When Iskwater Meets Marge of Coffehan

Grammatically perfect ang ating panauhing pandangal ngayong buwan.
Isang petite and pretty blogger na ubod ng tinik ang writing style. Popcorn niya ang subject-verb agreement at maning-mani sa kanya ang verb tenses.

Minsan lang ako mapahanga ng isang manunulat na ang medium ay English. Luckily, I had the chance to meet her. Featuring her sa aking munting eskinita ay isang malaking karangalan at tulad ko, tiyak na maaakit kayo sa taglay niyang ganda - inside and out.

Aakalain mong mataray pero in person, maaisip mong may karapatan naman palang magtaray. Kutis mayaman, mukhang laki sa aircon  at may daily school service noong elementary and high school. Malamang 1K ang weekly allowance niya noong college. Sosyalera lang!

I am pleased to introduce...


Ikaw na ang may Diwata Curl sa gitna ng Karagatan!

--- o0o---

Full Name: Marjorie Gavan
Age: 30
Sex: F
Location: Makati
Civil Status: Single
Twitter Account: @marge_gavan


Kumusta ka naman?
- Habang sinusulat ko 'to, bangag ako sa gamot. I'm currently on medication kaya 'eto unang araw after ng two-week sick leave eh feeling high ako hehe...


Read my Lips...

Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed?
- I did a double take, I thought I misread your message. Buti serious ka naman pala hahaha... Oh yeah, I'm flattered of course.

What’s with the blog name, “Coffeehan”?
- It is a play of the word "kapihan".
Coffeehan
Coffehan - Astig at Uber Catchy Blog Name

When did you start blogging?
- August 2010

Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging?
- I was compelled by my friend, Ana, who works in a newspaper to start blogging. This is so she could take me to her places of coverage, para meron akong "ticket" to be in those events at 'di ako masabihan ng events organizer na "Hu u? Lumayas ka! You don't belong here, hindi 'to libre kainan! PG, lapastangan!" mga ganyan hehe...

Ano ang iyong most favorite post so far? Why?
- It has to be this, "Random Post: Of death, living ghost, and busy folks."  It is my most heartfelt post, lakas maka-emo. For some reason, it also picked the minds of my readers. It is evident with their comments.

What are the challenges you experienced as a blogger?
- Hmm... Trying to find time to blog in the midst of my busy sched. There was a period when I had all the time in the world to write whenever wherever, ang problema ko lang nun, how to get past my katamaran. Now, there are materials to be written and there is the willingness to work on it, kaso sobrang busy naman ako sa trabaho ko. Lakas maka first world problem eh no hehe...

Ganito magtaray ng nakatalikod!

What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba.
- I had a dream before to be among the country's most famous bloggers. Now after almost 3 years of doing this, sa awa ng juice, dream ko pa rin 'yan hahaha... Kidding aside, I want my blog to be popular, at least kahit within the bloggers community. Hindi dahil may hidden desire ako ma-feature sa Kapuso Mo Jessica Soho, FHM Magazine (sabi ko sa'yo bangag ako eh), or gusto ko na konting scroll lang ng reader sa blog ko, may piso na ko, I want it to be known because a blog to a blogger is what a book is to an author (gumaganon?). Legacy 'yan ng blogger, na kahit mamatay ako ngayon na walang anak eh may maiiwan ako ng evidence of my existence in this world. 

Who are your Top 3 favorite bloggers? Why?
1) Madma - I like how he infuses politics and humor to come up with relevant but entertaining posts. 

2) Glentot - So far he's the only blogger na pinagtyagaan kong i-backread lahat ng posts. I like how he presents his story at sobrang nakakatawa ang mga posts n'ya. 

3) Pretty Ugly - She's witty, funny, writes well, takes fab photos, and yeah she is the prettiest blogger I know. Despite her beauty and good stature in life she can make fun of herself so reading her posts is always a joy.

Ano ang iyong pinaka-unforgetable experience as a blogger?
- When I joined the PBO program at Bahay ni Maria. There were other blogger events that I've attended prior to that but they were, most of the time, promotional. Ika nga, you attend, you write about it, then you move on. But with PBO, you don't move on, the essence of the event stays with you for a long time. You get a sense of purpose, it changes you, and it is by far, one if not the best thing that ever happened to me as a blogger.


