Tuloy ang Buhay sa Kaunting Galaw


Sa ikapitomput siyam na ulit ay napagtanto kong hindi madali ang lahat...

Noong una'y inisip kong kakayanin ko ang mga pagsubok. Nang lumaon ay mas tumibay pa ang dibdib dahil marami rin ang nagtagumpay. Nalampasan nila ang ilang bahaging hindi naging madali. Tulad nila, natamo ko rin ang ilang kabiguan at kinailangang kumapit sa iba upang madugtungan ang buhay. Ginusto ko man ang sumuko sa laban, mas nanaig ang pagnanais na gaya ng ilan ay maabot ang matamis na wakas na inaasam.

Hanggang kailan matatapos ang iba't ibang misyon sa bawat kabanatang aking pagdadaanan? Nais ng maghimutok ng aking sentido sa tuwing mapagtatantong may hangganan o may limitasyon ang maaaring mga tamang galaw. Mapait ang malamang huli na ang lahat ngunit salamat dahil patuloy naman ang buhay.

Tila bahaghari ang samu't saring kulay na animo'y mga palamuti ngunit sa likod nito ay malaking balatkayo. Mas hahanap-hanapin ang pare-parehong tingkad na ihahanay ng aking mga kamay upang mas matiyak ang tuluyang pag-agos. Ito ang susing magtutulak na tahakin ang kasunod na pahina ng paglalakbay. Muling pagsalubong sa panibago at mas mahirap na pagsubok. Walang katapusan.

Sa kasalukuyan, gagapiin ang pagnanais na sumuko. Hindi bibitiw ngunit magpapahinga. Nawa'y matamo ang kaliwanagan. Tanging hiling ay ang walang sawang tulong mula sa mga kaanak at kaibigang pinagkakautangan ng buhay. Sa sirkulong ito, ako rin ay tuluyang mag-aabot ng mapagkalingang tugon sa mga pakiusap. Kahit tiket man sa byaheng inyong pupuntahan, asahang ako'y walang sawang magbibigay. 

Just make sure to send your request, okay?

Grabe! Ang hirap ng Level 79 ng Candy Crush!



Send me Lives!!!

33 komento:

  1. LOL. Hahaha. Candy Crush pala. Nice post

    TumugonBurahin
  2. kaya me ganitong invites ka sakin sa facebook. buti nalang give up ko na ang games.

    TumugonBurahin
  3. Tae, tawang tawa ako dito!! Candy Crush lang pala.. Anak ng!! hahaha

    TumugonBurahin
  4. You're not yet my fb friend. :( I could send you lives.hahaha! :)

    TumugonBurahin
  5. Anong nangyayari sa mga blogger nyaon? Wala pa namang April Fool's Day ah hahahahaha. Ang ganda pala dito. Belated Happy Birthday senyor!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Take two! Anong nangyayari sa mga bloggers ngayon? Wala pa namang April Fool's Day ah hahahahaha. Ang ganda pala dito. Belated Happy Birthday senyor!

      Burahin
  6. LoLs---ginawan mo pa talaga ng magandang script / kwento ang post na eto..Akala ko naman pang maalala na ang dating -----> fast forward sa bottom..CANDY CRUSH..

    What????...hahahaha..I don't play such game - kasi nga wala yan sa kapanahunan namin eh.. - oh di ba naunahan na kita ng ibabanat mo sa akin..hahaha..

    Seriously, I don't play any online games or sort of that, whole of me says it's just a waste of time hahaha. Pero I respect others like you if you play it after all ginawa yan for one to play and have fun - kaya lang nakakaubos ng oras kapag na hook ka which I have the tendency to be one.

    TumugonBurahin
  7. na windang ako sa closing ceremony ng post mo.. attach na attach na ako then boom... hahahaha kakatuwa lang... pero malaman pa rin kahit para sa games lang..

    TumugonBurahin
  8. pambihirang panimula akala ko kung ano na ang nag papahirap sa iyo Senyor... takte ka hahahahaha

    TumugonBurahin
  9. hahaha..nagawan mo pa talaga ng matalinhagang post.. kaw na adik!
    bakit nga ba ang daming naadik dito? anong meron?

    TumugonBurahin
  10. anak ng! candy crush lang pala hahaha! buti nalang hanggang lvl 5 lang ako dyan sa candy crush na yan tinigil ko na, kung pinagpatuloy ko yan naku. yari.

    TumugonBurahin
  11. candy crush lang pala eh, hehehehe

    TumugonBurahin
  12. haha imba ka talaga senyor seryoso ako sa pagbabasa(kunyare) tapos nakita ko ung picture haha un lang pala! candy crush ahh madownload nga

    TumugonBurahin
  13. Ahahaha! Aysus! Kala ko kung ano na. Nah, no time for games. Except for 4 pics 1 word. Ever tried it? Nerdy game pero ayos din. Hehehe!

    TumugonBurahin
  14. ahahaha.. kala ko kung anong hugot ito.. hahaha

    TumugonBurahin
  15. ang lalim naman ng pinaghugutan mo senyor! hihi pak na pak, wapak!

    hindi ko alam yang game na yan!

    TumugonBurahin
  16. lol!! hahaha, ang hirap nga talaga.

    TumugonBurahin
  17. wala na, sumuko na ko sa candy crush. hindi ako nagtagumpay. hindi para sa akin ang larong ito. ang sakit! pero kailangang tanggapin na hindi lahat ng bagay ay mapapasaiyo kahit gaano kalaki ang pagsisikipag mo. nadala ko sa candy crush ? lol

    TumugonBurahin
  18. Akala ko post birthday blues na ang nangyayari sayo. Si candy crush lang pala. kakasimula ko pa lang maglaro dahil sa sis ko. medyo nakakaadik nga.

    TumugonBurahin
  19. Seriously, the post was very good.. Kung wala yung pix sa baba iisipin mo may prob ka talagang malaki e.

    TumugonBurahin
  20. Ang seryoso ng post! Yon pala isa ka rin sa mga naadik dyan. Haha

    TumugonBurahin
  21. wow sa feeling sobrang busy mo ata sa buhay hindi ko akalain magawa mo pang maglaro nito hahaha kung walang picture, pasok sa banga! lol

    TumugonBurahin
  22. Buti naman, me time pa mag laro.busy busyhan payaman!

    TumugonBurahin
  23. ang daming nagsesend sa akin ng request ng candy crash. ayun blocked na sila. haha. :P

    TumugonBurahin
  24. puteeek ang taas ng drama, candy crush pala. hahaha ang galing mo talagang sumulit ser ha. ikaw na. :-)

    TumugonBurahin
  25. haha! ang deep! candy rush lang pala :P naglalaro din po ako niyan sa tab ng classmate ko at sa FB :P

    from Myxilog with love <3

    TumugonBurahin
  26. nung una akala ko ang bigay ng pinagdadaanan mo..laro lnag pala :D hehe

    http://steph-g.blogspot.com/

    TumugonBurahin
  27. feeling ko pati sa panaginip mo may candy crush..haha

    TumugonBurahin
  28. you really rock!
    love your blog, so you'll have me here again :)

    hope youll follow back <3
    www.malesclutch.blogspot.com

    TumugonBurahin
  29. hahahaha. ingatan ang buhay para makarating sa paroroonan :) ahahah. nice one!

    TumugonBurahin
  30. LMAO!

    nice one! hanep ka talaga magdeliver ng punch line ;)

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...