Maitawid Lang

Hey, matagal akong nawala, napansin mo ba?

I'm not surprised.

No, I didn't quit. 

Hindi dahil tinatamad lang.

Hindi rin dahil sabaw.

Maraming pwedeng inspirasyon.

Maraming pwedeng panghugutan ng emosyon.

Maraming pwedeng i-kuwento.

Maraming balita, isyu, updates. Juicy updates.

May nawala. May bumalik. May iniwan. May kinalimutan!

Walang madalas na blogposts hindi dahil busy.


Ah basta, malalaman at malalaman mo rin.


#MayPinagdadaanan

BITTER ka ba?

Hindi ako bitter. Hindi ka bitter. Walang taong bitter.
1st Sypmtom ng Pagka-bitter: In Denial!


Kaipokritahan ang claiming na hindi naging bitter kailanman. 
Paano ba masasabing nagmamapait ang isang tao? If you have someone you consider as 'The one who got away...' or if there are times na hypophreniac ka- confeermeed! Bitter ka!

Here are some signs to help you conclude kung love mo ang Ampalaya Bitter Herbs...

1. Laging hindi mo bet ang nagiging jowa ng friend mo dahil ang totoo, may HD ka kay friend!

2. You claim na hindi mo na iniisip si EX pero after the breakup, gumulo ang mundo mo dahil siya lang ang huling taong kumumpleto sa'yo. 

3. Nami-miss mo siya. Lagi siyang nasa isip mo. May mga kanta at lugar na nagpapaalala nung kayo pa. Eh 10 years na kayong wala.

4.  Ang tagal mo nang single. Sabi mo you just love yourself more and you don't want to settle for less pero ang totoo, mahal mo pa kasi.

5. Lagi kang taken. Iba-iba ang partner pero hndi tumatagal. Hindi ka nababakante. .Yung totoo? Ilang panakip butas ang kailangan mo? 

6. May nararamdaman kang hindi maipalawanag sa tuwing makikita mo mga posts niya sa news feed mo. 

7. Hindi ka masaya 'pag masaya siya pero masaya ka 'pag emo siya. Demonyo ka ba?

8. Kabisado mo pa rin theme song niyo at nagbabalik ang lahat nung kayo pa sa tuwing kinakanta mo 'to.

9.  Inabot ng taon ang pagmumukmok mo habang hindi naman inabot ng 40 days ang relasyon niyo.

10. Post ka ng post sa FB ng mga dates mo. Umaasang sana makita ni EX para isipin niyang you've totally moved on. Kahit sa sarili mo, alam mong hindi pa. #Kawawa

Kung may maidadagdag ka pa, please feel free add na lang. 

I need to move on! 

Iskwater Lang


'Pag tahimik, galit na agad?
Hindi ba pwedeng wala lang masabi?

'Pag tumitig, in love na agad?
Hindi ba pwedeng tulala at may iniisip lang?

'Pag nag-extra rice, matakaw na agad?
Hindi ba pwedeng rice person lang?

'Pag nangutang, gipit na agad?
Hindi ba pwedeng sinusubok lang ang friendship?

'Pag inaantok, puyat na agad?
Hindi ba pwedeng bored lang?

'Pag mali ang sagot, bobo na agad?
Hindi ba pwedeng slow lang?

'Pag sumigaw, galit na agad?
Hindi ba pwedeng nagvo-vocalize lang?

'Pag naluha, malungkot na agad?
Hindi ba pwedeng napuwing lang?

'Pag nanghingi ng food, patay gutom na agad?
Hindi ba pwedeng naglalambing lang?

'Pag nanlibre, mayaman na agad?
Hindi ba pwedeng paandar lang?

'Pag na-miss si Ex, mahal na agad?
Hindi ba pwedeng bitter lang?

'Pag pumayat, may sakit na agad?
Hindi ba pwedeng naghihirap lang?

'Pag nag-starbucks, sosyal na agad?
Hindi ba pwedeng gusto lang ng planner?

'Pag umabsent sa trabaho, magre-resign na agad?
Hindi ba pwedeng nag-apply lang?

'Pag hindi binati, snob na agad?
Hindi ba pwedeng hindi ka lang talaga pansinin?

'Pag nag-casino, sugarol na agad?
Hindi ba pwedeng tumambay lang?

'Pag nilalandi, crush na agad?
Hindi ba pwedeng wala lang option?

'Pag blogger, writer na agad?
Hindi ba pwedeng nakikiuso lang?

'Pag nagmura, masamang tao na agad?
Hindi ba pwedeng galit na Iskwater lang?

Taenang 'yan!

WHAT'S YOUR NUMBER?


How many have you tried among the following items?

