BITTER ka ba?

Hindi ako bitter. Hindi ka bitter. Walang taong bitter.
1st Sypmtom ng Pagka-bitter: In Denial!


Kaipokritahan ang claiming na hindi naging bitter kailanman. 
Paano ba masasabing nagmamapait ang isang tao? If you have someone you consider as 'The one who got away...' or if there are times na hypophreniac ka- confeermeed! Bitter ka!

Here are some signs to help you conclude kung love mo ang Ampalaya Bitter Herbs...

1. Laging hindi mo bet ang nagiging jowa ng friend mo dahil ang totoo, may HD ka kay friend!

2. You claim na hindi mo na iniisip si EX pero after the breakup, gumulo ang mundo mo dahil siya lang ang huling taong kumumpleto sa'yo. 

3. Nami-miss mo siya. Lagi siyang nasa isip mo. May mga kanta at lugar na nagpapaalala nung kayo pa. Eh 10 years na kayong wala.

4.  Ang tagal mo nang single. Sabi mo you just love yourself more and you don't want to settle for less pero ang totoo, mahal mo pa kasi.

5. Lagi kang taken. Iba-iba ang partner pero hndi tumatagal. Hindi ka nababakante. .Yung totoo? Ilang panakip butas ang kailangan mo? 

6. May nararamdaman kang hindi maipalawanag sa tuwing makikita mo mga posts niya sa news feed mo. 

7. Hindi ka masaya 'pag masaya siya pero masaya ka 'pag emo siya. Demonyo ka ba?

8. Kabisado mo pa rin theme song niyo at nagbabalik ang lahat nung kayo pa sa tuwing kinakanta mo 'to.

9.  Inabot ng taon ang pagmumukmok mo habang hindi naman inabot ng 40 days ang relasyon niyo.

10. Post ka ng post sa FB ng mga dates mo. Umaasang sana makita ni EX para isipin niyang you've totally moved on. Kahit sa sarili mo, alam mong hindi pa. #Kawawa

Kung may maidadagdag ka pa, please feel free add na lang. 

I need to move on! 

11 komento:

  1. hahahaha panalo to.

    shet pwede bang maging bitter ang nbsb?
    ay pede pala.

    kapag sinasabi mong masaya ka kahit single dahil hindi mo naman kailangan ng partner para sumaya ka pero ang totoo gusto mo lang pagtakpan na walang pumapatol sa'yo.

    hashtag hugoooot. hahaha

    TumugonBurahin
  2. napakaraming bitter sa mundong ito..pro pra sakin ang pinaka bitter eh ung mga NBSB na pretending to be happy alone. Wala ng may pa plastik sa press release masaya clang mag isa..pro panay ang alis at kung ano ano ang ginagawa pra magkaroon lng ng sense ang buhay nila...ok lng maging NBSB..kung masaya ka tlga...pro kung ndi..wag mo kong artehan sa mga quotations mong "intelligent women don't settle for less" dahil ang totoo...ndi maganda ang ugali mo na nag re reflect sa fez mo... #ktnxbye

    TumugonBurahin
  3. Added sign: Wagas kung makalait sa ipinalit sayo ng ex mo. Honest o bitter?

    TumugonBurahin
  4. Nakarelate ako dito "Hindi ka masaya 'pag masaya siya pero masaya ka 'pag emo siya. Demonyo ka ba?" HAHAHA BAD!

    TumugonBurahin
  5. Yung naka-relate ka sa One More Chance. F na F mo pang sinasabi sa friends mo na ikaw na ikaw yung character ni Popoy/Basha. Pero yung totoo hindi mo naman nakita in person yung ex-jowa mo. Hanggang FB chat lang.

    TumugonBurahin
  6. I have gone through this stage months ago pero right now happy na ako :)

    TumugonBurahin
  7. Hahahaha! I'm bitter about my life, that's all. But more than that, my own bitterness is the result of my own stupidity that was created by that fucking thing called love. Mabuti pa orgasm, kapag dumating napaka blissful ng feeling. Hahaha!

    TumugonBurahin
  8. Kaya pala mahilig ka sa Charantia. Maidagdag ko lang 11.) Hindi mo na kinakausap ang common friends nyo. Parang galit ka sa kanila kahit wala naman silang kasalanan duhhh.

    TumugonBurahin
  9. HAHAHAHA AMP! DAMI KO TAWA SA 3,7,9

    TumugonBurahin
  10. Hahaha..Got hooked by this post. Wla naman cgurong di naging bitter sa buhay...actually bitterness in my own point of view took place because we think or feel someone has taken from us. Para itong lason na lumalason sa isipan naten. the only thing we can do is to accept. It's actually easy to forget but one of the hardest thing in the world is acceptance. By the way, just want to share our new page on facebook: https://www.facebook.com/mrtstoriesph?fref=ts

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...