SONA: So now, what?

Maraming salamat at nabubuhay tayo sa Social Media age kung saan madaling maging eksperto sa ilang sikat na socio-political issues. Basta trending topic, libre ang makisakay at ipamukhang may ambag sa usaping pampulitika.

The Thinker or The Doer?

Walang bago sa ikaapat na SONA ni PNoy. Hindi iba kahit ikumpara sa mga nagdaang nagawa ng mga dating Pangulo. Puro mga pampapoging numero. Kung ang layunin ay ilatag ang tunay na estado ng bansa, bakit puro mga positibo lang ang mga ipinagyabang?

Ilan sa bawat sampung mahihirap ang nanatiling mahirap? Ilan sa mga hindi pa rin nakakabasa ang nananatiling mangmang? Ilan sa liblib na sitio sa ilang bahagi ng bansa ang hindi pa rin makakatikim ng maayos na social services?

Hindi masama ang positive thinking pero karapatan ng bawat Pilipino ang magkaroon ng makatotohanang pag-asa.

My most favorite...


Saludo ako nang bigyang-pugay ang tatlong pulis na simbulo ng kabayanihan, katapangan at katapatan sa sinumpaang tungkulin. Nakakatuwang isiping may natitirang mga tulad nila PO3 Edlyn Arbo (nakipagbuno sa isang holdaper ng jeep na kanyang sinakyan noong siya's off duty), PO3 Felipe Moncatar (tumugis sa mahabang listahan ng kriminal sa Bacolod) at PO2 Dondon Sultan (tumulong sa isang sibilyan at nang bigyan ng Php1,000 ay tumanggi at sinabing: Trabaho namin ang tulungan ang mamamayan...).

Sa kabilang banda, isang katanungan kung sapat na ba ang kabayanihan ng tatlong ito upang sabihing may tiwala na tayo sa kapulisan. Panatag na ba ang ating loob sa tuwing makikita ang mga unipomadong alagad ng batas? Buo na ba ang tiwala ng mamamayan? Wala na bang kotong cops? Wala na bang protectors ng illegal gambling?


My least favorite...


The hype. It's just SONA, so what? Naging bisyo na ultimo ng mga aktibista ang gawing national event ang isang araw na ilalahad lang naman ng Pangulo ang walang katapusang improvements kuno during His administration. Nakakasawa lang. Hindi praktikal dahil nagiging isang major fashion event lang din para sa mga miyembro at asawa ng mga miyembro ng kamara.

Maisabatas lang ang more than 20-year old na Freedom of Information Bill, hindi na tayo magmumukhang patay-gutom sa bawat impormasyon hinggil sa proyekto ng gobyerno. We can just simply get updated on facts whenever and wherever we want to.

Wait, nabanggit ba ang FOI Bill sa 4th SONA ni PNoy? No! 'Yan tayo eh...

Sandamakmak mang pabulusok na datos ang isampal sa mukha ng bawat Pilipino, ang sukatan pa rin ay kung ramdam ba? 

Nasa gitna na raw tayo ng "Daang Matuwid".

Let's see and let's listen. 

Can we feel it?

Who would want to settle for less?

18 komento:

  1. ang alam ko lang ay taon taon na itong pinapalabas sa TV, hanggang ngayon ay wala paring pagbabago, talamak parin ang korapsyon, mga numero na nagrerepresenta ng pera, perang makukurakot nila mula sa mga buwis na binabayad natin, ayos lang naman na pagbigyan nila ng pansin ang pag lago ng ekonomiya, basta binibigyan rin nila ng pansin ang mga taong bumuboto sa kanila, hindi lamang tuwing eleksyon, kundi habang sila ay nasa termino nila, hindi sana nila dapat hintayin na matapos ang termino nila bago nila ibigay ang lahat ng kanilang makakaya, na mauuwi rin lamang sa mga proyektong hindi natapos dahil iba na naman ang mamamahala pagkatapos ng eleksyon, hanggang kailan pa sila matututo at hanggang kailan nila tatapusin ang kanilang pagpapayaman gamit ang pera ng mamamayan, ang lahat ng ito ay kabobohan lamang, mga bagay na walang nagagawa para sa mga taong dukha, imbis na pagtuonan ng attensyon ang mahihirap, mas inuuna pa nito ang mga mayayaman, imbis na magbigay ng trabaho sa mahihirap, mas nabibigyan pa ng negosyo ang mga mayayaman, kun sabagay, ang negosyo nga naman ay maganda sa ekonomiya, ngunit para sa'n pa kung ang makikinabang rin naman ay tanging mayayaman lang. san pa lulugar ang mga mahihirap na kanilang nilalapitan tuwing eleksyon upang hingin ang kanilang boto. nasaan na ang pinangako nilang pagbabago? ilang hakbang pa ang dapat hakbangin para sa matuwid na daan? ang daanan bang iyan ay simentado o spaltado? baka naman dinaanan lang ng pison para maging flat at pag naulanan ay masisira rin lamang. magbago na sana kayo, bow,

    TumugonBurahin
  2. agree ako sayo, bakit puro postibo lang? interesado din tayo at ang ating mamayan sa negatibo para ng sagayon ay maging aware din tayo kung ano ang dapat baguhin dahil nasa saatin rin ang pagbabago para umunlad ang ating bansa. okay naiintindihan ko na always look the good side pero fuck the good side!

    At teka, nasa gitna na tayo ng Daang Matuwid? Ang alam ko dumarami ang nagiinvest sa bansa natin and the business improvement shit which yes can generate jobs pero hindi pa rin nagbabago na maliit pa rin ang sweldo ng average working people. Pero masaya na rin ako at umuunlad slowly but surely ang ating bansa.

    And I believe he's still good president in many ways. so ya, kudos parin kay Pinoy.