1. Shoplifting in any department stores, groceries, supermarkets or alike within the last five years
2. Engaging in an outdoor sexual encounter with a total stranger
3. Answering a random but critical call of nature in the middle of nowhere without any sanitary back ups
4. Attending special occasions or important activities not wearing any undies
5. Sticking your booger underneath a table or workstation
6. Repeatedly wearing same underwear for at least three consecutive days
7. Sniffing your own upper, lower, midwest or midsouth body odor
8. Fulfilling sexual fantasies alone in public places like office building's fire exit, friend's house or food chain's washroom
9. Swallowing your own puke
10. Intentionally not paying fare when taking FX or any PUV's
11. Checking your own underboobs to see wether it's wet or dry (or powdery)
12. Giving sexually provocative look to a prospect prior to official introduction
13. Singing aloud in a group of people with wrong lyrics
14. Washing dishes using recycled H2O
15. Sleeping on a stinky bed
16. Refilling containers of branded products with less expensive or local version of the item
17. Taking home free toiletries from a hotel
18. Having forced diet due to financial shortage
19. Growing your hair and claiming that you want to set a trend where in fact you just can't afford a decent haircut
20. Not seeing any flick on a movie house for the last six months
21. Doing window shopping more than twice a week
22. Staying for hours in a well-known coffee shop without ordering but has been freely accessing wi-fi or just playing gadget games
23. Smoking Mark, Champion, Fortune or any less than 1 peso per stick brands of cigarettes
24. Using a so-called "jumper" or a "splitter" to save electric and cable bills respectively
25. Purposely not returning excessive change from a purchased product
26. Making friends to acquire status symbol or financial benefits
27. Not experiencing AirConditioning and electric fan is the only source of ventilation in the household
28. Graduating from a high school which was named after the place where you live, known Philippine Heroes or former Presidents (examples: Tabing Dagat National High School, Mataas na Paaralan ng Sapang Bato, Jose Pidal Science High School and FPJ Experimental High School)
29. Pigging out on a party of a not-so-closed friend with a secretly kept and packed foods to bring home
30. Writing down personal contact numbers on places like mall comfort rooms and on the backseats of public buses to search for possible phonepals, textmates, dates and hook ups.


WHAT'S YOUR NUMBER?  No judgment.

Tanga Wala. Walang Tanga.



Kung sinasabi mong sinabi ko at sinasabi mong may nasasabi ako, ano 'yang pinagsasabi mo?

Kung inaakala mong aakalain ko ang inaakala mo, akala mo lang 'yun!

Kung nagwawala ka dahil walang-wala ka, walang mawawala kung mawawala ka.

Kung iniisip mong iniisip ko dahil naisip mo ang naiisip ko, mag-isip-isip ka na.

Kung gawain mo ang gumawa ng mga gawa-gawa dahil wala kang magawa, ano 'yang ginagawa mo?

Kung pinag-uusapan niyo ang mga  pag-uusap ng mga nag-uusap, pakiusap, pag-usapan niyo 'yan!

Kung alam mo lang na alam ko ang nalalaman mo dahil alam mo ang nalalaman ko, ayoko nang alamin!

Ngayon, 'pag sinabi ko sa sa tropa mong "Tanga ka!, sino sa tingin mo ang sinasabihan kong tanga?

Ikaw ba?

SAY NO TO DRUGS... and LOOM BANDS!

Dahil nasa mood akong mambasag ng trip ng iba, hear me out here!



Let's talk about LOOM BANDS. Trip mo ba ang all of a sudden popularity ng mga kininam na mulit-colored lastiko? 

'Di ko gets! Why oh why? Obsession to the highest level!

Walang benefits. Pang-jejemon. Waste of time and money. KALOKOHAN!
Mas maiintindihan ko kung mga kids lang ang hayuk. May mga bilat pang pauso at sinasama sa jeje fashion statement nila. And look around, all ages na biktima ng pakana ng mga kapitalistang panginoon ng komersyalismo. Katarantaduhang kontrabando ang hinayupak na pausong rainbow looms! Yikes!

Wait, eh kung makachamba ng made in China tapos may lason pala? Jackpot! 


If I know, majority ng mga humaling na humaling eh nakikiuso lang naman. Dahil trending at para maging 'in', go lang ng go. Push n'yo 'yan mga teh! Kunsabagay, it's better than doing drugs. 
Shucks! Thant's the only benefit. BETTER THAN DOING DRUGS! Pero sa gastos at level ng addictive factor, it's a tie!

Kinginameij, uso kasi!!!

Wala namang masamang sumabay sa uso pero this one, Shit lang!

#HaterAngPeg

PASA LOAD

Hindi ka kumibo nang sabihin kong baka ito na ang huli nating pagkikita. Ilang segundong tingin lang ang tugon mo. Hindi ko alam kung okay lang sa'yo o hindi ka lang naniniwala. Baka nasanay ka na sa walang katapusan kong drama. 

'Yun na ang huli nating pagkikita at pag-uusap.

Habang isa-isa kong binubura ang mga text messages mo, isa-isa ring nanunumbalik ang mga ngiti at kilig. Pampalubag-loob ang panandalian at pansamantalang saya. Hindi man naging happy ending, okay na rin 'yung minsan kong inakalang totoo ang ever after. 

Hanggang ngayon ay hindi ako sigurado kung isang malaking joke ang namagitan sa atin. Kung anu't anuman, ayaw ko na ring malaman. Nakakatakot lang at baka hindi pabor sa akin ang katotohanan. 

Kaninang umaga pagkagising, isang missed call mula sa'yo. Dinelete ko ang mga texts messages at contact mo sa phonebook ko pero kabisado ko pa pala mga numero mo. Uy, naalala mo 'ko.

Isang malaking tanong ang pagpaparamdam mo. Na-miss mo ba 'ko o paubos na ang load mo?  

Imaginary Lovelife

Summer na summer na pero 'eto ako at nanlalamig! #EmoMuch


Despite the fact that I'm uber busy left and right, nakaisip na naman ako ng kakaibang trip. It might sound pathetic pero ok lang.

Effective April 24, I'm taken! Courtesy of my imaginary lover. Oh my... I'm so0 kinikilig! Eeeeehhhhh!!!

We will be celebrating our 1st Monthsary on May 24. Grabe, 'di ako makaisip ng da best na ganap sa araw na yan! Shall we go out of town? Staycation? Ano kaya?

