Iskwater Turned Love Guru



Gusto kong karirin ang pagiging love guru. Subok na at maaasahan ang aking kakayahang magbigay kasagutan sa sinumang may katanungan o may kinakaharap na suliraning may kinalaman sa pag-ibig. 

Gagamitin ko ang pahina ng eskinitang ito upang patunayan sa inyong ang mga problemang puso ay  tulad lang ng ilang mathematical problems - may solusyon.

Hayaan niyo akong ibahagi ang aking talento. Walang Bayad. Basta makinig lang.

For now, allow me to share some of my epic thoughts about love. Ang ilan sa mga ito ay aking mga paniniwala, paninidigan at pamantayan. Believe me, I've shared all of these to others and they're effective. Promise!

Let me give you 10 examples...
  1. Nasa kanya na ang lahat. Looks. Personality. Katawan. Sense of humor. Yaman. So , nagtataka ka kung bakit ka iniwan? Ano ka sinuswerte?
  2. Masaya akong makita ang mga kaibigang may super healthy na lovelife. Nakakainggit ang nilalanggam nilang lambingan. Gaano na sila katagal? Months pa lang... Let's wait and see!
  3. Masakit ang malamang may mahal ng iba ang pinakamamahal mo. 7 years na kayong wala. Move-on move-on din 'pag may time.
  4. Ang sarap namnamin ang mga matatamis na sumpaan ng bawat magkasintahan pero mas exciting manood ng lover's quarrel sa mga pampublikong lugar. Kung may pisikalan, da best!
  5. Darating ang isang tao at ipapangako sa'yo ang langit at lupa ngunit matapos kang tikman, gamitin at pagsawaan, sasaktan ka lang at iiwanan. Parang lotto lang 'yan, mahirap tamaan ang jackpot.
  6. Totoong bulag ang pag-ibig... tapos tanga ka pa. Asa sa happy ending?
  7. Ang tunay na pag-ibig ay hindi nababayaran. Joke! I tried and it was my first true love.
  8. Mapaglaro ang kapalaran. Minsan hindi mo alam na nariyan lang pala ang matagal mo nang hinahanap. Tanga ka nga.
  9. Mas pinili kong huwag munang magmahal hindi dahil sa takot na muling sumugal at masaktan. Mas ninais ko lang na maging masaya kahit nag-iisa. Wala rin naman akong choice so let me convince myself!
  10. Nangyayari ang walang hanggan. Totoo ang sumpaang 'walang iwanan'. Forever truly exists. Marami na ang nakakita sa Babae sa Balete Drive. 

Sigurado na 'ko sa desisyon kong ito. Nais ko lang naman ang makatulong.

I am now accommodating love problems. Go!

Call me Senyor Amor! 

Call or Text 0925-8-SENYOR NOW!


31 komento:

  1. medyo may mga bitterness ang halos lahat lol

    TumugonBurahin
  2. Hahaha! Ok, I get it, char! Gow ako sa #9! Lonely minsan but its perfectly fine.

    TumugonBurahin
  3. Hahaha! Ok, I get it, char! Gow ako sa #9! Lonely minsan but its perfectly fine.

    TumugonBurahin
  4. #4 gawain ko yan. Masarap panuorin ang mga nag-e-LQ lalo na pag nasa mall sila, dina-dub pa nga namin lalo pag mejo malayo sila na hindi namin naririnig. hahaha!

    TumugonBurahin
  5. Well...I am not in that category senyor:) i found my prince and still pretty much in love after 23 years. I hope you find yours.

    TumugonBurahin
  6. panalo yung number 6 ! wahehehehe! :)

    TumugonBurahin
  7. bwahahahaha.

    mukang maging malaking tulong sa lab prablem pag sa iyo tumakbo ang mga folks. hahahaha. bwal nga lang ang sensitive dahil baka ma-offend much sa straightforward advice

    TumugonBurahin
  8. bakit wala ako sa mga examples mo? hehehe
    dika naniniwala sa true love happy ever after no? hehehe, wala nmn tlgang pasok sa category na yan.
    basta ako, happyng happy sa piling ng kuya mo
    kahit minsan gusto ko siyang batukan at gusto niya akong sakalin:)
    miss u senor!!!

    TumugonBurahin
  9. Ang husay ng mga examples! Sampol pa lang yan! love problems pala ah! DM sent! haha

    TumugonBurahin
  10. Ay teh, tumatawag ako, busy naman yang hotline mo, hmp! Bonggels ang 1 at 7, hahaha

    TumugonBurahin
  11. #2 -eh ganun talaga pag bago..pag nagtagal yan..bugbugan at murahan na ang lambingan nila hahaha :P

    TumugonBurahin
  12. 10. Kala ko "Forever truly exists" at ngayon ay marami nang vampire ha ha

    TumugonBurahin
  13. Gusto ko yung 7, kuwento naman diyan.

    TumugonBurahin
  14. Yun oh! #4-10! relate much. hehe ^_^

    TumugonBurahin
  15. hello senyor amor.... ^^ nakakatuwa nga panoorin ung mga nag aaway sa public lalo na kung may sampalan hehehe

    kapag sinaktan ka.... makikita mo ang bituin na sinasabi niya... lalo na kung inuntog ka niya hehehe....

    nice ^^ ingat lagi...

    TumugonBurahin
  16. hi Senor,

    @#7. . .db girl ang true love mo?. . ngtatanong lang . . tc

    TumugonBurahin
  17. ok ito senyor. love guru na pero agree ako sa iyong mga tinuran.
    relate lang sa # 6.
    thumbs up dito sir.

    TumugonBurahin
  18. pwede ka na ngang maging love guru, adre.. hehehehe..

    TumugonBurahin
  19. ahh leche! mas mahal na ang time mo ngayon. lalong di na ako maka-afford.

    TumugonBurahin
  20. ayun, nakakita na ko ng number four!

    at pak na pak yung number payb!

    sumisikat ka na senyor :) for sure dudumugin ka ng mga sawi...hihi

    TumugonBurahin
  21. haha basta ako di ako ganung kasaya pero iniisip ko ung lalayo ba ko eeh may magbabago ba? baka lalo lang akong di maging masaya

    TumugonBurahin
  22. ayos to .. kapag may problema ako sa pagibig sayo ako kukunsulta ..

    hehe

    TumugonBurahin
  23. 1. Ang sakit naman nito, pero totoo.
    2. Balitaan mo nalang kami.
    3. Nag mahal talaga ng tunay
    4. hahaha! natawa naman ako dito. pero ang hirap kaya manood ng ganto. Parang nakakatakot, baka may masaksihang kung ano!
    6. HAHAHA!
    7. Naks! Walang bayad pero magastos.
    9. Go lang. :D

    Wow. Sumusunod sa yapak ni papa jack! haha!

    TumugonBurahin
  24. hi papa jack! haha..

    wala nga masyadong bitterness ang bawat item. lol

    TumugonBurahin
  25. sa number 4 lang ako, d ako makarelate sa iba, gusto kitang makita sa tabi ng daan na nakikipag away sa syota mo, joke. haha

    TumugonBurahin
  26. YAN ANG LOVE GURU. SARRAP SUNDIN NG MGA PAYO. LOL!

    TumugonBurahin
  27. Tumawag ako dun sa number, cannot be reached daw. Desperado pa naman ako. *haha*

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...