When Iskwater Meets Bulingit of Itchy Feet

Azztig na blogero at komentador ang aking panauhing pandangal ngayon sa aking eskinita. Maliban sa aminado siya sa pagiging skip reader, okay na rin dahil mararamdaman mo naman ang buong katapatan sa bawat reaksyong mayroon siya tungkol sa tema ng poste kahit sa alin mang tambayan.

Ano ang kahanga-hanga sa pagkatao niya? 
Simple lang - LIBOG! I can't find any words to sugar coat it. May bonus naman dahil siya ay isang certified travel blogger at nature lover... 

Halina't kilalanin natin siya ng 69% 
Likod pa lang, ulam na!

Full Name: Niiru Ebrada
Age: 22
Sex:  Average (5-7 orgasms a week) =D ~~~  Male
Location: Sa puso ng mga mambabasa. (Cebu)
Civil Status: Single
FB E-mail Address:  bunz_line@yahoo.com.ph
Twitter Account:  @bunzline (kaso hindi ako masyadong active)

--- o 0 o ---

Paunang Babala: 
Lahat ng sagot ko ay totoo. Kayo na ang bahala kung paniniwalaan n’yo ‘ko :D

Kumusta ka naman?
Medyo mabuti naman. Medyo maginhawa naman ang buhay kasama ng Shift Leader naming parang si Binay. Literally, wala siyang alam sa ginagawa namin pero naging Shift Leader pa rin namin s’ya, parang ‘yung nanalong Binay na walang alam sa senado at nanalo pa, amputa! Kaya medyo mabuti lang. Hindi talaga mabuti kung tutuusin.

Ooohhh... Batang-bata ang padala ni Mayor this time!

Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed?
Na-shock ako, tumalbog ang mahaba kong bangs tapos kumulot na parang bulbol (excuse sa word). Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng mga blogero ako pa ang napili mo, eh hindi naman ako kagalingan – gaya-gaya lang ako. Kaya ayun, laking gulat ng Bulingit n’yo.

Why Bulingit?
Bulingit is, uhmm,.. It’s the Bisaya term for the word Messy. I always look so messy. Even when I’m with my social friends and all. Kahit nasa bonggang kasalan ng kaibigan o sa isang birthday party ay messy pa rin ako. Marami akong bracelets sa wrist at sa paa. Kung kilala n’yo ‘yung ninuno kong si Lapu-Lapu, nagmana ako sa kanya. Mahilig din ako sa art, mostly ‘yung magulong art. You can check my doodle to know what I mean.

What’s with the blog name “Itchy Feet”?
Itchy feet – makati ang paa – isa akong traveller, mahilig mag-wander sa mga lugar na kahit hindi ako pamilyar. Mahilig ako sa dagat, sa bundok, sa ilog, o kahit saang banda basta close to nature at pwedeng mag-chill, tapos nagju-juts din ako (joke). Pero hindi 'yan joke. :D

The Header
Itchy Feet
Feet daw? Pero isa lang ang footprint. Itchy Foot?

When did you start blogging?
10/25/12 – una kong ipinaskil ang una kong blog pero bago ako nag-blog, nagbabasa na ako ng mga blogs ng kaibigan ko, meron ding crush (‘yung sa Babae Pala si Satanas). Jowk ulit!

Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging?
‘Yung mga kaibigan ko at ‘yung syota ko. Puro kasi sila blogger.  Inggitero lang ako, gaya-gaya puto maya muntik ng makain ng buwaya. Dahil sa mahilig akong mag-travel, naisip ko na bakit hindi ko kaya i-blog ‘yung mga napuntahan kong lugar. Kaso ang hirap pala mag-blog. Kaya bina-blog ko na rin yung mga hilig ko. ‘Yung art at mahilig din akong mang-okray.

Hulaan niyo kung may pang-ibabang saplot ang batang ito sa larawan.