Upo-upo rin sa Floor 'Pag may Time!

Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano?
- Just my domain. I want it to be a .com. 

Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry?
- Mainly on photo editing. I place a watermark of my blog's name on the bottom of the picture. 'Yun lang naman.

For you, paano mo masasabi na ang isang post ay worth reading?
- If it is engaging, entertaining, and relevant to the life of the reader.

Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo.
- Of course.

Anung comment and hindi mo malilimutan?
- 'Yung comment nung atribidong blogger who tried to edit my post. Yon, hinding-hindi ko na yun makakalimutan! Kai-rita avila!
Kamay pa lang, ulam na! 

Sino ang pinaka-favorite mong commentator?
- Si Zai, because it is evident that he reads the post before siya nag-comment. 'Yung iba kasi parang naka-default na ang comment sa blog ko eh. Para bang nag-comment lang to encourage me to comment to theirs.

What do you hate most about blogging?
- Dealing with haters or all-knowing turds. 

Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging?
- As long as there's new food to try, places to explore, and personal shiz to deal with, that's how long I see myself in blogging.

What will make you quit blogging?
- When I no longer have time to maintain it.


Pretty na, Talentada pa! Kapikon, noh?

How do you want to be remembered as a blogger?
- As a person who may not have all the money in the world but tries her damnedest to do the best things life has to offer.

Ano ang iyong mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin?
- Don't comment for the sake of commenting. The best compliment you could ever give to a blogger is when you've actually read what he/she has written.

Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater?
- Iskwater for me is a brand of survival. You become one not because you wanted to but because you had to do something to live. 

Caption this!

Iskwater ka ba? Bakit? Why not?
- In a way, I am. I sometimes find myself in situations beyond my control, but I always choose to learn to live with it. 

Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!)

Kapamilya o Kapuso? - Kapuso
Jollibee o McDo? - Jollibee
Touch or See? - See
Lights On o Lights Off? - Lights on
Nora o Vilma? - Nora
Mahal Mo o Mahal Ka? - Mahal ko
Face o Body? - Face
Gwapong Tanga o Matalinong Ugly? - None hehehe...
Younger or Older? - Older
Payat o Mataba? - Payat
Smoke or Drink? - Drink
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? - Kiss w/o sex
Mabilisan or Take your Time? - Take your time 
To Eat or To Be Eaten? - To be eaten 
Maikli o Mahaba? - Mahaba

Ang gandang walang pinipiling anggulo!

Matapos nang aming maikling kwentuhan, isa lang ang aking napagtanto, puno ng saysay at sustansya ang babaeng ito. Walang ere at hindi sablay! Mali ang akalaing 'pag maganda, matumal sa matatabang brain cells. Very wrong!

Nakakapikon lang kasi may hitsura't matalino na siya, talentado pa. Pwede bang isa lang?

...and guys, she's SINGLE!!! 

Please visit her blog at tulad ko, iisipin niyong isa siyang good catch! Dare?!?





Marge's Motto in Life: "If you really feel like giving up, do it tomorrow."  

49 (na) komento:

  1. nakita ko siya una medyo napalingon ako kasi ang ganda ng buhok.. hindi ko pa alam nu'n kasama pala siya sa sabak..

    olats nga lang ako pagdating sa blog niya.. tamad ako magbasa 'pag inglesan na.. pero base sa mga sagot niya, pictures, mga ginagawa, etc, alam kong mabait na tao din siya tsaka nag-i-enjoy lang sa buhay.. at naggigitara pa.. hehehe

    followed na..

    TumugonBurahin
  2. wonder why she is still single... combo na nga sya (pretty, brainy, talented)... hhmmm...baka choosy?

    TumugonBurahin
  3. I'Ll revisit her blog as soon as i finish this comment, judging from her answers, she seems to be a good,well-natured person.at ang talino at ganda, umaapaw. good catch nga senyor. Bagay kyo since aminado kang good catch ka rin. Haha, you can catch other when one of you falls. Kidding aside, senyor, kinilig ako,galing mo magpromote.

    TumugonBurahin
  4. nabitin ako sa interview na to.. more pa hehe.. i enjoyed reading this.. favorite ko yung sagot nia sa tanong na "What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger?" ang daming laman eh.. ang ganda nga ng babaeng ito kahit saang anggulo..loob man at labas.. sya yung tipo ng babae na kahit babae eh magkaka-crush..sabi ko nga sa kanya noon..natotomboy ako sa kanya haha!

