Tunay kang mapalad na nilalang kung napapalibutan ka ng mga personalidad na effortless ang humor sa katawan. Sila 'yung may mga matatabang brain cells na uber witty at never na dull ang moments sa piling nila.
I am lucky to have several friends na tunay na may mga sapak sa ulo at nag-uumapaw ang kakengkoyan.
Tulad ng isang matalik na kaibigan, clueless siya sa angking talento sa storytelling category. Napakahusay niyang magpangiti at magpatawa sa kanyang mga random status updates sa FezVook na tinawag niyang 'Hallmark Moments'.
Pwamiz, lahat ng mga ito ay box office hits at pugad ng mga Likes at Comments.
Wala mang pahintulot sa kanya, nais kong ibahagi ang ilan bilang ebidensya sa kanyang kakayanang pwede ring ituring na kabaliwan.
Ipinakikilala...
Ang mga sumusunod ay ilan sa kanyang mga random posts based on her real life experiences:
Gangster
January 09, 2013
Dahil sa seryoso ako sa pag-iipon this year, isa sa napagtritripan ko ngayun eh ang pag-iipon ng 10-peso coins. Ilalagay ko sa alkansya katulad ng ginagawa ng kapatid ko. Kaya nag-iinit ang mata ko sa mga 10-peso coins lately. Eh nakita ko ang wallet ng Tatay ko, binulatlat ko. At sakto, may isang 10-peso coin dun kaya hiningi ko kay Papa.
JOZA : Papa, akin nalang tong sampu mo ha?
PAPA : Hoy! Hoy! Hoy! Wag mo kunin yan. Wala na ko pera.
JOZA : Damot mo. Nakita ko andami mo pera dun eh. Para sampu lang 'to eh. Basta, akin na 'to.
PAPA : Ay nako! Akin yan! Ibigay mo nga saken yan!
JOZA: Ayoko nga. Akin na 'to! (Sabay hulug nung coin sa garapon ko)
PAPA : (Nagmomochong. May dabog pa!) Buwisit ka talaga! GANGSTER! . . Celia! Celia! Si Joza nga! Nang-GA-GANGSTER! Kinuha yung SINGKWENTA ko!
WOW! Sampu lang naging singkwenta? Tubung-lugaw lang ha. Sinu kaya GANGSTER ngayun? Hahahaha!
***
Model Student
December 29, 2012
Eto mainit-init pa! Pag-labas ko ng kwarto ko, nakita ko ang MAMA ko, tutuk na tutok sa mga resibo ng mga pinamili para sa maliit nameng tindahan. May hawak siyang ballpen at notebook! Nag-ma-manual compute ata ang kabuuang nagastos. Nang walang anu-ano eh biglang sumigaw:
MAMA : May gas (as in, gas talaga sabi nya)! Ang sakit na utak ko!
AKO : Baket ba?
MAMA : Ang hirap ng Mathematics eh!
AKO : Wow eh! Ina-add mo lang naman yung mga total nyang mga resibo wah? Iilan lang yan eh!
MAMA : Eh MODEL STUDENT kaya ako nung elementary!
AKO : O kaya nga! Edi chicken lang dapat sayo yan!
MAMA : Hello! Model Student nga lang ako nun! Yung PINAKA-NEAT at PINAKA-MAGANDA MAG-DALA NANG DAMIT!
AHAHAHA! Wow talaga eh! Model Student pala eh! Sakit sa bangs! Sa inyo na nga lang magulang ko. Hahaha!
Nayari nanaman ako ng Nanay ko nitong luma nyang punchline. Ilang beses nako nadali nyan. Hindi na ko natuto! Hindi kase ko Model Student! Hanobayan! Hahaha.
***
Afghanistan
December 16, 2012
Habang nanunuod kame ni Mama ng Eat Bulaga. Sa parteng Juan For All, sumasayaw si RYZZA ng CHA-CHA! Natawa ko sa itsura nung bata.
JOZA: Hahaha. Pauso talaga 'tong batang 'to! Hahaha.
MAMA: Ay oo naman. Yan nga kasabayan ng AFGHANISTAN eh.
JOZA: Huh? Anong AFGHANISTAN?
MAMA: Yung sinasayaw nyo ni Alvin lagi (pinsan kong 2years old).
JOZA: Ano yun?
MAMA: Yun ngang kinakanta mo tapus tumatalon lang si Alvin.
JOZA: Aaahh! GANGNAM STYLE!
MAMA: Yon! AFGHANI STYLE!
Ahahahay! Juicemio! Laugh Trip nanaman ako! Ang layo ng narating Korea to Afghanistan. Kakalurky!
***
Che-Che
December 14, 2012
Sa Bus Terminal ng Five Star sa Cubao. Inabutan ako ng tawag ng pantog. Pasok ako sa public CR. Wow! Box office. Habadabadoo ang Pilar Pilapil. Medyo badtrip nako at napakatagal nung nasa loob ng cubicle na pinipilahan ko. Nang walang anu-ano, may isang matandang lalake, around late 70s to early 80s ang edad ang bumungad sa may pinto. Pinigil ng maintenance officer ng CR sa kadahilanang pambabae yung pinapasok nya.
