Iskwater Lang


'Pag tahimik, galit na agad?
Hindi ba pwedeng wala lang masabi?

'Pag tumitig, in love na agad?
Hindi ba pwedeng tulala at may iniisip lang?

'Pag nag-extra rice, matakaw na agad?
Hindi ba pwedeng rice person lang?

'Pag nangutang, gipit na agad?
Hindi ba pwedeng sinusubok lang ang friendship?

'Pag inaantok, puyat na agad?
Hindi ba pwedeng bored lang?

'Pag mali ang sagot, bobo na agad?
Hindi ba pwedeng slow lang?

'Pag sumigaw, galit na agad?
Hindi ba pwedeng nagvo-vocalize lang?

'Pag naluha, malungkot na agad?
Hindi ba pwedeng napuwing lang?

'Pag nanghingi ng food, patay gutom na agad?
Hindi ba pwedeng naglalambing lang?

'Pag nanlibre, mayaman na agad?
Hindi ba pwedeng paandar lang?

'Pag na-miss si Ex, mahal na agad?
Hindi ba pwedeng bitter lang?

'Pag pumayat, may sakit na agad?
Hindi ba pwedeng naghihirap lang?

'Pag nag-starbucks, sosyal na agad?
Hindi ba pwedeng gusto lang ng planner?

'Pag umabsent sa trabaho, magre-resign na agad?
Hindi ba pwedeng nag-apply lang?

'Pag hindi binati, snob na agad?
Hindi ba pwedeng hindi ka lang talaga pansinin?

'Pag nag-casino, sugarol na agad?
Hindi ba pwedeng tumambay lang?

'Pag nilalandi, crush na agad?
Hindi ba pwedeng wala lang option?

'Pag blogger, writer na agad?
Hindi ba pwedeng nakikiuso lang?

'Pag nagmura, masamang tao na agad?
Hindi ba pwedeng galit na Iskwater lang?

Taenang 'yan!

52 komento:

  1. Mga Tugon
    1. Sa lahat? Hindi pwede? mahigpi ka...salamat sa pagdaan..

      minsan ka lang magcomment pero isang bagsakan sa backreading... yung totoo? backreading o skip reading? bwahahaha

      Burahin
    2. Loka ka, hindi naman ako skip reading.. pag di ako nag-comment, di ako nagbasa pa, hehe.. tamad tamaran pa ko nun mga nakaraang araw e

      Burahin
    3. alam ko naman...ako rin pag kilala ko na in person ung blogger, lalong mas gusto kong basahin yung post...lol...miz u meym...

      Burahin
    4. Naunahan ako ni ate Joanne! HAHAHAH!

      Burahin
  2. hahaha!

    gusto ko to:
    'Pag nag-starbucks, sosyal na agad?
    Hindi ba pwedeng gusto lang ng planner?


    nga po pala Senyor, I would really appreciate it kung dun ka na lang sa main blog (Fiel-kun's thoughts) ko kayo magko-comment. Salamat!

    TumugonBurahin
  3. pwede naman daw senyor, ahahaha kasi naman di mo daw sinabi agad agad kya nalito hihihi

    TumugonBurahin
  4. 'Pag nag-extra rice, matakaw na agad?
    Hindi ba pwedeng rice person lang?' --- :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ako din... pero buti ikaw d tumataba...cguro dahil bata ka pa...hyyyy

      Burahin
    2. puro bulate sa tiyan :D lol

      Burahin
  5. Funny thoughts :) but sori I dont like the cursing especially the last word. Parang kami mga mothers ang minumura. Puede pa iba words na lang? Peace:)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. madam galit na iskwater kasi ako... last na ito... I am also not comfortable cussing...

      Burahin
  6. haha andami ah.. ^_^


    'pag nagcomment close friend na agad?
    hindi ba pwedeng kapwa iskwater lang?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha in short epal2x lang ng slight! ang puso mo teh! hahaha

      Burahin
  7. ahahahaha kasi naman senyor di nyo daw pinaliliwanag eh hehehe

    TumugonBurahin
  8. nakakatuwa naman... aliw ako dito hehehe

    like ko to

    'Pag nanghingi ng food, patay gutom na agad?
    Hindi ba pwedeng naglalambing lang?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. agree ako dito kay jon, natawa ako kasi ganyan din ako minsan maglambing haha hindi ko narealize yan until now! hahaah

      Burahin
  9. Sosyal tayo sa Sunday... Mag starbucks tayo eh haha

    Naku, galit si Senyor...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. pag may ganitong post, galit agad? hindi ba pwedeng wala lang? lol...