    TumugonBurahin
  3. Di ko npakinggan ang lahat ng kanyang sinabi, mga bahagi lang...marahil nga di pa gaanong ramdam ang mga pagbabago sa ngayon, at nakikisimpatya pa rin ako sa maraming mahihirap na tao. Gayunpaman alam ko na 'nagta-trabaho' ng seryoso ang Pangulo para maisa-ayos ang lahat (at napakahirap nito)... siguro ang iilang taon ay hindi talaga sapat para maisa-ayos ang sandamakmak na problema ng ating lipunan...

    TumugonBurahin
  4. nanood ako nito pero mas naaliw ako dun sa nagtratranslate ng sign language.

    no comment much into politics. heheheh

    TumugonBurahin
  5. After Gloria and Estrada, parang nagsawa nako maging hopeless, with Pinoy nakakita ako ng konting hope. Hinde man siya perfect or excellent, naniniwala akong may effort siya to really have a good government, Admitted, daming problema ng bansa. Pero hinde ito problema ng isa lang.

    TumugonBurahin
  6. fuck SONA.. kudos sa du'n sa tatlong lispu.. 3 lang 'yun, mas marami pa ring mga buwitre, buwaya, at baboy..

    TumugonBurahin
  7. This is the best sona so far may video video pang peg si Pnoy with matching testimonials

    TumugonBurahin
  8. No comment when it comes to the SONA details but in fairness to the current President wala pa rin syang bahid ng personal na corruption hindi tulad nung mga sinundan nya lalo na yung "babaeng dwende"

    TumugonBurahin
  9. tama puro positive at gusto ko yun hehehehe.
    hindi nmn sa wala na akong pakialam, napagod nalang siguro ako sa lahat ng pangako.

    TumugonBurahin
  10. Hindi ko na pinag-aksyahan ng panahon panoorin ang SONA this year. Ang bad ko ba? Hindi naman, busy lang hehe... (or baka wala na ko pakialam).

    Kung nasa gitna na tayo ng tuwid na daan, I sure don't feel it.



    TumugonBurahin
  11. naku di ako nanuod, wala naman kasi bago ee,
    puros papogi at patama lang naman magaling
    si pnoy! mas gugustuhin ko pang bilangin ung natitirang buhok
    nya kesa makinig sa sona nya

    TumugonBurahin
  12. No comment ako na walang alam actually. But i like positive people. So I like him. Isa pa at least nag improve economy ng Pinas. Nobody is perfect at di madali ang maging president. At di rin madali ma please mga pinoy.
    So good luck to him.
    There will be always rich or poor, bad and good people. It is up to us to help ourselves and each other. The President can't do it alone.
    Peace Senyor:)

    TumugonBurahin
  13. May nabanggit din si Senator Miriam Defensor Santiago na baket pa daw bang kailangang gumastos ng malaki at magpabongga ng mga Kongresista and their wife/husbands sa mga susuotin nila? Tama ka sa iyong tinuran na nagiging "Fashion Show" na lang ang yearly SONA ng ating mahal na Pangulo.

    /sigh...

    TumugonBurahin
  14. In fairness naman naging strikto ang government sa tiwali. Unlike nong ky gloria. Na feel ko yan kasi HR yung tita ko sa local gov ng bukid namin dito. Ang higpit. Kaso dito kaso duon. Kaya mejo lumalaylow yung kurap

    TumugonBurahin
  15. Hanggang ngayon hindi ko pa rin napapanood ang full version ng SONA, at hindi pa ako nakakakuha ang copy ng speech.

    Gusto ko sana himayin isa isa yung mga sinabi ni PNoy. But something tells me na hindi ako mapapahanga this time.

    And as for the fashion show, well, come on. Pilipinas lang talaga ang may mga epaloids na congressmen. Yung sa Amerika at kahit dito sa Italya eh makikita ang pagiging mayaman at magarbo nila OFF THE CAMERA. But you'll normally see them in their suits, walking down the streets without any bodyguards, having coffee at the nearest coffee shop from the Parliament. Hindi mo nga din sila basta basta mapapansin dahil they look so common. Eh itong mga epaloids na ito? Sh*t na malagkit!

    Mukhang absent din si idol.

    Ang isa sa mga primary concern ko ay ang foreign policy ng Aquino Administration. The Aquino 2 administration seems to be playing a double-game- one that is appeasing China, and one that is fighting like the aggressive underdog.

    Whatever the case is, i believe there's an appalling hypocrisy in this Daang Matuwid policy. Yes, it is straight but nobody said that this path is really clean. So far, I've seen a lot of sh*ts along the way. Some were taken away, some were untouchable (that includes Bianca, hahaha!).

    If PNoy really wants to be different from the witch of the past, then he must do what no President of the REpublic dared to do- GIVE THE MARCHING ORDER TO PASS THE FOI BILL.

    TumugonBurahin
  16. Di rin sya sangayon sa foi gYa ng ibang naupo.

    Pati ung sa ofw wala syang nabanggit

    TumugonBurahin
  17. I didn't watch it. Which is just OK since nabanggit mo naman na na-evade nga yung ibang mga issue na gustong matalakay ng mga tao. I'm sure ang tingin ng marami sa sona eh national standup comedy. Yung sa kapulisan, hindi dapat mag-generalize. Hindi lahat tiwali, hindi rin lahat dapat pagkatiwalaan.

    TumugonBurahin
  18. hindi ko rin ito pinagaksayahang panuorin .. kahit meron pang replay.. wala naman akong mapapala dito .. hahaha .. nakakatamad lang pakinggan mga magagandang nagawa "daw" nila, tama ka hindi naman talaga ramdam .. at parang malabong maramdaman ng karamihan sa mga ordinaryong mamamayan ..

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...