SO WHAT: Confession of a Bully

Ano naman kung may ilang naiimbyernadet sembrano o naiirita avila sa mga hirit kong humorous but offensive? My point: kahit may mapikon, basta happy ang madlang people at walang dull moment – push lang! Kung ayaw nilang malait, sana hindi na lang sila lumabas ng bahay. Pwede rin namang ayusin nila buhay nila! Kasalanan ko ba kung nuknukan ng sumpa ang porma, kilos at hitsura nila? Harsh na kung harsh pero wa ko care! 
Bottom and Happy

Kung nakamamatay lang mga salita, daig ko pa yata ang holocaust sa dami ng aking mga nabiktima. Isa akong expert pagdating sa laitan. Ewan ko ba pero hyper ang aking brain cells ‘pag laglagan at trash talking ang labanan. I have learned to master the skill of making fun of other people. Not just recently dahil as far as I remember, mula yata pagkabata, taglay ko na ang talentong ito. Napagyaman pa ng mga taong well deserved na husgahan dahil sa kanilang taglay na tontaness sa katawan.

I'm torn with this pic. I dunno why...

Nariyan ang funny name calling sa kasumpa-sumpang looks ng mga so-so friends, mga spur of the moment na katangahan, nakakasuyang fashion statement na masakit sa mata at marami pang iba. Active at 100% attentive ako sa mga tao at pangyayari sa kapaligiran. Mind you, I have this swag na minsan pati ako, napapahanga ng sarili ko. Real talent. Gifted. I'm proud of myself! I love myself! 

I focus on the saying 'Nobody's perfect.' kaya kahit ibalik man sa akin ang panlalait, okay lang. They just need to make sure na they can do it better than me. Popcorn sa 'kin ang imperfections ng iba. Yummy!

I hope people would understand that by me  being myself, I am just fulfilling my social responsibility and that is to make this world a better place to live in.

A world without Jejemons!

"Break it out!" Jeje

Jeje Emo in the House!

17 komento:

  1. ang pikon, talo. :) this world needs a lot of laughs. So we owe a lot of it from u, senyor. Looking forward to more laughs with u! :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. My two cents on this...

      Yes this world needs a lot of laugh but can't we make people laugh without offending someone?

      We should not owe a person who makes us laugh at the expense of hurting someone.

      Pano kung ikaw ang napikon at nasaktan at pinagtawanan ng madla? Will you still feel that you owe the person who made them laugh at your expense?

      ... just an opinion nothing personal :)

      What the world needs is peace. Have a peaceful everyday everyone :)

      Burahin
  2. I agree na kailangan maging masaya, pero pwede namang maging masaya at tumawa, but not always at the expense of other people. I still support the second pic!

    TumugonBurahin
  3. Judge them before they judge you. LOL

    TumugonBurahin
  4. Second the motion ako kay Kuya Mar - it doesn't always have to be at the expense of others.. but love pa din naman kita for being you.. ;)

    TumugonBurahin
  5. agree ako sa pagpapakatotoo .... but then kung nakakasakit ka na ng damdamin ng iba dahil sa pagpapakatotoo at pagiging prangka mo , puwedeng maghinay - hinay din naman ... tandaan : anything na sobra at kulang ay masama .... dapat balanse lang ... smile : )

    TumugonBurahin
  6. Ok lang manlait ng mga kalait lait na bagay! Haha mga dapat punahin para baguhin at pag hindi binago laitin pa rin! Haha pero sabi nga lahat ng sobra hindi maganda so depende rin sa panlalait. Hehe

    TumugonBurahin
  7. I always stand for my friends who get bullied back in grade school which is probably why I never got bullied much

    TumugonBurahin
  8. Senyor proven na may talent ka talaga sa pagsusulat at isa ako sa tagahanga mo. You always make me laugh sa mga entry mo nakaka-aliw madalas.

    But mukang magkaiba tayo sa pananaw ng " to make this world a better place to live in."

    Bullying is simply BAD and I don't and won't support anybody who's into bullying kahit friend ko pa sya.

    I consider you as my blogger friend that's why I care and I am giving my opinion :)

    TumugonBurahin
  9. Kalma lang guys z:) world peace! Tara punta kayo sa condo pag usapan natin to dala kayo ng foods hihihi

    TumugonBurahin
  10. Humihingi po ako ng dispensa sa mga na-offend sa komento ko. Kung mamarapatin n'yo po, nais ko po sanang ipaliwanag ang pinanggalingan kong perspektibo nang i-type ko ang mga 'yon. Kung may komento po kayo para sa akin, sa blog ko na lang po, bilang respeto na lamang sa may-ari ng blog na ito. Heto po ang aking post: http://knowingropes.com/satire-individual-differences/

    TumugonBurahin
  11. Hey guys, I think below the belt na yung ibang comments, so awat na sana. Don't get me wrong, I am not fond of them as well, pero siguro naman nakuha na nila yung message na gusto natin sabihin. Tao rin naman sila, for sure nasasaktan din sila. Hayaan niyo na lang please...

    ~Concerned Blogger
    P.S. Hindi ako nagpakilala kasi baka ako naman ang awayin ng mga Anon. I just want to give my opinion without the angry mob turning against me too. Besides, wala naman ako sa side nila Senyor; ayaw ko lang ng may ganitong away. Aytenkyubaw!

    TumugonBurahin
  12. I decided to delete some anonymous comments. Comment moderation activated. Lowlife trolls hwere here and I think they had enough. Sorry Anons. Sorry for disappointing you. Sorry walang chance na mapatulan ko kau, Busy eh. Maraming Labahan.

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...