      Burahin
  10. 'Pag ganitong post may pinapatamaan kagad?
    Hindi ba pwedeng sabaw lang? Lol. Peace ser! XD

    TumugonBurahin
  11. hahahaha ang kulit ng mga ganitong banat eh no!!
    pang bubble gang lang ang segment...

    TumugonBurahin

  12. 'Pag umabsent sa trabaho, magre-resign na agad?
    Hindi ba pwedeng nag-apply lang? - haha!

    Ano po yung "paandar"?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. paandar is yung taoong mahilig manlibre khit wala nmng masyadong pero... paandar is like pasikat..salamat sa iyong pagdaan...

      Burahin
  13. Hala...di ko alam ang iko comment ko lols..hahahahaha....pero positive naman ang mga sinabi mo..the way an optimist thinks....hehehehe

    TumugonBurahin
  14. wow safe... ang post na ito ay sulating walang isipan masyado...

    TumugonBurahin
  15. ang tagal ko ng hindi nakadalaw teh, ito na ulit ako! hahaha

    natawa ako dito

    'Pag nangutang, gipit na agad?
    Hindi ba pwedeng sinusubok lang ang friendship?

    gumaganyan ka?! hahaha hindi ko naisip yan kasi kapag nangungutang alam ng gipit yon lokah kah! hahaha namiss kita teh!!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. miz you too... antagal na nating walang chikahan eh...focus ka lang sa school...maganda yan...

      Burahin
  16. oh eh bakit may pagmumurang nagaganap sa huli?!may pinagdadaanan? :P

    TumugonBurahin
  17. Kapag "nice post" ang komento, skip reader na?
    Di ba pwedeng di lang makarelate?

    TumugonBurahin
  18. 'Pag nag-starbucks, sosyal na agad?
    Hindi ba pwedeng gusto lang ng planner?


    natawa ako dito :)

    TumugonBurahin
  19. haha pag maikli ba comment di na nag basa? hahaha
    di ba pwedeng soft spoken lang?
    aliw sarap i post neto sa fb haha

    TumugonBurahin
  20. "'Pag blogger, writer na agad?
    Hindi ba pwedeng nakikiuso lang?"

    - o kaya, puedeng wala lang makausap sa personal tungkol sa gustong topic kaya sinulat na lang. hehehehe. ganon kasi ako. Nice post brad. :)

    TumugonBurahin
  21. 'Pag nag-starbucks, sosyal na agad?
    Hindi ba pwedeng social climber lang?

    ayos tong post na 'to! hehe! =P

    TumugonBurahin
  22. Pag nagkamali lilibakin na lang ba? Lahat naman ay hindi perfekto. Gusto ko ang entry mong into.

    TumugonBurahin
  23. "'Pag nangutang, gipit na agad?
    Hindi ba pwedeng sinusubok lang ang friendship?"

    So pag hindi pinautang... Friendship over! HAHAHAH!

    TumugonBurahin
  24. Mabuhay ang Mga Assuming! hahahahahahaha

    TumugonBurahin
  25. hahaha.. natawa naman ako..

    Pag umabsent sa trabaho, nag-aaply na agad?
    Hindi na pwedeng tinatamad lang pumasok?

    Pagpalaging absent. 90% sure
    nag-aaply na yan. hehehe

    bakit maypagmumura sa dulo?
    mag nag-aassume ba sayo ng ganyan? hehehe

    TumugonBurahin
  26. 'Pag nag-starbucks, sosyal na agad?
    Hindi ba pwedeng gusto lang ng planner?

    eto ang isang keme na naiirita ako.. to the point na 2 tao ang nakaaway ko sa ganyang pananaw.....



    *kelan naging pamantayan ang pagkakape sa starbucks talking about being "sosyal"????

    *kung nagkakape ka sa sb at sa ibang tao mo hinihingi or ipanangungutang mo pa ang pangkape mo eh ang kupal kupal mo na nun!

    *hindi ba pwedeng coffee addict lang?

    *or may kwashed na barista sa starbucks?
    (kileg)

    TumugonBurahin
  27. bongga to te, pwede ng ipublish! haha!

    TumugonBurahin
  28. sinusubok lang ang friendship LOL. pag pera na ang usapan wala munang friendship! hahaha jk

    TumugonBurahin
  29. aaaaaay may poot! hehe

    well yan ang mga assuming.
    pero tandaan natin na ang mga assumera hindi lumiligaya! hehe

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...