MODNARAMUR: #HarshTags

Nakakapagod at nakakaumay na ang pagbabasa ng mga rant posts sa blogs, FB, Twitter at iba pang social media sites. Hindi na mabilang ang ilang eye rolling at taas-kilay moments sa tuwing may mga uber selfie shenanigans from closed friends down to so-so/fake friends.

Bakit ko sinasabi ang mga ito? Wala lang. Gusto ko lang magkaroon ng introduction. Ang totoo niyan, from the title itself, MODNARAMUR - RUMARANDOM! 

Scattered ang aking thoughts kaya naman hayaan niyo akong ilista ang mga kalat-kalat na kaisipang nagsisiksikan sa aking masikip ngunit pinkish na puerta.

  • Hooked ako sa The Voice of the Philippines. I just love the concept. Karamihan sa mga qualifiers ng blind auditions, hindi visually enticing pero gifted with superb voice. Hindi talaga ibinibigay ang lahat. Masarap silang pakinggan ngunit masakit sa mata panuorin. #Just saying #NoFilter #ItsTheVoiceNotTheFace.
  • Congratulations to Nancy Binay for finishing the 5-day course on lawmaking sa UP! Hanga ako at inuna niya ang pagtakbo bilang Senador bago aralin ang Legislation 101. At dahil 6 years ang OJT niya, iboboto ko na siya for re-election sa susunod na pagkandidato. By that time, siguradong ready na siya. #BlackMagic #DarkHorse #NancySaDiliman
Nag-itim pa talaga si Ate...
  •  Ayaw ng CBCP sa tuluyang pagsasabatas ng RH Law pero mas priority nila ang pagtutol sa teleseryeng My Husband's Lover dahil sinasariwa nito ang kanilang tinalikurang tawag ng katotohanan. #M2MChronicles #ThisGuysInloveWithYouPari
  • Naka-100 posts na pala ako rito sa aking maduming eskinita. No big deal pero salamat na rin. Dito, nakatagpo ng bagong mundo, nakilala ang mga bagong kaibigan at naibilad ang sarili sa bagong sistema. Sa karanasang ito, I learned one great thing - I'm not a blogger! #PoserNaBloggerPa #MgaPostsNaBasura #PuroKaRant
  • Plano ng Philippine Government under PNoy Administration na iahon sa hirap ang mga pinoy by 2016. May 2-year agenda na silang nakahain. Kahanga-hanga ang suntok sa buwang ambisyon. #Goodluck #SinoNilolokoMoPNoy #NekNekMo
  • Bisitahin ang blog ni Lili na ThinkingOutLoud upang mas lalong makilala si Senyor Iskwater (ako 'yon!). Mag-iwan ng komento o ng kahit anung violent reactions. Nakakahiya naman kung lalangawin ang post at mapagtanto niyang isang malaking pagkakamali ang ako'y itampok. #Q&AWithSenyor #UmiEnglishNaHampasLupa #MatabaDambuhala
21016_10151659895783793_2057515420_n
  • Isang buwan na ang nagdaan mula noong back-to-back na nag-Out bilang lesbian sina Charice at ang kanyang Mommy Racquel. Sa gitna ng sunod-sunod na rebelasyon, kailan aamin si Kuya Germs sa tunay niyang sexual preference? #WalangAminan #IbalikAngThatsEntertainment #Tomboy101
  • From the name Philippines, dapat daw maging 'Filipinas'. Kung bakit, hindi ko na inalam dahil sigurado namang walang patutunguan ang ideyang ito. Hindi ako sang-ayon unless babaguhin din ang Pampanga to Famfanga, Cubao to KuhVow, Antipolo to AuntiePiolo or Caloocan to Beverly Hills. #ChangeIsNotAlwaysGood #ChangeSomethingElse #WageWarAgainstChina
  • Bad Trip! DJ Mo Twister's GoodTimesWithMo morning radio show got suspended for 5 months. The reason? Hot topic on SEX. Lame! I have been a fan of the program ever since and it is way better than RX' The Morning Rush with Chico, Delamar and Gino. Say bye-bye to my daily morning habit for now. #MoTwisterIsMySaint #GoodTimesTurnedBad #MoTwisterIsLove
  • Lifelong struggle sa akin ang Healthy Living pero dahil sa pagkapanalo sa Poem Writing anniversary pakontes ni Iya_khin ng When She Cries, feeling health expert at bigatin ako. Health expert dahil tungkol sa kalusugan ang theme ng competition at feeling bigatin dahil ang premyo ay Adidas Running Shoes. Realization? I should join more contests.Yehey! #DefineChamba #TakboTakboPagMayTime #SalamatKaySosyalerangIya_Khin

