When Iskwater Meets Marge of Coffehan

Grammatically perfect ang ating panauhing pandangal ngayong buwan.
Isang petite and pretty blogger na ubod ng tinik ang writing style. Popcorn niya ang subject-verb agreement at maning-mani sa kanya ang verb tenses.

Minsan lang ako mapahanga ng isang manunulat na ang medium ay English. Luckily, I had the chance to meet her. Featuring her sa aking munting eskinita ay isang malaking karangalan at tulad ko, tiyak na maaakit kayo sa taglay niyang ganda - inside and out.

Aakalain mong mataray pero in person, maaisip mong may karapatan naman palang magtaray. Kutis mayaman, mukhang laki sa aircon  at may daily school service noong elementary and high school. Malamang 1K ang weekly allowance niya noong college. Sosyalera lang!

I am pleased to introduce...


Ikaw na ang may Diwata Curl sa gitna ng Karagatan!

--- o0o---

Full Name: Marjorie Gavan
Age: 30
Sex: F
Location: Makati
Civil Status: Single
Twitter Account: @marge_gavan


Kumusta ka naman?
- Habang sinusulat ko 'to, bangag ako sa gamot. I'm currently on medication kaya 'eto unang araw after ng two-week sick leave eh feeling high ako hehe...


Read my Lips...

Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed?
- I did a double take, I thought I misread your message. Buti serious ka naman pala hahaha... Oh yeah, I'm flattered of course.

What’s with the blog name, “Coffeehan”?
- It is a play of the word "kapihan".
Coffeehan
Coffehan - Astig at Uber Catchy Blog Name

When did you start blogging?
- August 2010

Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging?
- I was compelled by my friend, Ana, who works in a newspaper to start blogging. This is so she could take me to her places of coverage, para meron akong "ticket" to be in those events at 'di ako masabihan ng events organizer na "Hu u? Lumayas ka! You don't belong here, hindi 'to libre kainan! PG, lapastangan!" mga ganyan hehe...

Ano ang iyong most favorite post so far? Why?
- It has to be this, "Random Post: Of death, living ghost, and busy folks."  It is my most heartfelt post, lakas maka-emo. For some reason, it also picked the minds of my readers. It is evident with their comments.

What are the challenges you experienced as a blogger?
- Hmm... Trying to find time to blog in the midst of my busy sched. There was a period when I had all the time in the world to write whenever wherever, ang problema ko lang nun, how to get past my katamaran. Now, there are materials to be written and there is the willingness to work on it, kaso sobrang busy naman ako sa trabaho ko. Lakas maka first world problem eh no hehe...

Ganito magtaray ng nakatalikod!

What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba.
- I had a dream before to be among the country's most famous bloggers. Now after almost 3 years of doing this, sa awa ng juice, dream ko pa rin 'yan hahaha... Kidding aside, I want my blog to be popular, at least kahit within the bloggers community. Hindi dahil may hidden desire ako ma-feature sa Kapuso Mo Jessica Soho, FHM Magazine (sabi ko sa'yo bangag ako eh), or gusto ko na konting scroll lang ng reader sa blog ko, may piso na ko, I want it to be known because a blog to a blogger is what a book is to an author (gumaganon?). Legacy 'yan ng blogger, na kahit mamatay ako ngayon na walang anak eh may maiiwan ako ng evidence of my existence in this world. 

Who are your Top 3 favorite bloggers? Why?
1) Madma - I like how he infuses politics and humor to come up with relevant but entertaining posts. 

2) Glentot - So far he's the only blogger na pinagtyagaan kong i-backread lahat ng posts. I like how he presents his story at sobrang nakakatawa ang mga posts n'ya. 

3) Pretty Ugly - She's witty, funny, writes well, takes fab photos, and yeah she is the prettiest blogger I know. Despite her beauty and good stature in life she can make fun of herself so reading her posts is always a joy.

Ano ang iyong pinaka-unforgetable experience as a blogger?
- When I joined the PBO program at Bahay ni Maria. There were other blogger events that I've attended prior to that but they were, most of the time, promotional. Ika nga, you attend, you write about it, then you move on. But with PBO, you don't move on, the essence of the event stays with you for a long time. You get a sense of purpose, it changes you, and it is by far, one if not the best thing that ever happened to me as a blogger.


Upo-upo rin sa Floor 'Pag may Time!

Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano?
- Just my domain. I want it to be a .com. 

Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry?
- Mainly on photo editing. I place a watermark of my blog's name on the bottom of the picture. 'Yun lang naman.

For you, paano mo masasabi na ang isang post ay worth reading?
- If it is engaging, entertaining, and relevant to the life of the reader.

Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo.
- Of course.

Anung comment and hindi mo malilimutan?
- 'Yung comment nung atribidong blogger who tried to edit my post. Yon, hinding-hindi ko na yun makakalimutan! Kai-rita avila!
Kamay pa lang, ulam na! 

Sino ang pinaka-favorite mong commentator?
- Si Zai, because it is evident that he reads the post before siya nag-comment. 'Yung iba kasi parang naka-default na ang comment sa blog ko eh. Para bang nag-comment lang to encourage me to comment to theirs.