Maintenance: Ay Lolo, pambabae po ito. Dun po kayo sa kabila.
Lolo: Hinahanap ko lang apo ko! (Biglang sumigaw) Che-che! Che-che! Nandyan ka pa ba? San ka na? Che-che!
Totoo naman at nasa loob nga pala ang apo ni Lolo, si Che-che na kuntodo porma na parang regular na jejemon teen. Katulad ko, nakapila din.
CHE-CHE: (sa napakataray na tono) Nandito ko! Kitang ang haba ng pila eh! Maghintay nga kayo! Dun ka nga sa labas, 'Lo! (sabay ismid)
LOLO: Putragis, kanina ka pa dyan! Hindi ka pa rin ba NAKAKATAE? Ang tagal naman TAEHAN nyan! Dyaske naman! (sabay walk-out)
Laugh Trip tuloy ako! Hahaha! Binistong TATAE yung apo! Si Che-che kase eh, tinarayan si Lolo! Napala mo tuloy! Hahaha!
***
Capital 'T-H' Sound
October 24, 2012
Kabuskang nakakatawa tong kasakay ko sa van!
Nung nag-abot ng bayad na buong 1K bill, sabi:
"Manong, isa lang yang Won-THaw-Sind huh!"
Pronouncing it with a thick Americant accent and giving exaggerated emphasis on the "TH" of THOUSAND.
Katawa! Alam na alam kase tuloy na taga-call center!
Kabuska kase pioneer akong maituturing ng industriyang to, pero not a single moment na nag-inarte ako sa pag-i-enunciate ng mga salita pag-wala ako sa loob ng opisina. Lalo pag ndi naman taga-call center mga kasama ko. Ang jologs kase ng dating eh! Unless, of course, mukang natural sayo ang pag-i-english. Pero pag-effort na effort, nakakasakit ng ulo!
Banat tuloy nung driver nung suklian sya:
"eto yung CHANGE nung WEN-TEW-SEND"!
Pigil na bungisngis tuloy kameng mga sakay! Hahaha.
***
Matabang Babae
February 24, 2011
May nagmiscall sa akin kanina na unregistered number, tinext ko:
JOY: Sino to?
TEXTTER: Sino ka rin?
J : Si Joza to.
T : Ung matabang babae?
J : Oo, ako nga! Bubugbugin kita kung sino ka man. Sino ka nga?
T : Ako lang naman ang rason bakit nabubuhay ka sa mundo!
Pakshet, Tatay ko pala yun. Hahaha.
***
Patikim lamang ang mga ito at marami pa siyang mga nakatutuwang obra.
I have been encouraging her to make her own blog ngunit wala siyang tiwala sa sarili at hindi raw niya kaya. Nakakalungkot... Hindi ko naman siya kayang tutukan ng baril at piliting sumulat...
Kung alam lang niya na sobrang most awaited ko ang kanyang mga Hallmark Moments...
Sana sa mga tugon na makukuha ng post na ito ay magbago ang ihip ng hangin at tuluyan niyang pasukin ang blogsphere.
Ngayon pang may scarcity ng totoo at may sustansyang manunulat...
Do you agree?
No offense meant Senyor, pero ang bumenta lang sa akin ay ang story about sa Won Taw Sand...hahahaha...others..parang pangkaraniwan na lang kasi eh...Siguro dahil palabasa din ako ng mga jokes hehehehe...at sa dami din kasi ng mga jokes nauumay na rin ako hahahaha...minsan the attempts really fail. hahahahaha....Peace.
TumugonBurahinAt siguro kailangan ko din makita si Joza Aguilera on how she delivers her jokes...baka sa delivery nagkakatalo hehehehe
TumugonBurahinwell siguro nga bias ako kasi sobrang funny siya in person at I really love her humor...
BurahinSalamat sa feedback Daddy Jay...
Welcome! Though I always enjoy your write ups but I'm just being honest hehehe..pero nagustuhan ko naman yong Wen Tew Send hehehehehe....
BurahinBaka kasi pag OFW may gap na sa humor....hihihihi...o hindi kaya age gap daddy? hihihihi ulit...
BurahinHahahahaha..baka nga? hahahaha pero di rin hahahahaha..any age can go with it...hahahahaha
BurahinDito ako natawa sa reply mo hahahahaha..ikaw pala ang candid eh..spot on...hahahahaha
Burahinnatawa naman ako sa age gap hehehe
Burahintunay na pic yan ni joza?
TumugonBurahinYup... ayaw mo ba? lol salamat sa iyong muling pagdaan...
Burahini find her sexy. total truth.
Burahintalaga? uy... sabi ni olvr sasama daw siya sa next bloggers outreach pag sasama ka...
Burahinnaku mukhang matagal pako bago makasama sa ganyan. nasa esophagus ang stress level ser sa work at extension services (nagbibigay din ako ng service na libre sa mga disadvantaged, marginalized, oppressed, abuse at poor). On a regular basis nga lang kasi nasa devtal work ako.