Dito na natatapos ang post na ito. Salamat at hanggang sa muli skip readers!!!

25 komento:

  1. Wow! Nanalo ka pala sa poem writing. Congratulation.
    Anyway, thanks for all your random thoughts. Mas nakikila kita in person at nakakabasa din ako ng updates about Pinas:)
    Sige bisitahin ko si Lili kahit nabasa ko na ang interview sa blog mo:)
    Take care of yourself Senyor; body, soul and spirit.

    TumugonBurahin
  2. Ay sorry, sa blog nya pala ko nabasa:) Picure mo kasi nakita ko agad at nag assume na ako ng blog mo. hi hi. Hirap talaga pag tumanda na. Hi hi

    TumugonBurahin
  3. Congrats!

    Dito ko lang nabalitaan ung kay mo twister

    Daming interviews!

    Maraming mababaago lag natuloy yang Filipinas something

    TumugonBurahin
  4. Regarding sa My Husband's Lover, hindi ko makita sa palabas although di ko talaga pinapanood ang sinasabi nilang gender equality o pagbibigay galang sa kabaklaan. Ang nakikita kong equality dito ay puede rin palang gawin ng 3rd sex ang pagsira sa pamilya. yun kasi ang plot. Mas dapat ata maoffend ang 3rd sex dito kesa matuwa. And i don't see it as a priority of CBCP. Year of Faith ngayon, dun sila mas busy. :)

    TumugonBurahin
  5. congrats! tatakbo na yan! haha

    hmm.... fumafashion galore na si nancy binay ah....

    TumugonBurahin
  6. Sana sa pagchange ng name ng phil magbago din ang status ng filipino. Eto lang balita ang naiinis ako.

    TumugonBurahin
  7. unless babaguhin din ang Pampanga to Famfanga, Cubao to KuhVow, Antipolo to AuntiePiolo or Caloocan to Beverly Hills-- ang dami kong tawa dito..ahaha ngayon ko lang nalaman ang mga balita na ganito, salamat sayo senyor updated ako sa pinas uli..hahahaha

    TumugonBurahin
  8. senyor congrats.
    astig nman tlga tula mo.
    hahaha sama nga papalitan ng mga name.
    aus yan.
    Ang daming problema pero un mga pangalan pa un inuuna.
    huh.
    F*** to them!

    TumugonBurahin
  9. nice set of random thoughts.. minsan masarap din ang random-random lalo na sa mga araw na sinasabaw ang utak..

    congrats sa pagkakapanalo mo sa poem-writing contest.. alam ko na may ilalaban talaga 'yung tula mo na 'yun.. hehehe

    TumugonBurahin
  10. huwaw! Ikaw pala nanalo sa pakontest ni Iya_khin! Congrats! Pa kape ka Senyor! Akala ko yong realization mo eh magiging "health/fitness buff" ka na, yon pala join more contest hahaha

    TumugonBurahin
  11. ito ang random na may laman! well wa kaming tv naun naglayas at nasira din audio ng pc ko kaya di ako makapanuod ng the voice PH, hmm nice congrats sa pagkakapanalo sa contest ni iya, at sa first 100 post mo! more to cum!