Any suggestments?


So far, smooth sailing naman ang lahat sa amin. Walang masyadong away. Tampuhan lang kasi wala raw akong time sa kanya. Medyo may pagka-demanding sa time and communication. I'm not complaining. I find it sweet kaya...

Sana magtagal kami. I look forward to share everything about us. #PatheticMuch

I'd Rather Leave While I'm In Love

Alam mo 'yung feeling na nilaglag ka sa ere? Sakit sa bangs diba?
Kaka-ouch!

Kaya ngayon, wala kang clue kung paano babangon. Nakakawindang much!

Sayang ang investment. Emotionally, physically, mentally and financially. Tsk

This too shall pass? Maybe. After I endure the heartache...

Help me if you can, I'm feeling down and I do appreciate you being 'round.

Help me get my feet back on the ground. Won't you, please, please help me?

Napakanta na lang tuloy.

When Iskwater Meets Jid Albin of KLDKRN

Wzzup madlang people?

Hindi kailangan ng mahabang pagpapakilala sa bisita nating blogger ngayong month of March. Since hindi naman siya masalita at feeling ko ay deep na person, pangatawanan na lang ang misteryo ng kanyang pagkatao. Seriously, sabaw kasi me lately kaya walang chance makapag-isip ng maayos na introduction. Basta, may face value siya, 'yun lang!

Eniweis, heto at kilalanin natin siya?


Full Name: Jed Alvin Bagtas Guinto
Age: 24
Sex: Male
Location: Binan Laguna
Civil Status: Single
Twitter Account: @jidalbin

---o0o---

Kumusta ka naman? 
Ok pa naman ako. Nakaka-cope up na ako ngayon sa bago kong work at nag-start na akong ayusin ang buhay ko bago pa man dumating ang quarter life. Kaya lang, less gala dahil may iba akong priorities this year. =)

Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed? 
Parang ayokong tanggapin. Hahaha. Low profile lang naman talaga ako at hindi ako open sa interviews para halungkatin ang buhay ko. Hindi naman din ako pala-share kahit sa totoong buhay.  You can attest to that.       
Why KLDKRN? 
Dahil gusto kong maging Jack of All Trades - - - layo ng sagot. hahaha. Ang KLDKRN ay hindi lamang isang travel blog, kung di para maibahagi ko rin ang mga bagay na gusto kong gawin sa buhay – ang makaladkad ng tadhana at ng mga taong nakapalibot sakin.  Tinanggal ko ang vowels dahil masyado nang mahaba 'pag buo 'yung word na ilalagay na watermark sa pictures.   

Ang Puti at Ang Sariwa! (...ng hangin at buhangin)

When did you start blogging? 
High school days, but it is private and konti lang nakakaalam nun. It started lang as journal, then suddenly, I opened it to the public. Haha 

Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging? 
Emotions. Ako iyong tipong nakakapagsulat lang pag malungkot o may dinadalang saloobin.  'Pag masaya ako o happy thoughts, nahihirapan na ako magsulat at nawawalan na akong ng bagay na pwedeng paghugutan.  

Pero hindi naman talaga ako manunulat. Gusto ko lang magbahagi ng mga larawan ng lugar na aking napupuntahan.  

Kung makaliyad, wagas!

Ano ang iyong most favorite post so far? Why?  
More than Just A Blind Spot.  Personal post. May kahulugan para sa akin kung baga. 

What are the challenges bilang isang bagitong blogger? 
To create a pool of interested readers and to be at par with the existing list of bloggers. Pero it will take time for me to achieve it and I am not in a hurry. =) 

What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba. 
One direction. Haha. Balang araw! 'Pag naikot ko na ang buong Pilipinas at mundo, madami na akong napatunguhan noon. 

Kidding aside, blogging serves as my outlet and personal reflection, this was made not for the reader’s benefit.  Given that it was already made public, a part of me was already imparted and it should have started my responsibility to provide them informative posts and entries.      

Wow. Japorms.

Who are your Top 3 favorite bloggers? Why?
Pinoyadventurista First time kong napuntahan ung site nia and it is very detailed and one-stop-site kumbaga. One of the influences I had to travel all the cities and provinces in the Philippines.
    
LibreLangMangarap Ok naman 'tong site na 'to, pero may limitations lang.  Life starts when you stop dreaming.  Dreaming will provide the foundation, but it is your action that will furnish reality.

DavidGuison Di naman ako stylish and not lavish when it comes to fashion, pero matagal ko na siang sinusubaybayan para sa mga latest trend and fad.  

Di naman ako net addict talaga, but there are other bloggers I admire and follow.  =)

Hindi Siya Mahilig sa Selfie

Ano ang iyong pinaka-unforgetable experience as a blogger? 
Everything.  May instance lang na instead na ma-enjoy mo ung lugar, parang iniisip ko na dapat maganda ang mga shots ko, dapat ma-aalala ko 'yung details (such as time, name of the contact, etc.).  

Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano? 
Gusto ko ulitin lahat sa umpisa.  Mas gusto kong maging detailed ang bawat post ko na hindi na nila kakailanganing magsearch pa ng ibang sites for info <selfish lang> hahaha. Pero pag-iisipan ko pa kung gagawin ko nalang siyang photo blog instead of a travel blog.  

Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry? 
Proofread.  Preview the draft.  Adjust placement of pictures.   

