Tanga Wala. Walang Tanga.



Kung sinasabi mong sinabi ko at sinasabi mong may nasasabi ako, ano 'yang pinagsasabi mo?

Kung inaakala mong aakalain ko ang inaakala mo, akala mo lang 'yun!

Kung nagwawala ka dahil walang-wala ka, walang mawawala kung mawawala ka.

Kung iniisip mong iniisip ko dahil naisip mo ang naiisip ko, mag-isip-isip ka na.

Kung gawain mo ang gumawa ng mga gawa-gawa dahil wala kang magawa, ano 'yang ginagawa mo?

Kung pinag-uusapan niyo ang mga  pag-uusap ng mga nag-uusap, pakiusap, pag-usapan niyo 'yan!

Kung alam mo lang na alam ko ang nalalaman mo dahil alam mo ang nalalaman ko, ayoko nang alamin!

Ngayon, 'pag sinabi ko sa sa tropa mong "Tanga ka!, sino sa tingin mo ang sinasabihan kong tanga?

Ikaw ba?

9 (na) komento:

  1. ay intense ang katangahang yan! charot. haha

    bet ang word play!

    TumugonBurahin
  2. Ano daw? Nakakatanga naman ang entry na ito. hahaha!

    TumugonBurahin
  3. wahahahah naguluhan ako! lol!

    walang mawawala kung mawawala ka!! boooom!!! i laaaykk disss mucch!!

    TumugonBurahin
  4. karamihan sa kanila dalawang beses kong binasa bago ko naintindiha. sakit sa bangs lalo na kung wala kang bangs. lol

    TumugonBurahin
  5. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...