in the gaps, trying to see what's beyond,at kung ano ano pang kasabihan eh minsan simple lang tlaga ang explanation. Nagiging OA nga paminsan. Pag over analytic, eh....ok lang mag debate, pero may time limit, kse nakakasuya pag paulit-ulit.....that's all.
    At dahel jan, sayo na ang korona. Sayo na amph! Ahhahahahah!

    TumugonBurahin
  25. hindi lang mga babae ang ma-emo, maarte, madaldal; marami din lalaking ganyan. pantay na pagtrato, hindi special treatment ang hinihingi ng kababaihan, kung ayaw magpa-upo sa bus/mrt/lrt eh wag magkunwari. at nde special place ang first coach ng mrt/lrt, una sa lahat di ito pambabae lamang, eto ay para din sa matatanda (kasama na ang lalaking nagkukunwaring matanda) at may kapansanan, pangalawa: itinalaga ito upang protektahan ang .mga kababaihan sa mga kalalakihang bastos at mapagsamantala (may pinaghuhugutan?). ;)

    hahaha...at pinatulan ko daw talaga. *pis po* sana naman ay di ka mag-unfollow dahil dito, hehe. salamat sa pagdalaw at pag-follow sa blog ko, na-follow na din po kita. :)

    TumugonBurahin
  26. Isa kang malalang bias! Ayaw mo lang nang kalaban sa mga boylets! Ahahahaha!

    TumugonBurahin
  27. may pinag hugutan ka tlaga ah. hahshsa

    TumugonBurahin
  28. naaliw ako dito sa post na'to, hakhak...

    napadaan here =)


    go gurl power!!! lels.

    TumugonBurahin
  29. Kung hindi ka babae hindi mo talaga maiintindihan kung bakit ganyan ang mga babae. The same way na hindi rin maiitindihan ng mga babae ang trip ng mga lalaki.

    1. Emo All the Time
    Genetic makeup pa lang ng girls iba na sa lalaki. We have hormones, which pretty much dictate or affect our emotions, so kahit ayaw namin mag-emo, hindi yan naiiwasan. Isipin mo na lang na every month we have a period, which affects our moods. Pag nabuntis, lahat sa amin nagbabago, katawan, moods, emosyon, lahat yan. We are emotional, kasi babae kami. Kung di kami emotional that would us men.

    2. Ke-aarte For Life
    Mas pangit kung hindi kami mag-iinarte at kung anu-ano na lang hitsura namin paglabas naming bahay. Inaayawan ng guys sa babae na ang daming ritwal sa katawan, yet attracted naman sila sa magagandang babae. Ano ba palagay nyo sa magandang babae, instant? It takes effort no.

    3. Daldalerang mga Palaka
    Yes we are madaldal, that's how we deal with things. Pero di naman ito exclusive sa babae, marami akong kilalang guys na madaldal.

    4. Claiming sa Equality
    Tama si Joanne. The world began na hindi naman pantay ang tingin sa babae sa lalaki. Dun nagsimula ang call for equality, kaya nagkaroon ng women's right. Kahit ngayon maraming babae ang naaabuso, without Women's Rights, walang batas na mag-iimpose maipatupad to. I'm not sure about other girls, pero hindi ako nag-eexpect paupuin ng guy sa PUVs. Hindi ko ikamamatay ang tumayo. Pero I can't help but be touched and thankful sa mga lalaking willing pa din magbigay ng upuan para sa babae.

    5. Pabago-bago ng Isip
    Yes we are, at wala na tayong magagawa dyan. Pero hindi ibig sabihin nyan wala kaming capability panindingan ang ilang bagay.

    6. Maraming Alam
    Hindi to exclusive sa girls. Marami ding lalaki na feeling all-knowing.

    7. Aligagang Worrier
    Yes we worry all the time, we tend to look in the future too. Hindi naman siguro masamang we look after ourselves diba. Mabuti na din yun kasi usually happy-go-lucky ang guys, para merong balance.

    --
    My point, hindi pwedeng pareho ang babae sa lalaki. If women begin to think and act like guys, para ke pang naging babae kami. Eh di sana lalaki na lang tayong lahat. It's nature, it gives balance.



    TumugonBurahin
  30. Sayang ngayon ko lang to nabasa! Ang sayang basahin kasi natamaan ako sa ibang points. Haha.

    1) Emo all the time: I guess hindi naman. Agree kay Marjorie G. Abnormal lang yung emo-ness kapag meron.

    2)Ka-aarte for life: Natamaan ako dun sa pinapahaba yung lines. Gawain ko yun e Helloooooooooo! Ganyan. Para mas masaya basahin (at least sakin) kasi hango dun sa totoong tono kung panu mo sya sasabihin. :)

    3)Daldalerang mga palaka: Ganun ang bonding ng mga babae e. Siguro sa lalaki online games na hindi rin naman namin gets. samin naman ang dumaldal.

    4) Claiming equality: NA sakin to. Keribels kung paupuin o hindi. bahala ka.

    5)Pabago-bago isip. Pak na pak! Sobra akong sermonan ng kuya ko sa ganito e. kasi pipila kami sa isang fastfood chain, tas pag nasa counter na, ayoko na pala nun. Hahaha. E sa ayaw ko na nun e.

    6) Maraming alam: Kapareho siguro to nung madaldal, macomment. Siguro nga.

    7) Aligagang worrier: Sabi ng mga anthropologists, wired daw ang babae na ganun dahil nung unang panahon, habang nangangaso mga lalaking gaya nyo, tagabantay naman ng tsikiting ang mga babae kaya ayun, na develop ang kanilang sensitivity and to some extent, pagiging worry wart.

    Anyway ayun nga, nag-enjoy akong basahin tong post na ito. :) More pa kung meron kapang reklamo sa babae. Hehe.

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...