Ano ang iyong most favorite post so far? Why?
Dahil hindi ko in-expect na marami ang magkakagusto sa post kong ito. Tapos nag-comment pa si Glentot na idol mo at idol ko rin. Nakaka-inspire kasi 'pag nag-post ka tapos may mag co-comment sa post mo lalo na kung idol mo. Parang mafi-feel mong may nagkaka-interes pa rin sa blog mo kahit walang saysay ang mga pinapaskil mo.

What are the challenges bilang isang bagitong blogger?
Ang hiiirap! Ang sakit sa bangs, nakakapatay ng kuko. Mahirap kasi hindi naman talaga ako nagmula sa lugar ng mga tagalog. ‘Yung mga tagalog ko, mabibilang mo lang. ‘Yun lang yung mga natutunan ko sa elementary. Mahirap mag-compose ng post kahit na may pinaghuhugutan ka pa. Hindi rin ako magaling mag-English, kaya minsan tina-taglish ko na lang, at kahit taglish na, hirap pa rin. Kailangan kasi na ‘pag gumagawa ka ng post ay maiintindihan ito ng mga target mong mambabasa.

What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba.
Gusto kong mag-travel lang at mag-blog. Idol ko ‘yung mga travel bloggers na nagta-travel lang talaga at nagba-blog. Katulad ni Journeying James at ng iba pang mga bloggers na kahit hindi nagkakapera sa blog, nakakapaglibot naman kahit saan.

Razzta in the house! Buma-Black and White!

Who are your Top 3 favorite bloggers? Why?
Una ay si Glentot sa WickedMouth – dahil kahit nang-ookray siya at kahit ikaw pa ang ookrayin n’ya, imbis na magalit ka, matatawa ka pa. Mahirap gumawa ng blog na nang-ookray and at the same time hindi nakakasakit. Idol ko ‘yung post n’ya about sa CD-R King.

Si Sir Mots ng Teacher’s Pwet – honggoling-goling n’yang mag-draw. Ang ganda ng art nya!

‘Yung pangatlo naman ay si Journying James ng Journyingjames.com – ang taong laging nang-iinggit. Kung mahilig kang mag-travel at friends kayo sa Facebook or fina-follow mo s’ya sa Twitter, talagang nga-nga ang pwet mo. Ikaw ba naman ang mapadpad sa ibat-ibang lugar every week.

Ano ang iyong pinaka-unforgettable experience as a blogger?
Noong na-post ko ang pinakauna kong blog at marami akong natanggap na mga corrections mula sa mga blogger friends ko. Mas gusto ko 'yung kinokorek ako.

Hanapin: Killer Abs, Killer Snake & Killer Nipples

Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano?
Babaguhin ko ang user interface ng blog ko (ano raw?). Isa akong hamak na IT na undergraduate dahil mahal ang tuition at mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Kaya naman naisipan kong mag-aral sa Out of School Youth Hackademy. Hindi na raw kasi uso ang academics. Hackademics na raw. Powered by Google. Balak kong ipaghiwalay ang art – pang-ookray – at mga travels posts. Gagawan ko ‘to ng paraan balang araw. :D

Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry?
Una – dapat naka-ready na ang mga pictures kung meron man. Hindi ko na rin ini-edit. Kasi hindi ako marunong.
Pangalawa – dapat naka-open ang Google dahil sa kakulangan sa kaalaman sa mga salitang English at Tagalog – dito ako humihingi ng tulong.
Pangatlo – dapat naka-ready ang kape kapag inaantok ako at hindi masyadong pumapasok sa utak ko ang mga words na gusto ko.
Pang-apat – nire-review ko muna ang mga ipo-post ko bago ko i-publish.

For you, paano mo masasabi na ang isang post ay worth reading?
Kapag nakuha nito ang kiliti ng utak ko. ‘Yung parang nakukuha talaga ng post ang interes ng isang tao. kahit wala na sa hilig mo ang binabasa mo, napapabasa ka pa rin at hindi mo na lang namamalayan na natapos mo na palang basahin ‘yung blog kahit mahaba pa ito.