    TumugonBurahin
  5. I'm in love with Marge. And I don't even like girls.

    TumugonBurahin
  6. ititweet ko nalang kay senyor yung comment ko, haha

    TumugonBurahin
  7. Isa sa mga bloggers na may magandang mukha. :)

    TumugonBurahin
  8. dahil sa post na to. I am now questioning my "preference". Haha

    TumugonBurahin
  9. ang ganda ganda naman niya.. nakaka-bi.. hehehe... at nakakahiya naman sa mga balahurang katulad ko.. hahaha.. but followed!! mukhang matututo ako mag ingles sa blog niya hahahah

    TumugonBurahin
  10. please read

    http://projectrusell.blogspot.com/2013/08/charges-against-senyor-iskwater.html

    TumugonBurahin
  11. 30? really??? Nung nakita ko si ateng nung sabak feeling ko magka-age lang kami - 16 y/o. lols. Honestly, ang cool ni ate marge. I did read some of her posts (shiz! nakakahiya english ko.lol), kapag nagbabasa ako feeling ko ang hirap abutin ni ate marge, kasi english ang peg at sosyal. Baka lang di nya trip yung mga pambabalahura and ibang kaekekan ng buhay na non-sense. Ganyan. Pero nung sabak, astig ng porma, hipster :) lab et! Hehe. Nahiya tuloy ako lumapit... Astig pa ng mga inks nya sa katawan. Dati nag-aalangan ako magpa-tats kasi baka di bumagay sakin lalo na pormal-pormal ang pine-peg ko minsan. Pero nung nakita ko si ate Marge at yung tats nya, naisip ko bukas papa-ink na ko. Hahaha! Kidding aside, sana maging friends kami in person para naman ma-enhance ang english skills ko and everything. So other won't give a shiz! (Oh ayan may natutunan akong shiz) Hehe. Gandang walang pinipiling anggulo talaga! Kahit in-person!

    TumugonBurahin
  12. Nakakatuwa naman komento mo... Parang masyado mo siyang nahilatsa nung huling sabak ah...

    Nakakahiya ngang mag-english 'pag kasama 'yan...

    You know... Shiz!

    TumugonBurahin
  13. Oooh, siya pala si Ate Marge :)) such a pretty face and an awesome blogger I must say (based sa description mo sa kanya dito)

    try ko ngang tumambay at mag kape sa blog niya after this ^_^

    Nice interview portion btw!

    TumugonBurahin
  14. Senyor salamat talaga sa pag-feature sa akin teh! At sa mga nagcomments thanks po sa inyo!

    TumugonBurahin
  15. "Don't comment for the sake of commenting. The best compliment you could ever give to a blogger is when you've actually read what he/she has written"

    - hmm.. tama naman .. pero totoo parin naman siguro , para sa akin, na kaya ka nagcocomment eh para hikayatin din sila na magcomment sayo di ba? Para magkarron ka pa ng mas marami pang kakilala at kaibigan dito sa blogging.. pero it doesnt mean na hindi niya binasa/inintindi/inunawa ang blog mo..

    hehe.. makacomment lang,

    pero grabe talaga maganda siya at nakakatomboy .. hihihi.. crush ko na siya wahaha.. pero feeling ko kanina while looking at her pictures eh magkamukna na kami .. lols. panaginip ko lang yun .. pero maganda talaga .. sexy pa .. witwiw

    TumugonBurahin
  16. hindi s'ya maganda. Hingit pa s'ya sa maganda ;)

    Napadpad na ako minsan sa blog n'ya at hindi ko kinaya, parang may nagtaboy sa akin palabas sa lungga n'ya at sumigay ng "hindi ka nababagay dito, hampaslupa! hahaha

    Noong pauwi na kayo noong sabak, maglalakas-loob sana akong humingi ng pabor kay Marge. Kaso nahihiya ako. Sasabihin ko lang naman sanang "Mam, pwedeng? (insert mahabang pause) INGAT?