Burahinpass muna ako sa ngayon.. :(((
Oo nga. Born comedian sya. Sana ma encourage mo sya mag blog. Napapatawa ako sa mga sinulat nya. Thanks for sharing:)
TumugonBurahinSalamat Madam Joy...
BurahinMas funny ang mga banat mo.. pero sana marealize nya na soon na unti-unti ng palubog ang FB kaya balang-araw lahat may kanya-kanya ng blogs ;)
TumugonBurahinbias ka sa akin madam...lol....lurve yo...
Burahinkewl! to know na mga tunay na pangyayari itong mga pinopost nya sa epbi..
TumugonBurahinkung ako andun sa van,lauhtrip din ako...pahiya sya kay manong driver :D
TumugonBurahinGusto ko yung 1000 bill, and yung with tatay moment nya... :) Yung iba, steady lang! Pero tingin ko may potensyal syang maging super blogger. :))
TumugonBurahinAt mas nakakatuwa siguro kung makikita namin kung pano sya mag bitaw ng lines!:)) Depende naman kasi yan sa delivery diba.
hhhmmmnnnn... sige i'll have her meet you...kausapin mo
Burahinbenta yung che-che! hahahaha. nagkapress conference tuloy sa cr naeerbak siya. shettttt. maiimagine ko pagpasok niya sa cubicle aabangan ng mga tao sa labas ang tunog ng bagsak ng jebs sa tubig. benta!
TumugonBurahinibigay na natin kay che-che. mainit ulo niya natatae kasi.
Dami kong tawa dun sa Gangster haha. Sampu naging Singkwenta lolols :D
TumugonBurahinNatawa ako sa Afghanistan. At ang cool ng nanay at tatay ni Joza. :)
TumugonBurahinpara akong nanonood ng isang mahusay na stand-up comedian sa mga atake niya.. hehehe
TumugonBurahinNatawa naman ako sa mga banat ni Joza! O May Gas! Tama yan be happy!
TumugonBurahinnakakatuwa naman ang tatay at nanay nya...laughtrip siguro sa kanila araw araw...
TumugonBurahinahahahahaha... aliw mutts....
TumugonBurahinmukhang juicy ang utak ni ateng Joza....
sobrang dami kong tawa dun sa kowhl-senner-eygehnt sa fx...
mga 4,623 lahat ....
ipush na yan si ate na mag-blog... para laging may happy pill sa blogsphere!!!
:)
Dalhin na siya dito sa mundo ng blogosphere :)
TumugonBurahinAyos wala na palang captcha, malabo ang mata sa mga ganun :(
Burahinayaw kasi ni kamahalang arvin ang captcha...
Burahinpanalo ang moments.. tutukan mo na ng baril ng pasukin na itong blogosperyo :)
TumugonBurahingagawin ko yan...hahaha
Burahinfunny rin sya parang si Baronesa nyahaha..
TumugonBurahinnatawa sa usapan nila ng magulang nya..alam na kung kanino ngmana ng wit!
TumugonBurahinParang kilala ko kung sino yan hehehe
TumugonBurahintanginang laughtrip! + wan taw sand sa post na to sa google. LOL! hahaha
TumugonBurahinahaha laughtrip ang bahay mo naun parekoy ahh
TumugonBurahinayun agree ako na pinaka masarap makasama ang taong may sense of humor
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinwalang humpay ang tawa ko dito.. pag na-collect ng lahat to, pwde na gawing book of jokes! hehehe.... ang saya siguro nya kasama. napaka-observant nya and bongga ang memory retention nya... hihihi..Winner!
TumugonBurahinhahahaha... i so wanna meet this b*tch!! aliw factor sya ha!
TumugonBurahinhehehe naaliw din ako sa iba.... halata ko nga na very funny siya in person saka mukhang ok na kasama...
TumugonBurahinsana madala mo siya sa blog.....
Thanks sa pag share ..... hugs ^^
Si ateng talaga yun nasa pikpak? Kaaliw ang parents nya, kaya siguro siya funny kasi it runs in the blood.. The best yun sa one thousand, kakatawa na minsan kakainis din kasi talaga yung mga maka-inarte e wagas lalong lalo na kung hindi naman kagandahan... echos!
TumugonBurahinhappy! iniisip ko pano nya dinedeliver tong mga linyang to.. ansaket siguro sa panga
TumugonBurahinang kulit nya magkwento! hehehe..
TumugonBurahinI-friend ko na lang si Joza para mabasa ko yung mga status nya tingin ko riot yun!
TumugonBurahinHoy buwisit ka TL Xtian, ahahaha, pati yung sa matabang babae nahalughog mo pa? Luka ka, exclusively for personal friends lang sana yan! Shinashare ko lang mga nanonotice ko nang pampatanggal stress specially dun sa mga nakakakilala nang personal sa Mama at Papa ko! Ahahaha! Yoko talaga nang blog! Sensya na, pero thank you nang madami sa pagappreciate mo at sa mga tips sa job interview! Ehehehe!
TumugonBurahinMore please Senyor! *hahahahahahahahaha* sakit ng tiyan ko dito!
TumugonBurahin