Walang maisip na caption.

Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo.
Oo. Maraming beses na. Sa mga posts mo Senyor. Jowk-jowk bolante! May mga bloggers na puro rant lang at rant lang talaga. ‘Yun ‘yung mga ini-iskip ko. May mga rants naman na nakakatawa, mahahalay, nakaka-horny, katulad ng kay EssayniPayoyo. Jowk :D

Ano ang comment na hindi mo malilimutan?
Hmmmn ‘yung: Ang dami kong tawa! – Kahit saang blog ka magpunta, may makikita kang ganito.

Sino ang pinaka-favorite mong commentator?
Sa ngayon? Wala. Lahat sila lab ko, magiging favorite ko lang ‘yung magreregalo sa ‘kin ng sapatos. Medyo butas na ‘yung sapatos ko. Jowk!

What do you hate most about blogging?
Lab ko ‘yung blogging. Pramis! :D

Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging?
Hanggang magunaw ang mundo. Feeling ko, itutuloy nila ang end of the world. Nagka-aberya raw  kasi sa part ng mga may-ari ng Mayan Calendar.

What will make you quit blogging?
Kapag wala ng internet sa mundo.

How do you want to be remembered as a blogger?
As a trying hard artist and a travel blogger at pwede ring POSER!

What's the world's #1 Anti-Dandruff Shampoo?

Ano ang iyong mensahe sa mga mambabasa at sa mga prospective readers mo?
Sa lahat ng nagbabasa ng blog ko at sa mga magbabasa pa lang, ipagpatuloy n’yo lang. ‘Pag may napansin kayong mali sa mga ginagawa ko, email n’yo lang ako sa niirue@gmail.com. Suggestions and violent reactions are always welcome.

Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater?
Ang Iskwater ay isang lugar kung saan mo makikita ang lahat ng klase ng tao. May mabait, masama, mapera at walang pera, maputi at maitim, adik at hindi adik, kriminal at hindi kriminal, plastik at hindi plastik. Dito ka rin makakakita ng mga tunay na kaibigan, dito ay hindi mahirap humanap ng mamahalin. Parang sa SM – We got it ALL for you!

Iskwater ka ba? Bakit? Why not? 
Iskwater – sanay ako sa simpleng buhay sa isang masikip na eskinata.

Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!)

Kapamilya o Kapuso? Discovery Channel
Jollibee o McDo? KFC
Boxers or Brief? Boxers
Lights On o Lights Off? Lights off 8=D
Nora o Vilma? Nora
Kiray or Mahal?  Kiray
Hinaharap o Behind? Hinaharap 
Magandang Tanga o Matalinong Ugly? Shet! Haha – ang hirap. Sa matalinong ugly na ako, ipaparetoke ko na lang kay Belo
Younger or Older? Ayokong sabihing age doesn’t matter baka si Madam Auring ang mapangasawa ko.  Gusto ko ng mga 2-3 years older lang.
Payat o Mataba? Payat
Smoke or Drink? Both  
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? Ang hirap naman nito, mas gusto ko ‘yung may both kiss and sex.
Mabilisan or Take your Time? Mabilisan
To Eat or To Be Eaten? To be eaten – masarap kasi yung nakahiga ka lang =D~
Madam Auring o Aling Dionisia?  Madam Auring- mas malaki ang boobs
Maikli o Mahaba? Mahaba
(Nakapag-explain parin, sorry, hahaha)


--- o 0 o ---

Pagkatapos ng munti naming usapan at maikling kulitan, masasabi kong elibs ako sa mga chill at swabeng hirit ni Bulingit. Sa katanungan kung sakto ba ang nahita kong lalim at sustansya, ROCK ON!!! 

Sa ganang akin, walang conscious effort to impress at puno ng humility ang kanyang pagkatao.

Sa kanya, simple ang buhay bilang isang simpleng manlalakbay. 
Madungis pala ang ibig sabihin ng bulingit. Akala ko dati ay mispelled 'bulinggit' na best description sa taong hindi biniyayaan ng tangkad. Now I know.