    At ngayon maglalakas-loob akong humingi ng pabor sa kanya dahil alam ko mababasa n'ya ito "Mam, pakiingatan po ang inyong mata, ang ganda-ganda kasi"

    TumugonBurahin
  17. i like her because shes beautiful and down to earth person.
    matalino na maganda pa.
    seksi at maganda.
    inuulit ko lng ang maganda diba hehehe, eh natotomboy na hehehe

    TumugonBurahin
  18. I super duper want to meet Marge in person. Maglalasing kami sa kape!!! :)

    TumugonBurahin
  19. Nung makita ko sia in person natakot ako kasi mayamn eh maputi eh! Tas mukang mataray pero mukang may tinatagong kalog nmn

    TumugonBurahin
  20. hala.. sya pala yung kasama naten sa sabak ng BMIM hehe :) sayang at hindi ako nakapagpa picture sa isa sa may magandang mukha sa mundo ng blogging! hehe

    at gaya nila ser jess at ser joey.. minsan naden ako napadpad sa blog nya, gann din nangyari saken haha! hindi ko kinaya ang inglisan! ^_^ hehe

    TumugonBurahin
  21. yes! a very talented and beautiful woman indeed! Lucky is the man who can make her heart beat:)

    TumugonBurahin
  22. Hmmm, senyor, siya ba yung sagot sa itinanong ko sa iyo tungkol kay A?, ha,ha,ha.

    TumugonBurahin
  23. hindi talaga ako mahilig mag-comment unless may natanaw ang aking mata.. lam mo yan senyor hahaha!

    TumugonBurahin
  24. gaya ng sabi ni ate sherene, nakakatomboy :)) hehe! ang swerte ng magiging man niya.

    TumugonBurahin
  25. Tama ba ang pagkakaalala ko kasama siya dun sa Sabak noong nakaraan di ba? unang kita ko pa lang sa kanya boom, sobrang ganda niya simple kagandahan pero mapapasecond look ka... gusto ko yung mga sagot niya.. punto per punto ika nga lalo na yung sa part ng definition ng iskwater...

    TumugonBurahin
  26. blogworld goddess :) maganda na matalino pa at may puso sa pagtulong.... at walang tiulak-kabigin sa mga panulat nya.... keep it up miss marge :) i crush you din pala,,,hihihi...

    TumugonBurahin
  27. pwede ko na to mafeature sa nakakatibo post ko! konting pilit na lang sa akin. hahaha. kalurks ka ate gurl. kalurks.

    TumugonBurahin
  28. From Marge blog to here! Kagabi pa dapat, kaso nakatulog ako hehe

    Nakakatuwa naman experience nya sa PBO sa Bahay ni Maria...

    See you again Marge! (close? hahaha)

    TumugonBurahin
  29. ang ganda nman nya senyor.
    pretty, chinita.

    TumugonBurahin
  30. I like the entire post, except that the quote sounds similar to one attributed to Paco Larranaga. See: http://www.pacodocu.com/about

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sorry if it made an impression na Marge owns the quote... I just asked for her motto in life eh...

      Burahin
    2. No harm, no foul. Sensitive lang talaga ako when it comes to proper attribution, lalo na at malapit sa puso ko ang "Give Up Tomorrow." Thanks for the clarification, Senyor!

      Burahin
  31. That's where I got the quote actually, got inspired by what he said abiut giving up tomorrow.

    TumugonBurahin
  32. first ko syang nakita sa blog post ni pinkline. di nya kasi masyadong pinakikita mukha nya until nagpost si Pinkline ng photos nila. at ang super cute nya. at marunong syang mag gitara wow! nakaka tomboy ka naman Marge. at sana youll have an almost perfect partner ;-)

    TumugonBurahin
  33. Wow! Natuwa naman ako sa interview na to! Kaso bitin! Hehe. Thanks for this interview !

    Pretty and smart lady! I love! :) Will read more of her blog posts! :D

    TumugonBurahin
  34. iba talaga ang ganda ni marge ohh! i agree walang pinipiling angulo!
    anyway angas ng definition nya ng iskwater ahh,
    worth it sya sa list mo senyor! kuddos for that,

    TumugonBurahin
  35. Witty and pretty Marge!

    Thumbs up for the interview Senyor.

    TumugonBurahin
  36. Smart, pretty and a very good friend, that's Marge. :)

    Nice blog Senyor. *wink*

    TumugonBurahin
  37. kelan kaya ako malalagay at maiinterview dito.. hahahaha..pang mgaganda lang ba senyor?? hahahaha

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...