PASA LOAD

Hindi ka kumibo nang sabihin kong baka ito na ang huli nating pagkikita. Ilang segundong tingin lang ang tugon mo. Hindi ko alam kung okay lang sa'yo o hindi ka lang naniniwala. Baka nasanay ka na sa walang katapusan kong drama. 

'Yun na ang huli nating pagkikita at pag-uusap.

Habang isa-isa kong binubura ang mga text messages mo, isa-isa ring nanunumbalik ang mga ngiti at kilig. Pampalubag-loob ang panandalian at pansamantalang saya. Hindi man naging happy ending, okay na rin 'yung minsan kong inakalang totoo ang ever after. 

Hanggang ngayon ay hindi ako sigurado kung isang malaking joke ang namagitan sa atin. Kung anu't anuman, ayaw ko na ring malaman. Nakakatakot lang at baka hindi pabor sa akin ang katotohanan. 

Kaninang umaga pagkagising, isang missed call mula sa'yo. Dinelete ko ang mga texts messages at contact mo sa phonebook ko pero kabisado ko pa pala mga numero mo. Uy, naalala mo 'ko.

Isang malaking tanong ang pagpaparamdam mo. Na-miss mo ba 'ko o paubos na ang load mo?  

13 komento:

  1. Load kapalit ng laman ba ito? Sakto ba sa sweldo ang missed call?

    TumugonBurahin
  2. ha ha ganyan nga minsan , nagmi-miscol para lang magpaload he he he : )

    TumugonBurahin
  3. I-text mo na. Baka kailangan ng kausap kasi broken hearted. Hahahahaha. :)

    TumugonBurahin
  4. Senyor talaga... i kinda miss your witty entries here. And chatting with you. oo napaka desperado ko talaga. I'm gonna take your advice seriously and go out more often to get laid. hahaha!

    Wag mo na kasi kausap ang mga ganyang tao!

    TumugonBurahin
  5. Love you po, Senyor. Ang ever after na yan ay nakakapagpabagabag nga naman ng damdamin

    TumugonBurahin
  6. Ang tanong ngayon... Ni loadan ba ulet? Yay!

    TumugonBurahin
  7. lol. pasahan mo na kasi ng load. nangangailangan e. hehehe

    TumugonBurahin
  8. yan ang mahirap kapag sa load lang nagpaparamdam.... mas masakit ung nag load ka pero isang message lang natanggap mo sa kanya...


    TumugonBurahin
  9. Christian, hindi pa ako marunong gumamit nito masyado, ka kita ko lng ng comment mo. hehehe, pano ba mag deisgn na may buttons sa taas for different topics? :P

    TumugonBurahin
  10. tawag namin sa mga itik na nagpapasaload dito na mga pana eh "my friend"! lol!
    papasahan na ng load yan kay "my friend"! lol

    waley lang!! hehehe

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...