Please check out and follow his blog...



“To live simply, enjoy life, and travel the universe.” - Bulingit 

68 komento:

  1. ngayon ko lang nalaman ang meaning ng bulingit. hindi ko naman ganon kadalasan marinig pero akala ko bulingit is bulilit. :|

    ilang taon kaya nya pinahaba, pinaglaruan, pinaikot-ikot, ikunulot, at ibinilog ang kanyang buhok?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yan ay pinahaba, pinaglaruan, pinaikot-ikot, ikunulot at ibinilog ng mahabang panahon, joke,, hahaha... ewan, d ko na maalala, hahhaa

      Burahin
  2. Ok yung mga captions mo at ok din ang mga sagot ni Itchy Feet. Great interview!

    TumugonBurahin
  3. ang kulit ng mga sagot, kasing kulit ng buhok nyang kulot, tunay ba yan? hahaha Hindi ko pa nadalaw ang lungga ni Itchy Feet... pero dahil sa interview na to, mapuntahan nga...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tunay po yung buhok ko, hahaha, bisita ka rin po sa blog ko pag may time :D

      Burahin
  4. Haggard - "bulingit" kaagad na Visayan term ang nasa isip ko everytime I hear that word.

    He is from UBECkistan diay.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha. kapag sinabing haggard - itchyfeet nalang ang isipin mo, hehe..
      ubeckistan, parang pakistan lang, hahaha :D

      Burahin
  5. Great interview. Good luck to more blogging for all of us. I liked the hair:)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. thanks mam :D, e dreads din natin yung buhok mo :D

      Burahin
  6. wow, bigla ko naalalang july na pala! haha
    anyway, astig ng hairdo nya ahh!
    haha oks ang sagot nya lalo sa fast talk

    TumugonBurahin
  7. alam ko na ngayon ang pupuntahan ko kapag may bisaya term akong itatanong. hina kasi ni google d'yan hehe.. sana okey lang kasi wala talaga akong kilala na mapagtatanungan.

    kulit ng mga sagot ^__^

    TumugonBurahin
  8. wow, isang fellow artist na naman ang iyong nakapanayam. Maka "fellow" naman ako. lol Mapuntahan nga ang blog nya.

    Ang kulit ng mga pictures, kasing kulit ng mga sagot nya! haha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. feeling artist lang po 8=D

      paki follow narin pag napadpad ka sa blog ko, haha

      Burahin
  9. ataya mutubag aning bataa. Sige kog katawa, naay seryoso naay binuang. Pero kining crush nimo si satanas murag tinuod ni bai.

    Lahat ng mga kakilala kong nakadreadlocks mahilig sa bundok, sa dagat mahilig sa nature at adventure. (At mahilig sa chicks). Gusto ko yung depinisyon ng iskwater na bahagi ng panayam lalo na yung "dito, hindi mahirap humanap ng mamahalin.

    Padayon lang bulingit.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Eeh, pakitranslate yung sentence na may kinalaman sa akin, Deadlocks. Bembangin kita eh.

      Burahin
    2. Hahahaha akala ko nasa ibang planeta ka na naman, di na kasi kita nararamdaman eh hahaha. Wag ka mag-alala wholesome yan. :D PAsyal pasyal ka sa bahay minsan.

      Burahin
    3. wala kang dapat ikatakot sa part na may kinalaman sayo, hindi naman masama yung sinabi nya,

      pasyal ka rin sa bahay ko pag may time ka, lol, pasyal ka ng cebu, :D
      itotour kita kina jack, lalala lala ♪♫

      Burahin
    4. adre, may kulang.. dapat mahilig din sa hmmm widz.. hehehehe

      konti na lang talaga papa-dreads na rin ako, eh.. kakainggit kayo nina joey..

