Tulala at nakangiti pa rin sa tuwing inaalala ang kaganapan noong nakaraang Sabado.
Tulala sa pagka-elibs sa mga blogerong miyembro ng Blog Mo Ipasuot Mo o BMIM.
Nakangiti dahil sa hindi maipaliwanag na kagalakang naihatid sa humigit-kumulang na walumpung kabataan ng Barangay Malugay sa San Martin De Porres, Paranaque.
Kasama sina Glentot ng Wickedmouth at Marge ng Coffeehan, nakiisa kami sa ika-7 sabak ng BMIM.
Matagal ko ng nauulinigan ang pagkahumaling ng ilang bloggero sa isang gawain. Sa ilang kwento at mga nabasang testimonya, napahanga ako sa ubod ng busilak na layunin.
Ganito ang set-up: Makipag-ugnayan sa isang barangay at lipunin ang grupo ng mga kabataan para sa isang programa. May storytelling, palaro, salo-salo, pamamahagi ng mga gamit sa eskwela at higit sa lahat - damitan ang mga bata ng t-shirt kung saan nakalimbag ang URLs ng mga blogs.
Astig, diba?
Hindi mababayarang ngiti mula sa mga bata...
Silang may mga butihing puso...
Ininda ang init at pagod...
Ilang minutong saya nila, may pangmatagalang matamis na alaala...
Matamis na kwento...
Sila rin ay may bidang kwento...
Walang sinayang na oras...
Walang pinalampas na minuto...
Tiyak na hindi ito ang huli...
Hanggang sa muli mga Kakosa!!!
Saludo sa mga bumubuo at sa mga walang sawang sumusuporta sa BMIM!
Asahan niyong laging narito upang tumulong at ikalat ang inyong magandang kwento...
Mabuhay kayo!!!
Isang patunay na hindi natatapos sa blogging ang tunay na pagpapahayag...
Photo Credits:
Isang makabukuhang gawain na naman ng mga blogero. Salamat sa suporta. :)
TumugonBurahinNaalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.
TumugonBurahinSaludo ako sa inyo mga kabayan:)
TumugonBurahinPara-paraan sa online papampam LOL
TumugonBurahinAng saya.. ^_^ sama ako sa susunod pero iba ba to sa normal na PBO outreach? LOL
TumugonBurahinsame cause naman so kahit saan ka sumama, lilinis ng wagas ang iyong puso...
Burahincongratulations bmim! masarap talagang kasama ang mga bata, malilimutan mo ang sarili mo at maaliw sa kanilang mga munting kwento at pangarap :)
TumugonBurahinhats off to BMIM for another successful event,
TumugonBurahinNice work! Very nice...Naalala ko ang mga gawain din namin nuon sa Gawad Kalinga. So good to see the happy faces ng mga bata (pati parents nila)! Thumbs up!
TumugonBurahinSana makasama na ko next time. :)
TumugonBurahinSwabeh naman nito! Alam mo na-enjoy ko talaga yung sabak dahil sayo... Habang nag-aayos kami ng pagkaen di ko mapigilang abangan yung intense cheering mo... Indeed, I became your instant fan that day. Sabeh??? HAHAHA. I'm a fan of your blogging style and most of all, of your cheering style :))) LOL. See you next time, at sana makapag-kwentuhan tayo. At pag may kids party samin, can I invite you? Lam mo na. chos! :)))
TumugonBurahinhabang nag papack nga kami ng mga school supplies ng mga bata napansin ko si sentyor..
Burahinaba todo energy sa cheering! wahehehehe ^_^
Galing naman. Sana open sa lahat ng bloggers, alam mo na, na kahit sino ang nauna, bloggers pa rin ang lahat. To think na may kilala ako sa isang grupo.....
TumugonBurahinHuge congratulations to all the men and women behind BMIM :))
TumugonBurahinCongrats sa Bmim , u forgot to mention axl hihihi
TumugonBurahinNakakatuwa ang di matatawarang ngiti ng mga bata. :) Masaya, makabuluhan. Kahit na istress ako dun sa sasakyan na padaan daan.. hehe. Happiness always! :)
TumugonBurahinGaling!
TumugonBurahinCOngrats! Sana madami pa kayong mapasaya.
grabe lang yumg araw na ito, una masaya dahil nakita mo ang mga ngiti ng mga bata habang nakikinig sa mga kwento, at laro, ikalawa ang mahusay na cheering mo sa mga bata, ikatlo ang mga pasaway na padaan daan ng mga sasakyan at ikaapat ang makita mo mga ngiti nila dahil sa saglit na kaligayahan sa kanilang mga mata...
TumugonBurahinI'm glad at sumama ako sa event na to, kahit mainit, sulit na din. Amazed ako sobra na madaling kausap yung mga bata. Bihira ang ganun.
TumugonBurahini wanna be part of something like that.. a blogger outreach... pag pumunta akoh dyan sa pinas i would love to join and experience it.... aight... i'll try to keep in touch w/ u guyz pag umuwi akoh and of course hoping to meet some of u guyz as well =) tc nd Godbless!
TumugonBurahinWow! Congrats BMIM! Job well done.
TumugonBurahinPansin ko lang, pag PBO event wala kang entry no? #selos! hahaha
Congrats and more power BMIM!
TumugonBurahinThanks for sharing your jokes Senyor pinasaya mo ang mga bata pati na ang mga volunteers :)
at dahil diyan, saludo ako sa inyong lahat:)
TumugonBurahinclap clap, napakubti ng inyong kalooban :)
TumugonBurahinpahabol: ung eskwater art mo, on process pa lang.. baka ibigay ko nalang sayo personally pag natuloy exhibit manila, pero sept pa, punta ka ah :))))
TumugonBurahinsaludo sa mga nagsi-attend!
TumugonBurahinwow galing!
TumugonBurahinpwede ba sumali jan?
gusto ko rin tumulong...kung may pagkakataon.
parang kahapon pa ata ako nag comment dito .. hindi pala naregister? hmm.. gusto ko sumali dyan sa BMIM .. nakakatuwa pagmasdan ang mga bata ... :)
TumugonBurahinnice naman talaga ung event oh lalo tuloy ako naghihinayang ee
TumugonBurahinba naman kasi di swak sa schedule ko ampness
muli, maraming salamat sa pagdalo, dre.. sa mga next sabak pa uli, ha? hehehe
TumugonBurahinnakaka-inspire. :)
TumugonBurahinGreat job guys! Ipagpatuloy nyo lang :)
TumugonBurahin