What do you hate most about blogging?
- Dealing with haters or all-knowing turds. 

Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging?
- As long as there's new food to try, places to explore, and personal shiz to deal with, that's how long I see myself in blogging.

What will make you quit blogging?
- When I no longer have time to maintain it.


Pretty na, Talentada pa! Kapikon, noh?

How do you want to be remembered as a blogger?
- As a person who may not have all the money in the world but tries her damnedest to do the best things life has to offer.

Ano ang iyong mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin?
- Don't comment for the sake of commenting. The best compliment you could ever give to a blogger is when you've actually read what he/she has written.

Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater?
- Iskwater for me is a brand of survival. You become one not because you wanted to but because you had to do something to live. 

Caption this!

Iskwater ka ba? Bakit? Why not?
- In a way, I am. I sometimes find myself in situations beyond my control, but I always choose to learn to live with it. 

Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!)

Kapamilya o Kapuso? - Kapuso
Jollibee o McDo? - Jollibee
Touch or See? - See
Lights On o Lights Off? - Lights on
Nora o Vilma? - Nora
Mahal Mo o Mahal Ka? - Mahal ko
Face o Body? - Face
Gwapong Tanga o Matalinong Ugly? - None hehehe...
Younger or Older? - Older
Payat o Mataba? - Payat
Smoke or Drink? - Drink
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? - Kiss w/o sex
Mabilisan or Take your Time? - Take your time 
To Eat or To Be Eaten? - To be eaten 
Maikli o Mahaba? - Mahaba

Ang gandang walang pinipiling anggulo!

Matapos nang aming maikling kwentuhan, isa lang ang aking napagtanto, puno ng saysay at sustansya ang babaeng ito. Walang ere at hindi sablay! Mali ang akalaing 'pag maganda, matumal sa matatabang brain cells. Very wrong!

Nakakapikon lang kasi may hitsura't matalino na siya, talentado pa. Pwede bang isa lang?

...and guys, she's SINGLE!!! 

Please visit her blog at tulad ko, iisipin niyong isa siyang good catch! Dare?!?





Marge's Motto in Life: "If you really feel like giving up, do it tomorrow."  

DO WE HAVE A PRO-GAY POPE?

Pope Francis On Gays: Who Am I To Judge Them?

Nagpantig ang aking dalawang smooth and silky ears sa controversial statement na ito mula sa Santo Papa. Mixed emotions. Nakakapanibago... Nakakawindang...

Sa laman at sustansya ng pahayag ni Pope Francis I, malamang sa malamang ay nag-bounce, bounce ang mga bayag ng sangkaparian at maging ng mga panatikong tagasunod ng Simbahang Katoliko. 

Halina't subaybayan natin ang mga susunod na kaganapan. 

Surely, this is exciting!!!

Sa ating mga closeted pink brothers and blue sisters, i-postpone muna ang pag-out dahil baka isa itong malaking 'false alarm'. 

Timbangin muna ng buong giliw ang inyong mga pananaw bago tahasang manindigan.

Kalma muna for now!

My 10 Best Selling PANINDA

Bili na! Pili na suki! Marami sa loob! May size pa ‘yan! Pwedeng tumawad…


Sige na, Buena Mano lang!

1. Know-It-All - Alam lahat? Si Kuya Kim ka? Google? Wikipedia? May isa kang hindi alam. Nakakairita ka!
2. Epaloids - Pasok ng pasok, hindi kumakatok? Kasali ka ba sa usapan? 
3. Trying Hard Humor - Funny ka ‘no? Nakakatawa ka. That’s my joke! 
4. Wrong Timing - Pag seryoso sila, palabiro ka at ‘pag biruan, pikon ka. Ano ‘to? 
5. Uberly Excited - Para sa mga sagot ng sagot ng mga katanungan kahit hindi pa tapos ang tanong, kalma lang! Makinig muna, ok?
6. Amnesia Moments - Naikwento ko na, uulitin pa ulit? Kakasabi ko lang, tanong agad? Matumal ang memory retention?
7. Market Market - Nakwento na, ikukwento pa ulit? Memorized na ‘yung kwento, may reminder pa ulit? Ulit? Ulit? Again?
8. Negatron - Kunwari realistic pero lagi na lang kontra sa lahat? Pinalaki ka ba sa sama ng loob? Pinaglihi ka ba sa ampalaya?  
9. Pikonicles - Galit agad? Galit lagi? Okay. Galit na tayo!
10. Slow Mo - 'Di mo gets? Lagi na lang? Iodized ba ang salt niyo? Memo Plus, you want? 

Alam mo bang walang salitang GULLIBLE sa dictionary?

Bili na! Pili na suki! Marami sa loob! May size pa ‘yan! Pwede tumawad…
Sige na, Buena Mano lang!

Isa ka ba sa aking mga paninda?


ASTIG NA SABAK NG BLOG MO IPASUOT MO

Tulala at nakangiti pa rin sa tuwing inaalala ang kaganapan noong nakaraang Sabado.