      Burahin
    5. pa dreads kana po ser para dumami na lahi natin sa mundo, hahaha

      Burahin
  10. taga cebu! pwede ko makilala pag punta ko sa hulyo 19! mahusay na panayam!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. pwede... :D libre mo ha? ahahaha, kontakin mo lang ako sa email ko, medyo busy ako sa weekends, gagala pa ako :D niirue@gmail.com

      Burahin
  11. Ehem.. Ehem, mic test. Ayan, game.

    May naalala akong ganito din sumagot sa isang interbyu ng Damuhan. Chill chill lang. Di mabigat basahin, di din naman sobrang gaan. May tamang sustansiya.

    Cebuano pala ito. Mga twice a year pa naman ako magawi sa Cebu.

    Gusto ko sanang may masabi sa fact na dalawang beses akong nabanggit sa interbyu. Kaso speechless ako. Parehas lang yata talaga kaming malibog, kaya mag-katukayo kami. Hahahaha.

    Makapagkape na nga muna.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. san ba yung damuhan? at anong klasing damu ang nandun?
      parang damu = chill. parang may naaalala din akong damu na ganun :D

      kontakin mo ko pag pupunta ka dito, gusto kita ma meet, walang joke :D

      akin na yung paper cup ng kape mo, idoodle natin :D

      Burahin
  12. hahahah... featured na ang bulingit ow... maka-proud man sad... heheheh... mwuah! :D

    TumugonBurahin
  13. Pang model ang mga pictures ni kuya. hahaha. :)

    TumugonBurahin
  14. Ang kulit ng mga pictures noh. nice hair and photography. i enjoyed reading your interview and visited his blog.

    |

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. thanks for visiting my blog, follow nyo nalang rin po. hehehe

      Burahin
  15. Naks, ito pala ang tunay na katauhan ni Bulingit ng Itchy Feet :D

    Kiko Rustia, ikaw ba yans? hehehe!

    Nag-enjoy ako sa pagbabasa ng walang kagatol gatol niyang sagot (most of them were witty and funny) dito sa interview portion ni Senyor sa kanya.

    Nice meeting you man!
    ( mejo matagal tagal na din akong naka follow at nagbabasa ng blog posts nya (at kumokumento pag may time), ay ngayon ko lng nakita ang astigin na dread locks nya XD )

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ako ang tunay na kiko rustia, fake yung nasa tv. haha

      nice meeting you rin po. keep following my blog. pramis, mag iimprove pa yung mga post ko hehe

      Burahin
  16. sir, boss, ah parang di bgay biro lang senyor iskwater na lang ngayon lang napadaan sa iyong munting tahanan salamat sa pagbisita mo.
    aus sa mga taong ah, astig mga sagot ni itchy fett xenxa na skip read din un iba.

    TumugonBurahin
  17. unang sagot pa lang sa tanung ni senyor, banat kaagad kay binay... hahaha... kulit lang..

    ang kulit lang ng mga sagot niya, sobrang cool siguro ng taong ito..

    panalo yung mga larawan pati yung mga caption nito..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kudos to Senyor eskwater for choosing the right pics and for the captions :D

      Burahin
  18. Bulingit astig naman ... Gusto nako ka mailhan sa personal .. Standout ang buhok nimo .. Galing ni Senyor! Kaw na senyor! ..

    Kudos sa mga bisaya!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sure, pag napunta ka ng cebu o mapadpad ako dyan sa inyo. hehe

      Burahin
  19. ang kulit! ang lupet! astig! nice to know met an artist (hey there social friend) like you.
    ang sarap basahin nitong buong entry/article/interview na 'to :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hey sosyal :D punta na kayo ng cebu, pramis, hindi ko pa nauubus yung damu, :D

      Burahin
  20. kala ko Neil real name ni Kuya :O

    blogger crush ko yan eh :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. shhh, wag mo ipagsabi yan dito, lol, hahahaha, :D second name ko lang yung neil :D

      crush mo na pala ako, ang bilis naman, hahaha

      Burahin
    2. hahaha! shhhh! wag ka pong maingay, secret ko lang iyun :P asan na po doodle ko? hehe >:D

