Love Guru on the Loose

Ako ay nambraso ng mga kaibigan upang sapilitan nilang isangguni ang kanilang mga problema't katanungan tungkol sa usaping PAG-IBIG.


Bilang paunang bagsakan, katorseng love problems/questions ang ating pagpapraktisan.

From THE Kumagcow
Paano ko pagsasabayin ang career at lovelife?
Senyor Amor: Simple lang, humanap ng lovelife sa opisina. Kung may posisyon, gamitin ang powers at kung entry level employee, gamitin ang natitirang alindog para magka-powers. Ito ay nangyayari kaya't makiuso bago pa mahuli.

From Shelly aka @SillyShellykins on Twitter
Bkit ang mga babae mahilig sa bad boys? Tapos iiyak-iyak pag nasaktan sila?
Senyor Amor: 'Wag mong lahatin. Hindi lahat ng babae tanga. Nasaktan na rin ako sa bad boys. It's the size... Dahan-dahanin at hingang malalim para hindi masyadong masaktan.

From Bulingit of Itchy Feet
Ano ba pwedeng gawin sa syota mong kahit mga kaibigan mong lalake ay pinagseselosan n'ya?
Senyor Amor: Hiwalayan mo kung hirap ka na. Malamang sa tingin niya bading ka. Uso rin kasi nowadays. Ask her, selosa lang ba talaga o may duda?  

From Queendy Ngo aka @Squeaky on Twitter
Ano pong gagawin kung may best friend na girl 'yung BF mo tapos pinagseselosan mo? Feeling mo mas napapaburan 'yung friend kaysa sa iyo na GF tapos nahuli mo na may letters na sexy talk 'yung girl sa BF mo?
Senyor Amor: Do sexier and dirtier talk para ikaw naman ang mas paburan. Boring ka kasing GF. Subukan mo ang mahabang foreplay with fruits (hala... ano raw?).

From Niiru Ebrada aka @bunzline on Twitter
Ano ba pwedeng gawin sa syota mong paranoid, suicidal at 'pag nagagalit, sinisira lahat ng gamit n'yo?
Senyor Amor: Baliw siya! Hiwalayan na 'yan agad-agad! Gusto mo bang maagang maging biyudong walang naipundar?


From Misyel B. of Mishelandia
Okay lang bang makipag-date sa lalaking may kinakasama?'Di pa naman sila kasal eh.
Senyor Amor: Kung makati ka pa si higad, walang delicadeza at pangarap mo ang manira ng buhay ng may buhay, okay lang naman. Kahit hindi kasal, it doesn't give you the right to be stupid! Nakakapikon ka.

From Phioxee of Phioxee Blog
Paano malalaman na totoo ang lalaki or flirting lang?
Senyor Amor: Hindi mo malalaman. Walang clue. I-enjoy mo na lang at ibigay ang sarap na babalik-balikan.

From Marge of Coffehan
Tama o mali ang tanggalin  mo ang ugnayan n'yo ng ex mo sa social networks?
Senyor Amor: Tama! Basta hindi ka naman gagawa ng ghost account to monitor his whereabouts. Sabi nga ni Bianca Gonzalez, "Panindigan!".

From MB Anonymous aka @semi_silence on Twitter
Paki-poll question na rin po kung gumagana ang gayuma at kung may nakapag-try na.
Senyor Amor: So primitive ng concern mo. Lumang tao ka ba? 'Wag mo kaming idamay kung bored ka.



From Venus Sandoval of Lifehomes, Pasig
How to tell someone that you fell out of love?
Senyor Amor: No brainer. Sabihin mo lang na 'ayawan na' dahil wala ka ng nararamdaman. There's no easy way. Pwede rin namang putulin mo na lang bigla ang lahat ng communication. Gets na niya 'yun!

From Mr BB Anonymous from Blog na Masukal
Pareho na raw kayong naka-move-on. Pero di n'yo maiwasang magtampo sa isa't isa na para bang mag-boyfriend pa rin kayo ganung alam n'yo sa mga sarili n'yo na tapos na ang kabanatang 'yun sa buhay n'yo. Kung ganun, ano itong pagtatampong ito? Tampo nga lang ba ng magkaibigan o dahil sa meron pa rin kayong nararamdaman.
Senyor Amor: Ang gulo niyo! Kung nae-enjoy niyo 'yang ganyang set-up, mukha kayong mga adik. Kung ikaw ang lalaki, pairalin na ang da moves. Torpe lang?

From Ms. Bolera aka Hindi Nagpakilala aka @Ms_Pinklips on Twitter
Meron po akong long time jowa pero may isang taong hindi maalis sa isip at kepyas ko... Ano po ang gagawin ko?
Senyor Amor: Ang bastush! Isa lang ibig sabihin niyan, hindi ka masaya sa long time jowa mo. Kunsabagay, nakakasawa kasi kung puro adobo araw-araw. Send me the pic ng taong iniisip mo at ng kepyas mo for further study then I'll get back to you. Ok?

From EssayniPayoyo of Babae Pala Si Satanas
Paano po 'pag hindi ka pinapansin ni kras?
Senyor Amor: Isipin mong 'pag di ka pinapansin ni kras, think again. Baka naman hindi ka talaga pansinin.