Tulala sa pagka-elibs sa mga blogerong miyembro ng Blog Mo Ipasuot Mo o BMIM.

Blog Mo, Ipasuot Mo

Nakangiti dahil sa hindi maipaliwanag na kagalakang naihatid sa humigit-kumulang na walumpung kabataan ng Barangay Malugay sa San Martin De Porres, Paranaque.

Kasama sina Glentot ng Wickedmouth at Marge ng Coffeehan, nakiisa kami sa ika-7 sabak ng BMIM. 

Matagal ko ng nauulinigan ang pagkahumaling ng ilang bloggero sa isang gawain. Sa ilang kwento at mga nabasang testimonya, napahanga ako sa ubod ng busilak na layunin.

Ganito ang set-up: Makipag-ugnayan sa isang barangay at lipunin ang grupo ng mga kabataan para sa isang programa. May storytelling, palaro, salo-salo, pamamahagi ng mga gamit sa eskwela at higit sa lahat - damitan ang mga bata ng t-shirt kung saan nakalimbag ang URLs ng mga blogs. 

Astig, diba? 

Hindi mababayarang ngiti mula sa mga bata...

Silang may mga butihing puso... 

Ininda ang init at pagod...

Ilang minutong saya nila, may pangmatagalang matamis na alaala...

Matamis na kwento...

Sila rin ay may bidang kwento...

Walang sinayang na oras...

Walang pinalampas na minuto...

Tiyak na hindi ito ang huli...

Hanggang sa muli mga Kakosa!!!

Saludo sa mga bumubuo at sa mga walang sawang sumusuporta sa BMIM!

Asahan niyong laging narito upang tumulong at ikalat ang inyong magandang kwento...

Mabuhay kayo!!!
Isang patunay na hindi natatapos sa blogging ang tunay na pagpapahayag...


Photo Credits:





SONA: So now, what?

Maraming salamat at nabubuhay tayo sa Social Media age kung saan madaling maging eksperto sa ilang sikat na socio-political issues. Basta trending topic, libre ang makisakay at ipamukhang may ambag sa usaping pampulitika.

The Thinker or The Doer?

Walang bago sa ikaapat na SONA ni PNoy. Hindi iba kahit ikumpara sa mga nagdaang nagawa ng mga dating Pangulo. Puro mga pampapoging numero. Kung ang layunin ay ilatag ang tunay na estado ng bansa, bakit puro mga positibo lang ang mga ipinagyabang?

Ilan sa bawat sampung mahihirap ang nanatiling mahirap? Ilan sa mga hindi pa rin nakakabasa ang nananatiling mangmang? Ilan sa liblib na sitio sa ilang bahagi ng bansa ang hindi pa rin makakatikim ng maayos na social services?

Hindi masama ang positive thinking pero karapatan ng bawat Pilipino ang magkaroon ng makatotohanang pag-asa.

My most favorite...


Saludo ako nang bigyang-pugay ang tatlong pulis na simbulo ng kabayanihan, katapangan at katapatan sa sinumpaang tungkulin. Nakakatuwang isiping may natitirang mga tulad nila PO3 Edlyn Arbo (nakipagbuno sa isang holdaper ng jeep na kanyang sinakyan noong siya's off duty), PO3 Felipe Moncatar (tumugis sa mahabang listahan ng kriminal sa Bacolod) at PO2 Dondon Sultan (tumulong sa isang sibilyan at nang bigyan ng Php1,000 ay tumanggi at sinabing: Trabaho namin ang tulungan ang mamamayan...).

Sa kabilang banda, isang katanungan kung sapat na ba ang kabayanihan ng tatlong ito upang sabihing may tiwala na tayo sa kapulisan. Panatag na ba ang ating loob sa tuwing makikita ang mga unipomadong alagad ng batas? Buo na ba ang tiwala ng mamamayan? Wala na bang kotong cops? Wala na bang protectors ng illegal gambling?


My least favorite...


The hype. It's just SONA, so what? Naging bisyo na ultimo ng mga aktibista ang gawing national event ang isang araw na ilalahad lang naman ng Pangulo ang walang katapusang improvements kuno during His administration. Nakakasawa lang. Hindi praktikal dahil nagiging isang major fashion event lang din para sa mga miyembro at asawa ng mga miyembro ng kamara.

Maisabatas lang ang more than 20-year old na Freedom of Information Bill, hindi na tayo magmumukhang patay-gutom sa bawat impormasyon hinggil sa proyekto ng gobyerno. We can just simply get updated on facts whenever and wherever we want to.

Wait, nabanggit ba ang FOI Bill sa 4th SONA ni PNoy? No! 'Yan tayo eh...

Sandamakmak mang pabulusok na datos ang isampal sa mukha ng bawat Pilipino, ang sukatan pa rin ay kung ramdam ba? 

Nasa gitna na raw tayo ng "Daang Matuwid".

Let's see and let's listen. 

Can we feel it?

Who would want to settle for less?