      Burahin
    3. ay oo nga pala, hahaha, gagawan pa kita ng doodle, andami nyo sa listahan. :D, ikaw? asan na yung doodle ko? hahaha, sa email nalang tayo mag converse, baka magalit si senyor kung gagawin nating chatroom tong post nya, hehehe

      Burahin
  21. Ang kulit nung mga pics.. lalo na yung sa worlds nmber 1 anti dandruff.. astig!!!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha, kahit naka anti dandruff, andami paring dandruff, hindi maiiwasan pag naka dreads ka, haha

      Burahin
  22. Nice dreads at natawa ako sa mga captions... You should definitely meet Senyor Iskwater in person. Sana personal nyong nagawa ang interview na ito. Mas masaya yun. At salamat sa pagkakamention sa akin dito hehehe thanks...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sana nga sir at magkaroon ng pagkakataon na magkameet kami in person para sa interview, hahhaa, at welcome po :D

      Burahin
  23. Sa lahat ng nafeature mong blogger, ngayon lang ako nacurious, siguro dahil sa dreadlocks niya haha... Bibisitahin ko amg blog nya.

    TumugonBurahin
  24. Ang gwapo mo! Pati abs lol :P
    Sensya at yun ang unang napansin ha ha. Malaki lang talaga ang respeto ko sa mga taong fit ang dating ng body structure = may discipline baga :)

    In fairness very interesting ang personality plus ang galing magtagalog kahit Cebuano. Pinaka-gusto ko sa lahat yung pananaw mo sa blogging - "kahit hindi kumita" at "kahit magunaw ang mundo"

    At kay Senyor - ang galing mo talaga mag feature ng personality. Sakto pati mga pics and captions.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. thank you po mam,
      resulti na siguro to ng everyday na swimming, :D

      yung pananaw ko po kinopya ko lang sa google, joke :D

      Burahin
  25. kung ikaw ang context, 'bulingit' means neat mess! nice interview sa imo bai Niiru

    TumugonBurahin
  26. astig ng tattoo mo, ang galing mo ding maging model ah hehe, gusto ko yung second to the last na pic!

    TumugonBurahin
  27. Tara! Bundok, sir! Saan ang susunod na akyat? Inggit much ako sa buhok. Pengeng isa. Haha. Gala lang ng gala, aba, sa yaman ng Pinas, hindi ka mananawa sa paglilbot.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tara! akyat tayo, haha, kung sa cebu nga hindi ko pa nauubus yung bundok, buong pilipinas pa kaya na may 1700+ islands, hahaha

      Burahin
  28. takte .. mahilig pa naman akong magcomment ng "dae kong tawa" eh totoo naman kasi .. parang dito lang .. wahahaha!!



    ganda ng buhok mo.. pangarap ko yan gawin sa mahaba kong buhok kaso sad to say ayaw akong payagan ng nanay ko! .. naging ganyan din ang pormahan mo nung college ako .. hihi..

    at taga cebu ka pala.. ang mga ninuno ko naman taga samar .. magkamag-anak lang yung salita dun diba?

    ayos to .. ipapalow narin kita :) may bago na naman akong kaaaliwanng basahin .. ehehe.. pag-aaralan ko nga rin yung mga ganyang post .. parang turista :)

    *wink*

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha, salamat po mam, sana ay ma dread na rin yung buhok mo para dumami tayong mga jah army, :D

      yung sa samar at cebu, medyo magkalapit lang yung mga salita namin depende sa lugar.

      at salamat din sa pag follow :D

      Burahin
    2. huling komentor pala ako dito .. hehehe.. sabi nga ng nanay ko may hawig din.. Northern Samar kasi ang probinsya namin .. kaya may lahing waray ako... wahaha .. en so wat :)

      Burahin
  29. Na inlab na ako ni Bulingit. Can I have ur number koya?

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...