For you, paano mo masasabi na ang isang post ay worth reading? 
Relatable.  Mas madaling ma-catch ang attention ng readers if they can relate to the article.  But in my case, it is mostly personal, I write not for others, but rather to myself - - - kaya feeling ko, others would not understand. 

Ano meron?

Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo. 
Yup. Tamad akong magbasa ng article if ung topic eh hindi ako ganoon ka-interested.  Will just read a few lines, and if it catches my attention, then I'll read it 'till the end, if not, I'll stop and go the next one.  

Ano'ng comment and hindi mo malilimutan? 
Coming from an OFW. For someone who works outside the country, nakaka-motivate magsulat para sa kanila.  Nalibot na nila ang mundo pero wala silang time para malibot ang Pilipinas. - - - Hindi ko naman sinagot iyong tanong, haha.  

Sino ang pinaka-favorite mong commentator? 
Wala haha. <sorry na, walang mapulot na matino sakin> haha. 

What do you hate most about blogging? 
Time consuming. LOL. My site is supposed to be a photography blog pero hindi ko magawang i-post 'yung mga pictures ng walang write-ups. 

Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging? What will make you quit blogging? 
As long as there is a story to tell and a place to uncover, then I cannot find any reason to quit blogging. 

Pakisara naman ang pinto!

How do you want to be remembered as a blogger? 
'Pag napadaan kayo sa site ko - - - gusto ko lang naman makita ng mga tao ang mga bagay na maaari rin nilang makita kung bubuksan lang nila ang kanilang mga mata. 'Pag nauunawaan niyo itong mensahe ko, mapa-literal man o hindi, dun ko mapapatunayan na nakapag-iwan pala ako ng marka sa inyo kahit papano. 

Ano ang iyong mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin? 
Salamat sa patuloy na pagtangkilik.  Paumanhin kung hindi ko malapatan ng oras para ma-update ang mga posts pero binibigyan ko kayo ng kasiguraduhan na sana balang araw ay mainpluwensyahan ko kayong malibot din ang 'Pinas. Sa mga prospective readers, sana madaanan ninyo muna ang page ko. haha

Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater? 
Unang pumapasok sa isip ko pag narinig ko ang iskwater ay mga pamilyang nakatira sa malapit ng riles ng tren. 

Pagod much? Gala kasi ng gala! Hmnf!

Iskwater ka ba? Bakit? Why not?
Kung ihahalintulad ko ito sa buhay ko, masasabi kong iskwater din naman ako.  Hindi man ako nakatira sa tabi ng riles ng tren, pero ito ay ikukumpara ko sa pamumuhay bilang isang kaladkarin. Hindi mo namamalayan na sa dami na ng iyong pinagdaanan, ay kung saan-saan ka na pala nabigyan ng tahanan. Iba-iba ang karanasan, pero sa bawat lugar ay may naiiwang alaala na bibitbitin para sa paninibagong paglalakbay.        

Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!)
Kapamilya o Kapuso? Kapamilya 
Jollibee o McDo? Jollibee
Boxers or Brief? Brief
Lights On o Lights Off? Lights Off 
Nora o Vilma? Vilma
Kiray or Mahal? Mahal
Hinaharap o Behind? Behind
Magandang Tanga o Matalinong Ugly? Matalinong Ugly 
Younger or Older? Older
Payat o Mataba? Mataba
Smoke or Drink? Drink
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex?  Kiss w/o sex
Mabilisan or Take your Time? Mabilisan
To Eat or To Be Eaten? To Be Eaten
Madam Auring o Aling Dionisia? Aling Dionisia
Maikli o Mahaba? Mahaba

---o0o---
Tapos na. Salamat at naitawid ko ang buwan ng Marso! Hanggang sa muli!

Feeling close with Otep and Jid!

Please take time to check and follow Jid's blog. Amazing!
Click the link below. Now na!

>>>>>KLDKRN<<<<<


MY NON-NEGOTIABLE DEATH WISHES

Since it's my birth month this March, let's talk about death! I am well within my right to be morbid since turning 28 is really a perfect wake up call for me. Perfect time to reflect on many things at magpasalamat dahil alive and kicking pa rin. Kung hanggang kailan, hindi tayo sure kaya naman... Tara! Samahan niyo ako sa paghimay ng aking Death Wishes. 


1. Attendance is a must.
Ang lahat ay invited sa aking upcoming viewing service. Kung may asim ka man sa 'kin, please move on na dahil wala ka ng chance for revenge. Pwedeng umiyak. Kung tears of joy man o sincerely sad ka, ikaw na bahala. Basta dapat ang lahat makapunta. Latecomers may pay a visit sa aking puntod pero hindi na ganun ka-exciting plus I can't promise kung may free coffee and food pa rin. Ay wait, 'yung mga Ex ko, 'wag na kayong pumunta. Ako na dadalaw sa inyo! 

2. Dress Code
Walang dress code. Ano 'to? Lamay nga diba? Hindi sports fest. You can wear any color basta 'wag RED baka kasi ikagalit ng mga old fashioned relatives ko. Kung ka-close kita, wear blue! Why? Wala lang. May reason ba tayo sa favorite color natin? For that, bet ko rin to wear blue while lying. 


3. The Coffin
Gusto ko black. Simple pero elegante at regal. Ayaw ko ng Metal dahil mas mahal. Wood na lang. Dapat maraming white flowers. 'Pag may nagbigay ng ibang color, sa labas lang pwedeng i-display. 
4. Conversation Topic
Iwasan ang usapan tungkol sa cause of death. It will be posted sa gilid ng coffin para sa kaalaman ng lahat. May Audio Visiual Presentation to be played ng paulit-ulit. Nakakapagod din kasi for my family ang pagsagot sa pare-parehong mga tanong. 'Wag masyadong makipag-usap sa mga family members para masabing may conversation lang. Okay na 'yung simpleng condolence. Intiendes?

