'Pag nagmahal, dapat kayang pahintuin ang mundo para sa taong minamahal...
Woooooooohhhhh!
Ang sarap umibig!
Lahat gumagaan at lahat nagiging tama. Mararamdaman mo ang sarap ng pagpikit habang nakangiting nakikipaghabulan sa bawat buntong hininga. Nakakatulala. 'Yun bang siya lang nakikita mo at tanging pangalan lang niya ang bukambibig mo. Ayaw mong matapos ang oras na kasama siya kahit tila mga titigan lang ang nagsisilbing usapan. Alam mo ba 'yung pakiramdam na parang may kung ano sa sikmura pero wala naman talaga? Wala lang. Masaya ka lang. Sobrang napakamakulay ng iyong daigdig sa mga sandaling dama ang bilis ng tibok ng dibdib. Oo, pag-ibig ang tawag dito.
Pero siyempre, dapat magpakatotoo at tanggapin na hindi lang tungkol sa kilig ang lahat. Sa simula lang 'yan. May mga masasalimuot na bahagi at hindi laging sarap. Ano ka sinuswerte?
Nabalitaan mo ba ang pagpapakamatay ng anak ni Cesar Montano? Ano'ng dahilan?! Nakipaghiwalay lang naman ang kasintahan at 'yun, hindi kinaya. Tinapos ang buhay.
'Yung barilan sa isang mall? Narinig mo ba 'yun? Dahil lang naman 'yun sa pakiki-apid ng babaeng biktima sa asawa ng may asawa.
Ilan ang kakilala mong babae ang nagkukumahog ngayon sa pagbabanat ng buto para itaguyod mag-isa ang anak? Nasaan ang ama? Nasa piling ng iba.
Magkano ang gastos sa settlement para maging smooth ang anullment process? It costs an arm and a leg.
Bilang mo ba ang ubod ng dami ng patayan na ang ugat ay maling pag-iibigan? Sobrang dami!
Marami ang mga kabataang napariwara, nag-adik, naging magnanakaw o nag- asawa ng maaga dahil hindi nabigyan ng sapat na atensyon ng mga magulang na maagang nagkahiwalay. Maagang nanawa sa pag-ibig ang mga 'yan.
Ilang tawag ng pangarap ang hindi pinakinggan dahil mas binigyang pansin ang tawag ng puso? Naging kasagutan ba at naging susi tungo sa karangyaan? Hindi.
Marami na at parami pa ng parami ang nagiging tanga sa pag-ibig na 'yan.
Haaaaayyyy...
Kaya't kung ikaw ay kasalukuyang nagmamahal at damang-dama mo ang sarap - LUCKY YOU!
Always remember, matatapos din 'yan at kung hindi, okay! Good job!
Gaano na ba kayo katagal?
My parents got separated after 20 years of marriage. Just sharing.
when you get married and grew old; when the love and sparks fade, just stick together and be just partners.
TumugonBurahinThat's how I view relationship
great advise, jei son.
BurahinDefine Pag-ibig....iyak-tawa na lang.
TumugonBurahinLahat tayo ay naghahanap ng perfect match para satin, hindi man he/she/it is perfect in everything, basta yung swak lang sa ugali natin, pero pati yun mahirap hanapin. At sa totoo lang, after one heartbreak, and other tragic stories, I personally have my own fears of delving into another relationship. Kung kelan ako magiging handa ulit, makikita nyo na lang sa change status sa fb... bwahahahaha
Bitter Ocampo, is that you?
TumugonBurahinKaya ako ayaw ko muna ng lalake. Charot hahaa
TumugonBurahinHope mine last for life and after life:)
TumugonBurahinnatawa ako sa komento ni mam lili :)
TumugonBurahinHow much na ba ang cost ng arms and legs ngayon? Haha!
TumugonBurahinBut seriously, nalungkot ako sa last part ng kwento. Ngayon alam ko na kung bakit ganyan ang personality mo. Naniniwala kasi ako na sa bawat ugali o pagkatao ng isang tao whether maganda man yan o masama, may pinaghuhugutan yan.. Malungkot ang buhay mo, oo, pero hindi naging hadlang yun para magpasaya ka ng mga tao sa paligid mo.
And so I pray, na sana one of these days, may isang tao rin na dumating sa buhay mo para magpasaya sa'yo. Don't chase for love, it will come to you when you least expect it. :-)
9 years na kami ng kuya mo sa Ocotber, at sana sa pamamagitan ng patnubay ng Diyos ay hindi niya ako i di divorce hahahaha.
TumugonBurahinSeriously, hiwalay din pla ang parents mo, parents ko din I was 8 when they called it quits.hayzzzz.
Tama ka maraming buwang sa pag ibig, maraming nagpapakamatay tungkol diyan may neighbor kaming binata nagbigti dahil nakikipag hiwalay ang kanyang gf, mapa cezar's son din ang story, sad lang tlga.
walang permanente ika nga nila.. pero sa lagay naman namin, okay naman lahat.. tingnan na lang namin kung hanggang saan kami ipapadpad.. hehehe
TumugonBurahinAng PAG-IBIG nga naman oh... it can turn your entire world upside down!
TumugonBurahinMarami ang nabubuhay ng masaya dahil sa salitang Mahal Kita..
Pero mas marami ang lumuluha dahil din sa salitang yun.
Bakit? Kase mas marami ang bibig na sinungaling kesa sa pusong nagmamahal!
wow nalungkot naman ako sa huli.. same lang tayo ser hehe... hiwalay din ang parents ko.. pero pag hinihingi naman ng pagkakataon nagkakasama sila para sa aming mga anak nila.