From Glentot of Wickedmouth
Para saan ang bulbol? 
Senyor Amor: Love problem ba 'yan? Okay, ganito. Sa babae it's pampasikip. Subukang itirintas before making love, tiyak ang tightness to fullest. Sa lalaki, it's pampalasa. 'Wag i-shave at 'wag masyadong hugasan, for sure mangangamoy. 'Pag may amoy, may lasa. Yum yum yum...

Sa mga nais magtiwala at magparating ng inyong mga pinagdadaanan, bukas ang ating linya - 0925-8-SENYOR o 'di kaya ay tru Twitter @PissNotWar.

'Til next time!!!

Paalala: Ang mga nailahad na payo o kasagutan sa mga isinangguning love problems ay bunga ng malikot at mapangkupal na kaisipan ni Senyor Amor aka Senyor Iskwater. Kung hindi mapapakinabangan, 'wag gamitin unless ikaw ay walang sariling bait at mas nais na maging sunud-sunuran.

27 komento:

  1. Hihihi... Ang sikip-sikip, sikip-sikip, sikip-sikip ko na pala. Hihihi =)

    TumugonBurahin
  2. Hahaha! Ang laki nang problema ni Ms_pinklips! At talagang may sagot ka sa tanong ni Glentot! hahaha! Ang galing mong magpayo Senyor! Siksik at malaman at may sustansya!

    TumugonBurahin
  3. Senyor ayaw mo ba gumawa ng book tungkol sa ganito? ipunin mo lahat ng mga nagawa mo tapos publish mo. Bebenta promise! You got the talent! \m/,

    TumugonBurahin
  4. hoy! hahaha, ang halay naman, d ko ma gets, bata pa kasi ako,hahhaha

    pag sa lalake, hindi ba pweding e dreads yung bulbol? para may extra ari, haha

    TumugonBurahin
  5. Bakit sa iba sweet and simple ang mga sagot?
    Yung sakin parang may kasamang sapak!
    Based ba yan sa waistline?

    TumugonBurahin
  6. Gagawin ko yan.. wala nmng mawawala.. try2 lng.

    TumugonBurahin
  7. oh my! sisikat ka senyore, nararamdaman ko, wag mo ko kakalimutan senyor amor pag sikat kna :)

    TumugonBurahin
  8. Dami mo na work:) love guro ka pa. What's next senyor?
    Have a nice weekend!

    TumugonBurahin
  9. Nakibasa lang uli.... at napangiti.. (walang masabi :)

    TumugonBurahin
  10. ang kulit ng mga payo . :p Pati anatomy pala pwedeng itanong sayo.

    At di ka naman maxadong bitter sa "Misunderstanding" niyo ni bianca , nakasingit pa di nsiya hanggang sa post mong ito. wahhaha

    TumugonBurahin
  11. HA HA HA Speechless ako puro tawa na lang! Tumambling ako sa last question and advice ha ha ha

    U made my morning once agaiiiiiin!

    TumugonBurahin
  12. Yung sagot mo kay Shelley, binasa ko ulit dahil hindi ko na gets tapos bigla akong natawa. Akala ko serious ang mga sagot. O eto yung mga postings na may humour at magaling ang pagkakasulat.

    TumugonBurahin
  13. Akala ko bah anonymous yung sakin. Hahaha buti nalang yun lang tinanong ko.

    TumugonBurahin
  14. wahahaha ikaw na talaga senyor!!!'
    tama tlga ako nung sinabi kong ikaw lang ang tunay.
    sagutin mo nga ako... Bakit napapapikit tyo kapag nakikipaghalikan? hahaha

    TumugonBurahin
  15. wow! impressed nanaman ako as usual, agree ako pwedeng
    book na ganto ang theme ang gawin mo!
    nakakatakot ka pala mag advice parang ayoko na isend yung akin
    wait valid pa ba?
    dame ko tawa lalo dun kay glentot, the best ka senyor

    TumugonBurahin
  16. Sobrang laughtrip sa pubes at fruits! More! More!

    TumugonBurahin
  17. hahahaha, taragis ang finale question ni glentot! wagas!

    At hanep yung payo dun about sa bad boys, dapat may hingang malalim ganyans..... hahaha

    TumugonBurahin
  18. ahahaha may dating ka sa ganito senyor. Pero ibang-iba ang dating ng glentot at senyor question and answer. May natutunan akong marami. Hahaha
    Ipagpatuloy.

    TumugonBurahin
  19. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  20. haha ang kulit ng mga tanung at sagot ba, pude na ba itong gawan ng libro parang kay ramon b...

    TumugonBurahin
  21. Nakalimutan ko magisip ng tanong. Nakatulog ako. hahaha.

    TumugonBurahin
  22. Ayos, mabenta to senyor haha, bagong karir congrats galing mo magpayo! Katuwa magbasa at ni-revealed talaga kung galing kanino wahahaha.. naku naku di pwedeng anonymous talaga

    TumugonBurahin
  23. muntik na ko matae kakatawa dito... hehehe .. ayos! pasok sa banga mga tanong at sagot ..

    TumugonBurahin
  24. napaputang ina ako sa mga sagot mo senyor! hahaha.. napakaseryoso.. hahahaha

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...