5. Food
You may bring food for sharing. Alam mo naman, gipit ang ilang mga friends kaya malaking bagay ang may maibahagi ka lalo na kung nakakaluwag-luwag ka naman sa buhay. Sa coffee, prefer ko ang Kopiko Brown. Mura na, masarap pa. 'Wag sobrahan ang water para hindi tumabang. 1 pack per visitor lang.  
'Pag hungry, don't hesitate to ask. For sure may libreng pakain. Nakapagtabi na ako ng budget for that.

6. Music
Gusto ko 'yung instrumental lang. 'Yung pang-spa. Para calming. Bagay sa blue outfit ko. Please lang, 'walang magpapatugtog ng 'Handog' at 'Hindi Kita Malilimutan'. So gasgas na! Kung may chance, sana mapatugtog ang 'Wrecking Ball' ni Miley Cyrus.

7. Wake Duration
Dapat 2 weeks ang lamay. Mas mahaba, more chances na malaman ng mas maraming friends. Medyo madugo lang sa gastusin pero keri lang 'yan. Marami naman akong generous OFW relatives and friends. They will help or else...

8. Big Night
Sa last night ng wake, mas ideal kung kabog at party party ang mood. May buffet para food trip ang lahat. May videoke pero walang swapangan. May parlor games, may pa-raffle at may pa-give away! Sure fun sa lahat ng aatak. Grabe, excited na 'ko!

9. Funeral Day
'Eto ang dapat na most dramatic part ng major event na ito. Dapat tahimik lang ang lahat. Walang iyak na pasigaw unless immediate kin. White lang ang lahat ng flowers. Walang maglalakad dahil nakakapagod 'yun! May service.


10. The Commemoration
Enuf na with too much prayers. Skip na ang pasiyam at pa-40 days. I have done my part here on Earth so I'll definitely get what I deserve. Kung Heaven man o hindi, okay lang. I just wish to be remembered as someone who doesn't care to be remembered. Hindi ko na problema kung may makaka-miss o wala. Maghahabilin na lamang ako sa aking kapatid na gumawa ng FB page for me at sana ay makaabot ng 1000 Likes. 



I just hope madagdagan pa ang listahan. At least, may reference na ang family ko sa important moment na ito. Generally, ang theme ay FUN FUN FUN! Maiba lang.

Kung hindi man masunod, hindi ko na problema. Kunsensya na lang.

Ikaw? May Death Wishes ka ba?

KAPE KA BA?



Minsan sobrang hot, hindi ko ma-take.
Minsan sobrang cold, walang dating.
Minsan sobrang strong, nakakanerbiyos, nakakagising.
Minsan sobrang sweet, nakakaumay.
Minsan sobrang creamy, boring, nakakaantok.
Minsan sobrang short, nakakabitin.
Minsan sobrang inconsistent, sa una lang masarap.
Minsan sobrang sakto, swabe at sarap mag-round 2.
Minsan sobrang expensive, worth it at masarap ulit-ulitin.

Kape ka nga...

Sobrang unpredicatble, mahirap timplahin.

OLD QUESTIONS

(Mga Tanong ng mga Tumatanda)

Alin ang tama o mali kung iba ang iniisip at iba ang gawi?

Kanino manghihiram ng tapang kung sa panaghoy ay walang magpapatahan?

Bakit mo aalisin ang pag-asa kung ito lang natitirang kapitan?

Ano ang saysay ng katarungan kung puri ay labis na nadungisan?

Paano mo yayakapin ang dangal kung ultimo respeto sa sarili ay nababayaran?

Kailan mahalaga ang reputasyon kung mas laging nangingibabaw ang gutom?

Saan lulugar ang pagkapit sa relihiyon kung nasa pera ang taimtim na pananampalataya?

Sino ang salamin ng huwarang pagkatao kung sa sariling anino, ikaw ay multo?

Wala lang... Random thoughts!
Any further questions?

Usaping Puso with Glentot ng Wickedmouth


Parating na ang sumpa ng Friday the 14th.

Habang sabik at hayuk ang mga magkakatipan sa tawag ng laman, ang mga single ay itinuturing na araw ng kadiliman ang Valentine's Day. It's just a reminder kung gaano ka-miserable ang buhay without someone to cuddle and to make papampam with.

Bitterness aside, kalokohan ang pagdiriwang ng araw ni Kupido. Hindi praktikal. Dagdag gastos lang.

Hindi pa convicted si Napoles, hindi pa nakakabangon ang mga Yolanda victims, talamak pa rin ang rice smuggling at senador pa rin si Nancy Binay at Bong Revilla - let's skip the Valentine's Day this year. Bet? Mas pagtuunan natin ang pagdating ng holy week kung saan ay dapat tayong magnilay-nilay at iwaksi ang mga masasamang gawi. Amen?

Upang 'wag masyadong magmapait ngayong Heart's Day, maghanap tayo ng makabuluhang gawaing mapagbabalingan ng atensyon. Hanap tayo ng bagay na pwedeng pagtawanan. Believe me, mas masarap ang tumawa kaysa magmahal. Especially kung wala ka namang choice.

Kaya naman, best decision ang magkaroon ng panayam sa isang famous humor blogger slash book author slash Lover Boy. Sino pa ba? Oh yes. It's the very wholesome Glentot of Wickedmouth's Unang Putok!