    TumugonBurahin
  12. eto ang mga fave ko eh random posts! more more more!

    tara takbo na may adidas running shoes na eh ;)

    TumugonBurahin
  13. hello, senyor... salamat sa dalaw, ha... and thank you for the interest. warm regards... :)

    TumugonBurahin
  14. uy Congrats senyorsa pagkapanalo sa pakontes ni iya :)
    balita ko pair of running shoes daw panalo mo? hehe.. tara mag running na tayo. at sumali sa Ayala Triads! :)

    TumugonBurahin
  15. Nalost ako ng slight sa title, ang slow ko, binaligatad lang pala na rumaramdon haha...


    Anyway, hindi na ko nanonood ng local TV hindi dahil I'm a snob kundi di lang ako makasingit sa panonood sa dorm hehe... Needless to say di ko alam ang nangyayari sa The Voice.

    May 5-day course pala on lawmaking sa UP? Pag kumuha ba ko nyan pwede na ko tumakbo sa susunod na election kahit hindi pa ko nakakapag forever OJT like Nancy?

    Sa totoo lang, feeling ko nanonood ang CBCP ng My Husband's Lover. Aminin!!!

    #hanudaw? two-year agenda para maahon sa hirap ang pinoy? Lakas makaambisyon!

    O sige babasahin ko post ni Lili about you hihi... Wait lang tapusin ko lang pagcomment ko here haha...

    Si Kuya Germs wala na kailangang aminin. Hindi na inaamin ang obvious naman na, nyahahaha...

    Nabasa ko nga yung post ni professional heckler about the Filipinas thingy, nakakatawa lang. Isipin ko lang na ang PMA maging FeeMA na, natatawa na ko. It goes to show marami talaga sa pinas na walang magawa at sadyang papampam.

    Never ko pang napakinggan si DJ Mo on radio kasi like TV, wala na din akong alam sa radyo. Musta naman sa wala na lang akong kamalay-malay sa lahat hahaha...

    Winner ka pala sa pacontest ni Iya_Khin, congrats!!! Inggit ko, never pa ko nanalo sa online pacontest, kaka frustrate lungs!

    Haba ng comment ko, sorry na hehe...

    TumugonBurahin
  16. Congrats sa pagkapanalo at teka pari tlga at hindi pare?

    TumugonBurahin
  17. #CongratumalationsSenyor!

    At natawa ako sa hashtag mo kay KuyaGerms.... Wag mo pilitin... malay mo pag susunduin na sya, saka umamins. lols.

    pernes din, like ko ang #ThisGuysInLoveWithYouPari! panalo!

    TumugonBurahin
  18. Grabe, wagas sa hashtags hahaha :D

    #PHVoice - Solid Team Leah here :))

    Congrats on your 100th posts!

    and the rest... steady lungs!

    TumugonBurahin
  19. Haha harsh tags nga! Si Binay o nang iinis lang pag tinignan mo parang sinasabi nyang, "nasa akin ang huling halakhak" lol

    Hehe si kuya Germs kahit di umamin yan e andyan naman ang sidekick nyang si shalala na alams ang lahat lol

    Congratulations, you deserve to win! Happy blog anniv kay iyakhin :)

    TumugonBurahin
  20. super random! parang bet kong gawin to minsan para magkapost naman sa blog ko hehe.. uy congrats sa pagkapanalo ng shoes..gamitin na yan sa fun run haha!

    TumugonBurahin
  21. Panalo tong posts mo senyor, bentang benta sakin at natawa ako sobra, kaya si boyfie na curious at nakibasa na din. Hahaha!

    TumugonBurahin
  22. ngayon lang talaga nila naisipan palitan ang letrang P to 'F' syet na yan makalipas ng mahabang panahon. kung willing sila ibalik talaga ito bakit hindi pa noon at bakit ngayon lang nila naisipan. someone is gaining fame to do this syet.

    TumugonBurahin
  23. Sana e magamit ang running shoes ha! haha! :D

    at syempre hindi talaga nawala ang pang ookray mo sa mga contestants. haha pati si Binay present din! lol

    ive had enough sa p to f issue na yan. Bahala sila haha

    TumugonBurahin
  24. Ayaw natin sa F na yan. haha. Maka-eFal lang.

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...