MY NON-NEGOTIABLE DEATH WISHES

Since it's my birth month this March, let's talk about death! I am well within my right to be morbid since turning 28 is really a perfect wake up call for me. Perfect time to reflect on many things at magpasalamat dahil alive and kicking pa rin. Kung hanggang kailan, hindi tayo sure kaya naman... Tara! Samahan niyo ako sa paghimay ng aking Death Wishes. 


1. Attendance is a must.
Ang lahat ay invited sa aking upcoming viewing service. Kung may asim ka man sa 'kin, please move on na dahil wala ka ng chance for revenge. Pwedeng umiyak. Kung tears of joy man o sincerely sad ka, ikaw na bahala. Basta dapat ang lahat makapunta. Latecomers may pay a visit sa aking puntod pero hindi na ganun ka-exciting plus I can't promise kung may free coffee and food pa rin. Ay wait, 'yung mga Ex ko, 'wag na kayong pumunta. Ako na dadalaw sa inyo! 

2. Dress Code
Walang dress code. Ano 'to? Lamay nga diba? Hindi sports fest. You can wear any color basta 'wag RED baka kasi ikagalit ng mga old fashioned relatives ko. Kung ka-close kita, wear blue! Why? Wala lang. May reason ba tayo sa favorite color natin? For that, bet ko rin to wear blue while lying. 


3. The Coffin
Gusto ko black. Simple pero elegante at regal. Ayaw ko ng Metal dahil mas mahal. Wood na lang. Dapat maraming white flowers. 'Pag may nagbigay ng ibang color, sa labas lang pwedeng i-display. 
4. Conversation Topic
Iwasan ang usapan tungkol sa cause of death. It will be posted sa gilid ng coffin para sa kaalaman ng lahat. May Audio Visiual Presentation to be played ng paulit-ulit. Nakakapagod din kasi for my family ang pagsagot sa pare-parehong mga tanong. 'Wag masyadong makipag-usap sa mga family members para masabing may conversation lang. Okay na 'yung simpleng condolence. Intiendes?

5. Food
You may bring food for sharing. Alam mo naman, gipit ang ilang mga friends kaya malaking bagay ang may maibahagi ka lalo na kung nakakaluwag-luwag ka naman sa buhay. Sa coffee, prefer ko ang Kopiko Brown. Mura na, masarap pa. 'Wag sobrahan ang water para hindi tumabang. 1 pack per visitor lang.  
'Pag hungry, don't hesitate to ask. For sure may libreng pakain. Nakapagtabi na ako ng budget for that.

6. Music
Gusto ko 'yung instrumental lang. 'Yung pang-spa. Para calming. Bagay sa blue outfit ko. Please lang, 'walang magpapatugtog ng 'Handog' at 'Hindi Kita Malilimutan'. So gasgas na! Kung may chance, sana mapatugtog ang 'Wrecking Ball' ni Miley Cyrus.

7. Wake Duration
Dapat 2 weeks ang lamay. Mas mahaba, more chances na malaman ng mas maraming friends. Medyo madugo lang sa gastusin pero keri lang 'yan. Marami naman akong generous OFW relatives and friends. They will help or else...

8. Big Night
Sa last night ng wake, mas ideal kung kabog at party party ang mood. May buffet para food trip ang lahat. May videoke pero walang swapangan. May parlor games, may pa-raffle at may pa-give away! Sure fun sa lahat ng aatak. Grabe, excited na 'ko!

9. Funeral Day
'Eto ang dapat na most dramatic part ng major event na ito. Dapat tahimik lang ang lahat. Walang iyak na pasigaw unless immediate kin. White lang ang lahat ng flowers. Walang maglalakad dahil nakakapagod 'yun! May service.


10. The Commemoration
Enuf na with too much prayers. Skip na ang pasiyam at pa-40 days. I have done my part here on Earth so I'll definitely get what I deserve. Kung Heaven man o hindi, okay lang. I just wish to be remembered as someone who doesn't care to be remembered. Hindi ko na problema kung may makaka-miss o wala. Maghahabilin na lamang ako sa aking kapatid na gumawa ng FB page for me at sana ay makaabot ng 1000 Likes. 



I just hope madagdagan pa ang listahan. At least, may reference na ang family ko sa important moment na ito. Generally, ang theme ay FUN FUN FUN! Maiba lang.

Kung hindi man masunod, hindi ko na problema. Kunsensya na lang.

Ikaw? May Death Wishes ka ba?

14 (na) komento:

  1. Masyado naman maaga to. Advance happy birthday muna:)

    TumugonBurahin
  2. happy birthday!!! hehe libre ka muna no bago itey! hehe.

    shet ang alam ko nagblog din akey about death. haha well inevitable nga naman kasi.

    TumugonBurahin
  3. Happy birthday na lang muna Senyor!

    TumugonBurahin
  4. Ang gusto kong kanta ay tara lets tapos loud volume

    bagay ang lyrics na ito:


    "Wag kang mabibigla, isasama kita
    wag ka ng magtanong basta sumama ka na..... tara lets tara tara taralets!" :))))

    TumugonBurahin
  5. where's the link to FB son I can press the LIKE button... :)

    happy birthday senyor!!!!

    TumugonBurahin
  6. Happy birth month. One sweet day nalang tugtog.

    TumugonBurahin
  7. May death wishes ka na pero di mo pa natapos ang bucket list mo. Happy birthday, Senyor!

    TumugonBurahin
  8. Hindi ko kinakaya ang press release mo na 28 years old ah! Ano to!

    Ang daming demands, hanggang kamatayan diva? Hahaha... Sa lamay mo ba talaga requirement or sa upcoming birthday party mo? Haha...

    TumugonBurahin
  9. Kelan to? Ang tagal naman excited na ako!
    HA HA HA Peace my dear!

    TumugonBurahin
  10. Ok ang wishes mo ah. Grabe! hahaha!

    1. I'll make it a point to be there dahil baka ako ang puntahan mo. I may shed a tear or so. Siyempre ma mimiss ka naman.

    2. Trip ko din ang colour blue. Very soothing sa mata lalu na kapag pukto na sa kiiyak.

    3. Ok, white flowers. Noted.

    4. Napatawa ako dun sa i-post na board na nakasulat yung cause of death. oo nga naman. Family members are already devastated, tapos ipapaulit pa sa kanila ang tragedy.

    5. Coffee and biscuits should be enough na siguro.

    6. Maganda rin yung suggestion ni 50Shadesofqueer, hahahaha! Tara lets!

    7. Wake Duration- buti i can make it. hehehe...

    8. Hahaha! Nothing will beat Senyor's funeral party.

    10. You'll be remembered of course. makakaabot pa yan ng 1000 likes.


    Hindi ka ba nangingilabot na magsulat ng ganito ngayong malapit na ang birthday mo? Anyway, happy birthday!

    TumugonBurahin
  11. advance happy birthday!

    nice post! kung ako rin mas gusto ko ang fun fun fun sa aking lamay. lol

    TumugonBurahin
  12. Naisip ko sa Big Day mo eh instead idiretso sa sementeryo, idaan muna sa Enchanted Kingdom tapos ikakabit sa rollercoaster yung kabaong para mas memorable sa lahat...

    TumugonBurahin
  13. morbid ....hahahah pero sabagay...hindi ka na makakapagsalita kapag dedz na kaya maigi pang malaman na habang nakakaboka pa heheheh

    TumugonBurahin
  14. Ay bawal ang RED? :( Pero pupunta ako sa big night may raffle pala ha..

    Haberdey muna Senyor!

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...