My Photo

Let's try to find out  his different views on love. Tara!

Namnamin ang sustansya ng kanyang mga banat about this effing thing called love!


- o 0 o -

Kumusta ang lagay ng puso?
May murmur!

In love ka ba?
Not at this very moment. Maya-maya pa konti. Jk. Minsan kasi hindi ko na ma-distinguish kung kelan ako in-love, may crush, o sadyang libog lang.

Paano ka ma-in love?
Pa-deep. Ma-effort. Magko-collect ako ng love songs at ibu-burn sa CD. Oo burn talaga. Gagawa ako ng poems. Iko-collect ko tapos isusulat ko sa isang book, by hand, kasama yung CD. Dapat i-play niya yung CD habang binabasa yung poems, kasi synchronized yun. Pag hindi sakto ang pag-play ng music sa tula, wala na. Everything is ruined.

Do you believe in love at first sight?
Oo hahaha! Pero mas naniniwala ako sa Love at first view… ng profile.


Describe your worst heartache.
Tangina nung hindi nagsabay ang pag-play nya ng music sa pagbasa ng poem! LOLjk. There’s this one time noong college hahaha shit I don’t wanna go there OK there’s another time noong college Panagbenga yun basta nauwi lang sa necking ang lahat so panalo pa rin.

Worst thing you did for love.
Yung legal, nag-iinom ako noon. As if ikakagwapo ko ang pag-inom at magmumukha akong attractive, eh hindi naman sya ang nalalasing. Sa mga illegal things I did for love naman, one time during college ninakaw ko sa registrar yung schedule of classes ng crush ko. Don’t ask me how but I did it LOL.

Bitter ka ba ngayong single ka? Explain.
No. At some point the bitterness just fades away hanggang sa masanay ka na lang and you realize you don’t need anyone to deplete your bodily fluids, energy and finances. Itutulog ko na lang, na-freshen up pa ako. Hindi naman karamdaman ang pagiging single. Minsan nga, mas bitter ka pa kapag may syota ka na.


Rank the following according to importance. 
Love, Food, Shelter and Clothing. Explain your answer.
If you have Love, why the hell would you need Clothing??? You definitely need a Shelter, I’m not a fan of public displays of affection. Who needs Food when you can eat each other? So Love, Shelter, Food, Clothing, then Self-Actualization.

Do you see yourself falling in love this year?
Yes, panahon na. Maghihintay pa ba ako kung kelan di na ako fresh.

Since single ka, para kanino ka bumabangon? o bakit bumangon ka pa?
Actually bago pa ako magising, may bumabangon na sa akin. *blush* *mahalay*

Sa tingin mo, okay lang bang maging friends ang ex-lovers?
Oo, actually it’s a VERY good idea to be friends with your ex. Sa buong mundo, sino lang ang nakasipat sa singit mo? Yung natitigan nya talaga bawat guhit, bawat kulimlim? Diba yung ex mo? Kung hindi kayo friends, you’re creating a risk na ipagsabi nya sa iba ang mga lihim mo sa katawan. Exes become enemies so easily, so better avoid that.

What's the best message sa mga EX?
I’m happy for you. Like genuinely happy for you, and wish you the second best in life (I wish the best in life for myself).


What's your message sa mga pinagnasaan mo na hindi mo nakamit?
OK wala talaga ito sa set ng questions mo idinagdag ko lang. Para sa mga naging subject ng matindi kong pagnanasa simula pa noon: marami na akong nakilala, marami na ang nangyari sa akin, malaki na ang ipinagbago ko, pero yung nararamdaman ko sa iyo ganun pa rin: sayo na pepe mo damot!!!

Paano dapat i-celebrate ng mga single ang Valentine's Day?
With good, single friends. It doesn’t need to be a serious, bitter affair. Pwede kayong 1) Manlait ng mga magjojowang nagdidate sa food court 2) Pagpustahan ang kahihinatnan ng mga relasyon ng mga kaibigan nyong magjowa 3) Sabayang mag-stalk ng exes online using a single wi-fi connection (so dapat magkakatabi kayo) 4) Hold a contest for “Ugliest Ex”, mananalo ang kung sino man sa inyo ang makakapag-present ng pic ng ex na pinakapanget/pinakadugyot-looking/pinakalosyang

Paano malalampasan ang strong sexual urge kung single (maliban sa sariling sikap)?
There’s no escaping a strong sexual urge.

Any message sa mga masasayang nagmamahalan ngayong Valentine's?
It’s good while it lasts. So just enjoy it. Anything could happen. Yung feelings mo ngayon pwedeng wala na bukas, and same goes for your partner. Commit yourself if you think it’s right. Detach when you think it’s not worth it.

Ang pagiging single ba ay sumpa o karma? Choosy ka o sila?
I think ang pagiging single ay choice. Naniniwala ako na kahit gano ka kasama o kapangit o kadugyot, meron at merong magkakagusto sa iyo. Kung pipiliin mong patulan yung tangang yun, hindi ka na single. Pero pinili mong mamatay na lang mag-isa diba? Choice mo yan. Single ka, kasalanan mo yan. Maarte ka eh. So oo choosy ka kaya ka single. And good for you! Hindi naman dapat patulan agad pag may nagkagusto sa iyo. Sinabihan ka lang na crush ka, papamigay mo (na naman) ang puday. Don’t. Manatili ka na lang na single at least safe ang puday mo sa mga mapangsamantala.