TumugonBurahinhindi ako inlove ngayon hahaha! buti nalang strong ang personality ko at hindi ako umabot sa ganyang pagbabaril at pagpapakamatay ^_^
extendend ang love month? chars lungs hihihi.
TumugonBurahinfeeling ko inlove ka talaga ngaun eh.. nirereverse psychology mo lang para hindi halata.. lols :P
TumugonBurahinmedyo may pagka-doom sayer naman ang dating ng post at talagang nananakot pa. :)
TumugonBurahinpero iba iba lang din talaga yan. kanya kanyang love stories naman and kanya kanyang sulat. problema kasi sa iba, nahuhumaling sa mismong "love" at hindi sa mismong taong object of their love and affection. Tuloy , pag nawala na ang kilig, ayun wala na agad. Love is a decision.
mag 8 years na rin kami ni hubby ngayong marso... sana hangang sa pagtanda namin kami pa rin.. minsan nang na subok at muntik nang magkahiwalay.. at alam kung habang tumatagal an dyan yung mga pagsubok na yun... mahirap mag salita ng tapos.. basta when the fires come, i'll pray for the rain na lang pag di ko naagapan.:)
TumugonBurahinhai naku...buti na lang single ako...hehehe pero na mimiss na may inaalagaan...:) but you know, hard times and good times are always part of the equation with commitment...We should always be on our toes always for those matter...:)
TumugonBurahinxx!
Ganun nga talaga ang pag-ibig. paulit-ulit maghihiwalay. Tapos, kapag may matagpuan ka na ulit, getting to know each other ulit, tapos pag di nag-work, hiwalay na naman. Hayss kapagod!
TumugonBurahinBitter101 ba ang post na ito o tama nga si arline na reverse psyc nga??
TumugonBurahinhahahha
Anyways, Love gives us the taste of heaven and hell. Dapat lang alam ko kung saan mo mas gutong tumigil. Dapat din alam mo kung kelan hindi na sapat ang salitang "Mahal kita" para magtagal ang isang relasyon. wala lang. Memasabi lang :)
Ako na naman ba ang inspirasyon mo dito? LOL
TumugonBurahinAgree ako sa lahat ng sinai mo Senyor, bitter lang. Kaya always be careful for what we ask, pag dumating yan, hindi puro smiles, mas madaming simangots... Talking from experience :(
TumugonBurahinLove can only be tragic or becomes a tragedy if God is not the center. Love is not if it is not expressed the way God wants it to be. Love is never an emotion or emotion alone because in the process, emotion dies down or fade away. Love is a commitment.
TumugonBurahinAnd love has no hidden truth. I beg to disagree with the title. How can love becomes a tragedy if it's imbued with God's grace and guidance.
I still believe in 1st Corinthians 13: 4-7 - that is my ultimate definition of love. I must say I'm too idealistic but that's how I want a relationship to be.
If there is no God in our midst, we can easily fall prey to a losing situation because we tend to succumb to our emotions without even consulting the role of God in our lives especially in our problems involving love. It is God that binds us in love and if we encounter rifts in it, we should always call His attention to help us. And with recognizing God in us, we can never be lost or turn our love into tragedy. :))
ang love nga naman...
TumugonBurahinpero kaka sad naman na naghiwalay ang parents mo after 20 yrs....
Pag-ibig nga naman oo, pag di natin naranasang magmahal at mahalin, masaktan at masarapan, iwan at umiwan, magpakatanga at maging matino, matuto o o magbalewala.. well, di natin maiintindihan ang cycle of love. Ganyan na yan, pagbali-baligtarin man ang mundo, walang perpekto at permanenteng pagmamahal kasi lahat pwedeng magbago. Si God lang ang tanging may alam, kaya importanteng isa-alang alang at ilagay sa sentro si God sa ating buhay.
TumugonBurahinLove is beautiful when it's genuine. Again, when it's GENUINE. hindi libog at hindi rin kati sa pagkakaroon ng lovelife. pero maraming klase ng pag-ibig, parang pagkain lang yan, iba-iba pero pagkain in the end.
TumugonBurahinlove involves commitment and its a always a choice. yun ang paniniwala ko... :)
TumugonBurahinhaha iba talaga pag tinamaan ka ng matindi ee nu
TumugonBurahinnakakabaliw na kung minsan,
well kung ang ganyan clasesng love lang ang nabibigya natin kay god nu?
anyways dame na nga shocking news na kagaya nyan!
masyado nalunod sa pagmamahal!
katulad na lang ung nangyaro sa best friend ko!
hays ako kaya anu manyayari sakin mejo controlado pa naman sa naun haha
naalala ko sabi ng bf ko sa akin.... ang LOVE daw ang action word... hindi daw emotion ... kasi kung ang lahat ng tao daw binabase ang pagmamahal sa puro emotion pag nawala na ang emotion wala na din daw ang pag ibig. Sabi nya sakin hindi everyday maganda ang ka partner mo sa paningin mo... hindi araw araw kinikilig ka... sa isang linggo minsan isang araw ka lang kiligin lalo na kung matagal na kayong mag asawa... Tama sya...
TumugonBurahinmarami na ding nag hiwalay kasi sabi nila hindi na nila nararamdaman ang pag ibig...sabi nya sakin kabaliwang dahilan daw un... hehehehe
all good things come to an end, sabi nga nila… kaya wala tayong pwedeng gawin kundi i-treasure na lang ang happy moments…
TumugonBurahinat sa love…dapat it should make us better person…
according pa kay Papa Jack, get out from that affair if it doesn’t bring out the best in you.
bibihira ang nakakarating sa finish line sa karera ng pag-ibig. nice post senyor. ngayon lang ako nagbabasa-basa dito sa balwarte mo :)
TumugonBurahin