Totoo bang love is blind?
May times na may gusto ka sa isang tao na nagtataglay ng mga katangiang ayaw na isinumpa mo. For example galit ka sa cholesterol, pero yung gf mo, naglalakad na lard. O kaya sabi mo sa sarili mo Never akong papatol sa maitim, YUCK pero tangina yung boyfriend mo, ipinaglihi sa dilim, at love na love mo ang pinakamaiitim na parte ng katawan nya. You hate balbon, pero gigil na gigil ka sa karugs. Love sees, but doesn’t mind.

Last na. Ang corny. For you, what is love?
Love is lying next to someone, not speaking, not thinking, just listening to them breathe and wishing the moment never ends.

- o 0 o -

See? Super refreshing ang love conversation with Master Glentot. Nakaka-enlighten. Nakakasariwa. Nakakakinis ng kutis. Nakakagaling ng may sakit. Nakaka-orgasm. Daig mo pa ang may active na sex life!

I just wonder kung bakit until now ay single siya. Nasa kanya naman ang lahat... Pihikan much? 

Speaking of... 
Everyone is invited sa book signing ng UNANG PUTOK sa February 15! Oh my, Khikhi will be there! Halina't kuyugin natin ang once in a life time event na ito. Kailangan ng malakas at pambihirang pwersa upang maging matagumpay ang pagsasalibro ng Wickedmouth Blog.

This is also a perfect post-Valentine date sa ating idolo. Ang pinakamasarap, pinakatalentado, pinakapinagpala sa lahat. Ang gwapito at ang crush ng bayan. Walang iba kundi si... SIR MOTS!!!

Yehey! Kita-kita mga mwachupa kids ni Glentot!

See poster below for details!





When Iskwater Meets Win Taylo of Kwentong Win

Kilala mo ba ang mucho gwapitong nasa larawan???

Perfect ang Face. Walang Pores.

Try natin sa ibang anggulo...

Makinis. Kutis Mayaman.

'Eto pa...

If looks can kill, makuha ka sa tingin!

Nakilala siya bilang Junakis kasama si YouTube sensation Bekimon. Ngayong buwan ng mga puso, tayo'y mapalad na mabigyan ng pagkakataong upang siya's maging ating panauhing pandangal. 

Isa siyang multi-talentadong nilalang. Magaling na mang-aawit, Indie film actor at surprisingly, de kalibreng blogger.

He's the man behind 'Kwentong Win' blog.


Halina't mas lalo pa natin siyang kilalanin...

#NoFilter #SaBahayLang

Full Name: Darwin Taylo
Age: 24
Sex: Male
Location: Mandaluyong
Civil Status: Single
FB E-mail Address: sky@darwintaylo.com
Twitter Account: @darwintaylo
Instagram Account: @darwintaylo
- o 0 o -
Tara na't magkwntuhan...

Kumusta ka naman? 
Ayos naman. Busy lang sa work kaya di maka-update ng blog. 

Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed? 
First time! Blogger na pala talaga ako. Hehe

Why Dreamer’s Manuscript? 
Changed it to Kwentong Win kasi mas sakto sa concept ng blog ko.

When did you start blogging? 
2006? I've been blogging since high school, Friendster days pa. Hehe

Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging? 
Frustrated writer kasi ako. I started several story lines before but I was never able to finish one. Blogging inspired me to continue writing and get my ideas published.

Mag-Headset Kontra Lamig!

Ano ang iyong most favorite post so far? Why? 
I'd say my short stories. Kung isa lang, "Love Notes" would be my favorite kasi this story showed my style and was able to connect to the most number of people.

What are the challenges bilang isang bagitong blogger? 
Content creation at management ng blog. It's not easy. 

What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba. 
I want Kwentong Win to be a site with a large collection of short stories and opinion articles by Filipinos, for the world.

Who are your Top 3 favorite bloggers? Why? 
Honestly, I don't know a lot of bloggers. Pero I like http://marcandangel.com which is a one-stop site for advice concerning just about everything, my friend Tonyo Cruz, at saka marami pa. Hehe.

Ano ang iyong pinaka-unforgetable experience as a blogger? 
Every time that I get really cool comments from my readers, when they ask me to write more. Ang sarap ng feeling 'pag na-aappreciate ng tao ginagawa mo. There was one time, a Prof from FEU, Jamaine Evangelista, made his students read two of my short stories and made them analyze it. Asteeeg!

What's happening? Need help?

Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano? 
I want to change my URL. I never knew the possibilities before so now that I do, I want my site to not be about me, but about the stories and articles. 

Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry? 
There are entries that I right on the spot, 'yung tuluy-tuloy 'yung pasok ng ideas at ayaw ko pakawalan. Sobrang sarap ng ganung feeling. Pero 'di 'un madalas. Most of my entries had to undergo a few drafts first, some of them require research, some take months to finish. Preparations would be not thinking about anything else, freeing my mind.

For you, paano mo masasabi na ang isang post ay worth reading? 
Kapag positive ang purpose ng pagkakasulat.

Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo. 
Saan? Kung kahit saan, oo naman. Kung sa blogs ko, I read my entries 10 or more times. LOL

Ano'ng comment ang hindi mo malilimutan? 
Marami. Pramis 'di ko inexpect ang overwhelming na dami ng taong nagcomment. Jam's comment stand out up to now as the most unforgettable 'coz he described my writing like no one else.

Looking down there? Ok.

Sino ang pinaka-favorite mong commentator?
Ikaw, Senyor Iskwater, dahil ramdam ko ang pagiging totoo at constructive ng criticisms mo, at lahat ng regular readers ko.

What do you hate most about blogging? 
That it takes so much effort sometimes, aside from the actual creation of the entries.

Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging? 
As long as I have stories to write.

What will make you quit blogging? 
None. I hope none.

How do you want to be remembered as a blogger? 
I want to be remembered as a writer.

Ooohhh... The flesh! Siya na...

Ano ang iyong mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin? 
I cannot even begin to thank every person who's ever read, liked, shared, commented and expressed their support to my blog. Every day, I am given one more huge reason to believe in me and to continue trying to do good and share good. I hope everything just keeps on getting better.

Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater? 
Biktima ng lipunan. Hindi alam kung saan ang permanenteng lugar sa mundo.

Iskwater ka ba? Bakit? Why not? 
Oo, dahil araw-araw ko ring pilit hinahanap kung saan ako lulugar. At kahit sa iba't ibang lugar ako mapadpad, hindi man permanente, pero marami akong tinuturing na tahanan.

Selfie on its finest... Fresh!

Fast Talk, Quicky Lang! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!) 

Kapamilya o Kapuso? - KAPAMILYA. Sinadya ko ang all caps.
Jollibee o McDo? - Jollibee. Dahil gawa sa harina ang chicken ng Mcdo.
Boxers or Brief? - Brief.
Lights On o Lights Off? - Off.
Nora o Vilma? - Pareho na lang. Gusto kong umarte si Vilma pero wala pa kong napapanuod na Nora at solid Noranian si Nanay.
Kiray or Mahal? - Huh?
Hinaharap o Behind? - Hinaharap? Sinadya ko ang question mark. Lol
Magandang Tanga o Matalinong Ugly? - Matalinong Ugly. 
Younger or Older? - Older.
Payat o Mataba? - Whew. Mataba ng onti.
Smoke or Drink? - Both. Kung pipili lang ng isa, smoke.
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? - Kiss without Sex.
Mabilisan or Take your Time? - Take your time.
To Eat or To Be Eaten? - To eat. Masarap kumain.
Madam Auring o Aling Dionisia? - HUH? 
Maikli o Mahaba? - Mahaba.
(Gusto kong magpaliwanag sa iba. Haha!)
- o 0 o -

Simple ang naging mga naihaing kasagutan ngunit Win na Win ang mga hirt ni Win!
Good looking na, talented pa. World is soO unfair! Nang magbigay ng biyaya, una at pinakyaw na niya ang lahat. I must admit, when I visited his blog, elibs na elibs ako sa kanyang writing style. Ang bangis ng kanyang mga maiikling kwento. 

So ano pa ang hinihintay natin mga kapatid, KAPAMILYA at kapuso???
Let's visit his blog by clicking the following link at tulad ko, nawa'y mamangha rin kayo sa kanyang mga obra...


"Losing feels great. It inspires you to win. Don’t be afraid to be a loser. A man who has never lost, never truly won. Be a loser. Then win big time and celebrate for the rest of your life."
 - Darwin Taylo

READ MY LIPS


You and your great hygiene could run an excellent gene.

You and your gift of gab could make peace with an angry mob.

You and your genuine sweetness could turn all sadness to happiness.

You and your unending generosity could bring miracles to reality.

You and your superb sanity could save the world of uncertainty.

You and your righteous wisdom could create a powerful kingdom.

You and your blessed soul could stop the bad from their evil goal.

You and your incomparable intellect could do nothing less than perfect.

You and your untarnished name could raise the ante in any game.

Do the Math. Ikaw na!

SO WHAT: Confession of a Bully

Ano naman kung may ilang naiimbyernadet sembrano o naiirita avila sa mga hirit kong humorous but offensive? My point: kahit may mapikon, basta happy ang madlang people at walang dull moment – push lang! Kung ayaw nilang malait, sana hindi na lang sila lumabas ng bahay. Pwede rin namang ayusin nila buhay nila! Kasalanan ko ba kung nuknukan ng sumpa ang porma, kilos at hitsura nila? Harsh na kung harsh pero wa ko care! 
Bottom and Happy

Kung nakamamatay lang mga salita, daig ko pa yata ang holocaust sa dami ng aking mga nabiktima. Isa akong expert pagdating sa laitan. Ewan ko ba pero hyper ang aking brain cells ‘pag laglagan at trash talking ang labanan. I have learned to master the skill of making fun of other people. Not just recently dahil as far as I remember, mula yata pagkabata, taglay ko na ang talentong ito. Napagyaman pa ng mga taong well deserved na husgahan dahil sa kanilang taglay na tontaness sa katawan.

I'm torn with this pic. I dunno why...

Nariyan ang funny name calling sa kasumpa-sumpang looks ng mga so-so friends, mga spur of the moment na katangahan, nakakasuyang fashion statement na masakit sa mata at marami pang iba. Active at 100% attentive ako sa mga tao at pangyayari sa kapaligiran. Mind you, I have this swag na minsan pati ako, napapahanga ng sarili ko. Real talent. Gifted. I'm proud of myself! I love myself! 

I focus on the saying 'Nobody's perfect.' kaya kahit ibalik man sa akin ang panlalait, okay lang. They just need to make sure na they can do it better than me. Popcorn sa 'kin ang imperfections ng iba. Yummy!

I hope people would understand that by me  being myself, I am just fulfilling my social responsibility and that is to make this world a better place to live in.

A world without Jejemons!

"Break it out!" Jeje

Jeje Emo in the House!